Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14 - Annie

January 9, 2017
Oras: 10:30 ng umaga

Panaka-nakang sinulyapan ni Andrew ang orasang pambisig niya. Kulang nalang at hilahin niya ang kamay ng orasan para matapos na ang meeting niya.

"I guess everything's settled?" Wikang tanong ni Andrew sa mga kasama meeting. Halata na ang pagka-inip niya dahil makailang ulit na niyang tinitingnan ang kanyang relo at cellphone.

"Yes Sir. We'll finalize the presentation for the client and we'll present it to you first before calling them for a meeting." Tugon ni Fria, ang Marketing Head ng kompanya.

"That's great Fria. Just inform Selene about it to keep me updated. That would be all guys. You can now go back to your post." Pagtatapos niya sa meeting sabay tayo sa upuan niya.

Gustong-gusto na niyang makita si Lailanie. Marami siyang gustong malaman tungkol sa dalaga. Marami siyang gustong itanong tungkol sa iniiyakan niyang lalaki na si Andres. Iniisip niya na maaaring boyfriend ito ng dalaga pero ang alam niya at engaged na ito at the age of 18.... on her debut.

"Selene pls forward Ms. Chan's cellphone number to me. Ang contract ready na ba?" Tanong niya Kay Selene pagkarating niya sa kanyang opisina. Mabilis namang inilapag ni Selene ang envelope na naglalaman ng contract.

"Okay na po yong reservation niyo sa The Lobby Sir." Pahayag ni Selene sa binata. Doon sila magkikita ni Lailanie para mapirmahan Yong contract sa paggamit ng lumang bahay nila sa Baguio.

"Thank you Selene. I'll just call her. I'll go ahead." Paalam niya sa sekretarya niya saka tuluyang umalis pagkadampot ng envelope.

Pagkasakay niya sa elevator pababa ng basement which serves as the company's parking lot ay natanggap niya ang business card containing Lailanie's personal number. Agad niya itong sinave at saka nagtext.

Saktong pagkalabas niya sa elevator sa basement ng makatanggap siya ng message. Excited niya itong tiningnan para madismaya lang nang makita ang pangalan ni Divine sa screen ng iPhone niya.

Niyayaya siya nitong maglunch na nireplayan niyang may lunch meeting siya with the owner ng venue na gagamitin for a shoot.

Isang "okay" with matching sad emoji ang naging reply ng dalaga. Hindi nalang niya nireplayan ito dahil alam niyang hindi ito titigil sa pangungulit.

Lulan na siya ng kanyang kotse nang makatanggap ng reply from Lailanie. Excited niyang binasa ang text ni Lailanie. Isang napakatamis na ngiti ang naging reaksiyon ni Andrew saka pinatakbo palabas ng basement ang sinakyang kotse.

Mga bandang alas onse ay narating din ni Andrew ang restaurant. Sinabi niya agad sa sumalubong sa kanya na attendant ang reservation niya. Iginiya siya nito sa nakareserve na table for two. He ordered ahead kung ano ang specialty ng restaurant and a glass of wine.

Dumating si Lailanie twenty minutes after saktong naubos ni Andrew ang laman ng hawak niyang wine glass.

Parang tumigil ang mundo ni Andrew habang tinititigan niya si Lailanie na papalapit sa mesang kinaroroonan niya.

Nakalugay ang mahaba at alon-along buhak na kusang gumagalaw sa hangin sa bawat hakbang niya. Simple ang bahid ng make-up sa kanyang mukha na lalong nagpatingkad sa ganda niya. Bumagay sa kanya ang fitted top na yellow na pinatungan niya ng black blazer na hanggang siko ang sleeve. Square pants na black and white ang suot niya pang-ibaba na pinaresan ng black pumps na mas nagpatangkad sa kaya ng kunti.

Hangang-hanga siya sa kasimplehan ng dalaga. Siya ang nagpapatunay na kahit hindi magsuot ng maikli at hapit na hapit na damit ang isang babae ay sexy itong maituturing.

"Mr. Villarreal....?" Tawag ni Lailanie kay Andrew saka niya namalayang nasa harap na niya ito.

"Annie... I-i mean Ms. Chan. I'm sorry."Paghingi ng paumanhin ni Andrew saka mabilis na tumayo para alalayan sa pag-upo ang dalaga.

"S-salamat Mr. Villarreal." Pasalamat na wika ni Lailanie pagkaupo sa hinilang silya ni Andrew para sa kanya. Bahagya niyang nginitian ang binata pagkaupo nito sa tapat niyang silya.

"Nakaorder na ako ng specialty nila dito. I hope you don't mind."

"It's fine. 'Yong contract?" Tanong ng dalaga

"After we eat Ms. Chan. Nandito na ang pagkain." Wikang sagot ni Andrew ng makitang papalapit na ang food attendant na magseserve ng orders nila.

The food were really sumptuous and hindi nagkamali si Andrew na yong specialty ng resto ang inorder niya. Maganang kumain si Lailanie kahit hindi ito nagsasalita masyado.

"So here's the contract that you need to sign. May approval na ako ng Daddy mo and you just need to sign it as his representative." Wika ni Andrew pagka-abot niya kay Lailanie ng manipis na kumpol ng papel na nakapatong sa envelope kasunod ang parker pen niya na may initials na A.V.

Binasa niya ito saglit saka pinirmahan at ibinalik kay Andrew.

"Thank you Ms. Chan... for everything." Pasalamat ni Andrew na ikinaarko ng kilay ni Lailanie.

"For everything? What do you mean?" Takang tanong ng dalaga.

"For having lunch with me, for the signing the contract and.... for taking care of me in Baguio while I'm not well." Sagot ni Andrew nsa seryosong tono.

"Wala 'yon Mr. Villarreal. Kahit sino gagawin 'yon."

"Pwede bang Andrew nalang? Masyadong pormal, hindi naman nalalayo ang edad natin."

"Sige. Same with me. Lailanie nalang." Pagsang-ayon ng dalaga.

"Pwede bang Annie nalang? If you allow me. If hindi, hindi ko ipipilit." Natigilan si Lailanie sa narinig at sumilay ang lungkot sa mga mata niya.

Hahayaan ba niyang tawagin siya ni Andrew ng Annie kung ito ang palaging magpapaalala sa kanya kay Andres? Tanggap na niyang hindi si Andres si Andrew na kaharap at kausap niya ngayon kahit na magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Pero espesyal ang palayaw niyang 'yon dahil tanging si Andres lang ang nagbigay ng palayaw na iyon sa kanya.

Pero kung hindi ngayon kailan pa niya sisimulang bitiwan ang ala-ala ni Andres. Matagal na panahon na ang lumipas pero heto siya, patuloy na umaasang isang araw ay magkikita uli sila ni Andres.

"S-sige. Pumapayag ako. Siguro panahon na rin na bitiwan ko siya." Pagpayag ni Lailanie habang malamlam na nakatitig kay Andrew.

"Kamukha ko ba talaga siya? I mean, you mistakenly called me by his name I guess when we first met here."

"O-oo and I'm s-sorry for that. Hindi ko sinasadya 'yon."

"Okay lang. Naiintindihan ko. I know how it feels to long for someone you love so much."

"Di naman kayo long distance relationship ng girlfriend mo di ba? How come..."

"My mom! Hindi ko na siya naabutan. Hindi ko nalamang namatay pala siya dahil sa heart attack until I woke up." Malungkot na sagot ni Andrew.

"Until you woke up? You mean na-comma ka?"

"Yes. For almost a year and a half." Maikli niyang sagot kay Lailanie na halatang ikinabigla nito.

"K-kaya ba i-inatake ka nung n-nasa bagyo tayo?" pautal na tanong ni Lailanie kay Andrew. May sumilay na kaunting pag-asa sa puso ni Lailanie. Paano kung si Andrew ay si Andres at hindi siya nito maalala dahil sa pagka comatose niya noon? Posible kaya yong mangyari? Pero alam niyang magkaiba ang panahon nilang dalawa.

"Maybe. Siguro. Hindi ako sigurado. I don't have any attack since I woke up three years ago."

"You mean ngayon lang? That's weird. Maybe you should see your doctor." Sandaling nag-isip si Lailanie dahil sa nasabi, "Anyway, I'm sorry for your loss and I'm sorry kasi kailangan mong gunitain lahat ng yon dahil sa akin." Paghingi niya ng paumanhin.

"It's fine. Besides, I want to know you more." Makahulugang sabi ni Andrew habang titig na titig sa mga mata ng dalaga.

Napasinghap si Lailanie sa narinig.

👣👣👣👣👣👣👣

A/N: Ano kayang iniisip ni Lailanie sa sinabi ni Andrew sa kanya?

Bakit biglang inatake si Andrew after 3 years since he woke up from his comma state?

Ano ang mga nakita ni Andrew nung mawalan siya ng Malay?

Sasagutin natin yan sa mga susunod na update guys.

Don't forget to vote and comment.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro