Tell Me What is Love
Tell me What is Love.
(Sequel of Truth)
A/n: Dapat po nabasa nyo na yung TRUTH bago nyo ito basahin. Karugtong po kasi nun ito.
Kung di nyo pa po nababasa Click external po..
----------------------------
The LIE I said was I DON'T LOVE her when the TRUTH is I DO.
Now could you tell me What is LOVE?
------------------------------
Kyung Soo's POV
"Lahat ng sinasabi ko sayo totoo, pero yung pinaparamdam ko hindi". hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin bakit ko sinabi yon. Magang-maga ang mga mata nya dahil sa pag-iyak. Ayoko syang nakikitang ganito. Nasasaktan ako, pero alam kong ako ang dahilan kung bakit sya naiyak.Naiyak dahil sa GAGONG kagaya ko.
"Ga-non ba?" nahihirapan na syang magsalita. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha nya. Gusto ko syang lapitan. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong punasan ang mga luha nya pero nawalan na ako ng lakas.
Lumabas sya ng kwarto. Kasabay ng paglabas nya ang pagpatak ng luha ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko sya pero.. pero nakikita ko sa kanya si Jane. Damn.
Jane again.
I don't want to hear her name nor to see her face but every time I see Jana she reminds me of Jane. And yeah I still love Her.
Did I?
Umalis ako ng kwarto para sundan si Jana at magsorry.
Sorry
Hanggang Sorry lang naman ako sa lahat ng ginagawa ko sa kanya. Paulit-ulit akong nagsosorry pero paulit-ulit ko pa rin syang sinasaktan.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Jana. Wala siya sa salas, sa kusina at sa banyo kaya lumabas ako. Nakita ko syang nakaupo sa may garden.
"Bakit ganon Penny?" rinig kong kinaka-usap nya yung aso namin.
"Ginawa ko naman lahat di ba? Ibinigay ko lahat pero bakit kulang pa rin?" kita mula sa kinatatayuan ko ang pagtulo ng mga luha nya.Gusto ko syang lapitan pero napako ako sa kinatatayuan ko. Naiinis ako sa sarili ko.
"Tigilan ko na kaya Penny? siguro tama na yung nagawa ko" nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yung mga sinabi ni Jana. No. Jana. Wag please.
Nilakas ko ang loob ko at naglakad papalapit sa kanya.
"Jan-na" tawag ko sa kanya. Tumahol naman si Penny sa akin. Nagulat sya ng marinig ang boses ko kaya agad nyang pinunasan ang mga pisngi nyang basang-basa dahil sa luha.
"Oh nandyan ka na pala? bat lumabas ka pa, dapat nag-ayos ka na baka malate ka pa." sabi nya sa akin. Bakit ganun parang walang nangyari?
"Halika ipaghahanda na kita" dagdag nya tsaka tumayo at nagsimulang maglakad papasok ng bahay pero pinigilan ko sya.
Hinawakan ko ang braso nya para iharap sya sa akin tsaka ko sya niyakap.
"Jana NO" ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero yan lang ang lumabas sa bibig ko. Ayokong mawala si Jana. Sya na lang ang meron ako ngayon.
"Kyung tama na" sagot nya at naramdaman ko nababasa na yung damit ko. Naiyak na naman sya.
"No Jana please, wag" giit ko sa kanya at mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Ayoko syang pakawalan.
"Kyung Soo, itigil na natin to kasi, kasi kapag ipinilit pa natin mas lalo lang tayong masasaktan" sagot nya ulit tsaka humiwalay sa yakap, pero hinawakan ko ang dalawang braso nya at lumuhod.
"Jana give me One More Chance to prove myself" pagmamakaawa ko sa kanya. Nakita kong tumulo muli ang mga luha nya.
"I already give you a thousand Kyungsoo, I think that's enough" huling sabi nya bago tuluyang binawi ang mga braso nya at pumasok sa loob ng bahay.
Napahilamos ako ng mukha ko. Ang TANGA ko. Ang laki kong Tanga. Nakakainis. Lumapit si Penny sa akin at umupo sa harapan ko.
"Ang tanga ko no Penny?" para akong baliw na kinakausap yung aso namin. Tumahol naman ito na para bang sinasang-ayunan yung tinanong ko.
"I always take her for granted kahit hindi naman dapat" dagdag ko pa. Tumayo ako na pi-nat yung ulo ni Penny.
Hindi ko hahayaang sumuko si Jana sa akin. Hindi.
Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng mangyari ang eksenang yon.Palagi kong nilalapitan si Jana pero umiiwas sya. Hindi rin nya ako gaanong kinakausap. Kakausapin nya lang ako kapag may tawag ako sa telepono, kakain na o kaya kapag may sasabihin syang tungkol sa bahay. Hindi na rin sya nasabay sa akin sa pagpasok. Maaga syang nagising kaya paggising ko sa umaga ay wala na sya. Ganon din sa gabi maaga syang natutulog at sa Guest room na sya nagkwakwarto.
Hindi ako sanay sa nangyayari ngayon, dati silang dalawa ni Penny ang maingay sa bahay ngayon minsan si Penny na lang. Kapag walang pasok ay nasa Guest room lang sya at hindi nalabas pwera na lang kung magluluto na sya o kakain na.
Linggo ngayon kaya parehas kaming walang pasok ni Jana. Naisipan kong yayain si Jana na lumabas para malibang sya at makabawi na rin ako sa kanya. Nag-ayos ng sarili ko. Simple lang naman. Typical na panggala. Hindi naman kasi mahilig si Jana sa mga bonggang galaan. Ideal date ba sa kanya yung dahil mo sya sa Peryahan at kumain kayo ng Kwek-kwek o fishball.
Kumatok ako sa Guest room dahil doon na sa sya nagkwakwarto. Nakailang katok ako pero walang nasagot. Kahit naman hindi ako gaanong pinapansin ni Jana, kapag kumatok ako sa kwarto nya ay pinagbubuksan nya ako. Kumatok ulit ako pero kagaya kanina wala paring nasagot. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pinihit ko ang sendura ng pinto at bumukas iyon.
Agad akong pumasok sa loob. Wala si Jana sa kama kaya pumunta ako sa banyo at doon ko sya nakita ba nakahiga sa sahig at hawak ang tyan nya. May nakita rin akong mga dugo sa sahig.
Nilapitan ko sya at binuhat. Kailangan nyang madala sa ospital.
Pababa na kami ng hagdan ng magsalita sya.
"Kyung ayoko syang mawala" sabi nya sa akin at mas humigpit ang pagkakahawak nya sa leeg ko.Nalito naman ako sa sinabi nya. Anong mawawala?
"Kapit ka lang Jana dadalhin kita sa ospital" sagot ko sa kanya at isinakay sya sa sasakyan.
Habang nasa biyahe kami ay hawak-hawak nya ang kamay ko ng mahigpit. Nang makarating kami sa ospital ay agad syang dinala sa ER.Gusto ko sanang pumasok din sa loob kaso hindi ako pinayagan ng mga nurse kaya naghintay na lang ako sa labas.
Isang oras na rin ang nakakalipas ng ipasok si Jana sa ER at hanggang ngayon ay hindi pa nalabas yung doctor.
Para akong baliw na pabalik-balik sa paglalakad. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa nangyayari kay Jana.
"Tumigil ka nga sa kakalakad mo, ako yung nahihilo sayo eh" rinig ko sabi ng isang tinig kaya napatingin ako kung saan nanggaling yun at nakita ko si Lay na nakatayo sa harapan ko.
"Ano ka ba, wag kang magpanic magiging maayos din ang lahat" dagdag nya tapos lumapit sa akin at inakbayan ako tapos umupo kaming dalawa. Hindi pa rin nagbabago si Lay, mabait pa rin sya parang nung highschool pa kami.
"Hindi ko lang mapigilang mag-alala Pre" sagot ko sa kanya. Sobra akong nagaalala sa maaaring mangyari kay Jana. May nakita akong DUGO eh.
"Kaya mo yan, kapag kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako" paalala nya sa akin kaya tumango ako.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kaya napatingin ako sa ER, saktong lumabas namab yung doctor na umasikaso kay Jana.
"Are you the patient's husband?" tanong nya sa akin kaya tumango ako.
"What do you want to know first Good News or the Bad one?" tanong nya sa akin kaya napatingin ako kay Lay. Ngumiti sya sa akin, yung kita yung Dimples nya.
"Bad news" sagot ko tapos tumango-tango yung doctor.
"The Bad news is the patient have been stressed recently and her health is not good" panimula nya. Sabi ko na nga ba. Pansin ko netong mga nakaraan maputla si Jana. At isa ako sa mga dahilan.
"And the good news is the patient is 5 weeks Pregnant" parang bombang sumabog sa tenga ko yung narinig. Ako? Magiging Tatay na?
"But, Mister I'm telling you that the patient's condition recently is not good for her especially on the baby. If something like this happened again you might really lose the baby so you're lucky this time because we save your baby. Kung nahuli ka ng konti baka nalaglag na sya." paliwanag nya pero nakatulala lang ako. Hindi ko alam, halo-halo yung nararamdaman ko.
"The patient is still unconscious but you can see her, well just transfer her. Mr. Zhang please assist him." sabi nung doctor. Naramdaman ko na lang na tinutulak na ako ni Lay para maglakad.
"Inayos ko na yung kwarto ni Jana kanina kasi mukhang hindi mo magagawa" sabi ni Lay habang naglalakad kami dun kwartong kinuha nya para kay Jana. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kanina. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko.
Tumigil kami sa isang pinto na may nakalagay na Jana Do. Pinagbuksan ako ni Lay at nakita ko doon si Jana na nakahiga at may dextrose.
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan sya. Bakit nga ba hindi ko agad napansin ang babaeng to.
Yung babaeng laging nandyan sa tabi ko.
Yung babaeng kahit nasasaktan ko patuloy pa rin akong minamahal.
At yung babaeng TUNAY na MAHAL ko.
I have a crush on her when were in elementary. She always plays with my cousin that's why she was always in our house. She's bubbly, smart and pretty. I'm afraid that she might be angry if I confess to her that's why I decided to keep my feelings for her. I always plan to confess to her but everything will turn to nothing.
We were First year high school when I met her cousin. At first I thought she was Jana because they really look like each other. Jana became so busy and I was not able to see her often but Jane, she stays by my side that's why I think I like her. Jane said that she likes me and I think Jana and Me were not meant for each other so I courted Jane. After a few months we became a couple. We were happy until one day; she was nowhere to be found. I look for her everywhere but it's useless.
I admit that I love Jane but now I realized that I love no one so much expect for Jana.
Hinawakan ko yung kamay ni Jana at umupo sa upuan sa gilid ng kama nya.
"Naalala mo ba nung matulak mo ako sa pool noong 8th birthday ko? Kunyari galit ako sayo para bumalik-balik ka sa bahay, gusto ko kasing nakikita yung nakasimangot mong mukha, ang cute mo kasi eh" kwento ko sa kanya. Alam ko tulog sya pero gusto kong ikwento sa kanya yung mga kabaliwang ginawa ko para sa kanya.
"Nung 7th birthday mo ako yung nag regalo sayo nung Malaking Teddu bear na aso kasi alam kong Favorite mo yung mga aso kaso allegic ka pala sa mga Teddy Bears kaya nagkasakit ka." naalala ko bahing sya ng bahing noon pero nakangiti pa rin.
"Yung sulat na nakaipit sa libro mo ng Math, ako may gawa non kaso nahihiya akong umamin kaya sinabihan ko si Baekhyun na sabihin sayo na sa kanya galing yon." iyon ang unang beses na nagsabi ako na gusto ko sya pero kinabahan ako kaya yung kaklase ko ang pinagpanggap ko.
"Nung Graduation Ball natin noong Grade Six, ako talaga yung Last Dance mo non" ang ganda-ganda nya non. Nakipag away pa ako kay Ian para ako ang maging last dance nya.
Naramdaman kong gumalaw yung kamay nyang hawak ko.
"Narealize kong kahit Mahal ko si Jane, pero MAS Mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, kaya please wag mo kong iwan" tumulo ang rin ang mga luha ko. Ayoko talagang mawala sya Mali SILA sa akin.
"Nasan ako?" tanong nya kaya napatingin ako sa kanya. Tatayo sana sya pero pinigilan ko.
"Wag ka munang gumalaw, magpahinga ka muna." sabi ko sa kanya. Humiga naman sya ulit.
"Nandito ka sa ospital kasi--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla syang umiyak.
"Nandito pa ba sya? Ha sabihin mo!" sabi nya. Niyakap ko sya.
"Nandyan pa sya Jana, nandyan pa yung baby natin" sagot ko. Naramdaman kong kumalma sya at yumakap na lang din sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" balik na tanong ko sa kanya. Kaya pala kanina sinabi nyang may ayaw syang mawala. Buntis pala sya.
"Natatakot ako Kyungsoo. Natatakot ako na baka hindi mo sya tanggapin." sagot nya. Bakit ko hindi tatanggapin ang isang napakalaking biyayang ibinigay sa akin.
"Bakit naman?" tanong ko ulit. Humiwalay ako ng yakap sa kanya at pinunasan yung nga luha nya.
"Kasi ... Kasi" hindi ko na sya pinatapos. Hinalikan ko sya sa labi. Naramdaman kong nagulat na naman sya.
"Shhh alam kong ang laki kong tanga para hindi ko agad mapansin na ikaw talaga yung mahal ko. Gusto ko magsimula tayo ulit. Ikaw, ako at yung baby natin. Tayo lang wala ng ibang epal. Please Jana sana pagbigyan mo ako." ani ko sa kanya. Matagal sya bago sumagot kaya sa tingin ko ayaw nya.
Tumango sya.
"Oo, Kyungsoo magsisimula tayo" sagot nya kaya niyakap ko sa ulit.
Now I know the REAL meaning of LOVE, it is JANA and my future Child.
-----------------------------
Natapos rin XD
Dedicated sayo ^_^
Sabi ko di ba didedicate ko to sayo kasi ikaw yung unang nagkagusto sa TRUTH.
Salamat sa pagbabasa..
Ok lang ba? Satingin ko kasi naging POV sya ng girl...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro