Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One-sided Love | ChanBaek One-shot

Kinakabahan ako kung magiging tama ba ang pagkaka-gawa ng one-shot ko. First one-shot ko eh! Hehehe.

Please support this one-shot! Spread the love, ChanBaek shippers out there! Thankiiee ^,^

Thank you FireLightus eonni for the fantastic book cover! Gosh I loved it!

-----

Byun Baekhyun, isa syang avid reader ng isang secret files page sa facebook. Natutuwa sya kapag nakakabasa sya ng confession ng mga tao. Mga moments na nakakatawa, nakakatakot, nakaka-lungkot, at realidad ang pinapakita.

Habang nililibot ang paboritong secret files page, may nadatnan syang isang storya na tungkol sa pag-ibig. Sa title palang nya ay makikita mo na, may pinapahiwatid ito.

Binasa nya ang confession ng isang tao, at muling sumagi sa kanyang utak ang mga pang-yayari na hindi nya alam kung dapat pang balikan.

---

Confession:

One-sided Love of him for me

Isa akong former student dito sa Seoul University. Actually Varisity Student ako at nasa isang sikat na banda sa school natin.

Ginawa ko itong confession na 'to, dahil may naalala ako habang nagbabasa ng Seoul University Secret Files. Bumalik ang mga ala-ala mula sa Year 7 hanggang Senior Year.

Itatago ko ang kanyang pangalan sa letrang H.

Hindi ko masasabi kung kaylan at paano kami naging mag-kaibigan ni H. Naalala ko lang ay noong Year 7 kami ay dorm-mates kami. Actually there are four guys (including me and H) in our dorm. Meron kasing dalawang double-deck bed sa dorm namin. Nasa iisang double deck bed kami ni H. Habang yun dalawa pa naming dorm-mate ay nasa kabilang double deck bed. Naging classmate ko rin sya. Ang saya nga eh.

Di nagtagal, naging magkaibigan kami ni H. Hindi lang mag-kaibigan. Bestfriends talaga. As in definition ng bestfriends. Partners-in-crimes talaga. Halos lahat ng tao sa paligid namin ay inakalang may relasyon kami, sa sobrang closeness. Wala talaga sa diksyonaryo namin ang salitang 'Personal Space'.

Natutunan ko rin sakanya na laging magkaroon ng pag-asa, at huwag na huwag sumuko.

Sa tagal tagal ng panahon na magkaibigan kami, lahat ng tao, natutunang tanggapin ang mga bagay na nakikita nila. Noong una, naiisip nila na bading kami para sa isa't isa at hindi nila tanggap. Pero natanggap na rin nila na kung bading daw kami para sa isa't isa. Eh wala namang kami ni H eh. Hindi ko din sya gusto, gaya ng inaakala nila. Gusto ko sya as kaibigan lamang. Partners-in-crimes ko sya. Wala nang hihigit pa doon.

Kaya naman ang ginawa ko ay, niligawan ko ang ex-crush ko nang mga panahon na iniisip ng mga tao na may tinatagong relasyon kami ni H, at sinimulan nila ang shipping name namin. Sinagot ako ng ex-crush ko. Ang ganda nya, tapos sexy, tapos matalino, at saka yun lang talaga. Pinatunayan ko sa mga tao na wala kaming relasyon ni H. Parehas kaming lalaki at ayoko ng ganun.

Pero hindi yun naging rason para tumigil sila sa mga kinakalat nilang rumors na may relasyon kami ni H. Lumaki lang din ang gulo.

May mga shippers kami nung girlfriend ko, at may shippers din kami ni H. Nag-aaway sila kung sino anong ship ang mas totoo. Hindi naman talaga magpapatalo ang mga shippers namin ni H. Pakiramdam ko pa ay hanggang crush lang talaga ako sa ex-crush ko at walang hihigit pa din dun. Kaya naman sa huli ay nakipag-break ako sa girlfriend ko na ex-gf ko na ngayon.

That time, I became really bothered. Ayokong masira ang imahe ko kahit pa sinasabi ng mga tao na tatanggapin nila kung anong pagkatao ko kapag umamin ako. But despite the fact na, hindi nga kasi ako bading nung time na yun. Pinipilit lang nila.

Nakaisip ako ng paraan. Paraan na baka sakaling tigilan nila kami sa ganung pagiisip. Alam kong mahirap din tong desisyon ko. Pero ayokong masira ang imahe ko.

Nilayuan ko sya.

Senior Year ang nagdaan at nilayuan ko sya. Masakit sa parte ko, syempre lalayuan ko ang partner-in-crimes ko. Ang nagpapasaya saakin kapag malungkot ako. Ang iniiyakan ko kapag nirereject ako ng mga crush ko. Ang taong tinatapunan ko ng mga hugot. Ang kaibigan ko na pinangakuan ko na lagi lang akong nasa tabi nya, kahit anong mangyari. Ang kasama ko sa paglaki sa highschool. Sya rin ang buntot ko kumbaga. Ang karamay ko sa bawat hirap at pasakit saakin ng mundo. Sya ang nagparamdam saakin na hindi ko pa pasang-pasa ang problema ng mundo para lang mag-give up.

Hindi ko na naisip ang mararamdaman nya. Pinanindigan ko talaga ang desisyon ko.

Simula noon, kapag lalapit si H saakin, ako mismo yun lalayo. Gagawa ako ng rason para lamang makatakas sa kanya. Syempre ayoko namang ipahalata na nilalayuan ko sya. Kasi alam kong makikita nya rin, hindi naman kasi tanga ang bestfriend ko.

Everytime that H will talk to me, i'll always ditch his face and his words. Hindi nya pa rin nakikita na nilalayuan ko sya. Naiisip nya ay nagtatampo lang ako sakanya. He tries to talk to me every single time. He tries to catch up with me. He tries to give his time to me. He tries to understand my feelings, even though it's too messed up for him. But that was before that he tries. Now, he tried. Already in past tense.

Isang araw, napag-pasyahan ko na harapin sya.

Pumunta kami sa isang park kung saan tahimik ang lahat. Walang tao at hangin lamang ang nakapaligid saamin.

Nasa harapan ko sya, may dalang favourite cake naming dalawang mag-bestfriend--black forest. Naka-box pa talaga. Alam kong cake yun, kasi sa size palang ng box. At yun lamang ang alam kong dinadala nya para saaming dalawa. Oo saaming dalawa lamang. Hindi kami nagseshare noon eh. Nag-susubuan pa nga na parang mga gago eh. Hahaha. Grabe.

Biglaan ko na lamang nasabi sa mukha nya lahat ng mga masasakit na salita.

"Ano na naman bang kagaguhan to, BBH?" Syempre hindi H ang tawag ko sakanya noong sinigawan ko sya. Tinawag ko sya sakanyang buong pangalan.

"Hindi mo ba nakikita?! Ayoko na nga. Pagod na ako sa pagiging magkaibigan natin! Hindi mo ba nakikita o sadyang nagbubulag-bulagan ka lang?!" Sinigawan ko sya

"Y, ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan...ano ba? Pwede mo bang iexplain naman oh." Sinagot nya ako ng may mahinahong tono ng boses. Hindi na ako nagulat sa inasta nya saakin, dahil alam kong ganun naman talaga sya. Puro lungkot at pagtataka lamang ang makikita mo sakanyang mga mata.

"Simula ngayon huwag na huwag mo na akong tatawagin sa ginawa nating nickname! Walang kwenta din yun! Tsaka isa pa, akala ko ba hindi ka tanga? Kung hindi ka tanga, bakit hindi mo maramdaman o masabi kung anong ibig-sabihin ko? Diba ikaw ang nagturo saakin kung paano pakiramdaman ang mga tao sa paligid ko? Diba ikaw ang nagturo saakin kung papaano makikita kung wala nang pake ang isang tao sayo? Diba ikaw ang nagturo saakin kung paano mo masasabi kung ayaw na sayo ng isang tao? Diba ikaw rin ang nagturo saakin kung kung papaano na kapag wala nang pake sayo ang isang tao? Diba ikaw? Diba ikaw ang nagturo saakin ng lahat lahat? Bakit ikaw mismo? Bakit ikaw mismo hindi mo kayang panindigan lahat ng tinuro mo? Bakit hindi mo maituro sa sarili mo? Bakit hindi mo makita-kita na ayoko na sayo?! Na wala na akong pake sayo?! Bakit ang tanga tanga mo?! Bakit ba hindi mo makita?!"

Marami akong nasabing masasakit na salita, ngunit iyan lamang ang mga naaalala ko. Sinigawan ko talaga sya na may galit. Di ko ba alam kung bakit hindi nya makita na wala na akong pake sakanya noon.

I don't even know why does it feels like it really stings my heart to see him cry. He bit his lips, trying not let those tears fall down through his face, but those tears betrayed him.

"Ikaw...I-ikaw ang nagturo saakin na huwag pagtuhunan ng pansin ang mga sinasabi ng mga nasa paligid natin. Naalala k-ko pa, oo ako nagturo sayo ng ganyang m-mga b-bagay. P-pero hindi k-ko rin naman aakalain n-na s-sobra sobra na pala ang tinuro ko s-sayo na umabot na sa puntong m-manhid k-ka n-na. S-siguro i-iyon ang pagkakamali ko. H-hindi k-kita n-naturuan kung ano ang pagiisip ng isang manhid. H-hindi kita naturuan kung paano huwag umabot sa punto na m-maging manhid k-ka. Masyado ko kasing pinagtuhunan ng pansin ang puso kong tumitibok lang para sayo. Hindi ko naman kasalanan, diba? Nagmamahal lang ako. Sorry, Y. Sorry, hindi ko alam na nahihirapan ka na pala. Masyado kasi akong tumutok sa puso kong nagmamahal, hindi ko pala alam na nakakasakit na ako. Y, kung ang ikasasaya mo lang naman ay ang palayain kita, gagawin ko. Oo, pinapalaya na kita sa lagay na ito. Y, mahal na mahal kita. Hindi ko pa nasabi sayo iyan. Alam kong hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo. Hindi ko rin hinihiling na ibalik mo. Kahit napakalaki mong tanga at gago, mahal pa rin kita. Hindi lang as bestfriends, more than friends. Maybe you're meant to touch my life, but you're not meant to stay in it."

Iyon na ang huling paguusap at pagkikita natin. Hindi kita hinabol noon. Pinabayaan kita dahil gusto kitang pagpahingahin. At ginusto ko rin ito. Hanggang ngayon kaibigan pa rin ang turing ko sayo. Noong nagconfess ka, nalaman kong wala rin palang silbi ang mga bagay na natutuhan ko sa loob ng maraming taon ngayong nawala ka sa tabi ko.

Oo, kaibigan pa rin ang turing ko sayo hanggang ngayon. Sabi ko naman sayo diba, walang magbabago. Hindi ko alam bakit ganito. I regretted those words I said to you. Those stupid words that came from my mouth. Suddenly, and out of blue.

Akala ko magiging masaya ako sa ganitong paraan. Lahat ng tao ay tinigilan na tayo. Umalis ka sa school natin after ng Graduation. Hindi ka na doon nag-college. Sa pagkakarinig ko, ibang bansa ka na raw nagaaral. Hindi na rin kita ma-contact. Hindi mo nga ako binlock sa facebook, ngunit hindi ka na active.

Hindi man lang ako nagsorry sa iyo. Hindi man lang ako humingi ng matinong tawad mula sa iyo. Sana masaya ka kung nasaan ka man. Bestfriend, partner-in-crimes, at H, sana mapatawad mo ako.

Mapatawad mo sana ako, hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na ibinigay mo saakin. Hindi ko man lang kaya tuparin ang ating mga pangarap bilang magkaibigan.

Just like your last words to me,

"Maybe you're meant to touch my life, but you're not meant to stay in it."

I love you as my bestfriend. It'll always be you.

Your bestfriend, partner-in-crimes, Y

---

Hindi namalayan ni Baekhyun ang mga luhang tumutulo mula sakanyang mata. Hindi nya na rin pinansin ito at pinabayaan na lamang na dumaloy. Speechless sya nang mabasa ang confession ng isang guy na iyon. Nakakalungkot na pinabayaan na lamang nya ito na umalis. Hindi man lang din sila nakapag-ayos..

Binasa nya ang mga comments, ngunit lungkot pa rin talaga ang dumadaloy sa kanyang mga mata.

Kim TaeHee: Gaano ba katangkad si Pagsisisi at laging nasa huli?

Maraming nalungkot at karamihan ay nainis din sa confession ng lalaking eto. Habang ang iba naman ay sadyang nakikiramay na lamang sa lalaking nagconfess.

Pero alam nyang familiar ito.

Kaya naman gumawa din sya ng kanyang kauna-unahang confession.

---

Confession:

One-sided Love of me for him

Nag-aaral din ako sa Seoul University. Isa akong matalik na kaibigan ng isa sa mga sikat na Varsity Student sa Seoul Univesity.

Kaibigan ko sya noong Year 7 kami. Kagaya nga nung sinabi nya na dorm-mates kami, oo tama sya. Dorm-mates kami noon. Masaya pa noong magkaibigan kami. Pero sa hindi ko inaasahang pangyayari, ay ang tumibok ang puso ko para lamang sakanya.

Napaka-espesyal nyang tao para saakin. Kapag may hinihiling sya, kaagad ko namang susundin o ibibigay. Hindi ko naman alam na habang sa tumatagal ay pagiging tanga na pala ang nagagawa ko.

Ako nga nagturo sakanya na huwag maging tanga, pero ang sarili ko ay hindi ko maturuan.

Dumating yun time na, napansin na ng mga tao ang relasyon naming dalawa. Napaka-suspicious nila saamin. Para bang akala mo, may tinatagong relasyon kami na ayaw naming sabihin. Pero nagkakamali silang lahat.

Si Y ang kaibigan ko na akala kong magtatagal. Kaso dahil din naman sa akin kung bakit nagkaganito ang relasyon naming magkaibigan.

Hindi ko alam kung bakit ba parang nilalayuan ako ni Y. Sa tuwina'y lalapit ako, biglaan syang mageexcuse kasi meron daw syang naiwan, or pupuntahan nya yun nililigawan nya, and etc. Sa sobrang tanga ko noon, naisip kong baka totoo nga ang sinasabi nya. Kasi may tiwala din ako sakanya. Alam ko si Y, hinding hindi sya magsisinungaling saakin.

Si Y?

Kung tatanungin nyo sa saakin, humanda kayo hanggang madaling araw. Marami talaga akong masasabi sakanya na hinding hindi ko malilimutan.

Matalik na kaibigan. Matino syang kaibigan. May respeto sa lahat. Laging humihingi ng mga advices saakin, lalo na kapag urgent. Si Y, yung tipong lalaki na minsan trying hard talaga. Sya yun tipo ng lalaking irresistable. Sya yun lalaking poprotektahan ka sa lahat, kahit sa mga ice cream vendor na nakakaaway ko, sya lahat sumasalo ng away kasi ayaw nya akong masasaktan. Biglaan na lamang syang susulpot sa tabi mo. Sya din yun tipo ng lalaking kapag nakakita ng mga babaeng seksi, ayba todo tingin naman sya (kaya minsan nagseselos ako). Sya din yun lalaking wala raw pera, tapos mamaya maya makakita lang ng pagkain, ayun magyaya na sya. Sya rin ang lalaking pala-gawa ng mga nicknames, kagaya ng H ko. Full name ko kasi ay BBH tapos sabi nya H nalang daw tawag nya saakin. Avid reader din ng Seoul University Secret Files, kaya kung avid reader ka din, ayba magkasundo na kayo. Mahilig din mang-asar si Y, lalo na kapag nalaman nya ang crush mo. Minsan kapag nagkakatabi pa kayo nung crush mo, mauuna pa syang tumili at kikiligin kesa sayo. Marunong din syang magluto, masterchef ng Korea talaga. Sakanya din ako natuto magluto. Lahat ng mga putahe na niluluto ko ay nasasarapan sya, kahit ang iba ay napaka-pakla sa lasa. Lagi syang may good impression sa mga tao na nakaka-sama nya.

Kaya nga para saakin, "Marry someone who treats the food you made like it's the best thing in the world, even though it tastes like shit."

Who would actually thought that this guy will be a huge part of my life?


No one. Neither me.


Y, I can't just describe you with those words. You're too beyond the word perfection.


Know what? While I'm reading your confession, I'm tryna hold back these tears, but it just betrayed me. I'm glad you still remember me. Your bestfriend, your partner-in-crimes, and your H.



I'm not disappointed from the fact that you still treat me as your bestfriend even though we've never talk to each other, the moment I left you, the memories, and everything behind. I did that because I wanted to move on. I never wanted to feel this way again. I know from the bottom of my heart that, if I leave this place, then I'll leave the memories, and most of all, YOU behind.


It hurts to know that this person that you love will never ever love you the way you love him.




You're forgiven, Y. You're always forgiven from the bottom of my stupid heart.



Thank you, Y.


Sa tingin ko, kung bibigyan pa tayo ng second chance na magka-lapit, hindi na ako papayag pa.


Sa pakiramdam ko, eto na ang storyang meron tayo. Eto na ang storyang nasulat nating dalawa sa dami ng taong lumipas. Eto na ang epilogue ng storya natin. Dapat na nating tuldukan, at huwag nang pahabahin pa. Meron talagang mga storya na iniiwang bitin. We never know kung bakit. Baka nakatakda talagang ganun na lamang. Malay mo, meant to be talagang ma-fall ako sa iyo, para magkaroon ng twist ang storya nating dalawa. Malay mo, I'm really meant to fall in love with you, kasi sa mundong ito, walang perpektong pagkakaibigan, baka kung hindi ako nafall sayo, ayba baka matagal nang may perfect friendship.




This is not just a typical story of all the times.






As far as I know, Yeol. I still love you. I'll always love you, no matter what happens, no matter how hopeless, and unconditionally.




"Maybe you're meant to touch my life, but you're not meant to stay in it."

Your bestfriend, partner-in-crimes, and sincerely Hyun.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro