Chapter 13: Game of Kings! Jamie versus Loki
JAMIE
KUNG DATI'Y sa backstage ng auditorium ako tumatambay kapag wala akong magawa, ngayo'y sa Room 315 na—ang QED Clubroom. Sa first full day ko bilang official member, naisipan kong bumisita ro'n pagsapit ng morning breaktime. Basta pagka-ring ng school bell, umalis na agad ako ng classroom at pumunta na ro'n. Habang naglalakad sa hallway, pinagtinginan ako ng ilang estudyante. Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa sa campus?
Nadatnan kong solo ni Loki ang clubroom pagkarating ko. Binati ko siya ng masiglang "good morning!" Kaso napaka-dry ng response niya. Nagbabasa kasi siya no'n ng crime novel habang nakaupo sa swivel chair niya. Nang batiin ko siya, iniangat lang niya ang kanyang tingin sa 'kin 'tapos agad ding bumalik sa pagbabasa ang mga mata niya.
Na-hurt ba ako sa reaction niya? Nope! Iba't iba kasi ang approach ng tao sa greetings kaya naintindihan ko siya. Malay natin, sobrang mahiyain niya kaya wala siyang idea kung paano sumagot sa gano'n? Hindi ko ikasasama ng loob ang medyo cold treatment niya sa 'kin. Hindi rin ako magrereklamo. Mas mabuti nang maging understanding.
I settled down doon sa chair na pinakamalapit sa kaliwa niya. Doon dapat sa kanan, kaso naalala kong do'n laging pumupuwesto si Lorelei. Ayaw ko naman siyang agawan ng spot.
"So!" bulalas ko pagkalagay ng shoulder bag ko sa katabing upuan. "Ano'ng case na iso-solve natin today? This will be my first official case as a QED Club member kaya hindi ko na ma-contain ang excitement ko."
Inilipat ni Loki ang page ng librong binabasa niya. "We don't have any pending case at the moment. What we can do is just to sit back and wait for a client to come in."
"Okay!" tugon ko. Habang naghihintay, inilabas ko ang aking phone at nag-scroll muna sa feed ng social media app ko. May mga nakita akong latest na showbiz news at outfit-of-the-day photos ng virtual friends ko.
Saglit na napasulyap ako kay Loki. Patuloy siya sa pagbabasa nang walang sinasabi. I kinda expected na hindi siya ang type na madaldal at kukuwentuhan ako. Pero napaka-awkward kasi ng katahimikan. We're not strangers na na-stuck sa room na 'to. Paano namin makikilala ang isa't isa kung 'di kami mag-uusap? 'Di lang ako sumali sa club para makaramdam ng thrill sa cases. Sumali rin ako rito para makipag-friends sa kanya.
Bueno, kung hindi siya mag-i-initiate ng conversation, ako na ang mangunguna. Medyo sanay na rin akong makipag-interact sa iba't ibang type ng estudyante. Kahit wala kaming matinong topic na pag-uusapan, magagawan ko ng paraan. All I had to do was break the ice.
"Nasaan na pala si Lorelei?" tanong ko nang muli akong sumulyap sa kanya. "'Di ba siya pumupunta rito kapag breaktime?"
"She usually does." Nakatuon pa rin sa libro ang tingin niya. "Maybe her instructor forgot the time. Maybe she's busy with an assignment. Whatever the reason is, she'll be here once she's out of the classroom."
Successful ang first phase ng plano ko! Nagawa ko siyang i-engage sa isang conversation. Ngayon, kailangan kong i-sustain 'to. Kailangan kong magbato ng follow-up.
"Ano'ng ginagawa n'yo kapag wala pa kayong case na sino-solve?"
"We just sit around and mind our own business." Inilipat na naman niya sa susunod na page ang kanyang binabasa. "She does her homework while I read a book."
"Hindi kayo nag-uusap?"
"Only if necessary."
"Hindi kayo nagkukuwentuhan?"
"We have nothing to talk about. We don't indulge ourselves in idle chatter."
Eh? Parang napaka-boring naman n'on! Kung nagpapalipas oras sila habang naghihintay ng client, pwede naman silang magkuwentuhan hanggang sa 'di na nila namalayan ang lumipas na mga minuto at oras. Sa bagay, halos pareho ang vibes na ine-emit ng dalawang 'to. They're not the type na mahilig magsimula ng conversations.
That needed to change lalo't nandito na ako!
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Na-focus sa bookshelf ang aking tingin, naghahanap ng kahit anong pwede naming pagkaabalahan. Obvious naman na mahilig magbasa si Loki at mas uunahin niya 'yon kaysa sa ibang activity. Kung gusto kong makuha ang atensyon niya, kailangan kong makaisip ng bagay na alam kong mas magugustuhan niya sa pagbabasa. Well, he's only reading probably to pass time. Maybe he would do something else, if there's another option.
Mukhang mahilig sa puzzles si Loki. Mukhang mahilig din siya sa mga bagay na makapagpaiisip sa kanya. In that case . . .
"Marunong ka bang mag-chess?" tanong ko.
Ibinaba niya ang binabasang libro at iniangat ang tingin sa 'kin. Nagtagpo ang mga mata namin. Bullseye! Nakuha ko na yata ang buong atensyon niya.
"Of course," sagot niya. "It's my favorite board game."
"Gusto mo bang maglaro tayo?" nakangiti kong tanong, may kaunting paghahamon sa kurba ng mga labi ko.
"That sounds like a good idea. But I don't have any chessboard here. If we wanna play, we have to borrow one from the Chess Club."
"We don't need an actual chessboard to play. We only need our minds." Itinuro ko ang aking sentido. "Gets mo ba ako?"
"Oh . . ." Nanliit ang mga mata niya. "A blind chess?"
"Uh-uh!" Dalawang beses akong tumango. "I'm sure na matalas ang memory mo, at alam mo naman sigurong excellent ang memory ko. We both can manage it."
"Sure, we've got nothing better to do anyway. This is also a good mental exercise." Isinara na ni Loki ang libro at ibinato 'yon sa shelf. "I also wanna know how good your memory is. We've only seen a glimpse of it."
"Nagdududa ka ba sa talent ko?" Ngumisi ako. "Fine, pakikitaan kita kung gaano ako kagaling."
"I hope you won't disappoint."
"But wait!" Itinaas ko ang aking kanang kamay. "Do you wanna make a bet? Para maging mas exciting ang laro natin? Ang dry naman kung maglalaro lang tayo for the sake of playing the game."
"What do you propose?"
"Kapag nanalo ako, sabay tayong magla-lunch mamaya. Kapag natalo ako, I'll do whatever you want. Fair enough?"
"Are you serious about the lunch thing?" Lalo pang nanliit ang mga mata niya. "That's what you want in return if you beat me?"
I nodded. "I have other ideas, but for now, satisfied na akong makasabay kang kumain ng lunch. What do you think?"
"You sound confident that you can beat me." Kumurba ang isang gilid ng mga labi niya. "Fine. Let's see what you've got."
I-d-in-rag ko ang aking upuan sa direksyon niya para komportable akong nakaupo sa kanyang harapan. Our eyes met. Wala akong napapansing yabang sa mga mata niya, pero ramdam ko ang confidence niya na mananalo siya sa blind chess match na 'to.
"Who'll make the first move?" tanong ni Loki, nakatitig pa rin ang mga walang buhay na mata sa akin. Nakapatong na sa mesa ang forearms niya habang magkadikit ang dulo ng mga daliri niya.
"You're the club president kaya ikaw dapat ang mauna," sagot ko, nakapangalumbaba ko siyang tinitigan. "Ikaw na ang white habang ako naman ang black."
"Okay—"
Umangat ang mga balikat ko nang biglang pabagsak na isinara ang pinto sa likod ko. Nalingon ako ro'n at napansin ang pagpasok ni Lorelei.
"Having a bad day, eh?" bati ni Loki sa kanya, medyo nagulat din sa tunog. Agad din niyang ibinalik sa 'kin ang kanyang tingin.
"Hi, Lorelei! Kumusta ang morning period n'yo?" Nginitian ko siya at kinawayan pa. Mas prefer ko sana kung kaming dalawa lang ni Loki rito. Pero wala, eh. Hindi ko naman siya pwedeng palabasin.
Dumeretso siya sa kanyang usual na puwesto sa kanan ni Loki at ibinaba ang bag niya sa katabing chair.
"Pawn to C4," sabi ni Loki.
Ngumisi ako. "Pawn to E6."
"Knight to F3."
"Pawn to D5."
"Knight to F6."
"Knight to C3."
Sunod-sunod at mabilis ang palitan namin ng moves. Kahit walang timer, hindi namin pinatatagal ang paggalaw sa mga piyesa namin.
"Ano ba 'yang ginagawa n'yong dalawa?" biglang tanong ni Lorelei. Kanina pa siguro siya nagtataka kung ano-ano ang pinagsasabi namin. If she knew chess, dapat alam na niya. "Bakit napakaseryoso n'yo yata?"
"We're playing the game of kings," sagot ni Loki nang hindi siya binabalingan ng tingin. "Chess, if you don't know what that is."
"Paano kayo nakakapaglaro ng chess e wala kayong chessboard?" Ang dami naman niyang tanong! Na-interrupt tuloy ang tira ng kalaro ko. Dapat umupo na lang siya at makinig sa palitan namin kahit hindi niya naiintindihan.
Napaturo si Loki sa sentido niya. "The board is in our minds. This is what we call blindfold chess. No client has come in today so Jamie and I have decided to play this game. I also want to test her eidetic memory. I wanna see if she could remember where every piece is placed on our imaginary chessboard."
"At saka may pustahan kami sa game na 'to!" Humarap ako kay Lorelei nang nakangiti kahit nairita ako sa mga tanong niya. "Kapag nanalo ako, sabay kaming magla-lunch mamaya sa cafeteria. That's why I can't afford to lose!"
"Meh, I prefer to eat my lunch here alone. Bishop to E7."
"You should also try playing this game," sabi sa kanya ni Loki. "It will sharpen your memory which is a must for people in our line of work."
Beep! Beep! Beep!
Akala ko'y si Lorelei lang ang istorbo sa amin. Meron pa palang iba.
"Oops, sorry!" Naramdaman ko ang patuloy na pag-vibrate ng phone ko sa aking bulsa. Agad kong inilabas 'yon at tiningnan kung sino ang panira ng moment. Nabasa ko sa screen ang pangalan ng instructor ko.
"Hello? Jamie speaking," bati ko matapos itapat sa kanang tainga ang phone. May narinig akong boses ng babae sa kabilang linya. "T-Talaga, ma'am? Muntik ko nang makalimutan!"
Ugh! Bakit ngayon pa siya tumawag? Pwede namang mamaya. Mauudlot pa ang game namin ni Loki.
"Sorry, but we have to postpone the game! Pinapatawag ako sa faculty room," sabi ko pagkababa ng tawag. "Mamaya na lang natin ituloy ang laro, Loki. Huwag mong kalilimutan ang usapan natin, ha?"
Tumayo na ako't lumapit muna kay Lorelei para makipagbeso. Nang magdikit ang mga pisngi namin, doon ko na siya binulungan. "See you later, Lorelei."
Maiiwan siyang kasama si Loki rito kaya sana'y wala siyang sabihin o gawin na hindi ko magugustuhan. Baka i-convince niya si Loki na mag-back out sa game namin.
I GOT myself worried for nothing! Hindi nag-back out sa game si Loki at natuloy ang match namin. Nakabalik ako sa clubroom saktong lunchtime. Nadatnan ko siya ro'n na nagbabasa ng libro. I challenged him to finish the chess match. From twelve noon to one o'clock ang lunch period. Kung matatalo ko siya within ten to fifteen minutes, meron pa kaming forty-five minutes para kumain nang sabay.
And I did! I managed to checkmate his king after seven and a half minutes mula nang i-resume ang game. Mas impactful sana ang victory ko kung may actual chessboard kami. But a win's a win! Wala nang bawian.
Sabay kaming lumabas ng clubroom, bumaba ng school building, at naglakad papunta sa cafeteria. Mabilis siyang maglakad kaya kinailangan kong sabayan ang bilis niya. Parang lagi siyang nagmamadali. Parang gusto niyang matapos na agad ang lunch date—I meant, lunch out—namin. I hoped he's not in a hurry. Gusto ko pa namang enjoy-in na kasama siyang kumain.
I wanted to know more about him.
"You're the second person to beat me in chess," sabi ni Loki, nakapamulsa ang mga kamay at deretso ang tingin sa dinaraanan. "Maybe the result would have been different if there's an actual chessboard and pieces."
"Maybe!" I agreed with a nod. Ayaw kong magmukha at magtunog magyabang, lalo na't close ang match namin kanina. Isang maling move ko, mababaligtad na ang game at siya na ang mananalo. "I hope you don't mind me asking. Sino'ng unang nakatalo sa 'yo?"
"My brother. I've never beaten him, not even once," sagot niya at sandaling sumulyap sa 'kin. "He's good at that board game. Well, he's so good that he applied his strategies in real life. He's moving people—real people—like they were pieces in chess."
May kaunting paghihinayang sa loob ko. Mas maganda sana kung ako ang unang nakatalo sa kanya. That would be such an honor!
"Your brother . . ." Napakurap ang mga mata ko. "Kuya mo ba 'yong student council vice president? Si Luthor Mendez?"
Sandali siyang napahinto sa paglalakad at lumingon sa 'kin. "There are a couple of Mendezes in this school. How did you know it's him? A lucky guess?"
Umiling ako. "Pareho kasi kayo ng ine-emit na aura. At saka magkahawig din ang mga mukha at mga mata n'yo. Meron din akong kuya, at laging sinasabi ng mga nakakakilala sa amin na medyo hawig kami."
"I take offense on your observation." Nagpatuloy na siya sa paglalakad. "My brother and I are not alike."
"Maybe I should meet him someday. In person?" biro ko.
"If I were you, I wouldn't."
"Eh?" Tumaas ang isa kong kilay. "Bakit naman? Mukha naman siyang mabait at magaling, kahit na kakaiba ang aura niya. Ibinoto ko kaya siya no'ng student council election."
"Looks can be deceiving," sabi ni Loki.
Indeed, looks can be deceiving. Some people are not who they appear to be. Sometimes, they just act to play the part.
"I hope you won't regret supporting him," dagdag niya. "I didn't vote for him. Well, I didn't vote in the last election. He almost kicked me out of the clubroom some weeks ago."
"Paano?"
"He challenged me that if I could recruit at least one member, they'd let me keep the clubroom. We have Lorelei to thank for. She signed up just the day before my eviction. But of course, the credit can't be hers alone."
Dahil nabanggit niya ang pangalan ng babaeng 'yon, may sumaging tanong sa isipan ko. "Huwag mo sanang masamain ang tanong na 'to, pero kaya ba tinanggap mo si Lorelei sa club dahil siya lang ang nag-sign up? Like, wala kang choice kasi kung hindi, mapapalayas ka sa clubroom?"
"Not really." Marahan ang pag-iling niya. "I just don't accept people in my club. Last week, someone applied, but I denied her application."
That must be Rosetta. Naikuwento na niya sa 'kin kung paano pinunit ni Loki ang application form sa harapan niya. Mabuti't hindi niya ginawa 'yon noong turn ko na para mag-apply.
"I tested Lorelei's observation and deduction skills," sabi pa ni Loki. "They're rudimentary, but enough to make her qualified to join. She can hone them further once she's exposed to more mysteries."
"How about me?" nakangiti kong tanong. "Bakit mo ako tinanggap sa club at hindi ni-reject kagaya noong sinabi mong nag-apply?"
"You have a gift which can be useful to us." Nagbato siya ng tingin sa 'kin. "Your acting abilities might also come in handy, like what you wrote in your application form."
Napasok na namin ang cafeteria at pumuwesto sa kababakante pa lang na upuan. Nang tinanong ko kung ano ang gusto niyang kainin, okay na raw niya sa tubig. First time naming kumain nang sabay 'tapos tubig ang o-order-in niya? I refused to waste this chance kaya ako na mismo ang namili ng kakainin niya. Reluctant pa nga siyang tanggapin ang in-order kong sandwich. Pero kinain din niya kaso hindi niya inubos.
We didn't talk that much, but this was better than nothing.
—to be continued—
If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #QEDOrigins!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro