
Double Ganger Prank
Double Ganger Prank
[PLAGIARISM IS A CRIME]
"Uy ready kana ha?" sabi ko sa kaibigan ko ipaprank kasi namin ang boyfriend ko haha
"Yes naman sis buti ang galing ko magmake up kamukha na tuloy kita HAHA" sabi nya habang bumubungis ngis
"Astig ka talaga sige gawin ko muna ang part ko" sabi ko at naglakad na palayo
"Sis––" hindi kona narinig pa ang sasabihin nya dahil sinuot ko ang earphone ko
NATAPOS na ang part ko tatawagin ko nalang si Thea para gumanap bilang kunwari ay double ganger ko HAHA. Astig prank namin diba?
Nang pumunta ako sa pagkikitaan namin ay agad ko syang nakita nakaupo magaling umarte tong friend ko eh
"Thea!" twag ko pero hindi sya lumilingon kaya pinuntahan ko nalang sya
"Uy thea! Part mo na dun sa prank! Ganun ha kunwari di ka lang magsasalita tapos magtetext ako kay boyfie ko haha tas iisipin nyang mumu ka HAHA bago natin sasabihing prank lang yun" natatawang paalala ko
Tumango lang sya at pumunta na dun sa lugar kung nasaan ang boyfie ko.
Pumwesto na ako sa harap ng laptop ko at kita ang nangyayari may hidden camera kasi dun haha
Nakita kong pumasok na si Thea at umupo sa kama tulad ng napag usapan galing talaga nitong si Thea.
Ilang beses na syang kinausap ng boyfie ko pero di sya nasagot HAHA halatang naiinis na si boyfie time na para i text sya.
Akmang itetext kona sya ng biglang may humawak sa balikat ko
"Ay kabayo!" biglang sabi ko
"Sorry sis kumulo tiyan ko ih hinabol kita kanina pero naka earphone kana ata" sabi n–ni n–ni Thea?!
"I–ikaw ba talaga y–yan T-thea?" nauutal na tanong ko
Hindi ako makapaniwala p-pero kausap ko sya kanina d–diba
"Oo! Baliw to! Ano papasok naba ako sa eksena?" nakangiting tanong nya
"Eh sino yon?!" natatarantang sabi ko
Napatulala ako saglit sakanya.Bago dahan dahan kong binaling ang tingin sa Camera kung saan naroon ang inakala kong si Thea at ang boyfie ko
Nakatingin sya saakin. Nakangising demonyo.
-End
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro