Requested - LOVE is NOT OVER (BTS JungKook)
LOVE is NOT OVER
"My LOVE for you is NOT OVER"
------------------
"Tama ba yung narinig ko? Kapatid sya ni Kris Wu? Yung dating member ng EXO?" naparoll eyes ako ng marinig ko yung bulong-bulungan sa likuran ko. Nakakainis, anong masama kung maging kapatid ko si Kris Wu? Porket ba sa SM Ent. dati si Kuya eh magtataka sila kung mag-aaudition ako sa BigHit? Anong konek, kahit saan naman ako mag-audition pwede eh.
"Hawig nya nga si Kris Oppa" Oppa, Oppa! Makatawag sila ng Oppa kay Kuya kala mo kapatid sila. Sheneth Stop . You should not stress yourself because of them, baka mamaya ay hindi ka pa matanggap dahil haggard ka na.
"Sheneth Wu" tawag sa akin nung isang staff dito. Against si Kuya sa gagawin ko dahil alam nya kung gaano kahirap ang maging isang trainee lalo na maging idol pero ito ang gusto ko. Sya nga ginawa nya ang gusto nya kaya ako gagawin ko rin ang gusto ko.
"Are you related to Kris Wu? Yung sa EXO?" tanong sa akin nung makapunta na ako sa unahan. Tumango bilang sagot at ngumiti. First Impression last. Di lang dapat maganda ang itsura dapat pati ugali, although maldita ako. Sorna, mana sa Kuya eh.
"Really, how?" mukhang naging interesado sya sa background ko.
"He's my brother" sagot ko. I'm still learning korean kaya nagpapasalamat ako ng English ang ginagamit nya sa pakikipag-usap sa akin kundi baka machinese ko sya ng di-oras.
"Oww so I think I must set high standards. Kris was a great performer" sabi nya. Sumandal sya sa swivel chair at inayos yung salamin nya.
"Show us what you've got Sheneth Wu" isang mic ang inabot sa akin at pumikit ako bago bumuntong hininga. Sheneth Wu Fighting!
Kinanta ko yung favorite song ko in Korean, yung Don't Go ng EXO. Ang ganda kasi ng kanta na yun.
Medyo pinahalo ko yung chinese at korean ver. Dun kasi sa Chinese Ver. English yung start ng chorus kaya yun yung kinanta ko para mas maganda.
Matapos kong kumanta ay tatlong magkakasunod na palaklak ang narinig ko. Nakita ko yung judge na nakangiti at mukhang impress na impress. Well there's more.
"Do you dance?" tanong nya. Tumango ulit ako bilang sagot. Aba kung di mo natatanong stress reliever ko yung pagsasayaw.
May pinatugtog silang kanta at sinabayan ko yung tugtog. Kagaya kanina ay nakatanggap na naman ako ng palakpak. Maski yung isang staff ay mangha sa akin. Well it runs in the blood eh.
"Kris position in EXO was Main Rapper, do you think you can also be a main rapper?" sus yakang-yakang.
Tumikhim ako bago nagrap, nirap ko yung kanta kung saan LSS ako. Yung No More Dream ng BTS. Nakita ko lang sa youtube then nagustuhan ko, tapos hinanap ko yung profile nung kumanta at doon ko napagdesisyunan na sa BigHit ako mag-aaudition. I think this company can take care of me really well even though it's not one of the biggest entertainment company here in Korea.
"I'm impress to you Sheneth Wu. Go back tomorrow for the start of your training" agad akong napasuntok sa ere matapos kong marining ang mga salitang iyon. Grabe One take lang pasok na agad ako. Gusto kong tawagan si Kuya para sabihin na nakapasa ako pero baka magpabook agad yung ng flight papuntang Korea at iuwi ako sa China ng de-oras or worst baka sa Canada ako dalhin. No ayoko pang bumalik sa China mas lalo na sa Canada dahil for sure Goodbye Korea na ako for my whole life.
Naglalakad ako sa corridor ng may madaanan akong mga nagtatawanan. Napahinto ako kasi nakabukas ng konti yung pinto ng kwarto kung nasaan sila. Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero sumilip ako. God! Am I at Mount Olympus? Grabe parang mga Greek Gods yung nasa loob dahil lahat sila ay gwapo. Idagdag mo pang nakangiti sila kaya mas lalo silang pumogi.
Nag-eenjoy ako sa panonood sa kanila ng may kumalabit sa akin.
"May kailangan ka?" tanong nya in Korean kaya medyo nalito ako. At dahil nga I'm having a hard time sa pag-aaral ng Hangul ay naghahalo-halo yung mga words sa isip ko kaya hindi ko naintindihan yung sinabi nya.
"What?" tanong ko sa kanya. Medyo nagulat naman sya sa sagot ko.
"I'm asking if you need something?" sagot nya in English. Wow fluent sya at maganda ang accent pero mukha syang korean eh.
"Hyung!" narinig kong may tumawag sa kanya kaya napalingon ako. Nakabukas na ng malaki yung pinto ay may isang cute na lalaki ang nakasilip dito.
"Sino sya hyung?" tanong nung lalaki.
"Ahh no I don't need something. Mian. Xie xie" shoot , napaghalo-halo ko na yung tatlong lenggwahe na alam ko dahil dun sa cute na guy. Bakit ba kapag may nakikita kang cute na lalaki nabubulol ka. Yumuko ako tapos tumalikod na saka naglakad, pero di pa ako nakakalayo ay nakabangga ako. Nahulog tuloy yung cellphone ko at naging tatlo.
"Mian" sabi nung nakabangga ko. Pinulot ko yung likod ng cellphone ko tsaka yung cellphone itself tas sya nakuha nya yung battery.
"Gwenchana, gwenchana" sagot ko. Kasalanan ko rin, di ako tumingin sa dinadaanan ko. Inabot nya sa akin yung battery ng mapansin kong parang pamilya yung kamay nya. Parang nakita ko na yun dati.
"Sheneth?" napa-angat ako ng tingin at kaya pala pamilyar yung kamay nya ay dahil kilala ko sya. Ang ganda ng araw ko kanina ngayon sira na.
Nakakabanas -_-
Kinuha ko sa kanya yung battery ko saka ko sya nilampasan.
Bakit ko nga ba nakalimutan na dito nagtatrabaho si Jeon Jungkook, ex-boyfriend ko.
***
"Totoo ba na ex mo si Jungkook?" kanina pa ako tinatanong ni Jimin kung totoo yung nalaman nya kahapon na ex ko si Jungkook. It's my second month as a trainee here at BigHit at masasabi kong marami na akong natutunan. Medyo fluent na rin ako sa Korean dahil tinuturuan ako nung mga kasama ko sa dorm at pati na nung staffs.
Two months ko rin tinago na ex ako ni Jungkool dahil nagpag-alaman kong maraming may gusto sa kanya na trainee na kagaya ko. Kahit naman maldita ako ay ayoko ng may kaaway ako pero kung si Park Jimin ang mangungulit sa akin ay payag na akong magkaroon ng kaaway para tumahimik ang buhay ko.
"Would you please shut up?" utos ko sa kanya pero mas lalo lang syang lumapit sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Minsan nakakatakot ang mga ngiti ng lalaking to.
"Tatahimik ako kung sasagutin mo yung tanong ko" kondisyon nya sa akin, naparoll eyes ako. Sa pagkaka-alam ko may schedule sila para isang photoshoot ngayon pero heto sya nangungulit sa akin.
"Pagsinabi kong oo tatahimik ka na?" tanong ko sa kanya. Lumungkot naman yung mukha nya.
"So totoo?" mahinang sabi nya tapos yung tono ng boses nya parang iiyak na. Ayan na naman yung mga bulong-bulungan ng kapwa trainee ko. Madalas silang maiingit sa akin dahil palagi akong nilalapitan ng Bangtan, well parang gusto ko namang nilalapitan nila ako di ba?
"Oo totoo, masaya ka na?" take note the sascrasm baby! Tumungo sya at nagsimula ng magtaas baba yung balikat nya. Naiiyak sya?
Kinuha ko yung bag ko at isibit iyon sa likod ko.
"Pwede din bang maging tayo?" biglang tanong. I admit nagulat ako pero hindi ko sya gusto eh.
"No, you're not my style" sagot ko saka lumabas ng practice room.
Sorry Park Jimin..
***
"Malandi ka! Akala ko noon simpleng trainee ka lang yun pala may hidden agenda ka! Nilalandi mo na si Jimin Oppa isinama mo pa si Taehyung Oppa!" as much as I want to slap the face of this trying hard trainee, I retain myself not to. I don't want to waste my 5 months of training just because of her false accusation on me.
I look at her with a bored face. Minsan ang sarap na nilang patulan pero ngayon past muna.
"Are you done? Well excuse me" sabi ko bago sila talikuran. Halos lahat ng kasama kong trainee ngayon ay galit sa akin dahil palagi akong dinidikitan nung mga takas sa mental, as if naman gusto ko di ba? Naiinis nga ako kapag dikit ng dikit sa akin yung Alien at yung pandak eh, para kasing mga linta.
"Kinaka-usap pa kita!" naramdaman ko na lang na hinila nya yung buhok ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Ramdam ko yung sakit ng anit ko at pinagkakalmot na rin nila ako. In short, pinagtutulungan nila ako.
"Masyado kang malandi!" sigaw nya. May naramdaman akong kung ano sa mukha ko kaya itinulak ko sya agad! Napalayo naman sya at hinawakan ko yunh pisngi ko, may dugo. Doon na ako sumabog, hindi ko sila pinatulan dahil ayoko ng away pero ngayon ginalaw na nila yung mukha ko, aba ibang usapab na yon. Magagalit ang Kuya ko kapag nakita nyang mag bangas ang mukha ko.
Puma-ibabaw ako at sinabunutan sya, yung iba nyang kasama ay hinila ako paalis sa ibabaw nya pero hindi ako nagpatalo.
"Sheneth!. Stop it!" biglang may humila sa akin paalis sa ibabaw nya. Nakita ko si PD-nim at galit sya.
"Sheneth what was that?" he asked me. I glared at those bitches and some of them were crying. Pabebe eh?
"I know you would not believe me so why asking?" sarcastic na tanong ko sa kanya. Nangyari na kasi to ng ilang beses at hindi ako ang pinaniwalaan nya.
"If you continue that kind of attitude-" I cut him off.
"What? You're going to remove me from being a trainee? Then go! Ayoko rin naman sa mga bias mentor kagaya mo". Siguro nga kaya ayaw rin ni Kuya na magging Trainee ako sa Korea dahil unfair ang trato nila sa Chinese trainees at Idols. Tumayo ako at lumabas ng office nya. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Jimin at yung ibang miyembro ng Bangtan including him.
"Sheneth" tawag sa akin ni Jimin. Tinignan ko sya ng masama. Sa tanang buhay ko ngayon lang ulit tumulo ang mga luha ko. Naiinis ako sa kanila, masyado silang ewan ... basta naiinis ako sa kanila. Gusto ko lang din namang maging Idol kagaya ni Kuya dati pero mukhang hindi ito ang pwede sa akin.
"Shut up! It's all your fault!" sigaw ko sa kanya tsaka tumakbo.
.
Isang kamay ang nagtakip sa mga mata ko habang nagpapahangin ako sa rooftop ng BigHit. Kakatapos lang ng pangyayari na iyon at gusto kong magpahangin kaya pumunta ako dito. Nagtataka ka bakit rooftop? Gusto kong magkapulmonya eh bakit ba?
"Taehyung, hajima" I said in a warning tone. Madalas kasi akong ganyanin ni Taehyung tapos kikilitiin ako, ayoko pa naman sa lahat yung kinikiliti ako. Pero hindi nya tingggal ka. Pilit kong inaalis yung kamay nya pero hindi ko matanggal.
"Taehyung ano ba! Jungkook?" akala ko si Taehyung yung nagtakip ng mata ko si Jungkook pala.
"Mukha na ba akong si Taehyung Hyung?" tanong nya. Tumaas naman ang isang kilay ko.
"Bakit sino bang tanga ang nagtakip sa mga mata ko? Anong akala mo sa akin may mata sa likod?" sarcastic na tanong ko sa kanya. Tumalikod ako at inilagay yung kamay ko sa railings. Hinawakan nya yung balikat ko at pinaharap ako sa kanya. Sisigawan ko sana ulit sya ng hawakan nya yung pisngi kong may sugat. Doon ko lang din naramdaman ang hapdi nun. Tinabig ko yung kamay ay tatalikuran na sana ulit sya ng hawakan nya yung kamay ko ay pinaharap ulit ako sa kanya.
"Hanggang ngayon ang sungit mo pa rin" may kinuha sya sa bulsa ng jacket nya at isa pala yung band-aid. Parang akong nakuryente noong muling magdikit ang mga balat namin.
"Ikaw hanggang ngayon ang laki pa rin ng ilong mo" sagot ko naman sa kanya. Mas diniinan nya yung pagdikit ng band-aid sa mukha ko kaya nakaramdam ako ng sakit.
"Yah! Masakit!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako. Inirapan ko naman sya.
"Dun ka na nga, baka magalit na naman yung mga Super Duper Mega Ultra Fans nyo" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya kaya napataas ang kilay ko.
"Walang bang thank you?" tanong nya.
"Edi thank you" sabi ko sa kanya. Tumabi sya sa akin at pinatong yung mga kamay nya sa railings.
Katahimikan ang naghari sa amin. Ilang taon na rin simula noong mag-usap kami ng ganito. Hindi ko kasi sya pinapansin kapag nagkakasalubong kami o magkasama sa iisang kwarto.
"Bakit ka umalis Sheneth?" biglang tanong nya. Seryosong-seryoso yung boses nya. Napatingin ako sa kanya, ako pa ang nag-iwan ha?
"Ako? Ako pa talaga ang nag-iwan?"tanong ko. Full of sarcasm yun. Tama bang sabihin nya ako yung nag-iwan samatalang sya ang unang umalis.
"Hinintay kita Sheneth" napangisi ako. Ayan na yung mga luha ko, unti-unti na silang namumuo. Eto na naman yung sakit na namraramdaman ko.
"Hinintay? Di nga? Sa pagkaka-alam ko ako nung naghintay. Isang linggo ako sa lugar na yon Jungkook. Walang uwian kasi sabi mo sa akin babalik ka pero ano? Ni anino mo wala akong nakita! Ikaw ang nang-iwan Jungkook ikaw!" sigaw ko sa kanya. Nakakainis. Sya ang unang umalis tapos sasabihin nya ako? Tumulo na yung mga luha ko.
"Sheneth" tawag nya sa akin. Itinaas nya yung kamay nya para hawakan yung pisngi ko pero agad akong umiwas.
"Tama na Jungkook, tama na. Nasak- hmmpp" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng hilain nya ako at nagkasalubong yung mga labi namin.
"Sheneth sorry" sabi nya. Hawak-hawak nya pa rin yung mukha ko. Gusto kong alisin pero masarap sa pakiramdam yung haplos nya.
"Sorry kung nasaktan kita, sorry talaga. Akala ko kasi- aray Sheneth tama na masakit" hindi ko pinatapos yung sasabihin nya pinaulanan ko agad ng suntok.
"Sino ba yung siraulong malaki ang ilong na unang nang-iwan sa akin sa nagyeyelong park sa America at ako pa ang sinisi ha?"
Tanong ko. Muli kong pinunasan yung pisngi ko. Hinawakan naman nya yung mga parte na nasuntok ko.
"Sorry na nga di ba?" sabi nya. Nagcross-arm ako at inirapan nya.
"As if naman natatangal ng sorry mo ngayon yung sakit na naramdaman ko dati" ngumiti sya pagkatapos kong sabihin yun at lumapit sa akin.
"Edi ikikiss ko na lang para mawala, san ba masakit?' suhestyon nya. Inilapit nya yung mukha nya sa akin pero lumayo ako.
"Mahal pa rin kita Sheneth. My love for you is not Over" nakakuha sya sa akin ng tatlong palakpak.
"English, big words" pang-aasar ko, kinikilig kasi ako.Sinamaan naman nya ako ng tingin. Niyakap nya ako kaya napangiti ako. Ang tagal ko rin hinintay na magkayakap ulit kami. Actually hindi na ako galit sa kanya, noong una oo
. Galit na galit pero hanggang ngayon mahal ko pa rin sya eh.
"Sheneth ang kamsa ay Thank you di ba?"tanong nya. Tumango ako.
"Ang Mian ay Sorry"tumango ulit ako.
"Ang Saranghae ay excuse me" napa-angat ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi nya.
"I Love you yun! Ikaw tong koreano sa ating dalawa eh" sabi ko. Idinikit nya yung noo nya sa noo ko.
"I Love you too, Sheneth" nakangiting sabi nya.
-----------
I don't know kung nasunod ko yung gusto mo. Huhuhu pasensya na T^T
Anyways salamat sa pagrerequest~~~
I will be posting the Other One-Shots maybe on Sunday?? I hope so~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro