Chapter 12: Goodbye, Theater! (For Now)
JAMIE
IT'S HARD to let go of what you'd always loved, lalo na kung naging part na 'yon ng buhay mo. Kaya hindi naging madali ang desisyon ko. I gave it a lot of thought, halos hindi nga ako nakatulog kung dapat ko ba 'tong gawin. Tinambang ko rin ang lahat ng factors—ang pro's, ang con's and everything in between. Bago ako tuluyang nagpahinga kagabi, medyo undecided pa ako. Parang namimili ako ng damit na susuotin mula sa wardrobe para sa bonggang event the next day. Pero pagkagising ko ngayong umaga, buo na ang resolve ko. Final and irrevocable na.
"You're quitting the Repertory Club?" pagulat na tanong ni Stein sa 'kin. Nag-meet kami sa labas ng auditorium bandang nine o'clok. Bilang director ng upcoming play, siya ang una kong sinabihan ng desisyon ko. Gusto ko rin siyang bigyan ng time para makahanap ng papalit sa 'kin bilang lead actress. Marami namang talented sa club kaya hindi siya mahihirapang mamili. "Does this have anything to do with Wesley and what he did to you yesterday?"
Mariin ang pag-iling ko. "Let's say na siya ang naging susi, pero hindi siya ang pinaka-dahilan."
"If you're not comfortable with having him around, you don't have to worry anymore. M-in-essage niya ako kagabi at sinabi niyang magku-quit na siya bilang stage manager. If that's not enough for you, we can have him expelled . . . or something much worse. Just say the word, and it will be done."
Masama ang kutob ko sa something much worse niya. "M-in-essage niya rin ako kagabi. Paulit-ulit siyang humingi ng sorry sa 'kin 'tapos nangako siyang never na niya akong lalapitan o guguluhin. I'm already satisfied with his promise. Ayaw ko nang palalain pa. He's creepy, but let's give him a second chance to change. Malay natin? Dahil sa incident na 'to, magbago na ang isip at attitude niya."
"But not everyone deserves a second chance. Some stay the way they are because some traits are deeply embedded in their DNA." Nagliwanag ang mga lente ng salamin niya nang humarap siya sa liwanag. He looked so sinister, 'tapos seryoso pa ang boses niya! "Kindness and compassion are double-edged swords. You can use them to win people over, but people can use them against you to do you wrong again."
"Trust me on this one!" pilit ko. "Don't do anything to him, okay? Let him be."
"Fine." Huminga siya nang malalim. "But you mentioned that Wes is the key to you quitting the club. There's no need to leave if he's already out."
"Sa totoo nga niyan, dapat pa akong magpasalamat sa kanya. Siya kasi ang nagsilbing bridge para malapitan ko ang QED Club at makapag-establish ako ng initial connection. Kaya ko siya tinawag na key kasi siya 'yong nagbukas ng pinto. Nasilip ko kahapon kung ano ang nasa loob. At napagdesisyonan kong pumasok."
It's a coincidence that I was really, really grateful for. Parang nag-align ang mga butuin sa langit para i-grant ang wish kong magkrus ang landas namin ni Loki.
"You're joining them? Seriously?"
"Uh-uh!" Tumango ako na may kasamang smile. Minsan, joker ako. Pero alam naman niya kung kailan ako nagseseryoso at nagbibiro sa mga desisyon ko. "Weird, I know. But my mind's made up already. Buong gabi kong pinag-isipan 'to. Nothing can change it anymore."
"But theater is your life," paalala niya. "You'll do better as a theater actress than a wannabe detective. The stage is your own garden. You're already growing here and blooming the prettiest among all the flowers. Now you're telling me that you want to uproot yourself and go to the wilderness?"
"'Yon na nga, eh. Ilang years na akong nasa theater. Hindi na ako gano'n ka-super excited compared no'ng nagsisimula pa lang ako. Wala na masyadong challenge sa 'kin. Maybe it's time for me to take a break from acting and enjoy something else? Baka pagiging detective ang next passion ko."
"Are you actually interested in playing the detective? Or in the person playing the detective?" seryosong tanong ni Stein. Ilang seconds din kaming nagkatinginan. He knew that I wouldn't just throw away something precious to me. "I'm sure you've personally witnessed how that Loki does his tricks. Siya ba ang reason kaya gusto mong sumali sa QED Club?"
Nginitian ko siya at hindi nilubayan ng tingin. "You know how much I love art, Stein. Kaya nga ako nasali sa theater. That Loki . . . he's a piece of art that's too complex to comprehend. He has this pull that I can't fully understand. First, I was just curious about him. Now, he has my undivided attention."
"Oh, well." Stein sighed. Napatingin siya sa campus field sa baba. "If that's what you want, I won't convince you otherwise. Just don't get too engrossed with that art. It might be dangerous. You know what I mean."
I beamed. Wala siyang dapat na ikabahala. "I do!"
"I'll inform the cast and crew about your departure," sabi niya bago siya naglakad palayo sa 'kin at ikinaway ang kamay niya. "See you around."
Pansamantala ko munang iiwanan ang entablado, pero babalikan ko rin 'yon sa tamang panahon. Sa ngayon, susubukan ko munang makapasok sa bago kong gig. I had never been this excited since the day I was accepted in the Repertoty Club.
Matapos ang meeting namin ni Stein sa auditorium, bumaba ako sa third floor, nilakad ang hallway, at nagtungo sa Room 315. May mga nakasalubong akong estudyante na ngumiti sa 'kin kaya nginitian ko sila pabalik. I'd be bringing this smile wherever I went.
Nakarating na ako sa clubroom at tumigil sa tapat ng pinto. If they'd accept me in their club, this would be my second home on campus.
Huminga muna ako nang malalim bago kumurba ang mga labi ko at kumatok sa pinto. Nang marinig ko ang "Come in!" ni Lorelei mula sa loob, binuksan ko na ang pinto at tumuloy na ako. This is it!
"Good morning!" bati ko sa kanila. Gaya kahapon, magkatabi pa rin ang dalawa. Nasa swivel chair si Loki habang nasa normal chair si Lorelei. Napatingin ako sa mga bakanteng upuan. Inisip ko na kung saan ako pupuwesto kapag natanggap na ako. Siguro doon sa kaliwa ni Loki para magkatabi kami at magkaharap kami ni Lorelei. Pangit kung sa tabi ako ni Lorelei sa kanan niya, medyo malayo kay Loki.
Mabilis na nagtagpo ang tingin namin ni Loki, pero agad din niyang iniwas. Hala! Baka na-disappoint siya sa 'kin dahil sa biglaan kong pag-kiss sa kanya? Sana naman, hindi!
Nalingon din sa 'kin si Lorelei. Malamang confused pa siya sa ipinakita ko sa kanya habang hinihintay namin si Loki kahapon at sa biglang paghalik ko sa kasama niya. Well, I could care less about her opinion of me. Hindi siya ang ipinunta ko rito.
Umupo ako sa kabilang dulo ng mesa, magkatapat na kami ni Loki kahit may distansya sa pagitan namin. Hangga't hindi pa ako official member ng club, hindi pa ako uupo ro'n sa puwesto na minamata ko.
"I came here para magbigay ng update," panimula ko. First order of business muna.
"Hindi ka na dapat nag-abala pang pumunta rito," sabi ni Lorelei. "You could have texted me instead."
"Mas gusto kong personal na i-relay ang update sa inyo," tugon ko. Bakit ba siya nakikialam sa desisyon ko? "Nag-quit na si Wesley bilang stage manager at nangako siya sa 'kin na hindi na niya ako guguluhin. Hindi na rin ako magpa-file ng complaint laban sa kanya."
"Nasa 'yo naman kung gusto mong ituloy ang reklamo." Napatitig si Lorelei sa 'kin na parang hinihintay kung may sasabihin pa ba ako o kung tatayo na't lalabas na ng clubroom. "Is there anything else?"
Tumango ako. "Also, I want to join this club!"
Sandaling natahimik sa kuwarto. Pwede nang magsingit ng kuliglig effect sa sandaling 'to.
"Wait, what?" Naningkit ang mga mata ni Lorelei sa 'kin. Hindi niya siguro in-expect na magiging interested ang gaya ko sa club na 'to. I could be full of surprises sometimes.
"I wanna be part of the QED Club!" pag-uulit ko, pero may kasama nang mas malawak na smile. Baka kasi hindi malinaw at malakas sa kanilang pandinig. "Tumatanggap pa kayo ng member, 'di ba?"
Lumingon si Lorelei kay Loki na mukhang hindi rin inasahan ang sinabi ko. Kahit gaano pa siya kagaling na detective, there's no way he could have seen that coming. He couldn't have predicted my next move. "Ano sa tingin mo? You're the club president. You have the power to approve or reject membership applications."
Tumingin din ako kay Loki na tila tulalang nakatingin sa pader. Masyado ba siyang maraming iniisip o seryoso niyang pinag-iisipan kung papayagan niya akong sumali? I hoped that it's the latter. Ang pangit kung babalik ako kay Stein 'tapos sasabihin kong balik-theater ulit ako kasi ni-reject ako ng club.
"Sure. Just fill out a membership application form," sagot ni Loki. Kahit ako ang in-address niya, hindi pa rin niya nagawang tumingin sa mga mata ko. "Once you're done, submit it to me for approval."
Napapalakpak ako. "Yehey!" Kung hindi nakahihiya, I would have done a victory dance right then and there. Pero kakalmahan ko muna hangga't 'di pa ako officially approved.
Tumayo si Lorelei, may kinuhang papel na nakaipit sa isa sa mga kakaunting libro sa bookshelf. Iniabot niya 'yon sa 'kin pati na ang isang pen. Mabilisan kong f-in-ill out ang mga hinihinging detalye gaya ng pangalan, year and strand, address at contact details. Ang nagpatagal sa 'kin ay ang dalawang essay questions sa ilalim.
Why do you want to join the club?
Siyempre, hindi ko pwedeng sabihin na mas interested ako sa taong nasa club kaysa sa mismong club. Kaya kinailangan kong maglagay ng answer na may laman. Isinulat kong na-amaze ako sa kanila at gusto kong sumali para matulungan ko rin ang mga gaya kong estudyante. Hindi naman siguro nila ire-reject ang application ng gaya ko na gustong tumulong.
I was once a client of the club and I was so amazed by how they caught my stalker. Sa sobrang bilib ko sa kanila, I decided to leave theater and join them! Gusto ko ring matulungan ang mga gaya kong nabiktima ng mga creepy dude sa school. This is my way of helping my fellow female students. Ang sarap kaya sa pakiramdam kapag nakatutulong sa kapwa!
First question done! Ano 'yong next?
What can you contribute to the club?
Sa part na 'to, hindi na ako masyadong nagpaka-humble. Hindi ko rin kinailangang mag-exaggerate. Na-witness mismo nina Loki at Lorelei kung gaano katalas ang eidetic memory ko at kung gaano ako kagaling sa pag-arte. Malaking assets 'yon sa club kapag may iimbestigahan kami. Dagdag pa ang charm ko na hindi pwedeng basta-basta i-resist ng kahit sino.
First, my retentive memory! I can remember anything with just a single glance. 'Yan ang ginagamit ko kapag nagsasaulo ng script sa theater.
Second, my acting skills! Kaya kong umarte para makuha ang impormasyon na kakailanganin natin. Dekalibre yata ang acting ko, kaya lead role ang lagi kong nakukuha.
Lastly, my charm! Walang basta-basta makare-resist sa akin kaya kung may taong ayaw magsalita o magsabi ng totoo, I can make them loosen their tongue.
Nang tapos na akong sagutan ang form, kukunin na sana ni Lorelei 'yon mula sa 'kin, pero direkta kong iniabot kay Loki. Bakit ko pa ipadaraan sa assistant kung pwedeng deretso na sa boss? Mabilisan niyang binasa ang mga sagot ko. Nang matapos na niya, nilagyan na niya ng "approved" ang remarks from the club president.
"Congratulations, Jamie," bati niya sa 'kin. "You're now part of the QED Club."
"Congratulations," bati rin ni Lorelei, mas matamlay kaysa ro'n sa unang greeting. Ramdam kong may pag-aalinlangan siya. Parang ayaw yata niya akong makasama rito? Whatever. Her opinion shouldn't matter. Loki's opinion was the only one that should. Ang importante'y part na ako ng club.
"Yehey! Thank you!" Walang tigil ako sa pagpapasalamat sa kanila. "I'll promise to do my best and prove na worthy akong makasama kayo."
Gusto ko pa sanang mag-stay, pero magre-resume na niyan ang morning classes namin. Nagpaalam na muna ako sa kanila at sinabing babalik din ako mamaya.
Nang lumabas na ako ng clubroom at naisara na ang pinto, hindi ko napigilan ang abot-tainga kong ngiti. Some might not see this as a big accomplishment, but I did.
—to be continued—
If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #QEDOrigins!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro