Chapter 9: Five Versus Five (part 1)
Ilang beses muntik na matalo ang binata dahil mas angat ang kanyang mga kalaban pag dating sa Skill. Buti na lamang ay magaling sa pag iwas ng mga atake at pag gamit ng basic skill.
Sa tulong ni Mulan sa pag gamot kay Minikiyo ay hindi naubusan ang data energy nito.
Sampo silang natira at pwede na sila humamon sa tinagurian nakapasok sa tournament ng top 50.
Ngunit may nabago dahil sa bagong dating na tinatawag siya ng lahat na SamroThe First Killer.
Bumaba ang babae nakalutang sa himpapawid sinalubong ang bagong dating.
"Sampo ang natira bagay na bagay sa 5 vs 5. Dito natin malalaman kung sino ang karapatdapat na humamon at manalo sa laro," seryosong saad nito.
Sabay lumutang ang dalawa pag karating sa himpapawid sabay ang dalawa nag salita. "Mahal namin kalahok may idagdag kami sa duel. Wag sana kayo magulat. Ang sampong natira ay mag laban-laban ngunit nahati sa dalawang grupo. Ang labanan ay 5 vs 5 kailangan niyo mag tulungan upang talunin ang kabilang grupo. Sa kaliwang natira na lima sila ang grupo habang sa kanan sila ang grupo," masayang saad ng dalawa.
Ang sampong kalahok ay nag silitawan ang mga pulseras sa harapan nila.
"Ang mga pulseras ay siyang mag pasya na hindi ka na pwede lumaban. Pa'no niyo malaman? Nakita niyong ngayon kulay green pa yan. Pag naging red ibig sabihin talo ka at hindi na pwede mag laro."
Left Team
-Canyora
-Demnia
-Maryana
-Minikiyo
-Sanya
Rigth Team
-Blare
-Xezeri
-Panther
-Walla
-Dokama
Nag si puntahan nag mga kalahok ngunit pag tapak pa lamang nila ay lumutang ang stage kasabay dahan-dahan nag bago ang anyo nito.
May nabuong muting tower ang mag silbing charge ng data life at energy. Lahat ng kalahok ay nag ka hiwalay kasabay lumitaw ang mga nag tataasan pader.
Samantala sa ibaba ang mga manonood ay nagulat. Nag Simula na mag reklamo dahil hindi na daw nila makita ang labanan. Pero tumahimik sila na may lumitaw na hologram.
"Simulan ang labanan!" sigaw ng dalawa.
Kasalukuyan tumakbo si Minikiyo patungo sa silangan.
Boom! bang! bang!
Mag ka sunod na pag sabog ang naganap sa gitna. Napatigil ang binata sabay yuko. Yumanig ang sahig na kinatayuan niya. Tumalon siya kasabay nahati ito.
"Muntik na ako don ha." Nilibot ang tingin nito sa paligid. Tumakbo muli ang binata kasabay lumitaw sa kanyang kamay ang pilak na espada.
Boom! Bang! Bang!
Pag liko nito bumangad sa kaniya ang matandang lalaki. "Mukhang hindi na ako mahirapan hanapin ang makakalaban ko," ngiting saad nito.
Tiningnan ng binata sa itaas ng ulo ng matanda. Dahan-dahan lumitaw ang pangalan ng matanda. "Panther." Umatras ng kaunti ang binata.
"Nanabik na ako kalabanin ka. Na pa hanga mo ako bata kahit basic skill pa ang alam mo ay nanalo ka sa ilang kalahok na kaharap mo."
Lumitaw sa kamay nito ang pilak na palakol,kapansin-pansin ang diamante sa hawakan ng palakol.
Isang mataas na uri ang palakol na hawak ni Panther. Tinatawag ito na "Glow Silver axe" May kakayahan ng elemento na mag pa kawala.
Tumakbo si Panther hindi makagalaw ang binata sa gulat. Pag lapit ng kalaban. Agad na tinaas ang kanyang palakol ngunit biglaan na lamang ito na tumba sa isang atake na pinakawalan ng babae na sa likuran ng binata.
Hinila ng babae si Minikiyo palayo kay Panther. "Salamat Maryana," tiningnan siya nito ng masama bago sumagot. "Maya ka na makipag daldal nasa harapan tayo ng kalaban.
Naramdam ng dalawa na may pararating na bala agad nag si takbuhan. Isang babae ang bagong dating na lumigtas sa kanyang kasama.
"Buti dumating ka Walla." Tumayo ang matanda habang masamang nakatingin sa dalawa.
Mag ka synod na nag pakawala si Maryana ng pana sa direksyon ni Walla ngunit agad naman na kaiwas na ikinainis ni Maryana.
"Minikiyo ikaw ang bahala kay Panther. Sa'kin ang babaeng manok!"
"Anong sabi mo?" galit na saad nito.
Sabay sumulong si Minikiyo at Panther na mag ka lapit ay hinampas ng malakas ang palakol sa binata buti na lamang ay ginamit niyang panangga ang espada.
Nag karoon ng malakas na hangin kasabay nag siliparan ang alikabok sa paligid. Tiniis ng binata ang sakit ng tuhod. Buong lakas niyang itinulak ng ikina atras ng kalaban.
May paparating na bala sa binata na iwasan niya naman ito. Nag ka tigan ang dalawa tumalon ang binata sabay iwinasiwas ang espada sa harap ng kalaban.
Napa atras ang kalaban dahil sa subrang bilis na galaw ng binata ay hindi niya namalayan paparating na sa kaniyang mukha ang sunod-sunod na hiwa ng ikinatumba nito.
Kahit nakadapa ito ay buong lakas na itinaas ang palakol sabay hampas sa sahig. "Glow Silver Axe: Speed," sunod-sunod na pag sabog ang naganap ng ikinatilapon ng binata.
Nag pagulong-gulong ang binata tumama sa pader. Mabagal na ang kilos nito dahan-dahan bumaba ang data energy niya.
Sa laban ni Maryana at Walla ay kasalukuyan nag palitan ng atake. Walang nag pa talo. Nag pa galingan pa ang dalawa sa pag gamit ng sandata.
Tumalon si Maryana lumapag siya sa ngilid ng tipak na semento. "Kailangan ko gamitim ang art skill," bulong nito sa hangin.
Bago niya magawa ang kanyang balak ay naunahan ng kalaban. Walang nagawa kundi umiwas sa boom skill ng kalaban. Muntik na siya maabutan sa pag sabog.
Gumapang siya ng dahan-dahan. Dahil sa makapal na usok ay hindi medyo makita ang kapaligiran.
Tumakbo si Walla patungo sa kinaroonan ni Maryana. Ang akala nito ay natalo niya.
Sa pag lapit ay nakatanggap siya ng mag kasunod na atake ng ikina tumba nito.
"Asan ka? Mag pa kita ka!" Maingat na gumalaw si Maryana dahan-dahan niya hinila ang enerhiya pa atras. "Isa,dalawa,tatlo." Binitawan nito ang triple na atake.
Bang! Bang! Bang!
Napapikit si Maryana habang pinakigan ang sigaw ni Walla na humiyaw sa sakit ng katawan.
Napatingin siya sa kinaroonan ni Walla unti-unti nawala ang usok ngunit malaking ngiti ni Maryana na matanaw niya nag kulay pula na ilaw.
"Walla is defeated by Maryana!"
"Yes natalo ko siya," masayang saad nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro