Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MALING AKALA

"MALING AKALA"

"Mahal?" tawag pansin saakin ng nobya ko

"Hmm? Ano 'yon mahal?" nakangiting tanong ko

"Alam mo ba yung kaklase ko? Pinag aagawan s'ya ng marami lalo pa at sobrang gwapo n'ya. Ilang beses din s'yang naparusan dahil sa kakisigang taglay n'ya" ani ng nobya ko

"Ngunit? Bakit s'ya kailangang parusahan?" nagtatakang tanong ko

"Dahil maraming naiinggit sakanyang mayayaman. Lahat 'yon ay kinasuklaman s'ya at kung ano-anong paratang ang ginawa masira lamang." paliwanag n'ya

"Gwapo ka rin naman mahal kaya ayoko mangyari sa'yo ang dinanas n'ya" dagdag n'ya

Itinaas ko ang baba n'ya at nginitian s'ya nang malapad.

"Pangako mahal ko, hindi ko sasapitin ang dinanas n'ya" ani ko at  hinalikan ang tungki ng ilong n'ya

KINAGABIHAN AY humarap ako sa salamin habang hawak ang hindi kahabaang patalim. Tumitig ako at napahawak saaking pisngi.

Hindi ko hahayaang magkawalay kami ng mahal ko. Hindi ko hahayaang maiwan s'yang mag-isa.

Muli akong tumitig sa salamin bago sinugatan ang aking sarili. Kay dami kong sugat na ginawa upang hindi na makita pa ang aking kagwapuhan.

Hindi na kami magkakawalay pa, sapagkat hindi na ako kasinggwapo tulad ng dati kong itsura.

---

NAGISING AKO sa matinis na boses ng aking mahal.

"Aylon! A-Anong nangyari sa m-mukha mo?!" nanginginig na ani nito

Agad kong hinawakan ang dalawa n'yang kamay.

"Makinig ka mahal, ginawa ko ito para sa'yo. Hindi ko dadanasin ang kapalaran ng kaklase mo. Tingnan mo! Iba na ako mahal ko! Hindi na tayo magkakahiwalay!" masayang ani ko

Nalukot ang kanyang mukha at pabatong iniiwas ang kanyang kamay.

"Hindi ko sinabing sirain mo ang mukha mo Aylon!" sigaw nito at iniwan ako

A-Anong ginawa ko?

---

NAKATITIG AKO ngayon sa babaeng mahal ko. Maganda ang pagkakangiti nito, habang naglalakad patungo sa altar kung nasaan ako.

Ngunit hindi para ako ang makaisang dibdib. Kundi ang aking kapatid. Si Ylan ang aking kakambal.

Akala ko noon mahal n'ya ang buong pagkatao ko. Mali ako sapagkat itsura ko lang ang minahal n'ya.

Akala ko noon kami na hanggang dulo. Akala ko lang pala 'yon.

-End

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro