Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Found Yah!

JAMIE

I THOUGHT never na ulit akong pupunta sa auditorium unless manonood ako ng stage play. Wala na rin kasi akong business sa Repertory Club. But it turned out that I was wrong! Umakyat kami ni Lorelei sa fifth floor para makipag-meet sa avid fan and director ng production na inurungan ko—si Stein Alberts.

"Jamie! Have you decided to return to the production?" bati niya sa amin nang may malawak na ngiti. Sorry, but that smile wouldn't convince me to rejoin. "The theater misses you."

Alam ko namang mami-miss ako ng teatro lalo na't laki ako roon—not literally though. Kaso masyado na akong na-attach kaya lalayo muna ako at magpapa-miss pa nang kaunti. "Sorry talaga, Stein, pero gusto ko munang mag-break sa acting."

"So why did you call me out here?" Nakapamulsa si Stein, ibinaling ang tingin sa kasama ko. "And why are you with a QED Club member? Oh, yeah! You're one of them now. Are you investigating something? Am I suspect again?"

"Hi!" Pilit na ngumiti at kumaway sa kanya si Lorelei. "Sinabi mo noong last tayong nagkita na kung kailangan namin ang tulong mo na may connection sa numbers, pwede ka naming puntahan, 'di ba?"

"As a way of expressing my gratitude, yes. How can I help you?"

Sumenyas sa akin si Lorelei. Hindi na niya ako kailangang sabihin pa dahil alam ko na ang gagawin. I wasn't that dumb. Inilabas ko ang aking phone at in-input sa screen ang numbers doon sa riddle. I showed it to bespectacled boy who squinted his eyes at it. Sa salamin pa lang niya, alam ko nang smart itong si Stein kaya malamang alam niya kung ano ang meaning nito. At tama nga ako! May ngiting tagumpay na puminta sa mga labi niya.

"Do you know Polybius?" biglang tanong niya. Saglit kaming nagpalitan ng tingin ni Lorelei bago umiling. Student o teacher ba 'yon sa Clark High? Kung oo, bakit sobrang unique at weird ng name niya? "He was a Greek historian of the Hellenistic Period. Aside from his work, The Histories, that described the rise of the Roman Republic, he's also responsible for developing a tool for cryptography."

Oh, I see! Akala ko kung sino na. Historical figure pala. Never ko pang na-encounter ang name na 'yon sa history books na binasa ko. Kung nabasa ko na before, e 'di sana na-recall ko na agad?

Pumunit ng kapirasong papel si Stein mula sa small notebook na inilabas niya mula sa kanyang chest pocket. Lumapit ako sa kanya para makita kung ano'ng gagawin niya. May i-d-in-rawing siyang grid doon. "It's known as the Polybius square. Letters of the alphabet are arranged left to right and top to bottom in a five by five square. To fit all twenty-six letters, I and J are combined in one cell. Five numbers are then aligned on top of the square and another five on the left. We arrange the numbers from one to five."

Pakunot nang pakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya. Parang ine-explain niya ang isang math lesson sa akin 'tapos hindi ko pa rin na-gets. Si Lorelei naman, patango-tango na parang gets niya talaga ang ipinapaliwanag ni Stein.

Ipinakita niya sa amin ang handwritten na Polybius square.

"How can we use this thing?" tanong ni Lorelei.

"The combined row and column numbers represent the position of each letter in the grid." May itinurong numbers si Stein sa labas ng square. "For instance, 14 represents letter D while 24 represents letter I or J. You were given a series of numbers, right? The left digit indicates the row while the right digit indicates the column. Parang naghahanap ka ng coordinates."

Teka, bakit parang familiar 'yon? Aha! Alam ko na! May recently akong na-encounter na situation na may similar set-up.

"Parang sa chessboard!" bulalas ko. Coincidence yata na 'yon ang nilaro namin ni Loki kaninang umaga. "Ang bawat square doon ay nire-represent ng isang letter at isang number. Kunwari, ang A8 ay nasa top left corner. Kaya kahit wala kaming chessboard ni Loki kanina, nagawa naming makapaglaro."

"Now that I've given you the cipher, you may now crack the code." Ch-in-eck ni Stein ang oras sa wristwatch niya. "Sorry, but I need to return to the rehearsal. It's nice seeing you two again. Good luck decoding."

"Thank you so much, Stein! I owe you big time!" sabi ko.

"No problem. I'm always here to help," tugon niya.

Nagpasalamat din si Lorelei sa kanya bago kami bumaba ng hagdanan at bumalik ng clubroom. Inilapag ng kasama ko sa mesa ang Polybius square na d-in-raw ni Stein. May naka-ready na siyang pen at paper kaya siya na ang nag-check kung aling letters ang nagma-match sa numbers. Sige na nga! Sa kanya ko na ipauubaya 'to. Wala rin naman si Loki sa paligid namin kaya walang reason para mag-effort ako masyado.

Wala mang three minutes, na-decipher na namin ang code. Kaso hindi nag-make sense ang sagot na nakuha namin.

D I F D L U I F H Z N

"We probably used the wrong cipher!" Napatayo ako at paulit-ulit na naglakad sa likuran ni Lorelei. Dalawang explanation ang naisip ko: either mali ang pagkaka-decode ni Lorelei o mali ang suggestion niyang pumunta kami sa fifth floor at humingi ng tulong sa kakilala ko. "Nagsayang yata tayo ng oras sa pagpunta kay Stein!"

Tinitigan niya ang papel kung saan niya isinulat ang letters na walang meaning. Kahit anong titig niya roon, hindi magically magpapakita sa kanya ang sagot. 'Tapos pumikit pa siya! Inaalam niya siguro kung saan siya nagkamali.

"Ikaw ang nag-suggest na pumunta tayo sa kanya, 'di ba?" reklamo ko. Kapag hindi namin nahanap si Loki, ang dapat sisihin ay walang iba kundi siya. "Akala ko talagang matutulungan niya tayo kaya pumayag akong—"

Bigla niyang itinaas ang isa niyang kamay. Nakasara pa rin ang mga mata niya. Sandali akong napatigil sa pananalita. "Jamie, pwede mo bang i-recite 'yong riddle mula sa umpisa?"

Umangat ang isa kong kilay. Ano'ng klaseng request 'yon? Pero sige na nga! Bumuntonghininga muna ako bago ko siya pinagbigyan. "Hey, you there! Why don't we play a game? Can't find him anywhere? Oh, what a shame!"

"Next."

"I will give you time, is forty-five minutes fine?" Parang nire-recite ko ang English alphabet, from A to Z. Gano'n kadali. "Better hurry up coz his life is on the line!"

"Next!"

"Find the coordinates, get out of that square. Then take one step back and see the answer."

"One step back!" Bigla siyang tumayo at iminulat ang mga mata niya.

Umangat ang magkabilang balikat ko, napahawak din ako sa dibdib. Bakit ba siya nanggugulat? "I thought nakatulog ka na!"

Muli niyang hinawakan ang pen sa mesa at muling nagsulat ng series of letters sa ilalim ng first row. Kung kanina'y walang sense ang isinulat niya, ngayo'y meron na.

D I F D L U I F H Z N

C H E C K T H E G Y M

Check the gym? Napanganga ako habang pinagmamasdan ang sagot niya. "H-How did you come up with that? May psychic powers ka ba? May nagbigay ba sa 'yo ng sagot habang nakaidlip ka?"

"The clue's on the last line of the riddle," paliwanag niya sabay baba sa panulat. "We got the first series of letters from the original numbers through the Polybius square. What we need to do next is get the letters that precede the ones we have here. C comes before D, H comes before I, E comes before F, and so on and so forth. That's what take one step back meant!"

"So Loki is locked somewhere in the gym? Ano pa'ng hinihintay natin? Tara na!"

Wala na kaming sinayang na oras. Nagmadali kaming lumabas ng clubroom at bumaba ng hagdanan. Nasa unahan siya habang ako'y nakasunod sa kanya. Sa kamamadali namin, may ilang estudyante kaming nabangga o nagtapakan. I gave them an apologetic smile and a simple sorry. Pretty sure that would do the trick!

Umabot ng halos five minutes ang trip namin mula sa high school building papuntang gymnasium. Hinihingal at pinagpapawisan kami pagdating namin doon. Ano ba 'yan? Nakasisira ng poise! Mabuti't wala nang masyadong estudyante rito. Wala masyadong makakikita sa haggard kong itsura.

Ten minutes na lang ang natitira para mahanap namin si Loki.

Our trip from the high school building to the gymnasium took five minutes.

"Let's go and check every room here!" sabi ko. Akmang tutuloy na ako sa hallway nang bigla akong hilahin pabalik ni Lorelei. Minasamaan ko siya ng tingin. "What are you doing? Gusto mo bang magpahinga muna? Wala na tayong oras na dapat sayangin!"

"Mauubos ang oras natin kung iisa-isahin pa natin ang lahat ng rooms dito!" sagot niya.

Oo nga pala! May tatlong floor ang gymnasium. Bawat floor ay may twenty to thirty rooms. Kung may enough time pa sana kami, kaya naming halughugin ang bawat kuwarto rito. Kaso may more or less nine minutes na lang. Hindi kami aabot sa time limit.

"Do you have a better idea?" tanong ko. Ano pa ba'ng way para malaman namin kung saan itinago si Loki? Kung may alam siya, sabihin na niya agad. Huwag na siyang magpatumpik-tumpik pa.

"Alam mo ba kung ano-ano ang mga lugar dito?" tanong niya, palinga-linga sa paligid. "Kailangan nating i-deduce kung saan posibleng idinala si Loki. Baka may lugar dito na hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante. This is the perfect opportunity for you to use your eidetic memory."

Hindi ko naiwasang ngumiti. Kahit siya mismo, hindi niya mai-deny na useful ang talent ko sa ganitong sitwasyon. Well, papakitaan ko ulit siya. Ipinikit ko ang aking mga mata at itinaas ang mga kamay ko. In-imagine ko ang layout ng buong gymnasium—kung ilang rooms ang meron sa bawat floor at kung ano'ng meron sa bawat room. Hindi ko pa na-visit isa-isa ang lahat ng kuwarto rito, pero mare-recall ko kung ano'ng nasilip ko dati, kung ano'ng mga sinabi sa 'kin na purpose ng rooms, at iba pa.

"We have the locker rooms for boys and girls . . . The basketball court on the third floor . . . The men's and women's bathrooms in all floors . . . The equipment room where they keep all materials for physical education classes . . . The storage room where they put all unused or destroyed equipment . . . The lounge on the second floor . . ."

"Where's the storage room here?" tanong ni Lorelei.

Dumilat ang mga mata ko at saka itinuro ang kabilang dulo ng hallway. I had never been there, pero nadaanan ko na dati noong magpi-Physical Education class kami rito. "Doon sa dulo tapos kaliwa. You think doon nila ikinulong si Loki?"

"It's the first thought that came to mind." Mukhang hindi siya gano'n ka-confident. "Maybe it's worth checking?"

Ayaw kong magtiwala sa instinct niya, pero at this point, wala na kaming choice kundi makinig sa gut feeling namin. Suwertehan kung nandoon talaga si Loki. Tinakbo namin ang hallway, nilagpasan ang ilang saradong classrooms at nag-ingat na huwag madulas sa sahig. Huminto kami sa tapat ng pinto na may signage na "STORAGE ROOM: Only authorized personnel allowed." Hinabol muna namin ang aming hininga.

Hinawakan ni Lorelei ang door handle bago tumingin sa akin. Tumango ako sa kanya. Maingat niyang binuksan ang pinto at hinayaang pumasok ang liwanag mula sa labas. Unti-unting nailawan ang madilim na kuwarto. Dahan-dahan kaming pumasok, nakataas ang mga kamao namin sakaling may biglang umatake.

"You took your time, Lorelei and Jamie. I thought you two wouldn't make it."

Nakita ko ang silhouette ng isang lalaking magulo ang buhok at nakaupo sa bench. Kahit na hindi ko malinaw na nakita ang mukha niya, kilala ko kung kanino figure 'yon.

"LOKI!" Nabangga ko pa sa balikat si Lorelei nang tumakbo ako papunta sa club president namin. Niyakap ko siya nang mahigpit, nakapuluput ang mga kamay ko sa katawan niya. Naglawa ang mga mata ko habang hina-hug siya. "Ang akala ko, may nangyari na sa 'yo! Mabuti't okay ka lang! Alam mo bang sobrang worried ako?"

"So . . . you were not really abducted, huh?" tanong ni Lorelei. Lumingon ako sa kanya. Napansin kong yumuko siya at kumuyom ang mga kamao niya. Bakit gano'n ang reaksyon niya? Dapat nga'y masaya siya dahil wala sa peligro ang lalaking hinanap namin.

"You may call it a test," sagot ni Loki. "I wanna know if you two can solve a case on your own without any help from me. I also wanna see if you two can work together. It worked out pretty well, didn't it?"

Umangat sa kanya ang ulo ni Lorelei at sinagot ang tingin nito. Lumapit siya papunta sa amin hanggang sa iilang feet na lang ang pagitan. "The riddle, the time limit, the code. Well played. Very well played."

"Well, what did you expect fro—"

Napatakip ako nang bibig nang bigla niyang sinampal si Loki. Namula ang kaliwang pisngi nito at nagmarka ang kamay niya. Nanatiling walang emosyon sa mukha ni Loki na parang wala sa kanya.

"What the hell, Lorelei? Why did you have to hurt him?!" sigaw ko sa kanya at minasamaan siya ng tingin. Yes, this was a test. But so what? May purpose ang ginawa ni Loki at naiintindihan ko siya one hundred point. Ang importante'y walang nangyari masama sa kanya o sa amin. Bakit napaka-overreacting ng babaeng 'to?

"I thought someone already got you when I saw that message in our clubroom," nag-crack ang boses niya at nanatiling nakakuyom ang kanyang mga kamao. "And you thought this was a good joke?"

"I . . . I'm sorry," sabi ni Loki. But he didn't have to say sorry! "I never thought this little act would have such effect on you."

"Think it through next time." Tumalikod sa amin si Lorelei at naglakad palabas ng storage room. "Not everyone is entertained with this kind of joke."


And that was my first official case with the QED Club. Nag-ala drama queen man si Lorelei sa dulo, all's well that ended well. I looked forward to solving more cases with Loki—and I hoped the next ones wouldn't be tests anymore. Gusto ko ring maramdaman ang thrill kapag nakabuo ako ng theory, napag-connect ko ang clues at nakatama ako sa conclusion.

I wanted to have fun for a while, and this seemed my kind of fun!

—QED—

And that's the end of Part Two: Primadonna of Theater

Up next is Alistair Ravena for Part Three: Childhood Friend!

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #QEDOrigins!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro