Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01



"Haha si Meira na panget nandito na naman."Sigawan ng mga lalaki habang papasok si Meira, samantalang nakayuko lang ang ulo niya at hindi na pinagtunan ng pansin ang mga lalaki na pinagtatawanan siya. Sa 16 years niyang nabubuhay puro sakit at pasakit ang kaniyang nararamdaman, kaya ang ganitong pangyayari sa kaniya ay wala na lang.

Nagulat si Meira nang biglaan siyang batuhin ng isa sa mga nang bu-bully sa kaniya, muli na naman siyang pinagtawanan ng lahat dahil mistulang parang multo siya dahil sa pagbato sa kania ng harina. Kagaya ng inaasahan ay tatakbo na lang siya nang umiiyak na naman.

Pagdating niya sa bahay ay puro sermon naman ang kaniyang maabutan mula sa kaniyang ama.

"Meira Takara Galyardo!"Malakas na sigaw ng kaniyang ama, pinapagalitan siya nito pag lagi siyang umuuwing madungis.

"Pasensya na po papa..."Kahit hindi siya ang may kasalanan ay siya lagi ang humihingi ng tawad, na kinaayawan ng isang tao sa kaniya na ngayon ay sobrang sama na ng tingin sa kaniya.

"Ang sabi ko sayo ay pahalagaan mo ang sarili mo! Ako ang masisira sayo Meira! Ayusin mo!"Tumango siya at tuluyan ng pumasok sa kaniyang silid, sa araw-araw niyang buhay ay lagi siyang pinapagalitan ng kaniyang ama. Ayaw lagi ng kaniyang ama na siya ay panget na lumalabas, ngunit iyon ang gusto niya, lumabas na walang kung ano-ano sa katawan na sa huli ay sinangayunan na lang ng kaniyang ama, na kahit papaano ay kinatuwa niya.

"Talaga ba? Anong katangahan iyan?""Nanigas si Meira sa kinatatayuan niya nang may marinig ma boses, inikot niya ang mata niya sa paligid, pero wala siyang makita, hanggang sa napatingin siya sa salamin, nawala ang kaniyang replesyon...hanggang sa lumitaw ulit ito na may ngiti na sa labi.

"Meira Takara! Bumaba ka dito!"Napapikit si Meira sa malakas na sigaw ng kaniyang ama mula sa baba, wala siyang nagawa kung 'di magbihis muna at bumaba. At pagbaba niya ay muli na naman siyang napagalitan dahil sa tagal niyang bumaba.

"Ayusin mo ang sarili mo, at matulog ka...."Muling paalala ng kaniyang ama bago siya muli pumasok sa kaniyang silid at pilit na natulog.

"Gumising ka..."Isang magandang tinig ang nagpamulat sa mata ni Meira, siya ay nagtataka kung bakit may tumatawag sa kaniya ng alas singko ng umaga. Kinurot kurot muna niya ang sarili bago tumayo at humarap sa salamin...sinuklay ang kaniyang buhok at pilit na ngumiti.

Napaupo na lang si Meira nang biglang kusang gumalaw ang replesyon niya sa salamin, siya ay huminto na ng pagsusuklay ngunit ang kaniyang replekyon ay patuloy pa'rin sa pagsusuklay.

Hanggang sa magpatay buhay ang ilaw, dahil sa sobrang panic ni Meira ay napatakbo na lang siya sa takot, sino ba namang hindi matatakot? Kung ang sarili mong replekyon ay bigla na lang ngingiti nang nakakatakot.

"Por qué estáis corriendo hija? Qué ocurrió?"
Napatigil na lang sa pagtakbo si Meira nang awatin siya ng kaniyang Ina, nanginginig na umiling si Meira, kahit sabihin niya ito ay hindi 'rin naman maniniwala sa kaniya ang kaniyang Ina. Nagalalang lumapot sa kaniya ito ay marahang sinuklay ang buhok ni Miera gamit ang kamay nito upang pakalmahin ang anak.

"No pasó nada mamá."
Walang ganang wika ni Meira na sinasabi sa sarili na walang nangyari at baka isang imahinasyon lamang niya iyon. Dali-dali na lang siyang pumunta sa kusina, naabutan niya ang kaniyang ama na nagbabasa ng dyaryo, agad naman siyang bumati at hinalikan ang pisnge nito.

"Ikaw ba ay natulog? Bakit ganiyan na naman ang itsura mo?"Iblis sagutan ay umupo na lang si Meira sa upuan, alam na niya na sermon na naman ang aabutin niya ngayong umaga sa kaniyang ama. Ilang araw na'rin siyang hindi nakakatulog, dahil lagi na lang niyang naririnig na may tumatawag sa kaniya at kasabay ng sama-sama niyang problema.

"Anak, hindi ka na naman ba kakain?"Nagaalalang tanong sa kaniya ng kaniyang ina, labis na nagaalala ito sa kaniya dahil laging pumapasok si Meira na hindi kumakain at sobrang payat na nito.

"Vannah, hayaan mo si Meira kung ayaw n'yang kumain."Tahimik na lang na tumango ang ina ni Meira. Samantalang napairap naman ang isang tao na nanonood sa kanila tula naiinis ang taong ito sa nangyayari.

"Tss, hanggang kailan ba siya magtitiis? She always end bow her head, what a loser."Inis na wika ng isang tao habang nakatingin kay Vannah. Napataas na lang ang kilay nito nang utusan ni Henrik si Meira na magayos dahil hindi na naman nito gusto ng itsura ng anak.

"Namumutla ka na Meira, at laging ang gulo-gulo ng buhok mo, mabuti pa ay mag ayos ka man lang, kagaya ng mag make up."Walang nagawa si Meira kung hindi pakinggan ang kaniyang ama at umakyat na sa kaniyang silid, kahit natatakot pa siyang umakyat sa taas ay wala na'rin naman siyang magagawa, mas natatakot siyang mapagalitan ng kaniyang ama kesa sa makita niya ang hindi niya alam kung totoo bang babae sa salamin na siya 'rin naman.

Naligo muna siya at nagbihis ng kaniyang uniforme, kung titingnan ng iba ay sobrang ganda ni Meira, may malaki itong bilugan na mga mata, at kulay berde niyang mga mata na tila nagningning kahit madilim ang mundong kaniyang ginagalawan. Mapapansin 'rin ang sobramg puti nitong balat na tila hindi naarawan, may maliit 'rin ito na ilong at mapupulang mga labi. Kung titingnan talaga ay sobrang ganda na ni Meira, ngunit hindi siya ganong kapalaayos, at nakasanayan na ng lahat na siya si Meira isang panget at walang kwentang nilalang.

Hindi 'rin mapapansin sa itsura niya ang kalahating dugong pilipina niya, mukha talaga siyang espanyola dahil sa kaniyang angking ganda. Pero dahil nasanay ang mga tao na saktan at maliitin siya wala ng nakakita ng totoo niyang kagandahan, na kahit siya ay hindi na'rin nakikita ang angking kagandahan niya.

Habang patuloy siya sa paglalagay ng konting pulbo sa kaniyang mukha ay bigla na lang ngumingiti ang kaniyang replekyon, hindi niya ito napapansin dahil sa tuwing titingin siya sa replekyon niya ay biglang babalik sa dati ang replekyon niya.

"Sana maging maayos ang araw na'to."Wika ni Meira, kahit alam niyang impossibleng bagay na iyon ay may kaunti pa siyang paniniwala na magiging maayos ang lahat. Minsan ay iniisip niya na dadating ang araw na siya naman ay magiging masaya.

"Mamá, papá aalis na po ako."Wika ni Meira at agad nang lumabas sa kanilang bahay. Ngunit pagtawid pa lang niya sa kalsada isang kotse niya na agad ang handang sumagasa sa kaniya..

Pagkalabas ng bahay ni Meira ay napatingin siya sa isang lalaki na naghihintay sa kaniya sa bus, may ngisi sa mga labi nito, kumaway ito sa kaniya dahilan para mapalunok siya.

"Hey Meira let's talk!"Wika nito na lalong kinatakot ni Meira, papalapit na sana 'to sa kaniya nang dumating ang kotse ng kaibigan niya. Kaya walang pagaalinlangan na sumakay siya sa kotse, kita naman sa mukha ng lalaki ang dissapointment.

"Perdona por llegar tarde."Paghingi ng umanhin ng kaniyang kaibigan dahil huli itong dumating.
Ngumiti na lang si Meira sa kaibigan niya na si Ayesha, tiningnan ni Meira ang kotse nito, at masasabing maganda at bago ang gamit na kotse ng kaibigan.

"Esha, bago ang kotse mo?"Manghang tanong ni Meira, napatawa naman ng mahina si Ayesha dahil ngayon lang ulit niyang nakita ang kaibigan na gano'n ang galak.

"Syempre, regalo 'yan ni dad sa'kin kahapon 'nong birthday ko. Maganda ba?"Napatawa ng mahina si Meira, kahit papaano ay napapatawa siya ng kaibigan niya, dahilan para hindi siya sumuko sa bahay. Katulad ng Ina niya isa si Ayesha sa mahalaga sa buhay niya.

"Maganda."Mahinhin na wika ni Meira, napairap ng kaunti si Ayesha dahil sa sinabi ng kaibigan, kaya pinakitaan niya si Meira na kayang gawin ng kotse niya.

"Hindi sapat ang salitang maganda lang sa kotse na'to dahil ang kotse na 'to ay hindi lang maganda, kung 'di sobrang ganda."Wika ni Ayesha, kaya tumango na lang si Meira. Napatingin si Meira sa kanilang dinadaanan, hindi iyon ang daan papunta sa kanilang paaralan.

Kung 'di papunta sa bahay ng isa pang kaibigan niya, ang boyfriend ng kaibigan niya na si Kenzo.

"Kenzo Alonte!"Malakas na sigaw ni Ayesha dahilan para lumabas na ng bahay si Kenzo at nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya.

Agad na lang na lumipat si Meira sa likod at pinaupo si Kenzo sa front seat katabi ang girlfriend nito.

"Babe, good morning."Paos na wika ni Kenzo at hinalikan ng mariin si Ayesha, dahilan para mapaiwas ng tingin si Meira. Samantalang katulad kanina ay napairap na lang ang isang taong nakatingin sa kanila. Naiinis ang taong ito dahil hindi 'man lang kaya magsalita ni Meira.

"Tingnan mo nga naman, babae na pala ngayon ang sumusundo sa lalaki."Mataray na wika ng taong 'yon at muling napairap. Tila inis na inis 'to sa pinapakitang reakyon ni Meira na tila paiyak na.

"Hmm Meira may problema ba?"Napatingin si Meira kay Kenzo nang tanungin siya nito, napakunot ang noo niya nagtataka kung bakit siya tinanong nito.

"Por qué?"Tanong Miera, palihim naman na napairap si Ayesha, nasa isip nito na nagpapansin na naman si Meira sa boyfriend niya.

"Kanina ka pa kasi umiirap, nakita namin sa side mirror oh."Nagulat si Meira sa sinabi ng kaibigan, paanong iirap siya? Samantalang nakatingin nga lang siya sa bintana ng kotse, at ang pagirap sa isang tao ay hindi niya gawain kaya't siya ay nagtataka.

"Sorry masakit kasi 'yung mata ko, kaya parang umiirap ako."Palusot na lang ni Meira na sinangayunan na lang ng dalawa. Hindi alam ni Meira ang sasabihin sa nga ito dahil baka sabihin ni Ayesha sa kaniya na nagpapansin siya sa boyfriend nito, dahil kilala niya ang kaibigan may pagkaselosa ito. Kaya kahit hindi naman siya umiirap na nakakapagtaka ay pinatulan na lang niya iyon.

"Nandito na tayo."Masiglang wika ni Ayesha, kaagad na silang bumaba, at nagpaiwan na lang si Meira habang nakatingin sa labas ng ekswelahan.

Estudiante de institusyon Universidad Espanya de Filipino."Basa niya sa panglan ng kanilang universidad, ito ang kaisaisahang universidad na tinatanggap lamang ay may kalahating Espanyol at Pilipino at marunong magsalita ng Filipino. Kaya kahit gustong lumipat ni Meira ng paraalan ay hindi niya magawa, dahil kakaunti lang ang espanyol na alam niya, filipino kasing lengguwahe ang tinuro sa kaniya ng kaniyang Ina.

Sa apat na taon ni Meira sa paaralan ay puro sakit lang ang naranasan niya rito, gusto man niyang lumaban sa lahat pero wala siyang lakas ng loob na gawin iyon. Pagkapasok na pagkapask niya ay malalakas na tawanan na agad ang sumalubong sa kaniya, kagaya ng inasaahan niya.

"Meira babe!"Napapikit ng mariin si Meira nang may humawak sa braso niya, kilalang-kilala niya ang taong 'yon, ang taong mahal na mahal niya noon.

"Tucker, bitawan mo ako."Walang ganang wika niya at hinalis ang pagkakahawak sa kaniya ng binata, napangisi naman ang binata at tinulak siya sa sahig, kasabay no'n ang malakas na tawanan ng lahat.

"Do you think that I still love you?"Seryosong wika nito, napalunok na lang siya at agad na tumakbo palayo. Isa si Tucker sa nang bu-bully sa kaniya, pero hindi alam ng lahat ay naging sila. Minahal niya naman si Tucker pero hindi katulad ng pagmamahal niya sa isang lalaki na matagal na niyang gusto.

Inaamin ni Meira na nasaktan niya ang binata kaya gano'n na lang ang naging ugali nito sa kaniya, agad siyang pununta sa banyo at umiyak ng umiyak. Tuwing makikita niya ang binata lagi siyang nasasaktan dahil bumabalik ang nakaraan sa kaniya.

"Hiwalayan mo siya!"Seryosong wika ng ama ni Meira, galit na galit ito nang malaman na may nobyo na pala ang kaniyang anak, sa edad na katorce ay hindi matanggap ng ama niya na nagkaroon na agad siya ng nobyo.

"Pero papá, gusto ko siya."Mahinang wika ni Meira, pilit na pilit ang sarili na sabihin iyon, dahil sa labing apat na taon niyang nabubuhay ay hindi siya sumasagot sa kaniyang ama at sumusunod na lamang.

"Iba ang gusto sa mahal anak."Napayuko na lang si Meira nang masalita na ang kaniyang ina, tumango na lang siya at pumunta sa kaniyang silid. Ngunit napatigil sa pagiyak si Meira nang tumunog ang kaniyang telepono, ang lalaking matagal niya ng mahal ay tumatawag sa kaniya ngayon.

"M-Meira....Mahal na mahal kita."Alam niyang lasing ang binata nang sabihin nito sa kaniya iyon, pero iyon ang naging dahilan niya para hiwalayan si Tucker.

Inaamin ni Meira na nadala lang siya sa kalungkutan noon kaya pinatulan niya si Tucker, simula nang maghiwalay sila ay naging madilim na ng tuluyan ang mundo niya. Dahil nagtayo ng samahan ang binata upang maghiganti sa kaniya.

"What if I say that I still love you?"Nagulat siya nang may biglaang magsalita sa likod niya.

"Tucker..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro