Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

15 - Mukha

January 12, 2017
Oras: 3:00 ng umaga

Hingal na hingal man ay pilit pa ring tinatakbo ng lalaki ang isang makipot na daan na medyo nalalabungan ng iba't ibang halaman. Hindi niya halos kita kung anong nasa unahan pero parang may kung anong humihila sa kanya na sundan ang tumatakbong lalaki. Humihingal na din sa kasusunod si Andrew. Gusto nang tumigil ang kanyang mga paa. Gusto nang sumuko ng kanyang mga binti pero ayaw ng isip niya.

Hindi pamilyar kay Andrew ang lugar na 'yon. Ngayon lang niya ito nakita at napuntahan pero walang katiting na takot na naramdaman si Andrew.

Para siyang hinihila ng lalaki pasunod sa kanya.

"T-tigil... San...sanda-li..." Putol-putol na wika ni Andrew pero parang hindi siya narinig ng lalaki bagkus ay ma's binilisan nito ang kanyang takbo.

Parang may naririnig siyang tunog ng dumadaloy na tubig. Palapit nang palapit ang tunog na 'yon hanggang sa masilayan niya unti-unti ang isang malaking puno na sa tingin niya ay siyang deriksyon na tinutungo ng lalaki. Napansin niya ang isang sapa malapit sa punong iyon na siyang pinanggagalingan ng tunog ng tubig na naririnig niya.

Hingal na hingal na huminto ang lalaki sa ilalim ng puno habang piniling huminto ni Andrew sa di kalayuan dito para magkubli sa mayayabong na halaman. Parang may tinatawag ang lalaki na pangalan habang habol ang hininga.

Umikot-ikot ito sa ilalim ng malaking puno na parang may hinahanap. Humahagulgol siya habang bagsak ang balikat na naupo sa isang putol na kahoy sa ilalim ng malaking punong kahoy. Hindi niya masyadong makita ang mukha ng lalaki dahil sa layo ng pinagkublian niya.

Bigla siyang nakaramdam ng kakaibang lungkot at pangungulila na hindi niya maintindihan kung bakit at kung para kanino. Naramdaman nalang niyang pumatak na ang luha niya habang patuloy ang nararamdaman niyang iyon sa kanyang puso. Hindi niya mawari kung bakit pero parang nararamdaman niya ang nararamdaman ngayon ng lalaking nasa ilalim ng puno.

Sa isang tingin ni Andrew ay parang isang tagpuan ang ilalim ng malaking puno na iyon. Marahil ay mayroon itong inaasahang makatagpo dito pero bigong makarating kaya siguro ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman.

"Babae kaya ang hinihintay niya?" Naitanong ni Andrew sa kanyang sarili habang matamang tinitigan ang lalaki baka sakaling makilala niya kung sino siya. Pero sadyang malabo ang paningin ni Andrew at hindi niya maaninag ang hitsura ng lalaki. Napadakot si Andrew sa kanyang dibdib dahil parang mas tumitindi pa ang sakit na naramdaman niya.

Nanatili si Andrew sa ganoong posisyon ng biglang lumakas ang ihip ng hangin. Nagulat nalang siya nang mas lumakas pa ang hangin at bigla nalang siyang tangayin ng hangin na parang papel.

Napasigaw si Andrew sa takot. Humingi siya ng saklolo sa lalaking patuloy sa pag-iyak sa ilalim ng puno pero tila hindi siya nito naririnig.

"Ahhhhh....!" Sigaw ni Andrew habang tila kinakapos ng hininga at unti-unti niyang naramdamang tinatangay ang buo niyang katawan na para lang papel sa gaan. Kita niya na umuusad siya habang nasa ere mula sa kakahuyan papunta sa isang malawak na parang hanggang sa may makita siyang isang malaking bahay sa unahan.

Habang papalapit siya ng papalapit dito ay tila pamilyar ang bahay na 'yon sa kanya. Minsan na niyang nakita iyon ngunit hindi niya maalala kung saan. Sa dami ba naman ng mga bahay na minsan na nilang nirentahan at hindi na niya maalala kung saan niya ito nakita. Napapikit nang mariin si Andrew nang maramdaman niya na parang hinihigop siya pababa at tuluyang bumagsak sa mismong bahay na 'yon.

"Ahhhh....!" Patuloy niyang sigaw habang pababa siya ng pababa sa bahay na 'yon diretso sa isang silid.

"Hon! Gising! Nananaginip ka! Honey!" Pukaw ni Divine sa katabi niya sa kama nang maramdamang iba na ang panaginip nito. Sumisigaw ito pero hindi niya alam kung bakit na lubhang nagpakaba sa dalaga. Tinapik-tapik niya ito sa pisngi para tuluyang magising sa kung anumang bangungot na meron ito ngayon.

Bumalikwas ito ng bangon paupo sa kama habang habol ang hininga.

"Hon! Are you okay? I think you're having a nightmare." Sunod-sunod na tanong ni Divine sa nobyo habang hinihimas ang likod nito.

Patuloy si Andrew sa pagpapakalma ng sariling paghinga. Nananaginip lang pala siya pero bakit parang totoong-totoo ang mga nakikita at naranasan niya? Bakit parang pamilyar na pamilyar sa kanya ang malawak na parang at ang malaking bahay sa gitna nito lalo na ang kwartong iyon?

Pinabalik ni Andrew sa pagtulog si Divine pagkasabi niyang okay na ang pakiramdam niya. Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kitchen para uminom ng tubig. Ang totoo ay parang nanginginig parin ang mga kalamnan ni Andrew dahil sa napanaginipan kaya nagsalin siya ng wine sa mini bar saka unti-unting inino iyon.

It's already 3:00 ng umaga and here he I wide awake thinking why he's having dreams like that. Kalituhan sa isip ni Andrew ang dulot ng mga nangyayaring ito sa kanya.

Noong una ay ang pagsakit ng ulo niya kasabay ng mga imaheng nagflash sa kanyang isip ng magdaop ang kamay nila ni Lailanie sa Baguio. Tapos ngayon ay nananaginip na naman siya ng tao at lugar na ngayon lang niya nakita pero parang napakapamilyar sa kanya ng emosyong naramdaman niya kanina habang tinatanaw niya Yong lalaking sinusundan niya sa kanyang panaginip.

Iwinaksi niya sa kanyang isip ang mga nangyari at minabuting pumasok sa mini office niya pagkaubos ng wine na ininom niya. Sumandal siya sa kanyang upuan at saglit na pumikit para irelax ang kanyang isip.

Inisip niyang nagkataon lang ang mga nangyayari dahil na rin siguro sa tagal nang pagka-comma niya. Dumating siya sa puntong gusto niyang puntahan ang doktor niya pero ipinagpaliban niya.

Umupo siya ng tuwid saka dinampot ang cellphone niya sa mesa.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyng labi ng masend niya ang message.

"Sana gising pa siya." Mahinang usal niya habang itinapat ang cellphone sa kanyang dibdib saka sumandal uli sa kanyang upuan.

Hindi niya maintindihan kung bakit si Lailanie ang nasa isip niya ngayon. Mula nang makita niya ito sa restaurant, hindi na niya ito maalis sa isip niya. Hindi niya bakatulogan ang pag-iisip sa dakaga noong unang gabi na makita niya ito.

Isang tunog mula sa cellphone niya ang nagpaupo ng tuwid sa kanya. Dahan-dahan niyang tiningnan ang pangalang nakarehistro sa screen.

"Annie." Pangalang nagpangiti at pumuno ng galak sa puso niya. Galak na sa pakiramdam niya ay ngayon lang niya naramdaman ngunit naghatid ng pamilyar na saya sa buong buhay niya.

💞💞💞💞💞💞
A/N: Tagal ko nairaos ang chapter na 'to.

Paano ba yan, gising pa si Annie.

Abangan ang susunod na kabanata ka tropas!

Vote din pag may time ha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro