ANG CRUSH KO SA JEEP
"ANG CRUSH KO SA JEEP"
—
"Oh sakay! Sakay lima pa! Kasya pa lima!" sigaw ng konduktor ng jeep na sinakyan ko
Taena?! Lima pa daw halos 1/4 nalang ng pwet ko nakaupo.
"Hoi kuya! Anong lima pa!? Halos kalahati nalang ng isa kong pwet yung nakaupo!" reklamo ko
Agad namang nag si-ayunan ang ilang pasahero. Ngunit sinamaan lang kami ng tingin nito at nagpatuloy.
Taena!!! Kakabuset batuhin ko kaya sya ng bangko!
Nagcellphone nalang ako kahit pa naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Nang maya maya ay umandar ang jeep.
"Salamat jusq." bulong ko
"Paabot nga ng bayad miss isang kanto sayo" sabi ng katabi ko
Hinarap ko ito at pagsasabihan sanang sya na ang mag abot ng makita ko ang mukha nya.
Omg besh!! Enebe yen!!
"Ene seen ele ete?" halos nagkulang sa vowels na sabi ko
Mahina syang tumawa at inilapit ang mukha nya sa tainga ko.
"Kanto sayo.." bulong nya
Wahhh! Taena mga bHie!!
Imbis na maayos ambutin ang bayad nya ay todo hawak pa ako sa kamay nya!! Lambottt!
Inabot ko na ang bayad maging ako ay nagbayad narin.
Alam kong walang hiya ako kaya naman kada segundo ata ay nakatingin ako sakanya na hindi naman nya pinapansin.
"Para ho!" maya maya ay ani nya
Tinignan ko ang labas at teka? Parehas kami ng baranggay? E sa branggay sayo din ako
Siya ang nagpara pero nauna pa akong bumaba. Habang naglalakad ay tumawag si mama kaya di ko na nakita kung saan ang punta ni kuyang pogi.
"Hello ma?" sagot ko
"Oh? Nasaan kana bilisan mo at pauwi na ang—" hindi natapos ni mama ang sasabihin ng mamatay ang phone ko
Taena nays lowbat.
Mabilis akong naglakad at nang nasa harap na ako ng bahay ay nakita ko si— teka? Sya 'yong crush ko sa jeep! Yong gwapo!
Nasa harap ng bahay namin!! Ayiii
"Oh? Bakit nandito ka kuyang gwa— este crush— este mister?" sabi ko nang nangingiti
"Liligawan moko nohh! Ikaw ha" pang aasar ko kunwari ngunit tumawa lang sya
Kanina pa ito tumatawa aba!
"Oh anak! Buti at nagkita kayo ng tito mo?" sabi ni mama na kadarating lang
Huh? Tito? Sino?!
"Sino ma?" takang tanong ko
" 'yan ang tito Reil mo bunsong kapatid ni papa hindi mo matandaan?" sabi nya at itinuro si...
Kuyang pogi?!!! Whuttt!?!
"T-Tito?" halos mahimatay na ani ko
Ngumiti sya saakin at pinat ang ulo ko.
"Yep your cutest tito" sabi nito at kumindat pa
P-Pota?!
-End
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro