5 Minutes
5 Minutes
[PLAGIARISM IS A CRIME]
"Pa! Tikman mo tong niluto ko masarap" nakangiting sabi ko
"5 Minutes anak tutulungan ko lang si Iana sa assignment nya" sabi ni papa at ginulo ang buhok ko
Ngumiti ako at tumango bago nagtungo sa kwarto pa kuhanin ang card ko. Kay mama ko muna ipapakita
"Ma! Tignan mo po tumaas ang grades ko" nakangiting pagmamalaki ko
"5 Minutes Iyah tulungan ko lang sila Iana at papa mo dun" sabi nya at pumunta sa kwarto ng bunso kong kapatid
Limang minuto? Limang minuto na inabot na ng pagtulog ko...
Dumaan ang mga araw at ganun parin limang minuto ang kanilang isinasagot saaking mga sinasabi.
Masaya akong gumising ngayong araw dahil graduation na. Agad akong nag ayos at bumaba.
"Ma! Pa! Graduation ko na din po at may sabit ako gusto ko po kayo ang umakyat sa stage" nakangiting sabi ko
Nagkatinginan silang dalawa bago nagsalita si Mama.
"Baka si papa mo nalang ang makaakyat anak ah graduation din ni Iana. Baka before 5 minutes na start ng graduation mo andon na si papa mo okay?" sabi nya
Wala akong nagawa kundi ang ngumiti ng pilit at pumunta na sa school
KANINA pa ako naghihintay dito dahil susunod na ako sa sasabitan.
"Iyah Andyan naba ang aakyat sayo sa stage?" tanong ng guro ko
"Ah darating nadin po yun maam" magalang na sabi ko
Tumango si Maam at sinabing ako na ang next kaya magready ako.
Natapos ng lahat ang graduation ko pero walang dumating ni isa sa magulang ko. Naiintindihan ko naman paborito nila ang bunsong kapatid ko.
Umuwi ako sa bahay at nadatnan silang nagsasaya. Samantalang ako hindi naalala
"Ay Iyah anak pasensya na nakalimutan ko nag aya kasi kagad itong kapatid mo na umuwi" sabi ni Papa
Ngumiti ako at sinabing ayos lang bago pumunta saaking kwarto.
LIMANG araw na ang nakalipas mula ng graduation ko pero masaya muli akong gumising ngayon. Kaarawan ko baka isosopresa nila ako.
Napangiti ako sa naisip at agad nag ayos at nagsuot ng damit na maganda. Nagpabango rin ako at naghanda sa ekspresyong ilalabas ko sa supresa nila
Bumaba na ako ngunit agad nawala ang ngiti saaking labi ng makitang wala manlang tao ron. Nakita ko ang sticky note na nakadikit sa lamesa
Anak lumabas kami nila Iana dahil nagyaya ang kapatid mo hindi kana namin nagising pa dahil nagmamadali kami.
Sabi sa sticky note agad nagunahan ang luha ko pabagsak. Kaarawan ko ngunit hindi manlang nila naalala?
Pinahid ko ang luha at tinawagan si Papa
"Hello pa?" tawag ko habang pinipigilang humikbi
"O anak bakit?" bakas ang saya na sagot nya
"Birthday ko po pa nakalimutan nyo? Uwi na po kayo magluluto ako" sabi ko at pilit pinasasaya ang tinig
"Sige anak 5 minutes lang" sabi ni papa at binabaan ako ng linya
Humapon ng lahat, nakapag luto na ako't lahat pero wala parin sila. Wala parin yung mga magulang ko, ang pamilya ko.
Tinignan ko ang mga niluto ko at malalamig na ito. Nakatingin ako sa kawalan ng may nagtext saakin.
Anak di muna kami makakauwi makikituloy kami sa tita mo dito. Umuulan kasi dito eh
Text ni papa. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Ayaw lang nila akong kasama.
Ito na ata ang buhay ko. Limang minutong maghihintay sakanila hanggang sa hindi na sila pumunta.
"Limang minuto? Sana'y limang minuto nalang rin ang buhay ko." sabi ko at pagak na tumawa
Kasabay non ay ininom ko ang sandamakmak na gamot na hindi ko alam. Siguro naman limang minuto nalang ang itatagal ko.
-End
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro