Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23: The Giant Spider

“Bago tayo mag patuloy. Pakiusap mag utang sana kami sa inyo ng data goal upang bilhin ang locator device. Dati mababa ang Presto kaya pa namin bayaran pero ngayon halos 50k data goal ang presyo, ” nakikiusap si Lakam habang nag paawa tumingin sa kanila.

“Sa pamamagitan nito mabilis natin ma ipon ang lahat ng data goal na ipa utang namin sa inyo.”

Sa kumpas ng kamay ni Laura lumitaw ang hologram saka unti-unti na buo ang imahe ng basket. Walang alinlangan na itinapat ang palad ng bawat isa.

Binaba na nila ang kamay nang nag laho ang basket at napalitan ito ng pulsiras. Agad naman ito kinuha ni lakam saka sinuot sa matanda.

“Paalam tatay. ”

Umalis ang lahat patungo sa sunod na silid. Kahit malayo pa sila, sunod-sunod na pag sabog ang narinig nila.

“Mukhang kasalukuyan pa kinalaban ng kung sino man ang nasa loob, ” mahinang saad ni Maryana.

“Yumre taasan mo ang depensa! ”

Nag madali tumakbo ang lahat nang naramdaman ang maraming kalaban sa sunod na silid. Sa pag bukas ng pinto bumangad sa kanila na hawak ng tatlong babae ang halimaw, habang ang dalawang lalaki ang gumawa ng depensa  upang hindi ma apektuhan ang tatlong babae, samantala ang isang lalaki ay kasalukuyan nag ipon ng enerhiya bago pa man umatake.

Tumalon ang lalaki patungo sa dibdib ng halimaw saka sinaksak nito sa bandang puso na ikinasawi ng halimaw.

“Mabuti naman na talo niyo at walang na biktm-”

Hindi na pina tapos ang sa sabihin ni Lakam nang pinutol ito ni Yumre.

“Sa kasamahan palad may nakulong sa pader na iyong. Hindi ko alam kung sino siya, ang tanging alam ko kasamahan natin siya at tatlo sila, ” sagot ni yumre.

Sinundan nila ang itinuro ni Yumre. Sa room 6, napatango ang ilang pero si Lakam labis nakaramdam ng malungkotan ngunit hindi niya ito pinakita.

“Mauna na ako sa inyo! ” mabilis nag tungo ang binata sa room 6 agad naman sumunod sila. Pag bukas ng pinto bumangad sa kanila sa gitna may pader at kapansin-pansin ang tatlong tao na estapwa naka hawak sa pader.

Napailing na lamang ang binata saka muli ito lumakad patungo sa room 5 ngunit pag bukas nila walang tao O kalaban kaya tumuloy na sila sa room 4. Sa pag bukas ng pinto  mabilis na tumagilid ang binata, isang patalim ang dumaan sa kaniyang mga mata.

“Movement barrier! ”

Pumasok ang binata habang tuloy parin ang mga patalim na tumama sa kaniyang barrier, hindi niya matukoy ang pinag mula ng mga patalim.

“Sa room 3 bukas pinto. Doon nangaling ang mga patalik. ”

“Adam bilisan mo pa! ” sigaw ng babae mula sa room 3.

“Wag na tayo tumulong kaya naman nila yan, ” saad ng binata.

“Oo nga naman. Naramdaman ko walong tao ang nasa loob ng room 3,” sang ayon ni Lakam.

Bago pa man sila nakapasok sa loob ay natalo ng mga ito ang mga kalaban . Ngumiti lamang si Adam at prince habang ang iba seryuso nakatingin sa room 2.

Kusang bumukas ang room 2 at 1 kaya tanaw nila na walang kalaban sa room 2 maging sa room 1 wala. Kasalukuyan nakaupo ang lahat naroon.

“Guys tumayo na, nandito na sila. Mabuti naman narito na kayo kanina pa kami nag hintay sa inyo. O nga pala may isang biktima nakulong sa hangin hindi na namin na hanap, ” paliwanag ng katulong.

“Nabawasan tayo ng limang kasamahan. Wag ma takot sa nangyari sa iba pa natin kasamahan dahil buhay pa sila. O siya pala Melody na hanap niyo na ba ang pinto patungo sa ika-qpat na palapag? ”

“Pasensya Youg Master wala kami nakita na pinto maliban sa mga pulang ilaw sa pintong ito. ” I tinuro ng katulong ang pinto na pinasukan nila.

Malapit ang binata sa pinto kaya sinara niya ito kasabay sa pag galaw ng sahig, sa subrang bilis na umangat ito patungo sa ika-apat na palapag halos napa kapit ang ilang sa kanila sa sahig gamit ang kanilang skill.

Ang binata ay napa upo sa sahig, wala siyang problema sa mabilis na pag angat nito dahil naka active pa ang movement barrier niya.

“Aray ko! ” sigaw ni Sadom na kasalukuyan nag pagulong-gulong ganon din ang iba na sinapit dahil hindi nila masabayan ang bilis nito.

“Ayaw ko sa elevator kahit kailan hindi na ako umulit pero ngayon masusuka ako! ” reklamo ng katulong.

Nag simula na ito sumuka na ikinataranta ng iba dahil lumutang ito na labis ikina inis ni Laura dahil pa lapit ito sa kaniya. “This cannot be! ” naiiyak na saad nito. Mabilis ito lumipat gamit ang palaso na pinakawalan nito at tumama malapit sa pwesto ni minikiyo at hinila niya ito upang makalipat bago dumanpi sa kaniyang balat ang laway ni Melody.

“Grabe ka naman Laura! ” nahihiya si Melody sa nangyari kaya mabilis ito ginamit ang walis saka umupo. Pero nahihilo pa ito at pinigilan nito ibuka ang labi.

Huminto sahig kasabay bumagsak si Laura at Melody sa sahig. Napantingin ang lahat ng bumangad ang alikabk at sapot nag kalat sa sahig at pader.

Napaubo si Laura dahil sa alikabok. “Ano sa tingin niyo ang ka laban nag hintay sa atin? I feel strongly opponent. ” dahan-dahan tumingala si Laura at napalunok siya ng apat na beses.

“Laura ayos ka lang?”

Hindi sinagot ang binata kaya tumingala din siya. “Guys gagamba ba iyong? ” Sabay turo niya sa na tulog na gagamba na kulang itim.

“Gagamba ba iyang Minikiyo. ” sabay ang dalawa tumingin sa isa’t isa bago tumakbo patungo sa likod ng mga kasamahan.

“Guys wag kayo gumawa ng ingay. Nakita ko ang hagdanan sa hindi kalayuan sa atin. Nakikita niyo ang line na yan? ” kinakabahan saad ni Adam.

Tumango ang lahat bilang pag tugon. “Pag lumagpas tayo sa line na yan. Wag na kayo mag taka kung bakit nagising ang dambuhalang gagamba.” Nag laho si Adam.

“Guys narinig niyo ba ang naririmig ko? ” saad ng isang babae.

“Wag mo sabihin n-” huminto sa pag salita si Maryana. Pinalabas nito ang palaso sabay tutok sa itaas.

May apat na pulang mata ang nakatingin sa kanila. Hindi ito umatake sa pagkat may laser ang nakaharang sa line, sa oras na lumapit ang gagamba ay mag active ang laser.

“Guys kung manatili lang tayo dito maubusan na tayo ng oras baka mag sara ang pinto ng ika-limang palapag at mag hintay tayo na bumukas ito pero matagal kaya ako mauna na ako sa inyo. ”

“Wait. Wag ganong Young Master, wag mo kalimutan ang mga mahihina sa depensa baka mapahamak sila. ”

“We have Maryana's plan. Tumakbo na ang iba na hindi na kaya lumaban habang abala kami sa paki pag laban sa higante gagamba, ” ngiting saad ni Laura.

Lumabas sa line si Laura, nag pakawala ito ng enerhiya na mula sa kaniyang palad. “Ito na ang oras para gamitin ang pangalawang spirit ture ko. ” May na buo na palaso.

Mabilis nag pakawala ng sapot ang gagamba sa direksyon ni Laura agad naman binitawan niya ang palaso. Nag kasalubong ang sapot at palaso ni Laura.

Bang!

Nag simula tumakbo ang iba, samantala si lakam at sadom ay kasalukuyan nakaluhod ang isang tuhod habang nakalahad ang palad ng dalawa at tinapakan ni Maryana ang palad nila.

“Ngayon na! ”

Agad tumayo ang dalawang lalaki saka buong pwersa itinaas ang palad ng dalawa  kasabay tumalon si Maryana.

Ang galamay ng gagamba ang sumalubong kay Maryana. Agad naman umikot  upang maiwasan ang galamay saka sunod-sunod nag pakawala ng palaso. “Voltage Arrow!” Boom Arrow! ” tumagos ito sa galamay ng gagamba patungo sa kanang mata ng itaas dahil sa bilis ng palaso hindi ito na iwasan ng gagamba.

Bang!

Nag simula magwala ang gagamba, “Aray ko! ” tinamaan si Maryana sa bandang gilid ng binti bago pa man matamaan ulit. Tumalon ang binata saka sinipa siya nang ikinahulog nito ng mabilisan. Samantala tumama sa binata ang matulis na galamay ng gagamba ngunit tumalbog lamang ang binata at tumama sa pader.

“Earth Hand! ”

Lumaki ang kamay ni lakam saka hinampas ang galamay ng gagamba na siyang dahilan ng pag kabali nito. Bumagsak si lakam dahil hindi pa na master ang skill na ito.

Tumakbo si sadom upang iwasan ang earth hand ni lakam na babagsak sa kaniya.  Nag tagumpay naman ito.

“Fire wall two! ”

Lumitaw sa harapan nito ang apoy na pader dahil pangalawa na ito kaya umabot hanggan sa itaas na tumama sa gagamba ng katawan. Sunod-sunod nag pakawala ng sapot ang gagamba na tumama sa direksyon ni sadom na sanhi na pag laho ng kaniyang apoy.

“Hindi! ” Sigaw ng dalawang babae na kasalukuyan nabalutan ng sapot ng gagamba habang dahan-dahan nag laho.

Sinubukan pa ni halem iligtas ang dalawa ngunit sa kasamahan palad tuluyan na ito nag laho. Tumagilid si halem kasabay pumatak ang itim na likido mula sa gagamba.

Labis natakot ang nadarama ni halem kaya ginamit niya ang double fire wall na mas malakas kay sa fire wall two. Sapa na ang double fire wall para protektahan ang kaniyang sarili.

“Ako naman tikman mo halimaw ka! ” lumutang si Melody habang hawak ang walis nag simula nag liwanag ang dulo nito.  “ Cleaning Skill! ” Iwinasiwas nito sa eri na sanhi na pag laho ng sapot na nag kalat sa sahig at pader. Maging ang dahan-dahan kumapit sa balat ni lakam ay nag laho din. Bumagsak ang gagamba na labis ikinagulat ni melody dahil mababagsakan si Lakam, Maryana, at minikiyo.

“Earth Hand! ” mabilis umangat ang kamay ni lakam. Buong pwersa hinampas nito. “Halem! ” takot na saad ni Lakam dahil patungo ito sa direksyon nina Halem, Yumre at isang babae na kasalukuyan nanghihina pa.

“Circle Blade! ” lumitaw ang mga patalim na pumalibot kay yumre, pag bagsak ng gagamba, nakahinga ng maluwag si yumre dahil nasa ilalim siya ng gagamba. Napalingon siya sa babae na patakan ng dugo ng gagamba.

Kumaway ito habang umiyak, dahan-dahan nag laho ito na labis ikina galit ng prince.

Natutula ng saglit ang prince sa kaniyang nasaksihan ngunit hindi nag tagal ibinato sa eri ang krus niya na sandata.

“Judgement krus! ”

Lumaki ang krus na Espada saka mabilis na bumagsak sa katawan ng gagamba. Isang pag yanig ang naganap, mabilis kumalat ang itim na likido pero nagawang ito ng paraan ni melody para tigilin.

Sa pag liwanag ng katawan ng gagamba ay  napapikit ang lahat. Sa pag hupa ng liwanag bumangad sa kanila ang walang malay na sina Yumre, Halem at Laura na kasalukuyan sumuka ng dugo.

“Mabilis bumaba ang data energy ng tatlo, young master! ”

Wala ng sapat na enerhiya si melody upang gamutin ang mga maging si Maryana na kasalukuyan nahihilo pa.

“Minikiyo tulungan mo pinsan ko, pakiusap.”

Walang narinig ang binata, nanlalabo ang mga mata, hindi maayos ang daloy ng enerhiya sa buong katawan. Dahan-dahan nag laho ang movement barrier nito na sanhi na pag saka ng dugo. Tinakpan ng binata ang mag kabilang tenga nito, napa atras si Lakam sa kaniyang nakita. Dahan-dahan dumaloy ang dugo sa kamay na mula sa tenga.

“Anong nangyari? Bakit wala akong marinig? ”

Hindi mapalagay sa kaniyang kinatayuan, napatalon ng isang beses dahil biglaan sumakit ang ulo sabayan pa ng matinding ingay na subrang sakit habang unti-unti humina ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro