BE HAPPY
NAPABUNTONG hininga ako nang makita ang papaalis na bus kung saan sumakay ang Nanay ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong hiwalay na sila ni Papa paano na ako?
Pumunta ako sa palaging tambayan ko. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng pinagdaraan ko. Mula sa kilig, saya, lungkot, at galit.
Pakiramdam ko kasi ay kasama ko ang Diyos tuwing narito ako. Siya ang sandalan ko. Dahil bukod sa kaibigan kong lalaki at sa nobyo ko wala na akong ibang mapagsasabihan ng mga dinadala ko.
"Sabi ko na nga ba't nandito ka." napalingon ako sa gawing likod ko.
Ngumiti ako ng tipid ng umupo siya saaking tabi.
"Ayos ka lang?" tanong niya at isinandal ang aking ulo sa balikat niya.
Doon tuluyang nabuhos ang lahat ng emosyon ko. Maging ang paggalaw ng balikat ko ay hindi ko napigilan dahil sa hikbing lumalabas sa bibig ko.
"Shush..." pagpapatahan niya habang hinahagod ang aking likod.
"S-Sorry..." maya-maya ay ani ko ng maramdaman kong gumaan ng kahit kaunti ang nararamdaman ko.
"You don't need to say sorry, Liz. I'm here okay? Para saan pa't naging tayo kung hindi kita madamayan sa ganitong sitwasyon?" nakangiting aniya at hinalikan ang noo ko.
Napangiti ako at niyakap ang magdadalawang-taon ko ng nobyo. Matangkad siya at may kayumangging balat, ang labi niya ay mas perpekto pa sa hugis ng labi ko.
Natawa ako at bumitaw sakaniya.
"Huwag ka nga mag-english." natatawang ani ko.
"At bakit?" nakataas ang kilay na aniya habang nakayuko upang makita ang aking mukha.
"Dahil mukha kang wattpad character." sabi ko at muling tumawa.
Natawa rin siya at itinaas pa ang kaniyang braso pini-flex na naman ang muscles niya.
"Mas malaki pa rin ang katawan ni Sevi sa'yo!" tukso ko na ang itinutukoy ay ang isa sa wattpad character ng isang libro.
"Aba't!"
Dahil sa ekspresyon niyang iyon ay kaagad na akong lumayo alam ko na ang kasunod. Kikilitiin niya ako!
At tama ako! Pagkatayong-pagkatayo ko ay naglakad na siya palapit saakin kaya kaagad akong tumakbo!
"T-Tama na.." nahihirapang ani ko dahil sa ka-katawa.
Pero hindi siya tumigil at pumaibabaw pa saakin.
"Huli ka!" tumatawang aniya at mas kiniliti pa ako!
Nang mapagod kami ay tatawa-tawa kaming nahiga sa damuhan. Itong tambayan ko kasi ay maliit na burol na may mga punong nakapalibot kaya naman malilim.
"Carl.." tawag ko.
Kaagad siyang lumingon sa dereksyon ko at ngumiti.
"Hmm?" he hummed while looking straight at my eyes.
"Thank you. Thank you for staying, I love you." nakangiting ani ko.
Lumapad ang ngiti n'ya at bumangon siya upang makalapit saakin. Iilang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin.
"It's my pleasure baby, I love you too." sagot niya bago tuluyang yumuko at dinampian ng ako ng magaan na halik sa mga labi.
—
NAGISING ako ng makarinig ng malamyos na musika. Isang linggo na rin simula ng umalis si Mama. At ngayon lang nagpatugtog ng gan'yang kanta si Papa.
Naligo muna ako sa maliit kong banyo bago bumaba habang sinusuklay ang buhok ko. Ngunit gano'n nalang ang panglalambot ng tuhod ko ng makita ang Ama ko.
May kasayaw na babaeng bago sa paningin ko. Nabitawan ko ang suklay at sa mga oras na 'to ay gusto ko nalang lamunin ako ng sahig naming nangungutim na dahil sa alikabok.
"Liza, gising kana pala." boses ni Papa na nakapagpabalik sa akin sa realidad.
"A-Ahh, Pa, Sino po s'ya?" napapakamot sa braso kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit ba tinanong ko pa. Samantalang halata na ang sagot. Pero bakit gano'n kadali sakanila? Ang dali-dali nilang kalimutan ang pagmamahalan sa isa't isa at humanap ng bagong kapareha?
Tama nga ang hinala ko. Bago siyang asawa ni Papa. Kada araw ay mas napapansin kong alagang-alaga ni Papa ang bago n'ya.
Minsan nga'y hindi na ako nakaka-abot dahil maaga sila kung kumain ng tanghalian o hapunan. Tumagal ang ganoong relasyon namin ni Papa. Ni hindi niya na ako pinapansin dahil palaging nasa bago niya ang kaniyang atensyon. Lalo pa't buntis si Tita Riss..
"Tita.." Tawag ko kay Tita Riss ng hindi na ako makatiis.
Kaagad nalukot ang mukha niya at humarap saakin.
"Ano?" irita kaagad na sagot niya. Nangatal ang dila ko, kaagad pinangunahan ng kaba.
"Tita pwede po bang humingi ng pabor?" nauutal na ani ko.
Tumikwas ang isa n'yang kilay.
"At ano naman 'yon?"
"Pwede bang... Kahit isang araw lang makasama ko si Papa?" puno ng pag-asang tanong ko.
Nakita ko kung paano siyang natigilan bago dahan-dahan akong pinasadahan ng tingin. Nagtaka ako ng hindi siya kumibo at maya-maya ay biglang tumawa.
"Sa tingin mo papayag ang Ama mo? Nagpapatawa ka? Buntis ako at hindi niya hahayaang lumipas ni isang oras ng hindi ako kasama." nakangising aniya.
Napayuko ako at kaagad nanlabo ang mga mata ko ng dahil sa luha.
"Sige, Just promise me that you'll keep him happy. Be happy." kasabay ng huling katagang binitawan ko ay ang pagdating ni Papa.
Inayos ko ang sarili ko't ngumiti sakan'ya. Nang tuluyan ko silang iwan ay saka ko naramdaman ang pagbugso ng mga luha ko.
Bakit ganito? Andaya nanaman ng mundo. Nawala na nga ang Ina ko, ngayon ang Ama ko.
I feel like i lost my father for the third time. First no'ng naghiwalay sila ni Mama, Second no'ng nagkaro'n siya ng bagong asawa. At panghuli ng magkaro'n sila ng supling.
Hindi ko namalayang narating na ako sa silid ko, nakatulog sa kakaiyak buong maghapon. Nang magising ako ay madilim na sa labas.
Naligo ako at matapos magbihis ay dahan-dahan akong bumaba. Umalis ako sa bahay at dumeretso sa tambayan ko. Gustong magpalamig bago magsabi ng problema kay Carl.
Bumuntong hininga ako at tiningala ang kagandahan ng buwan. Hinihiling na sana isa ako sa mga bituin. Mga bituin na tinitingala't hinahangaan ng karamihan.
Yumuko pa ako't nag-usal ng panalangin bago tuluyang pumunta sa bahay nila Carl. Nagtaka ako ng tahimik ang lugar. Maging sila Tita na nanay ni Carl ay wala.
Naisip ko kaagad na baka hindi pa siya umuuwi so-surpresahin ko nalang siya.
Dumeretso ako sa kwarto niya at ppinihit ang doorknob. Ngunit gano'n nalang ang pagguho ng mundo ko ng makita siya. Siya at ang matalik niyang kaibigan na si Bricks. Nasa iisang kama, naghahawakan ng iba't ibang parte ng katawan habang mainit na naghahalikan.
Nakaawang pa rin ang labi ko ng tumalikod ako at handa ng umalis.
"Liza..." bakas ang gulat sa tono ng boses ng nobyo ko.
Hindi ako humarap bagkus pinunasan ko ang mga luha ko. Kailangan kong maging matatag.
"C-Carl..." tawag ko pumiyok pa dahil sa hikbing iniipit ko.
"Liza, magpapaliwanag ako." aniya at kaagad naglakad palapit saakin habang iniaayos ang pantalon.
Itinaas ko ang dalawang kamay ko at umiling-iling.
"Hindi, w-wag na. A-Ayos lang." ani ko at tumalikod, handang iwan sila ng hindot.
Humabol siya at hinawakan ako ng mahigpit sa braso.
"Liza! I'm sorry. Hindi ko na kaya. Mahal ko siya Liza, mahal ko na si Bricks." aniya na siyang nagpatulo sa luha't hikbing pinipigilan ko.
"Paano naman a-ako?" sa pagkakataong ito'y pumiyok na naman ako.
Sagana ang pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.
"Mahal din kita, p-pero—" hindi niya naituloy ang sasabihin ng sinampal ko siya.
"M-Mahal? Ito ba ang mahal?! Ha? Ang astig mo palang magmahal, dala-dalawa." ani ko at pagak na tumawa, nagmumukha ng baliw dahil hilam pa sa luha ang mga mata.
Huminga ako ng malalim at pilit pinakakalma ang aking sarili. Muli akong humarap sakan'ya at nginitian siya.
"Kung d'yan ka masaya. Let's end this, I'm breaking up to you." sabi ko at nginitian siya ng matamis bago tuluyang tinalikuran.
Nakakailang hakbang pa lamang ako ng biglang siyang sumigaw.
"Ganoon nalang?! Hindi mo manlang ako ipaglalaban? Gano'n nalang ba 'yung dalawang taon?!" batid kong galit siya base sa tono ng boses pero mas nainis ako sa sinabi niya.
"Dalawang taon? Bakit hindi mo naisip 'yan bago ka nakipaglampungan d'yan? Saka ano uli 'yon? Ipaglaban—" huminto ako at pekeng tumawa napapahawak pa sa tiyan na akala mo'y totoong tawang-tawa.
"—Ipaglalaban paba kita? Kasasabi mo nga lang na mahal mo siya!" ani ko at muling pumiyok dahil sa kung anong bumabara sa lalamunan ko.
Muli akong tumalikod upang punasan 'yon ngunit gano'n nalang ang gulat ko ng may pumigil na naman saakin!
"Ano ba!" nagulat ako ng makita kung sino ang pumigil saakin.
Si Bricks.
"Liza, I'm sorry. Hindi naman sinasadya, hindi ko sinasadya." lumuluha na ring aniya.
Wala man akong makapang tamang salita ngunit pinilit ko ang aking sarili.
"W-Wala... Wala na akong magagawa. J-Just be happy with him." ngumiti ako ng pilit at tinalikuran na sila.
Hindi ko na kaya, ayoko ng makita silang magkasama. Siguro nga may mga bagay talagang hindi para saatin. Ang ipinagtataka ko lang bakit kailangang dumating?
Muli akong pumunta sa tambayan ko at duon tuluyang bumuhos ang lahat ng luha't sakit na nararamdaman ko. Tumingala ako upang pigilan ang mga luha ngunit hindi ko na talaga kaya.
Lumuhod ako at do'n nag-iiyak sa tuhod ko.
"Diyos A-Ama... Pawiin mo sana ang lahat ng sakit na aking nadarama..." humahagulgol kong bulong sa hangin.
Napalingon ako sa nag-iisang puno na katabi ko. Kung saan naka-ukit ang pangalan ko't pangalan ng dati kong nobyo.
Ngumiti ako ng pilit habang hinahaplos ito.
"Ipinaglaban naman kita... S-Sad'yang hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa taong may mahal ng iba... B-Be happy..."
Loving someone is hard lalo na kapag ang taong ginawa mong mundo ay may iba nang itinuturing na mundo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro