Aba'y araw araw na akong maglalaba
"Aba'y araw-araw na akong maglalaba"
Ngingiti ngiti ako habang nagreply sa chat ng crush ko ng bigla akong tawagin ni mama.
"Dian!!!" sigaw nyang muli
"Poooooo" sabi ko na pinapahaba pa ang salitang po
"Panay ka selpon labhan mo nga tong mga damit mo!" bulyaw nito ng makalapit ako at binato sakin ang ilang damit ko
"Ma naman" nakabusangot kong sabi
"Aangal ka o maghuhubo't hubad ka?" nanlalaking mata nitong sabi habang idinuduro saakin ang pisnet
Kasi naman ngayon ngalang nagchat si lyn eh. Tsh
"hindi ho" sabi ko
Umalis na sya sa harap ko habang ako naman ang pumalit sa pwesto nya. Nakabusangot akong nagkukusot ng nagkukusot.
Damit ko lang daw pero andito yung kay kuya. Napaka tamad din ng lalaking yun ah!
Nagpahinga ako saglit at tumitig sa plangganang kinalalagyan ng mga nilalabhan ko. Nang biglang may maaninag ako sa bulsa ng isang shot.
Iniangat ko ito at booOoom! Yawa confirm! Pera!!!!
Hooo!!! May pang load na ako!!! Dali dali ko itong inalis sa tubig at nilagay sa tuyong lugar.
Kung ganito ba lagi ang makikita ko tuwing naglalaba. Aba'y araw araw na akong maglalaba.
BWAHAHAHAHA inggit yung nagbabasa walang pera!!
PLAGIARISM IS A CRIME. DON'T PLAGIARIZED MINE, MAKE YOUR OWN PIECE. Open for Critic.
Fiction only*
-END
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro