Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Let's meet the leading lady Catherine:

"Good morning miss Catherine! Bati sa kanya ng isang pasyente nila, kasalukyan siyang nag ro-rounds para tignan ang BP at swero na naka inject sa mga pasyente kung saan isa siyang nurse. She was assigned in Pediatric wards at mga bata ang pasyente nila.

She puts smile in her face and face the little girl who greeted her that morning.  Yun ang isang stress reliever nila sa kanilang nakakapagod na trabaho, ang mga ngiting masisigla ng mga batang pwede nang ma-discharge and that means magaling na ang mga ito.

"Hello Nica, good morning baby? How are you? She asked the little girl.

"Im okay na nurse Cathy can I go home today? Masiglang tanong pa nito sa kanya.

She is one of her favorite patient among sa mga nandoong patient dahil hindi ito iyakin at game sa pag papa inject, ang sabi pa nga nito ay gusto nitong maging katulad niya someday at lagi itong may baong kwento sa tuwing pupuntahan niya.

She is Catherine Mendez also known as Cathy among those who knows her at sa malalapit sa kanya.

She's 27 years old at isang private nurse sa isang private hospital sa kanilang lugar. She's the eldest among her two siblings na parehong lalaki. Her father used to be a politician isa itong bokal sa lalawigan nila noon, but things change magmula ng malulong ito sa sugal.

Her mom was a principal sa isang public school dati, pero nag retire na ito 2 years ago dahil na-diagnose itong may diabetes at nagkaroon pa ng ibang complications. Mula noon naging breadwinner na siya since yung isa niyang kapatid ay nag -aaral pa at kasalukuyang kumukuha ng kursong pag dodoctor at medyo magastos pa man din kaya kahit may pension ang mommy niya ay napupunta lang naman iyon sa gamot at maintenance nito.

Naging malaking problema pa niya ang mga taong pinagkakautangan ng daddy niya dahil kabi-kabila ang mga naniningil dito at minsan hindi na niya maiwasang magalit sa ama dahil sa ginawa nito sa buhay nila.

Yung kapatid naman niyang sumunod sa kanya ay nag seaman, at ito ang katulong niya sa pagpapa-aral sa bunso nilang kapatid.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip niya at hinaplos sa buhok ang bata.

"I asked doc. Cha if she will allow you to go home today sweetie okay? She told her at pinisil ito sa pisngi.

She saw her nod and so she proceeded para puntahan naman ang ibang pasyente.

Pagkatapos ng duty niya that day ay meron pa siyang part time job ang pagiging care giver sa mga paralisadong pasyente sa isang private facility kung saan doon dinadala ang mga pasyenteng afford magbayad ng medical staff para alagaan ang mga ito.

Bukod sa pagiging nurse ay nag aral din siya ng care giving at physical therapist dahil pangarap nga nya noon at makapagtrabaho sa ibang bansa pero nung magkasakit ang mommy niya ay kinalimutan na lang muna niya iyon para kahit paano ay maalagaan niya din ito.

4-5 hours ang duty niya doon at mayroon siyang dalawang pasyente. Ang ginagawa niya ay basic therapy at kasama din ang pagpapalit niya sa mga diapers at pag gamot sa mga bed sores ng mga pasyente pero may katulong naman siya sa pagbubuhat na tao sa facility na yun kaya hindi naman siya masyadong nahihirapan.

Mahirap kumita ng pera lalo at nasanay siya dati na kahit paano ay marangya ang buhay nila pero nagbago iyon dahil sa maling diskarte ng ama.

After her work that day, pagod na pagod na naman siya and when she entered their house nadatnan niya ang daddy niya sa sala may kaharap itong lalaki, ito yung lalaking kasama noon ng ama niya at ipinakilala sa kanya.

That guy was about 34 years old at isa di umano itong negosyante at malamang may utang dito ang daddy niya.

Ngiting ngiti ang lalaki pag kakita sa kanya. Napakunot noo siya at bumaling sa ama.

"Iha halika nandito si Sebastian at gusto ka daw makilala. Saad nito at iminwestrang lumapit siya sa mga ito.

"Pagod ho ako dad. Gusto ko na pong magpahinga.
She said coldly at bahagya lang sinulyapan ang lalaki.

"Catherine, here I brought something for you. Saad ng lalaki at tumayo para iabot ang dala nitong bulaklak at chocolates. Tinapunan lang niya iyon ng tingin pero hindi tinanggap.

She doesn't like him, mukha kasi itong goon sa pelikula at mukhang walang magandang gagawin.

"Catherine hindi kita pinalaking bastos! Bulyaw ng daddy niya ng bigla siyang tumalikod sa lalaki.

She was really tired at ayaw na niyang makipagtalo sa ama kaya humarap ulit siya sa lalaki at pahablot na kinuha ang ibinibigay nito.

"Salamat. Tipid niyang turan at bumaling sa ama.

"Gusto ko na hong matulog dad, sana intindihin niyong maghapon akong nagtrabaho. Masama ang loob na tugon niya sa ama.

"Well kaya siya pumunta dito ay dahil pag uusapan ninyo ang nalalapit nyong kasal. Biglang tugon ng daddy niya na siyang nagpatigil sa kanya at dagling umakyat lahat ng dugo niya sa ulo.

"Anong kasal ang pinagsasabi nyo dad?!!! Gulat at di makapaniwalang bulalas niya sa ama at pinaglipat lipat ang tingin dito at sa lalaking nakatayo at mistulang tuwang tuwa sa nangyayari.

"Catherine magiging mabuti akong asawa para sayo at hindi mo na kailangang magpagod lagi sa trabaho dahil I can provide you a good life. He said matter of factly at nakatitig pa sa kanya.

Nagtayuan lahat ang balahibo sa katawan ni Catherine sa tinuran ng lalaki. What the nerve is he talking? Ano siya baliw na basta basta na lang magpapakasal sa lalaking ni hindi niya kilala?.. No way!!! Sigaw ng utak niya.

"Hindi po ako magpapakasal sa lalaking yan dad!!! Over my dead body!! She said almost screaming.

"Wala ka nang ibang choice Catherine dahil nabili na kita sa daddy mo. Sabat ng lalaking mala demonyo na sa paningin niya at nakangisi pa ito.

"Im not an object para bilhin mo!! At kayo dad anong sinasabi niyang nabili na niya ako?? Ano hong ibig sabihin nito???!!! Nagugulumihang tanong niya sa ama at biglang bumangon ang galit niya para dito. Hindi siya makapaniwalang ibinenta siya ng sariling ama sa lalaking hayop na nasa harap niya ngayon.

"Tama ang narinig mo anak, m-may utang kasi ako sa kanya at masyadong malaking halaga yun. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad iha, at gingipit niya ako na kung hindi ko daw siya mabayaran ay ipapakulong niya ako. G-gusto mo ba akong makitang nakakulong anak? Naluluhang tugon ng daddy niya.

Napadausdos siya sa nalaman, paano nangyari na nagkautang na naman ito. Halos ubusin na nito lahat ng naipundar nila para makabayad ito sa pinagkakautangan nito pero hindi pa rin pala ubos ang taong pinagkakautangan ng ama niyang magaling.

Napahagulhol siya sa nalaman at hindi na niya alam kung ano pa ang mararamdaman sa problemang ibinibigay ng ama sa pamilya nila at ngayon nga ay siya na ang ibebenta nito. How could her father do this to her?? She asked herself.

"Dad bakit pati ako?? Humagulhol niyang tanong dito. She felt so helpless.

"Patawarin mo ako anak, naging mahina ako nung panahong malulong ako sa sugal.
Nakayukong tugon nito.

"Mukhang kailangan nyo ng panahon para mag usap. Aalis muna ako pero babalik ako at siguraduhin mong maayos na kayong nakapag usap nitong maganda mong anak. Tugon ni Sebastian sa daddy niya at bago ito umalis ay tinignan muna siya ng makahulugan. Galit ang nararamdaman niya para sa lalaki that moment at gusto niya itong sampalin.

Marahas siyang bumaling sa daddy niya.

"Ang sama sama mo dad!!! Bakit kailangang isama mo ako sa problemang pinasok mo??!!!  She asked her father furiously. Galit na galit siya sa ama sa panahong yun.

"Catherine anak, i-,ikaw na lang ang pag asa ko. Kaya sana tulungan mo ako anak. Pag nagpakasal ka kay Sebastian ay magiging maganda din ang magiging buhay mo dahil mayaman siya. Her dad said habang nakatingin sa kanya at nagmamakaawa ang mukha.

"Ano ho? Naririnig nyo ba yang sinasabi nyo dad? Maatim nyong makita akong magdusa habang buhay sa piling ng lalaking hindi ko mahal? She asked her father while still crying.

"Anak matutunan mo din siyang mahalin. Bigyan mo ng panahon ang sarili mo please. Saad pa nito.

"Imposible yan dad. Hindi po ako magpapakasal sa lalaking yun kahit anong mangyari. She said at tumayo saka diretsong pumasok sa kwarto niya and locked her door at doon nag iiyak because of what her father did to her.

Paanong nasisikmura nitong ibenta ang sarili nitong anak?.. Ganun na ba ito ka heartless na ama? Tanong niya sa isip.

Hindi siya makatulog that night dahil sa matinding sama ng loob sa daddy niya and she promised herself not to obey her father kahit ano pang sabihin nito ay hinding hindi siya magpapakasal sa lalaking yun.

*******

But things seems not to went on her favors dahil isang matinding pagsubok ang nag aabang para kay Catherine na siyang magtutulak sa kanya para pikit matang pakasalan ang lalaking kinamumuhian niya.

Nasa duty siya noon at kasalukuyang nasa nurse station nang makatanggap siya ng emergency call from home.

"Hello! Ate Tinay? Bungad niya sa kasambahay nilang siyang kasama sa bahay ng mommy niya.

"H-hello Cathy si-si mommy mo isinugod ko sa hospital ka-kasi bigla na lang siyang nawalan ng malay. Garalgal na tugon nito sa kabilang linya.

Biglang nanlambot ang tuhod niya sa narinig at nagmamadaling nagpaalam sa head nurse nila para mapuntahan agad ang mommy niya.

"Doc what happened to my mom? Tanong agad niya sa attending physician.

"Well Miss Mendez kailangan ng mommy mo ng dialysis dahil nagkaroon ng complications sa kidney niya at dahil hindi ito agad naagapan lumala na ito and the only thing we can do is to put her under dialysis. Saad ng doctor. She almost freaked out. Paanong nagkaroon ng kidney failure ang mommy niya eh masyado naman itong maselan sa kinakain mula ng ma diagnose ito na may diabetes.

Gulong gulo ang isip niya sa mga sandaling yun. Saan na naman siya kukuha ng pera para sa dialysis ng ina. Ohhh God pagod na pagod na siya sa kakaisip sa mga problema ng pamilya nila. What did she do to deserve this? She asked herself and cried.

Dahil gipit at wala na siyang alam na matakbuhan kaya kahit labag sa loob niya ay pumayag na siya sa gusto ng ama.
At napapansin niyang masyado na itong stress lately dahil sa problema nito at ayaw din niyang malaman pa ng ina ang kinakaharap ng daddy niyang problema kaya kahit masama ang loob ay pumayag na siyang pakasalan si Sebastian.

******

Pagkalipas ng isang buwan ay ikakasal na si Catherine kay Sebastian.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo anak? Hindi mo naman masyadong kilala ang lalaking papakasalan mo. Malungkot na tanong ng mommy niya. She was in front of the mirror at katatapos lang siyang ayusan ng beautician na kinuha ni Sebastian para sa kanilang kasal.

"Opo 'my. W-wag kang mag alala sakin okay lang ho ako. P-pag- aaralan ko po siyang mahalin. Naiiyak niyang sagot para pampapalubag sa loob ng mommy niya. But deep inside her ay para na siyang mamatay dahil sa gagawin niya. She doesn't want to marry that man but she doesn't also have any choice.

She wiped her tears and tried to calm herself dahil any moment from now ay magiging asawa na niya si Sebastian Morales ang lalaking pinagbentahan sa kanya ng ama.

*to be continued*

I will try na gawing simple at less conflict ang story kahit pa masyadong intense 😂😂😂 sana ho magustuhan ninyo at abangan ang una nilang pagtatagpo sa next chapter. Enjoy reading

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro