Chapter 11:Final Duel
Kasalukuyan tumakbo si Maryana patungo sa direksyon kung saan narinig niya ang sigaw ni minikiyo. Nasa kalahati ng data energy ang kaniyang ginamit 'di kayang tumagal sa labanan sa skill kung hindi sa physical na labanan. Ang tumatakbo sa isip ng dalaga ay kailangan niya manalo dahil sa kagustuhan niya makuha ang premyo at makalaban ang tinagurian nakapasok sa top 50 sa tournament.
Napahinto ang dalaga ng matanaw niya ang palibot ng munting tower ay nag kalat ang usok sa hangin at kapansin-pansin ang mga nag liwanag na mga bato sa kalupaan. Naanig niya ang dalawang pigura isang binatang nahihirapan na lumipat sa ibang bato at isang lalaki nasa likuran nito. Agad nakikila ng dalaga kung sino ang humabol base sa kaniyang boses.
“Talagang malakas ang isang 'to akalain mo nga naman kanina pa gumamit ng data energy pero ngayon nasa 40% na lamang ang natitirang data energy,” akmang gagamitim ni Maryana ang kaniyang pana nang may naramdaman siya na paparating na mula sa itaas.
Umikot paatras kasabay na tumama ang mga apoy na patalim na mula sa kinatayuan niya kani-kanina. “kung sino man 'to masasabi ko nanghihina na siya,” tumingin si Maryana sa direksyon sa himpapawid na malapit sa gitna. “Kung ganong may kakayahan siya lumutang, hindi problema sa'kin 'yong,” lumingon si maryana sa direksyon ng binata na kaunti na lamang ay makapasok na ito sa munting tower.
Tinutok ni Maryana ang pana sa direksyon ng binata. “Second art skill:Bomb Arrow.” Isang malakas na pag sabog ang naganap nang ikinatilapon nito.
Pagulong-gulong ang dalaga nang makita niya mula sa himpapawid may paparating na mga apoy.
Lumingon ng saglit sa munting tower ang dalaga ngunit nanliit na lamang ang kaniyang mga mata. binalutan ng liwanag ang kanina kinatayuan niya habang dahan-dahan umikot kasabay sumabog.
“May barrier.” dali-dali tumayo at tumakbo patungo sa kabila upang lituhin ang kalaban na mula sa itaas.
“Tiyak na ma ubos ang data energy ng kalaban sa kaniyang pinag gagawa. Kailangan ko makahanap ng pagkakataon.”
Tumakbo ang dalaga patungo sa kabilang tower ngunit hindi pa nasa Kalahati ang na takbo niya nang umulan apoy na patalim.
Hinila ni Maryana ang pana itinutok sa himpapawid.
“First and Second Art Skill:Combination Arrow Attack! ”
Nag ka salubong ang bawat atake ng dalawang manlalaro pero mas laman ang nasa ibaba dahil sa pinag sanib na skill ay mas lalo lumakas ang epekto nito.
Dahil dito ay lubhang na apektuhan ang nasa himpapawid na dalaga. Isang malakas na hangin ang humanpas sa dalaga nang ikinahulog nito.
Pa ikot-ikot ngunit bago ito bumagsak muli na naman nag pag kawala si Maryna ng ika-lawang art. Mag ka sunod na pag sabog ang naganap. Tumakbo si Maryana sa direksyon ng kalaban upang siguraduhin na talunin ito.
Bago makarating si Maryana ay umilaw ng pula sa pwesto ng kalaban sabay tilapon niya. Dahil sa subrang lakas na aura ang kumawala sa kalaban.
Pagulong-gulong sa lupa hanggan sa napasok siya sa munting tower.
Blare is defeated by Maryana
***
Kasalukuyan nasa loob ang binata ng munting tower habang nakapikit ang mga mata. Humigop ng data energy na parang kidlat na tumama sa katawan ng binata. Hindi niya maiwasan manginginig sa subrang lakas ng pwersa na pumasok sa katawan ng binata ay sanhi nag pag karoon ng barrier na pumalibot sa munting tower at labas nito ng ilang metro kung saan pasok ang kalaban na kasalukuyan naka upo na habol hininga.
Nang makabawi ng lakas ang kalaban ay agad sumulong sa muting tower habang tinaas nito ang palakol. Tumalon sabay hampas.
Bang
Tumilapon lamang ang kalaban na may ngiti sa labi nang huminto sa pag higop ang binata ng data energy.
Dahan-dahan humakbang palabas kasabay nakaramdam ang kalaban ng mabigat na aura.
“Handa na ako makipag laban sa’yo. Sa pagkakataon ito hindi na ako tatakbo.”
“Kung ganong simulan natin!”
Tumakbo ang kalaban. Hindi gumalaw ang binata sa kaniyang kinatayuan. Tumalon ang kalaban sabay hampas ng palakol sa binata.
Bang! Bang!
Ngunit isang suntok ang nag patigil sa kalaban na tumama sa kaniyang balikat.
“Hindi sarado ang pag atake ng galaw mo.”
Labis na ikinainis ng kalaban ngunit hindi na kaya gumamit nito ng art skill. Nasa 15% na lamang ang natitirang niyang lakas.
“Ako naman.”
Tumadyak ang binata. “First and second art skill:Golem” pinag sanib ng binata ang dalawang skill ang kinalabasan nito ang pag likha ng isang golem na hindi inaasahan.
Mabilis na pinag suntok ang kalaban ng golem hanggan sa hindi kinaya.
Panther is defeated by Minikiyo
“Ang Duel ay hindi pa tapos. Magsisimula ang tubay na hamon sa dalawang manlalaro!” sigaw mula sa himpapawid.
Upang makuha ang titolo na duel master kailangan kalabanin ang malakas na duel master.
Nag laho si Panther kasabay gumalaw ang pader. Muli na naman nag bago ang ayos nito. Ang mga munting tower ay bumaba sa ilalim hanggan sa hindi na ito makita.
Lumitaw ang hologram sa kalangitan. May nakalagay ng isang oras ang pag pahinga ng manlalaro bago mag simula.
Napabuntong hininga ang binata. “Kung hindi ako nakapasok sa munting tower siguro talo na ako.” napalingon ang binata sa golem hindi pa nag laho nanatili nakatingin sa kaniya.
‘Golem? Hay naku, paano ko kaya na pinag sanib ang dalawang skill? Bahala na nga. Hayaan ko na lang ang golem baka mamaya mag laho din yan,’ isip ng binata.
Lumakad ang binata ngunit napahinto nang napansin niya na sumunod ang golem. Labis na pinag taka niya.
Mula sa pwesto ng binata hanggan sa himpapawid na gulat ang dalawa.
“Isang nakakamangha ang kaniyang nagawa, ngunit ang pinag taka ko lamang hindi pa siya level 50 para makalikha siya ng nilalang na maging kakampi niya sa paglalakbay,” hindi makapaniwalang paliwanag ng lalaki.
“Tama ka. Malaki ang potensyal ng binatang ito. Pero ang tanong mananalo kaya siya sa sunod labanan ng duel master?” saad ng babae.
“Sa tingin ko Oo,”
***
‘Kuya Minikiyo Manalo ka sana. Ay nakalimutan ko pala. Maniningil ako sa kaniya sa pag gamot ko. Naubusan ako ng data energy doon kanina mabuti na lamang ay bumalik na ang aking lakas.’ nakangiti ang dalagitang babae habang nakatingin sa hologram.
“Grabe ang lakas ang binatang iyong.”
“Ang dalagang iyong crush ko na ata siya.”
“Kanina nilait pa natin yan pero ngayom nganga tayo.”
Palihim na patawa ang dalagita sa sari-sari komento ang kaniyang narinig.
“
Minikiyo and Maryana will receive a mystery gift that can be used in the duel. the non -winner will receive a small prize for five versus five.”
Napangiti ang walo sa kanilang narinig na kasalukuyan nakatayo sa ibaba habang nakatingin sa hologram.
Malaking ngiti ng dalawang manlalaro sa kanilang narinig dahil may regalo silang matanggap.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro