Information
Timber Forest
Isang gubat kung saan madalas makikita ang mga Timber Wolf.
Ang Timber Wolf ay agresibo sa maingay o makarinig lamang sila ay handa kanang atakehin nito.
Ang Timber Wolf ay may mapulang mga mata at pilak na balahibo at mabilis tumakbo.
Madalas dito pumunta ang mga baguhan sa pagkat mahihina lamang ang mga beast nanirahan dito.
Madilim sa loob ng gubat ito dahil sa nag tataasan puno na tinakpan ang kalangitan nito.
Dark Forest
Ang makikita dito ay mga panike na kung tawaging Batrey.
Ang batrey ay maliksi at malinaw ang paningin sa gabi. May mapulang mga mata at matutulis na ngipin. Kadalasan lumabas sila at hindi mapakali tuwing kabilugan ng buwan.
Ang batrey ay kayang pumatay ng isang baguhan na hindi baba sa antas ng Broker silver.
Ang Dark Forest ay hindi naarawan dahil sa mga ulap na galing sa isang isinumpa ng mga nakakataas na antas.
Dito kadalasan pumunta ang may kaalaman sa pag buo ng potion na mga baguhan.
Gate Quest
-Ang pintong ito ay hindi makadaan ang kahit sino man na hindi maranasan ang malupit na pagsubok bago makapasok patungo sa susunod na Island.
-Ang pintong ito ay naka konekta sa tatlong lugar. Ito ay Farta,Magnolia,at Magma.
Farta
-Isang bayan kung saan naninirahan ang mga mahihirap na manlalaro at may antas na broker bronze.
-Ang pinuno ay Duke Zalo na isang mang dirigma.
Magnolia
-Ang bayan na ito ay naninirahan ang mga alchemist at blacksmith.
Dito makikita ang ilang mga guild na malakas.
-Ang pinuno ay si Lady Manya na isang magaling na alchemist.
Magma
-Ang bayan na ito ay pugad ng mga Minotaurs,beast,at mga taong malalakas.
Ang pinuno ay si Boss Magiyo na isang magaling na formation master.
Online Gate
-Ang pintong ito ay nagsilbi tulay patungo sa tunay na mundo. Dito kadalasan napadpad ang mga baguhan na pag pasok pa lamang.
Ang mga manlalaro ay tinawag na Adventure. Ang mga adventure ay may apat na klase.
Starting Classes
-Healer
-Mage
-Rogue
-Warrior
Data Card
-Ang Data card na ang lamang ay mga impormasyon tungkol sa isang manlalaro at ginamit upang makapasok sa laro.
Mirror Receiver
-Ang mirror receiver ay isang salamin na maliit lamang na parang katulad ng screen. Ito ay taga tanggap ng data card upang makapasok sa laro at ito ang pinto patungo sa mundo ng adventure quest.
Gift Ring
-Ang gift ring ay isang lalagyan ng mga gamit,sandata at iba pang bagay.
-Ang gift ring ang hugis nito sa gitna isang maliit na parang gift habang ang kanyang nag silbing pabilog ay parang isang ugat na paikot.
May tatlong uri ng gift ring. Ito ay X,V,at Y gift ring.
X
-isang mahinang gift ring ang ibig sabihin lamang ay kaya ito maramdaman ng ibang manlalaro at madali malamang kung may malakas kang yaman na tinago.
V
-Isang medyo malakas. Ang ibig sabihin lamang nito ay kayang maramdaman ng mataas na antas ng ibang manlalaro.
Y
-Isang espesyal na gift ring. Ang ibig sabihin lamang nito ay may kakayahan ito maitago ang mga awra ng nasa loob nito.
A/N: Salamat ika'y napadpad sa akda ko at asaahan ang error na Hindi ko maiwasan. Kung nagustuhan mo ang chapter na ito ay wag kalimutan mag vote at comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro