Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

◉ CHAPTER 2 ◉


Pagkatapos ng photoshoot ni Katalina para sa Ideal woman magazine ay dumiretso agad siya sa management niya.

Nang makarating sa s'ya sa Star Entertainment, she confidently walked at the hallway while everybody looking at her. Napansin n'yang lalong tumalim ang tingin sakanya ng kapwa artista niya sa atensyong nakukuha.

Tumigil siya sa tapat ng elevator. Habang naghihintay her phone ring.

( Bryan Caling...)

"Anong kaylangan mo?" she answered.

( Are you free tonight? Let's have fun.) yaya nito

napaikot siya ng mata dahil sa ka-flirtan ng boses ng lalaki. Isa rin ang lalaking ito sa makulit niyang manliligaw at sobrang sakit sa ulo ni Katalina, hindi niya alam na meron pa palang tulad ni Bryan na sobrang marter dahil niyaya pa siyang magsaya sa kabila nang pambabusted niya rito. 

Mas matanda siya kay bryan ng tatlong taon ngunit hindi iyon tiningnan ni Bryan sakanya. Hindi niya nga alam kong bakit patay na patay ito sa kanya sa kahit sobrang babaero nito. Alam naman ni Bryan na wala siyang pag-asa sa kanya. Dahil hanggang kaybigan at kapatid lang talaga ang tingin niya rito simula nang umasok siya ng showbiz.

"Busy ako." sagot na lamang niya. Ayaw na niyang mainvolve pa rito. Lalong ayaw niyang paasahin si Bryan. The elevator opened and she entered. pasara na sana ito ngunit biglang may humarang na maputing kamay.

She rolled her eyes. "Ano na namang ginagawa mo dito?" agad na tanong niya.

"In case you forgot, Artista rin ako dito." wika ng lalaki

"Ay oo nga pala sorry ah. kahihiyan kanga pala ng starment."

Natawa nalamang ito sa sinabi niya kesa sa mainsulto, kahit siya ay gustong matawa sa kababawan ng utak nito, siguradong iba na naman ang pagkaintindi nito sa sinabi niya

"Ang taray mo talaga. That's why I like you kat." hirit nito sabay kindat sa kanya.

"Ang flirt mo talaga. That's why I hate you, and please don't me bryan baka dukutin ko ng tinidor yang mata mo." banta niya sa lalaki.

Sana'y na siya sa kalandian nito. halos lahat na yata ng babaeng magaganda at sexy na nakakasalubong nito, ganito ang lintaya ng Bryan.

Ngayon kasama niya ito, sumasakit ang ulo niya kong paano makatakas dito.

HABANG pinanonood ni katalina ang mga taong sumasayaw sa dance floor, hnd niya maiwasang tapunan ng masamang tingin ang lalaking katabi niya sa VIP seat.

Kanina pa siya nito inaasar habang ipinapaikot ikot ang basong may lamang alak.

Kong hindi ba naman kasi siya kalahating tanga at kalahating ignorante hnd siya makakapasok sa banyo ng mga lalaki para lang makapagtago sa pangungulit ni bryan.

She knew from the very start kong bakit sinama siya ni bryan sa santorini bar ngayon, magdadrama na naman ito sakanya kapag nalasing at gagawin taga hatid, at alam niyang siya ang dahilan ng pag-inom nito.

Siguradong malalagot siya sa manager niya dahil nilabag niya ang pag grounded nito sa kanya sa bar ng isang linggo dahil sa iskandalong ginawa niya kahapon.

Kaya wala siyang ginawa ngaun kundi pumapak ng pulutan ni bryan at umiinom ng milktea.

Kaya tudo nalang ang pambubuska nito saknya.

"Kapag hnd kapa tumigil sa pangaasar, isasalaksak kona sayo yang basong hawak mo." Inis na sabi niya.

Lalong natuwa si bryan dahil sa pagsusungit ng dalaga. Mas gumaganda kasi ito sa pangingin niya kapag tumatalas ang tingin ni katalina sa sakanya. Ang ganda kasi ng mga mata nito.

"Sungit mo naman. Just enjoy the night kat." ngisi nito.

"How can i enjoy this night e alam ko nanaman kong saan magtatapos ang gabing ito." She annoyingly said.

Kapag nalasing kasi bryan, hnd macontrol at ginagawa ang lahat ng gusto kaya ang laging kinalabasan stress na siya wala pang tulog. Hnd naman niya ito maiwanan dahil kunsensya pa niya kapag napasama ito. 

"Kapag nagpakalasing ka ngaun. Hindi kita iuuwi sa bahay niyo kundi torturin kita at ipapalabas ko na pinagtripan ka ng mga adik sa kalye dahil sa kayabangan mo. Para mawalan na ako ng sakit sa ulong tulad mo." Buskaya niya. 

Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa counter na kanina pa pasimpleng tumitingin sa kanya. Hindi niya na lamang ito pinagtuunan nang pansin dahil alam niya ang mga ganyang tingin sa kanya. It's either type siya nito or fan niya.

"Grabe ka naman. Hnd kaba pwedeng maging mabait ka muna sakin ngaun. You know naman pinagdadaanan ko diba. I'm broken hearted because of insensitive girl like you. Alam mong minsan lang akong magmahal tapos binaliwala mo pa." Madramang tugon nito.

 Gusto niyang matawa sa sinabi nitong insensitive daw siya, kong insensitive siguro siya ano pa ito. Samantalang ito nga ang humila sa katalina papunta sa bar at nakikipag-inoman sa dumurog daw ng puso nito. which is katalina.

Sinilip niya ang mukha ni Bryan na patuloy parin ang pagsasalita. "Hay nagsisimula na siya."





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro