Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Requested - Promises and Memories (BTS V)

Promises and Memories (One Shot)


"You know the difference between PROMISES and MEMORIES?

WE break Promises, Memories break US."


-------------------


Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga bleachers dito sa soccer field. Wala kaming prof kaya pumunta ako dito para magpahangin. Nakikita ko sila ngayon na nagpapratice ng soccer kaya hindi ko maiwasang malungkot. Noon palagi akong nandito para icheer sya, punasan ang pawis nya at bigyan sya ng tubig pero ngayon iba na ang nagawa nun.


Napayuko ako. Eto na naman ang mga luha ko. Nakakainis lang isipin na sya masaya na sa bagong buhay nya samantalang ako miserable pa rin. Hindi pa rin kasi ako nakaka MOVE ON. Tama nga sila, madaling isipin mahirap gawin.


Naramdaman kong may bumatok sa akin kaya napalingon ako kung sino ang gumawa nun. Nakita ko si Sheena na nakatayo sa may tabi ko at nakapamewang pa. Ayan na naman yung mukha nyang nakakatakot.


"Ano? Papakatanga ka na naman dito? Alam mo hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Ang hilig mong saktan ang sarili mo, gustong-gusto mo naiyak dahil sa mga WALANG KWENTANG TAO" talagang diniinan nya pa yung mga huling sinabi nya. Nakita kong napatigil sila sa paglalaro dahil sa lakas ng boses ng babaeng ito. Nakita kong nakatingin sya sa akin.


Dati sa akin lang nakatingin ang mga matang iyan pero ngayon para na akong isang pangit na tanawin di pwedeng tignan.


"Mag Move on ka na teh! Kung hindi ka naaawa sa sarili mo pwes ako naaawa kaya utang na loob itigil mo na to!" dagdag nya. Heto na naman sya. Parang nanay ko na naman kung magsermon.


"Last na to" sa dinami dami ng sinabi nya yan lang ang sinabi ko. Useless din naman kasi kung makikipagtalo pa ako sa kanya. Boses pa lang talo na ako, isa pa alam kong ako naman ang mali.


"Pang ilang Last mo na ba yan?" sarkastikong tanong nya at tumingin sa taas tapos nagbilang.


"Isa, dalawa, tatlo engg Sytaxx Error na teh!" sabi nya kaya tumingin na lang ako sa kanya. Bakit po ang bait ng bestfriend ko?


"Promise" hirit ko.


"Promise? Hindi ka pa ba nadala ng promise promise na yan? Forever nga wala eh edi mas lalo na yang promise na yan".It hit me. Tama, walang forever kaya mas lalong walang patutunguhan ang mga pangako.


Napatahimik ako. Nakita kong naglakad papunta sa pwesto namin si Jin.

"Ahmm excuse me? Pwede bang pakihinaan yung boses mo?" malumanay na paki-usap nya kay Sheena. Humarap naman si Sheena sa kanya na nakataas ang isang kilay.


"Bakit nadidistract ba ng boses ko yung laro ng kaibigan mo? Pwes paki sabi sa kanya tsaka dun sa linta na pinalit nya sa kaibigan ko, magsama sila! Pareho silang walang kwenta!" sabi nya, nakita kong kumunot ang noo ni Jin.


"Sa tingin ko hindi ko na kailangang sabihin" sabi ni Jin.


"Alam mo bagay nga kayong magiging kaibigan nyang si V! Pareho kayong arogante! Di na ako mag--" hindi ko na pinatapos si Sheena. Baka pati si Jin ay madamay sa kasungitan netong babaeng to.


"Ahh sige Jin aalis ba kami, pasensya na sa abala" sabi ko habang hinihila na paalis si Sheena. Nagpumiglas pa si Sheena pero nailayo ko na sya dun.



***


Kasalukuyan akong naka-upo sa isang bench dito sa school garden ng may naalala ako.


"Mihcee nakita mo si V?" tanong sa akin ng humihingal na si Jungkook. Nandito ako sa may park dahil gusto daw maglaro sa labas ng kapatid ko kaya namasyal kami.


Umupo sya sa tabi ko at kita ko kung paano sya magpawis at hingalin. Kumunot ang noo ko. Saan sya galing at ganito ang itsura nya?


"Si V? Hindi eh". Sagot ko habang nailing. Hindi ko naman kasi talaga nakita si V mula kanina.


"Hindi? San kaya nagpunta yun. May praktis kami ng soccer eh, nagagalit na si Namjoon." sabi nya habang nagpapalinga-linga sa paligid, ganun din yung ginawa ko pero no sign of V sa park.


Inilabas ko yung cellphone ko at tinignan kung may nagtext. Meron nga di naman galing kay V.


"Sige babalik na ako. Kapag nakita mo ha? Sabihin mo ihanda na nya sarili nya sa pagtakbo sa track field ng 100 times!" paalam nya. Tumango na lang ako at nagcompose ng message para sa kanya.


To: Taehyung

San ka?


Pagkasend ko wala pang isang minuto ay nagreply sya.


From: Taehyung

Sa puso mo ♥


Tignan mo to pumi-pick up line pa. Kala nya kinilig ako? Pwes OO!


To: Taehyung

San ka nga? Hinahanap ka nila Jungkook, may practice daw kayo.


From: Taehyung

Sa puso mo nga ♥♥♥


Magtatype na sana ako ng itetext ko sa kanya ng makita kong tumatakbo papalapit sa akin si Max habang may dala-dalang isang rose.


"Ate! Ate bigay po ni Kuya doon oh" sabi ni Max sa akin habang tinuturo yung isang malaling puno dito sa may park. Nagtaka naman akong kung kanino galing kaya tamayo ako at naglakad papalapit sa sinasabing puno ni Max.


Paglapit ko ay may nakita king lalaking pilit na itinatago yung sarili nya para hindi sya makita.


"Tago pa, sige lang push mo yan" nagulat naman sya kaya agad syang napalingon. Kinamot nya yung batok nya at nahihiyang naglakad papalapit sa akin.


"Bakit mo sinabi kung nasaan ako?" tanong ni Taehyung kay Max saka nya ginulo yung buhok nito.


"Alisin mo nga yang kamay ko ulo nya, baka mahawa pa yan ng kaalienan mo" biro ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at feeling ko may kung ano sa tyan ko.


"Nga pala may practice daw kayo ha! Lagot ka" panakot ko sa kanya. Umalis si Max sa tabi namin dahil may tumawag sa kanya.


"Eh nakakapagod magpractice tsaka ace player naman ako kaya yakang-yaka ko na yun" pagmamayabang nya. Natawa naman ako.


"Sige pag natalo ka di kita sasagutin" mahinang bulong ko pero hindi ko inaasahan na maririnig nya. Biglang lumaki yung nga mata nya ay hinawakan yung dalawang balikat ko.


"Seryoso? Kapag nanalo kami sasagutin mo na ako?" tanong nya. Itinaas ko naman yung dalawang balikat ko para asarin sya.


"Ewan, baka" sagot ko. Bigla naman syang nagtatalon at hinalikan ako sa noo.


"Dyan ka lang magpaparatice lang ako para manalo kami. Sigurado yan ha? Sa linggo akin ka na!" sabi nya habang naglalakad palayo sa akin.


"Yun ay kung mananalo kayo!" sigaw ko. Sumagot naman sya ng mananalo kami kaya napatawa ako.


***

Isa-isa silang pumasok sa loob ng locker room at lahat sila ay malulungkot. Talo lang naman sila sa football, ang galing kasi ni Luhan at Xiumin kaya ayun.


Parang pinagbagsakan ng langit at lupa yung mga mukha nila.


"Sorry Mihcee di pa kita pwedeng maging girlfriend" malungkot na sabi ni Taehyung sa akin. Naawa naman ako kasi ginawa nya ang lahat para manalo sila pero ganun talaga. Minsan panalo, minsan talo.


Hinawakan ko yung mukha nya at pinaharap sya sa akin.

"Bakit naman?" tanong ko. Tumingin sya sa akin tapos yumuko din agad.


"Di kami nanalo eh" sagot nya kaya napangiti ako. Napagdesisyunan ko na manalo man o matalo sila sa araw na ito ay sasagutin ko na sya. Matagal na rin naman syang nagliligaw at gusto ko rin naman sya.


"Ok lang yun, nanalo ka naman sa puso ko" napa-angat sya ng tingin sa akin at tinignan ako ng nagtataka.


"Manalo o matalo man kayo boyfriend na kita" bulong ko sa kanya. Tumungo sya kaya nagtaka ako, maya-maya ay inangat nya ulit yung ulo nya at nakangiti na sya.


"Talaga?" paninigurado nya.


"Oo" sagot ko habang natungo. Nagtatalon naman sya sa harapan ko tapos binuhat ako saka inikot sa ere.


"Whoo girlfriend ko na si Michee whoo!!" sigaw nya. Isa yun sa pinakamahalaga at pinakamasayang araw sa buhay ko.


***


Agad akong napahinto sa paglalakad ng makita ko kung sino yung makakasalabong ko. Agad nawala yung ngiti sa labi nya at napatigil din sya. Nagpaaalam si Jungkook na mauuna na sya kaya kaming dalawa na lang ang natira. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at namamasa na rin yung mga mata ko. Miss ko na sya, sibra. Hindi ko alam kung anong pagkukulang ko kaya sya nakipagbreak sa akin at pinalitan agad ako kaya heto naghihirapan na ako.


Nagsimula syang maglakad pero nung katapat ko na sya ay hinawakan ko yung braso nya para tumigil sya. Ramdam kong nagulat sya sa ginawa ko.


"Taehyung wala na ba talaga? Hindi na ba talaga tayo pwede ulit? Kung ano man yung pagkukulang ko-" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng hilahin nya yung kamay nya hawak ko at napabuga sya ng hangin, parang bang sawang-sawa na sya sa akin.


"Look Mihcee I'm doing you a favor. Kung ipapagpatuloy pa natin yung walang saysay nating relasyon ikaw lang yung masasaktan. To be honest, isang malaking pustahan lang ang lahat. Masyado ka kasing masungit kaya nakakachallenge ka alam mo ba yun? Ang sakit kasi sa ego kapag sinusungitan mo ako kaya ayun, pinatulan ko yung dare nila na ligawan kita at pa-ibigin. Dapat nga two months lang yun eh, umabot lang tayo ng isang taon dahil hindi ko makukuha yung premyo dahil umalis si Namjoon. Sabi nya hintayin kong bumalik sya at paabutin ko ng one year at dadagdagan nya yung premyo. Ngayon bumalik na sya tapos na yung dare at tapos na rin tayo" para nya akong pinapatay sa bawat salitang binibitawn nya. Dati gusto kong malaman ang lahat pero ngayong alam ko na nagsisisi ako.


"Sorry Mihcee, wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Mag-move on ka na. Sorry din kung nasaktan kita at-"


"Sorry? Sa tingin mo ba maalis ng kahit ilang sorry mo ang lahat? Pwes hindi! Sana pinatay mo na lang ako! Sana pinatay mo na lang ako kesa naman nararamdaman ko to! Nangako ka dati na hindi mo ako iiwan eh tapos ngayon" pinunasan ko yung mga luha ko pero patuloy pa rin sila sa pagtulo.


"Mihcee Promises are meant to be broken" sabi nya bago nya ako tuluyang iwan doon.


Tama sya, Promises are Meant to be Broken and the Memories he left me will the one who will Break Me.


--------------

Sorry kung ngayon lang... Medyo tinatamad ako eh....


Ok lang ba? Sabihin mo kung panget.. Dapat ending pa yung break up di ba? Kaso may drafts na ako dati kaya tinuloy ko na lang..


Salamat sa pagrerequest.~~



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro