PROLOGUE
"Elisse! Diba sabi ko naman sa iyo na huwag mo na patulan ang sinabi ni Nadine?!" Inis na sabi ng Manager kong si Lolita.
"Nakakainis, e. Pa victim kasi masyado kaya hindi ko na napigilan," walang paki kong sabi.
"My Gosh, Elisse! Kaya ang dami mong bashers nang dahil diyan sa pagiging straight forward mo, e! Try mo kayang magpaka plastik kagaya ng ginawa ng ibang mga artista?" Stress na sabi ni Lolita.
Napairap ako sa aking mga mata.
"Ano ba, Lolita, parang 'yun lang? Marami rin akong fans kaya walang problema."
"Marami nga! Pero kapag pinagpatuloy mo ang ganito ay baka mawalan ka ng fans!" Iniripan ko nalang ito at hindi na nagsalita.
"Miss Elisse, gusto niyo ba ng tubig or juice?" Tanong ng personal assistant kong si Julia.
"Water, please..." tumango ito at kinuhanan ako ng tubig.
I hate this! Gusto lang naman umakteng at makita ang sarili ko sa TV. Hindi ko naman akalain na may mga demonyo pala akong makakasalamuha sa industriyang ito, example na si Nadine Amorsolo.
Ngayon ay namomroblema na ang manager ko pati ang agency ko sa scandal na kinasangkutan ko ngayon.
Ayoko talagang nasasali ako sa mga away na ganito pero ginagalit ako ni Nadine, kakompetensya ko sa industriya. Gumawa siya ng mga fake news tungkol sa akin na inagaw ko raw sa kanya si James Rodriguez, ang love team niya. Hindi ko nga type ang James na 'yun! Siya ang lumalapit sa akin at ako naman 'tong mabait, kinausap ko naman.
"Kailangan mong magkaroon ng boyfriend!" Sabi ng manager ko.
"What?! At bakit naman?"
"Elisse, look, hindi matatapos ang problemang ito kung hindi ka magkaka boyfriend. Dapat makita nilang mali ang sinasabi ni Nadine na inagawa mo si James sa kan—"
"Hindi ko naman kasi talaga inagaw, e!" sigaw ko.
He's not my type! At isa pa, ang manyak ng lalaking 'yun.
Bwesit! Kapag nakita ko talaga ang Nadine na 'yun sa party o awarding, sasabunotan ko 'yun!
"I know! Pero alam mo naman ang mga tao diba? At isa pa, you need to have a love team din."
"I don't need love team, kaya kong umangat ng wala 'yun. You know that, Lolita."
I really hate to have a love team! It makes me cringe. Yes, may mga movies na ako at teleserye na may male lead pero hindi ko naging love team ito kasi ako na ang lumalayo. I hate boys. I hate lies!
"Nakipagsundo na si Madam Elena kay Madam Janice na may-ari ng Bluecords agency. Plano nilang gawin kayong love team ni Jared Vox Real at maging on screen boyfriend mo ito."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lolita.
"W-what?! L-love team? B-boyfriend?" Hindi makapaniwala kong sabi.
"Yes. Alam naman nating lahat na sikat din na artista si Jared at maraming fans. May mga artista rin na nagkakagusto sa kanya pero wala man lang siyang pinatulan kahit isa."
Jared Real?! The rude and the arrogant actor? No way! Ayokong maging boyfriend ang lalaking iyon. Marami na akong naririnig tungkol sa lalaking iyon dahil palagi nalang siyang nasasangkot sa mga issues! Hindi ko pa siya nakakatrabaho at wala rin akong plano na makatrabaho ang komplikadong tao na iyon. Marami siyang fans dahil pogi siya at marunong kumanta at sumayaw. Pero aanhin mo naman ang kapogian mo kung pangit naman ang ugali mo? Waley pa rin!
"B-bakit siya?"
"Hindi na rin kasi ma handle ni Madam Janice si Jared at katulad nang sa 'yo, he needs a girlfriend."
Napapikit ako at napahawak sa aking noo. Bakit kasi ako ginugulo ni Nadine! Nakakainis naman ito oh! Nananahimik ako rito at naghahanap buhay, tapos bigla nalang akong idadamay sa gulo na wala naman akong kinalaman?! Argh!
"We have no choice, Elisse. Para naman ito sa 'yo, e. Matutuwa ang mga fans at magkakaroon kayo ng maraming projects ni Jared pag nagsama kayo! Kaya please, pumayag kana," si Lolita.
Bumuntong hininga ako at tumango.
Narinig ko naman ang tuwa ni Lolita at dali daling tinawagan si Madam Elena sa desisyon ko.
Well, wala na akong magagawa. Siguro tatanggapin ko nalang ang kapalaran ko. Mabait naman siguro nang kunti ang Jared na iyon diba? We can have deal naman. No personal feelings, kaya naman siguro namin 'to diba?
"Elisse, this is Jared. Jared, meet Elisse." Nakangiting sabi ni madam Elena habang pinapakilala kami ni Jared sa isa't isa.
Nandito kami ngayon sa companya kung saan ako hina-handle at nandito ako para makilala ang magiging boyfriend ko kuno onscreen na si Jared.
Nasa harapan ko siya ngayon habang nakasuot ng itim na leather jacket at naka maong. Malamig ang tingin niya sa akin ngayon na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid.
The famous Jared Vox Real.
"Alam niyo naman siguro kung bakit kayo nandito diba?" Sabi ni Madam.
"Pagkatapos neto ay pupunta kayo sa isang restaurant para kumain ng dinner at may tatawagan akong reporter para magawan kayo ng news at pagkatapos nun ay magiging official na kayo!" Masayang sabi ni Madam Elena sa amin at pumalakpak pa.
Bumuntong hininga nalang ako at tahimik na nakinig.
May mga paalala si Madam sa amin ni Jared at dapat kapag magkasama raw kami ni Jared ay dapat sweet kami sa isa't isa like WTF. Parang gusto ko na tuloy mag back-out. I hate this.
Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ni Jared at papunta na kami sa restaurant na sinasabi ni Madam Elena sa amin. Tahimik pa rin ito at hindi pa rin kami nakakapag usap.
Ano bang klaseng lalaki 'to?! Kailangan ba na ako pa ang umuna makipag usap sa kanya? Nakakainis!
"A-ako pala si Elisse," tangina.
"I know," maikli nitong sabi. Oh, really, Jared? You know me pala?
"Bakit ka pala pumayag sa ganitong set up natin?" Tanong ko.
"I have no choice," sabi niya.
Fuck this shit. Paano kami tatagal ng lalaking 'to kung ang ikli niya namang magsalita?!
"Just act like we're in a movie," muli kong sabi sa kanya.
"I know."
SHUTACAAA!
Okay. Suko na ako! Ayoko na magsalita!
Pagkatapos ng maikling conversation namin ni Jared, matatawag na ba 'yung conversation?! Hays! Naging tahimik na kami hanggang sa nakarating na kami sa restaurant.
Hinantay ko naman na pagbuksan ako ni Jared ng pintuan. Isa ito sa sinabi ni madam Elena, lahat ng gagawin namin dito sa restaurant ay nakaplano na.
Pinagbuksan ako ni Jared ng pintuan ng kanyang sasakyan. Nginitian ko naman ito at hinintay na masara niya ang pintuan para sabay kaming pumasok sa restaurant. Naglakad na kaming dalawa ni Jared ngayon at nasa may beywang ko ang kanyang kamay upang maalalayan ako sa paglalakad.
Ay, wow! Gentleman pero pag nag a-acting lang.
Nakita ko ang ibang nasa loob ng restaurant na napatingin sa amin.
"Hala! Si Elisse at si Jared ba 'yan?"
"Sila na ba?"
Tahimik kaming naglalakad ni Jared papunta sa table namin. Nang makaupo kami ay nagkatinginan kaming dalawa. Tinaasan naman ako nito ng kilay. Nginitian ko siya at kinindatan.
Ilabas mo ang pagiging artista mo!
Nang makaorder na kami ng pagkain ay nagsimula na kaming kumain dalawa. Napatingin ako kay Jared na tahimik na kumakain ngayon.
Sabi pa ni Madam Elena ay dapat daw gumawa kami ng eksena rito sa restaurant na nag papatunay na kami talaga ni Jared.
Naghiwa ako ng pork belly at tinusok ito sa tinidor ko.
"Jared," tinignan niya naman ako.
"Yes?"
Ngumiti ako at nilapit ang tinidor sa kanya.
"Say 'aah'?" Sabi ko at mas nilapit ang pagkain sa kanya.
Nakita ko ang inis sa mukha nito.
Bahagya akong nagulat nang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"What are you doing?" He whispered.
"M-making a scene?" nauutal kong sabi.
"With this 'aah' thing? Seriously, Miss Gozon?"
Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Makisabay ka nalang kasi!" Mahina at inis kong sabi.
Ngumisi ito kinain ang nasa tinidor ko. Nginuya niya ito habang nakatingin pa rin sa akin.
"I want more scene," sabi nito na nagpakunot sa aking noo.
"Ano?"
"This..." nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa.
HINALIKAN NIYA AKO SA LABI!
Narinig ko ang pag singhap ng mga tao dito sa restaurant at sunod sunod na tunog ng camera.
YOU'RE A JERK, JARED VOX REAL!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro