Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22: Shadow The Opponents

Malawak ang loob ng ikalawang palapag ngunit hindi nila mahanap ang pinto patungo sa ikatlong palapag.

“Siguro huminto muna ako. Kung magtatagal ako nito kaka gamit ng data energy baka hindi na ako makalabas. ” Sabay hinto nito.

“Hinto guys! ”

Nasa gitna sila na sila pero ang nakakapagtaka wala silang makita na kahit ano maliban sa mga litrato nakasabit sa bawat haligi  nito.

Na patingin ang lahat sa isang litrato na malapit sa kanila. Nakalutang ito, sa loob ng litrato may isang babae nakapikit ngunit palingon-lingon.

Lumapit ang katulong ngunit lumayo ito sabay narinig nila ang halakhak na mula sa litrato. Sa subrang inis ng katulong umupo ito sa kaniyang walis saka lumipad patungo sa litrato.

Biglaan nagkaroon ng dalawang pakpak ang litrato saka ito lumipad pa itaas at doon nila napansin ang kisame na inakala nila ay kalangitan pala. May mga munting bituin ang kuminang ngunit ang nakakapagtaka may mga anino na minsan dumaan sa kanila.

“Makukuha rin kita! ”

Halakhak lamang ang natanggap ng katulong. Napahinto sa pag habol ang katulong ng mapagtanto na may buhay ang litrato at napansin nito sa likuran ay pinto.

“Guys ang pinto na hinanap natin walang iba ang litrato iyong! ”

Nag pa tuloy sa pag habol ang katulong ngunit huminto ang litrato saka bumukas ang likod nito at doon napasok ang katulong.

“Guys nadito na ako sa ikatlong palapag! ”

Nag katinginan ang lahat saka nag kaniya-kaniya ang mga ito gumawa ng paraan para habulin ang litrato. Sabay si Maryana at Laura nag pakawala ng palaso nang tumama ito sa litrato unti-unti lumitaw ang tali sa palaso at kamay nila.

“Mauna muna kami! ”

Sa pag hila ng dalawa umikot ang litrato na unti-unti umikot at ito naman humila sa dalawa, sa pag karating agad naman nag bukas ang pinto.

Bago pa man mag sara ang pinto ay nag laho si Adam at kasama nito ang tinawag na tatay. Pwersahan bumukas ulit ang pinto. Bago pumasok ang matanda nilabas nito ang item na mula sa spirit ture ang bolang bakal na naging sanhi pag bagsak ng litrato sa sahig.

“Fire wall! ” sabay na sigaw ng dalawa habang unti-unti pinalibutan ang pinto.

“Freeze! ”

Tumigas ang litrato na sanhi na pag laho ng apoy. Nag unahan na sila pumasok dahil dahan-dahan lumitaw ang mga tulog na mga halimaw.

Ang huling  nakapasok si Lakam at Minikiyo bago pa man mag sara ang pinto muntik na matamaan si Lakam ng kuko ng halimaw.

Lumitaw si Lakam at Minikiyo sa harap ng salamin na siyang ipinag taka nito. Nakapanti ang lalaki dahil wala siyang naramdaman na enerhiya ng mga halimaw. Napa titig siya na unti-unti nabasag ang salamin na sanhi ng malakas na ingay.

“Room 10? ” basa nito sa lumitaw na hologram. Na alerto nang umilaw ang buong palibot. Napalunok ng tatlong beses saka seryuso nakatingin sa paligid. May naramdaman siya na mga enerhiya sa palibot ngunit ang problema hindi niya matukoy ang tamang pwesto nito.

“Walang gamit ang room na ito maliban sa flashlight. Anong silbi ng Flashlight kung sakali gagamitim ko ito laban sa kung sino man. ”

Lumakad patungo si Lakam sa Flashlight bago pa man niya ito makuha may naramdaman siya na pa lapit sa kaniya kaya na walang siya ng kontrol sa bed rock na sanhi na pag bagsak at agaw pansin ang ingay na nagawa nito.

“Active Combat skill! ”

Mabilis niya na ilagan ang mga kamao muntik na tumama sa kaniyang mukha. “Ano? ” gulat na saad nito. Wala siyang nakita kung hindi ang anino na mabilis nag laho.

Napalingon sa pwesto ni minikiyo, nanlaki ang mga mata na makita ang mga anino na humila sa katawan ng binata patungo sa kadiliman ng parte ng silid.

Sa kumpas ng kamay ng lalaki kasabay umangat ang sahig na ikinatigil sa pag hila ng mga ito. “Bakit hindi pa siya nagising hindi naman na ubos ang data energy niya. Nasa 70% pa. Samantala ako nasa 80%.” Tumalon ang lalaki nang naramdaman niya na gumalaw ang tinapakan na sahig.

“Wew.”

Medyo nanlabo ang paningin ni Lakam nang marinig ang ingay ng anino. Pikit- dilat ang kaniyang ginawa.

Isang suntok ang nag pa tumba sa kaniya mula sa likodan niya. Tumilapon ang lalaki nang sipain ito sa bandang tiyan nito. Tumama ang lalaki sa pader na malapit sa madilim na bahagi.

Pwersahan siya hinila patungo sa dilim, pinag tadyakan niya ito para bumitaw ngunit mahigpit ang hawak nito sa kaniyang binti.

“Ahh! ”

Nag pagulong-gulong ang lalaki saka huminto sa madilim na parte ng dilim. Nakahiga ito habang nakatitig sa itaas at doon niya napagtanto bakit hinila ng mga anino siya. “Unti-unti bumaba ang data energy ko mula 80% naging 70% hindi ito maaari baka ikapatay ko pa ito.  Swerte ng mga fire element sa quest na ito. ” Pilit na gumapang ito patungo sa ma liwanag.

Samantala ang binata ay pinalibutan ng anino, akmang hawakan ang kamay ng binata na biglang bumagsak ang bed rock na ikiaatras ng mga anino.

“Arrh.”

Nagising ang binata ngunit mabigat ang kaniyang katawan kahit ganon paman nag pakawala ito ng pwersahan na enerhiya na mabilis tumakbo ang mga anino sa dilim.

Dahan-dahan bumangon kahit subrang sakit ng buong katawan. “Wew.” Hindi tumalad sa binata ang ingay dahil kasalukuyan ito na walang narinig maliban sa ingay ng buhawi na tumatak sa kaniyang isipan ang kaniyang nagawa kanina.

Sabay-sabay ang lahat ng anino umatake  sa binata. Sunod-sunod nag si tilapon ang mga anino na mag simula pumalibot sa binata ang munting hangin na anyong lubid.

Tuluyan na ito nakatayo pero nahihilo pa ito sa bawat hakbang ay natumba ito saka muli tatayo at hahakbang. “sakit ng ulo ko! ” nag silitawan ang mga pulang mata na mula sa dilim ng parte ng silid.

Napahinto ang binata sa pag lakad nang mapansin ang mga pulang mata. “ Ito na siguro ang pangatlong quest sa ikatlong  palapag.  Bakit wala akong makita na kalaban? Asan kaya ang kasama ko? Hindi bale na nga, ” mahinang saad nito.

Tumagilid ang binata nang naramdaman ang patalim na likha sa anino. Dumaan ito sa kaniyang harapan na labis niya ipinag taka. “Aninong patalim? ” agad naman muli tumagilid pakawala saka umatras.

Lumitaw sa likuran ng binata ang dalawang anino.  Itinulak ng unang anino si minikiyo ngunit humarang ang anyong lubid na hangin na ikinaatras nito. Sumunod ang ikalawang anino na sinubukan hawakan ang anino ng binata, nag tagumpay na hindi makagalaw ang binata. Nag simula nanginginig ang mag kabilang binti.

“Aray ko! ”

Nag si litawan ang mga anino pinalibutan ang binata na sanhi na hirap sa pag hinga. Unti-unti lumabas ang usok na mula sa anino ng binata kahit pilit ito nilabanan ng anyong lubid na hangin walang epekto dahil mas lalo ito umusok.

“Tulungan mo ako! ” sigaw ni Lakam.

Sa pag ka rinig ng binata ng boses mas lalong nanginig ang mag kabilang binti nito habang dahan-dahan na buo  ang barrier sa pamamagitan ng anyong lubid na hangin na mabilis umikot.

Napaubo ang binata maging si Lakam dahil sa ma matiding usok na bumalot sa buong silid. Dahan-dahan natunaw ang mga basag na salamin.

“Wew, wew. ”

Nag hawak kamay ang mga anino balak nito higupin ang anino upang habang buhay na ito hindi maka galaw at mabilanggo sa silid.

Bago pa man nagawa ang balak ng mga anino ay tuluyan na buo ang movement barrier, sa pag hakbang ng binata kasabay tumilapon ang mga anino habang unti-unti naglaho.

Ang movement barrier ay nabibilang sa light element na buo ito ng binata at na active dahil sa earth at wind element.

Mas matibay ito Kumpara nong una niya pinalabas ito. Sa tulong ng lubid ay nagkaroon ng enerhiya sa loob at labas na pwede mag dagdag ng data energy kahit gamitin pa ng binata ang skill ng ibang spirit ture ay hindi na siya mang hina at mabilisan pag baba ng data energy.

“Movement 2 Barrier! ”

Nag anyong bola ang barrier saka nag simula tumalbog. Sunod-sunod na hiyawan ng mga anino dahil sa matinding init.

Napahinto ang binata nang makita ang flashlight. Agad ito lumapit at kinuha. Tumakbo ang mga anino na aatake sana sa binata ngunit nag tungo ito sa direksyon ni Lakam .

Tinutok ng binata ang flashlight sa direksyon ni Lakam. “On! ” nasilaw ang mga anino maging si Lakam ay napapikit.

“Wewww! ” hiyaw ng mga anino.

Napangiti nang ma ubos ang mga anino saka pa na off ng binata. Ma ingat niya binalik ang flashlight sa lalagyan nito dati pero lumitaw ang hologram sa kaniyang harapan at doon niya na kita ang tungkol sa flashlight gamit pala ito sa ikatlong palapag gamit sa pag laban ng anino at pag hanap ng pinto.

“Mabuti hindi naka tulog. Sa lagay mo yan nasa 40% pag nahimatay ka siguro baba ang iyong data energy dahil sa anino humawak sa iyo. O siya wag ka mag alaala dahil ibabalik ko ang nawala mo na data energy. ”

Dahan-dahan tumayo si Lakam na nanghina, pinag masdam lamang siya ng binata na kaniyang ipinag taka kung bakit. ‘ Sabi niya tulungan niya ako ibalik ang nasayang ko na data energy. Bakit hindi siya lumapit para tulungan ako tumayo? ’ Isip nito.

Nag simula tumalbog  patungo sa binata na labis ikinagulat nito. “ Anong balak mo? Wag...!” Tumama ang binata sa barrier sa muli pag talbog ay nakadikit ang lalaki habang sigaw ng sigaw dahil sa matinding sakit na dumaloy na enerhiya na mula sa barrier.

Sa pag bagsak ng binata kasabay nag laho ang barrier at nakatayo ang lalaki na nanlaki ang mga mata.

“Bumalik na sa 100% ang data energy ko, nakakamangha ang iyong ginawa Minikiyo. Maraming salamat. ”

Hindi sumagot ang binata sa halip tumango lamang bilang pag tugon. Nag simula na mag lakad ang binata habang gamit ang flashlight. Matahimik nakasunod sa kaniya ang lalaki. Kumaliwa ng daan bumangad sa kanila si Maryana at Laura na kasalukuyan nag papagaling.

“Nandito lang pala kayo sa Room 9. Ibig sabihin pababa ang bilang ng numero sa  silid, ” takang saad ni Lakam.

“Wag na tayo mag chismis sayang lang sa oras iyong ang mabuti pa  tara na! ” inis na saad ni Laura habang ka sunod nito si Maryana na focus sa pag gamot sa sarili. Sumunod sila minikiyo na walang ginawa na ingay.

“Tatay! ” iyak na saad na kung sino man. Pag bukas ng pinto ni Laura bumangad sa kanila ang nabalutan ng yelo ang matanda.

“Wag ka mag alaala Sadom sa pag kakaalam ko makakabalik pa siya sa tunay na mundo. Alam ko hindi pag nag tatapos ang larong ito. Season 1 pa ito abangan natin ang season 2 at hanapin si Itay ang tangin magagawa na lang natin lagyan siya ng locator device para sa pag balik natin. ”

Napataas ang dalawang kilay ni Laura sa nakikita dahil ayaw niya sa ganitong eksena dahil malulungkot siya at mabawasan ang tiwala sa sarili niyang kakayahan pag nag kataon na bumigay siya sa emosyon.

“Nandito na pala si Lakam. Ikinalungkot namin ang nangyari patawad, ” naiiyak na saad ng lalaki.

“Tumayo kana riyan Halem Hindi bagay sa iyo ang um iyak, ” malungkot na sagot ni Lakam.

“Guys wag kalimutan mag patuloy sa quest baka sabay-sabay tayo nito mabilanggo sa loob ng laro, ” walang emosyon na saad ni Laura.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro