Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PAHINGA


Parang kailan lang nang tayo'y magkapalitan ng pangako
Na kahit magkahiwalay, 'di tayo susubok ng bago

Sabi mo pa nga, "Walang pintong isasara
Hindi ito wakas, bagkus ito ay pahinga"
Ngunit ano itong nakita na may kayakap kang iba?
'Yan ba ang ibig mong sabihin sa "Pahinga"?

Sumasakit ang dibdib ko, tumawag kayo ng ambulansya
Hindi ko na kaya 'to
Sobra ka na, ah-ah
Ipipikit man ang mata, tanging ikaw ang nakikita
Ano'ng kalokohan 'to?
Sige, sa kanya ka na

Bakit naman kung kailan pa, handa na 'kong muling sumabak
Sa bagong kabanata natin ay saka ka mang-aahas

Sabi ko na nga, wala akong mapapala
Kundi rin lang wakas, 'wag na muling itulak pa
Kaya't ngayong aking nakita at 'di mo na makakaila
Itong pinto sa puso ko'y isasara

Sumasakit ang dibdib ko, tumawag kayo ng ambulansya
Hindi ko na kaya 'to
Sumusobra ka na, ah-ah
Ipipikit man ang mata, tanging ikaw ang nakikita
Ano'ng kalokohan 'to?
Sige, sa kanya ka na

Kung bumalik ka man, wala ka nang madadatnan
Ito na ang wakas para sa ating dalawa
At sana ay iyong makita, kapag kayakap mo na siya
Mali ang ibig mong sabihin sa "Pahinga"

_Moira Dela Torre_

Requested by : itsmeSassySissy
(

Thank you sa pag request, votes and comment BB, I really appreciate it ❤. Love lots and stay safe! Ang ganda nung kanta, thank you may bago ako nadiscover 😍)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro