02
Pagkalabas ng bahay ni Meira ay napatingin siya sa isang lalaki na naghihintay sa kaniya sa bus, may ngisi sa mga labi nito, kumaway ito sa kaniya dahilan para mapalunok siya.
"Hey Meira let's talk!"Wika nito na lalong kinatakot ni Meira, papalapit na sana 'to sa kaniya nang dumating ang kotse ng kaibigan niya. Kaya walang pagaalinlangan na sumakay siya sa kotse, kita naman de mukha ng lalaki ang dissapointment.
"Perdona por llegar tarde (Sorry for being late)."
Ngumiti na lang si Meira sa kaibigan niya na si Ayesha, tiningnan ni Meira ang kotse nito, at masasabing maganda at bago ang gamit na kotse ng kaibigan.
"Aye, bago ang kotse mo?"Manghang tanong ni Meira, napatawa naman ng mahina si Ayesha dahil ngayon lang ulit niyang nakita ang kaibigan na namangha.
"Syempre, regalo 'yan ni dad sa'kin kahapon 'nong birthday ko. Maganda ba?"Napatawa ng mahina si Meira, kahit papaano ay napapatawa siya ng kaibigan niya, dahilan para hindi siya sumuko sa bahay. Katulad ng Ina niya
isa si Ayesha sa mahalaga sa buhay niya.
"Maganda."Mahinhin na wika ni Meira, napairap ng kaunti si Ayesha dahil sa sinabi ng kaibigan, kaya pinakitaan niya si Meira ng kayang gawin ng kotse niya.
"Hindi sapat ang salitang maganda lang sa kotse na'to dahil ang kotse na 'to ay hindi lang maganda, kung 'di sobrang ganda."Wika ni Ayesha, kaya tumango na lang si Meira. Napatingin si Meira sa kanilang dinadaanan, hindi iyon ang daan papunta sa kanilang paaralan.
Kung 'di papunta sa bahay ng isa pang kaibigan niya, ang boyfriend ng kaibigan niya na si Kenzo.
"Kenzo Alonte!"Malakas na sigaw ni Ayesha dahilan para lumabas na ng bahay si Kenzo at nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya.
Agad na lang na lumipat si Meira sa likod at pinaupo si Kenzo sa front seat katabi ang girlfriend nito.
"Babe, good morning."Paos na wika ni Kenzo at hinalikan ng mariin si Ayesha, dahilan para mapaiwas ng tingin si Meira. Samantalang katulad kanina ay napairap na lang ang isang taong nakatingin sa kanila. Naiinis ang taong ito dahil hindi man lang kaya magsalita ni Meira.
"Tingnan mo nga naman, babae na pala ngayon ang sumusundo sa lalaki."Mataray na wika ng taong 'yon at muling napairap.
"Hmm Meira may problema ba?"Napatingin si Meira kay Kenzo nang tanungin siya nito, napakunot ang noo niya nagtataka kung bakit siya tinanong nito.
"Por qué?(Why?)"Tanong Miera, palihim naman na napairap si Ayesha, nasa isip nito na nagpapansin na naman si Meira sa boyfriend niya.
"Kanina ka pa kasi umiirap, nakita namin sa side mirror oh."Nagulat si Meira sa sinabi ng kaibigan, paanong iirap siya? Samantalang nakatingin nga lang siya sa bintana ng kotse, at ang pagirap sa isang tao ay hindi gawain kaya siya ay nagtataka.
"Sorry masakit kasi 'yung mata ko, kaya umiirap ako."Palusot na lang ni Meira na sinangayunan na lang ng dalawa. Hindi alam ni Meira ang sasabihin sa nga ito dahil bago sabihin ng Ayesha sa kaniya na nagpapansin siya sa boyfriend nito, dahil kilala niya ang kaibigan may pagkaselosa ito. Kaya kahit hindi naman siya umiirap na nakakapagtaka ay pinatulan na lang niya iyon.
"Nandito na tayo."Masiglang wika ni Ayesha, kaagad na silang bumaba, at nagpaiwan na lang si Meira habang nakatingin sa labas ng ekswelahan.
"Estudiante de instituto Universidad Espanya de Filipino."Basa niya sa panglan ng kanilang universidad, ito ang kaisaisahang universidad na tinatanggap lamang ay may kalahating Espanyol at Pilipino at marunong magsalita ng Filipino. Kaya kahit gustong lumipat ni Meira ng paraalan ay hindi niya magawa, dahil kokonti lang ay espanyol na alam niya, pilipino kasing lemgguwahe ang tinuro sa kaniya ng kaniyang Ina.
Sa apat na taon ni Meira sa paaralan ay puro sakit lang ang naranasan niya rito, gusto man niyang lumaban sa lahat pero wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Pagkapasok na pagkapask niya ay malalakas na tawanan na agad ang sumalubong sa kaniya.
"Meira babe!"Napapikit ng mariin si Meira nang may humawak sa braso niya, kilalang-kilala niya ang taong 'yon, ang taong mahal na mahal niya noon.
"Tucker bitawan mo ako."Walang ganang wika niya at hinalis ang pagkakahawak sa kaniya ng binata, napangisi naman ang binata at tinulak siya sa sahig, kasabay no'n ang malakas na tawanan ng lahat.
"Do you think that I still love you?"Seryosong wika nito, napalunok na lang siya at agad na tumakbo palayo. Isa si Tucker sa nang bu-bully sa kaniya, pero hindi alam ng lahat ay naging sila....Minahal niya naman si Tucker pero hindi katulad ng pagmamahal niya sa isang lalaki na matagal niya ng gusto.
Inaamin ni Meira na nasaktan niya ang binata kaya gano'n na lang ang naging ugali nito sa kaniya, agad siyang pununta sa banyo at umiyak ng umiyak. Tuwing makikita niya ang binata lagi siyang nasasaktan at binabalikan ng nakaraan.
"Hiwalayan mo siya!"Seryosong wika ng ama ni Meira, galit na galit ito nang malaman na may nobyo na pala ang kaniyang anak, sa edad na fourteen ay hindi matanggap ng ama niya na nagkaroon na agad ito ng nobyo.
"Pero papá, gusto ko siya."Mahinang wika ni Meira, pilit na pilit ang sarili na sabihin iyon, dahil sa fourteen years niya hindi siya sumasagot sa kaniyang ama at sumusunod na lamang.
"Iba ang gusto sa mahal anak."Napayuko na lang si Meira nang masalita na ang kaniyang ina, tumango na lang siya at pumunta sa kaniyang silid. Ngunit napatigil sa pagiyak si Meira nang tumunod ang kaniyang telepono, ang lalaking matagal niya ng mahal ay tumatawag sa kaniya ngayon.
"M-Meira....Mahal na mahal kita."Alam niyang lasing ang binata nang sabihin nito sa kaniya iyon, pero iyon ang naging dahilan niya para hiwalayan si Tucker.
Inaamin ni Meira na nadala lang siya sa kalungkutan noon kaya pinatulan niya si Tucker, simula nang maghiwalay sila ay naging madilim na ng tuluyan ang mundo niya. Dahil nagtayo ng samahan ang binata upang bullyihin siya.
"What if I say that I still love you?"Nagulat siya nang may biglaang magsalita sa likod niya.
"Tucker..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro