Reincarnation
"R E I N C A R N A T I O N"
"Mahal kita Alieya" sabi ng isang ginoo habang hawak ang kamay ng dilag na kan'yang iniibig.
"Mahal din kita Tonio" nakangiting wika ng dilag.
"Mahal natin ang isa't isa Alieya pero sigurado ka na ba sayong desisyon?" nakakunot noong tanong ng ginoo.
"Oo mahal ko. Hindi ko kayang makita kang lumisan" wika ng dilag.
"Kung ganoo'y halika na't tayo'y mahuhuli na" nakangiting sabi ng ginoo.
Hawak kamay silang naglakad papasok sa tren na kanilang sasakyan.
"Mahal ko ngayong taong ding ito 1816 ay pakakasalan kita" nakangiting wika ng ginoo at hinalikan ang likod ng palad ng kan'yang dilag.
"Ganoon ba? Mukhang ito na ang pinaka masayang taon ng aking buhay Tonio" wika naman ng dilag.
Nakangiti sila sa isa't isa. Titig na titig sa mga mata. Halata ang tunay na pagmamahalan ng dalawa.
Nasa ganoong posisyon sila ng may magsalita sa radio ng tren na kinasasakyan nila.
"Mga mahal kong pasahero hinihiling kong kayo'y kumapit ng mahigpit sapagkat tayo'y nagkaron ng problema" wika nito.
Agad nagpanik ang ilang pasahero ngunit si Tonio at Alieya ay tahimik na nagdarasal. Habang magkahawak kamay.
Ngunit hindi roon natapos ang lahat. Agad pinuno ng usok ang loob ng tren ng kanilang sinasakyan. Sobrang bilis ng takbo ng tren tila wala itong preno.
Hawak kamay paring nagdarasal sila Alieya ng biglang tumilapon ang tren at gumulong-gulong. Mahigpit na kinapitan ni Tonio ang isang kamay ng dilag.
Kapag binitawan nya ang dilag ay tiyak ang pagtuhog nito sa matulis na bakal.
"T-tonio.. N-natatakot ako" umiiyak ng wika ni Alieya.
"Kung hindi man tayo makaligtas ngayon mahal ko.. Nais kong malaman mo na--" kahit hirap na hirap ay pilit hinigpitan ni Tonio ang kapit sa kamay ng babaeng iniibig.
"I-ikaw parin ang aking iibigin sa aking susunod na buhay. Alieya ikaw lang" pagkatapos sabihin ang mga katagang 'yon.
Mabilis n'yang niyakap ang dalaga. Kasabay ng pagkatuhog nila sa matulis na bakal ay ang pagbagsak ng tren mula sa mataas na lugar na kanilang kinalalagyan.
"AHHHH!!!" sigaw ko matapos magising sa isa nanamang bangungot.
"Napanaginipan mo nanaman ba iha?" tanong ni lola.
"Opo lola. Gusto ko ng matapos ang mga bangungot na 'yon. Pero 'yung dalawang magkasintahan na yon ay palaging nasa panaginip ko." napapabuntong hininga na sabi ko.
"Marahil ay kailangan mong puntahan ang lugar sayong panaginip at mag alay roon ng dasal" sabi ni lola.
Hindi ko alam pero simula ng tumungtong ako sa edad na 18 ay palagi na akong nananaginip ng kakaiba. Sana ay matapos na to.
---
Nakatayo ako ngayon sa lugar na laging nasa panaginip ko. Halos mukha na itong gubat. Gamit ko rin ang payong na bigay ni lola baka mamaya ay biglang umulan.
Naglakad-lakad ako hanggang sa may matagpuan ako. Ang tren sa panaginip ko!
Lumapit ako at pinunasan ang parte ng tren na tila ba may numero na nakalagay. Nang tuluyang maalis ay saka ko nakita ang nakasulat.
1816
Agad akong kinilabutan ng malaman kung anong klaseng numero iyon. Hindi basta-bastang numero! Kundi taon!
Dahan dahan akong umupo at itinulos ang kandilang dala-dala ko. Kasabay ng pagsindi ko sa kandila ay ang pagbalik ng lahat ng memorya ng kung sino.
Si Tonio....
Napahawak ako sa ulo ko. Napatayo akong muli at napatitig sa tren ng biglang may lumabas na lalaki mula sa kung saan!
May katangkaran ito at kagwapuhan.
"Natatandaan mo naba ang lahat mahal ko?" sabi nito habang titig na titig saakin at dahan-dahang lumalapit.
"S-Sino ka? Bakit tinatawag mo akong m-mahal?" nauutal na sabi ko habang nakaduro sakan'ya ang payong ko.
"Alam kong natatandaan mo na ang lahat mahal ko. 1816 ang taon kung saan sabay tayong binawian ng buhay."
"1816 ang taon kung kailan dapat nakatakda ang ating pag iisang dibdib" nakangiting dagdag nito.
Nanlaki ang mata ko at nakangangang itinuro sya.
"I-ikaw! I-ikaw si Tonio?" nauutal na sabi ko.
Hindi ko napansing may luha na pala sa paligid ng pisngi ko tuloy tuloy ang pag agos nito.
"Ako nga mahal kong Alieya. Sa wakas ay natatandaan mo na ako. Tulad ng sabi ko sayo Alieya" tumikhim muna s'ya bago muling magsalita.
"Ikaw parin ang aking iibigin sa susunod na buhay. Heto na mahal ko ipagpapatuloy natin ang naudlot nating pagmamahalan" nakangiting sabi n'ya.
Hindi ko alam pero agad akong napangiti ang tibok ng puso ko ay sobra ding bilis. Hindi kona s'ya hinintay at agad ko s'yang niyakap.
Si Tonio ang lalaking iniibig ko ay tinupad ang sinabi n'yang ako lang ang kan'yang mamahalin.
PLAGIARISM IS A CRIME. DON'T PLAGIARIZED MINE, MAKE YOUR OWN PIECE. Open for Critic.
Fiction only*
-END
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro