Requested - Infinity (EXO's Sehun)
Infinity (One Shot)
"To Infinity and Beyond!"
-----------------------------------
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumalik lahat ng ala-ala kung paano ko nakilala yung lalaking nagpasaya sa magulong mundo ko.
Araw ng Biyernes noon at sobrang naiinis ako. Unang-unang ay dahil naiwan ko sa dorm yung project kong ang deadline ay ngayon, wala na nga akong grade sa project, pinagalitan pa ako ng prof ko. Sumabay pa yung crush ko na dumaan sa harapan ko na may kaholding hands na babae kaya sobrang kumulo yung dugo ko.
Sa sobrang inis ko ay nagpagpasyahan kong pumanta sa isang mall para magpalamig ng ulo. Kung hindi siguro mainit ang ulo ko ay hindi mo ako makikita sa ganitong lugar na mag-isa pero since badtrip ako, napagtripan kong maglibot mag-isa.
Nagtingin-tingin lang ako. Sukat-sukat, basa ng konti at panood-nood. Isang oras ang lumipas ng makaramdam ako ng pagod at gutom kaya napagpasyahan kong kumain.
Sabi ko sa sarili ko na sa susunod na magpunta ako ng mall ay itatry kong kumain sa isang korean restaurant. Para kasing masarap yung mga napapanood ko sa mga korean novelas.
Nakakita ako ng isang korean restaurant sa malapit kaya pumasok ako at pumila para makaorder. Pagkatapos kong magorder ay humanap ako ng mauupuan at may nakita akong pandalawahang lamesa doon sa may bandang dulo.
Habang nakain ako ay pansin kong parami ng parami yung taong nakain sa restaurant na ito. Maraming Pilipino pero may pailan-ilang mga koreano.
Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko kaya tumigil ako sa pagkain at kinuha ito sa bag ko.
Nagtext si Kyla, kaibigan ko. Nasan daw ako, nagreply naman ako sa kanya ng Secret dahil gusto ko syang pagtripan. Medyo nawala na yung pagkabadtrip ko pero sa tuwing naaalala ko yung nangyari kanina, naiinis ako.
Gusto ko pa sanang pagtripan si Kyla ng mapansin kong may isang pigura ang nakatayo sa harapan ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
Inangat ko ang tingin ko at nakakita ako ng isang lalaking may dala din ng tray at nakatingin sa akin.
"Yes?" tanong ko. English talaga yung tanong ko dahil halata naman sa mukha nyang hindi sya Pilipino. Lumandas sa mukha nya ang pagkailang, parang may gusto syang sabihin pero di nya kaya.
Tinanggal nya yung isang kamay nya mula sa pagkakahawak sa tray at tinuro yung upuan na bakante na nasa harapan ko.
"Is this-- Aishh Eotokke!" hindi nya natapos yung english na sinabi nya at sumunod doon ay mga salitang di ko maintindihan. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"What?" tanong ko ulit, nagpalinga-linga naman sya na para pang may hinahanap. Muli syang tumingin sa akin.
"Is this seat--" ulit nya pero hindi nya matuloy yung gusto nyang ssbihin. Napagtanto ko na gusto nyang umupo dun sa bakanteng upuan sa harapan ko.
"Taken?" pagpapatuloy ko dun sa sinasabi nya. Tumango naman sya at umuling naman ako. Inilapag nya yung tray na dala nya at umupo.
"Kamsahamnida" sabi nya at nagsimulang kumain nginitian ko naman sya.
***
"San ka nagpunta kahapon?" bungad sa akin ni Kyla pagdating ko sa room. Inilapag ko yung bag ko sa may lamesa ko at umupo.
"Dyan lang sa tabi-tabi" walang ganang sagot ko, kumunot naman ang noo nya.
"Tinatanong kita ng maayos Kimberly Alcantara!" inis na sabi nya sa akin.
"Nagpalamig lang ng ulo sa Mall" sagot ko tapos tinignan nya ako ng Totoo-ba-yang-sinasabi-mo-look kaya dumepensa na agad ako.
"Oo nga" sabi ko. Inilabas naman nya yung cellphone nya at may kinalikot doon.
"May Exchange student daw na darating ngayon ah" kwento habang nakatingin sa cellphone nya.
"Oh anong lahi?" tanong ko. Sanay na kami sa mga exchange students na yan.
"Koreano daw!" masiglang sagot nya. "OMG sana kamukha ni Kim Soo Hyun o kaya Lee Min Ho!" dagdag nya pa. Here we go again. Nagfafangirl na naman sya. Akala noon ako lang ang adik sa mga korean novelas pero mas malala pa pala tong baliw na babaeng to.
"Asa Kyla asa" pambabasag ko sa pagdeday-dream nya, sumama naman yung mukha nya tapos nag murmur sya.
"Hindi ko namang sinabi na sila di ba ang sabi ko KAMUKHA, KAMUKHA!" depensa nya tapos nagpout pa. Ngumisi naman ako.
"Fine, sabi mo eh"sagot ko. Inirapan naman nya ako.
Matapos ang ilang minuto ay dumating yung prof namin kaya umayos na kami.
"Where is Ms Kimberly Alcantara ?" hanap sa akin nung prof namin kaya nagtaas ako ng kamay. Sya din yung prof na di ko napasahan ng project kahapon.
"I want to talk to you regarding the project you failed to pass yesterday" sabi nya at tumango naman ako. Pagkatapos nun ay nagsimula na syang magturo.
Pagkatapos ng klase namin sa kanya ay pinasunod nya ako sa faculty room para pag-usapan regarding dun sa project ko na di napasa.
Pagdating namin sa faculty ay may lalaking naka-upo dun sa tapat ng mesa ni mam.
Umupo sya sa upuan nya at umupo naman ako doon sa tapat nung lalaki. Parang pamilyar tong lalaki na to.
"I'm just wondering, why didn't you pass your project Ms. Alcantara?" tanong nya sa akin. Umayos ako ng upo bago sumagot.
"I'm sorry Mam, sa kakamadali ko po kahapon naiwan ko po sa dorm namin" sagot ko. Nanood pa kasi ako ng pelikula kagabi at tinapos ko kaya tinanghali ako ng gising.
"Still it's not an excuse" sabi nya. Napayuko naman ako. Alam ko naman yun eh, kasalanan ko.
"Well, tapos na yun. I will give you another chance" sabi na na ikinatuwa ko. Syempre ayokong bumagsak sa kanya no!.
"Talaga po mam! Thank you po! Thank you!" di makapaniwalang pagpapasalamat ko sa kanya. Napalingon ako dun sa lalaking nasa tapat ko ay nakita kong nakakunot ang noo nya, pero dahil masaya ako nginitian ko sya.
"Michoga"bulong nya pero narinig namin ni mam. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya pero si mam natawa.
"What!" tanong ko sa kanya. Baka mamaya minumura na ako neto eh.
"He said you're crazy" translate ni mam dun sa sinabi nung lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ako pa ang baliw? Eh gusto ko lang namang makapasa sa isang subject ko?
"No I'm not" depensa ko, ngumisi naman sya.
"Jinjja?' tanong nya in korean. Aba madalas kong marinig yan sa mga korean nobelang pinapanood ko.
"Neh" sagot ko, kumunot naman ang noo nya.
"You speak Korean Ms. Alcantara?' tanong ni mam kaya napalingon ako sa kanya.
"Konti lang po, yung basics pero di ko po kayang makipag-usap" sagot ko tumango naman sya.
Nag-usap sila nung koreano in korean kaya nakinig na lang ako kahit wala akong naintindihan.
"Ok Ms. Alcantara, para makabawi ka sa project mo na di napasa ay kailangan mong turaun mag english si Mr.Oh" sabi ni mam at tinuro yung lalaking nasa harapan ko. Tinignan ko sya pero foker face yung mukha nya. Bakit si Lee Minho palaging nakangiti, eto kala mo pinagsakluban ng langit at lupa yung mukha?
"Eh Mam mukhang wala po syang alam kahit konti sa english eh" alangan na sagot ko. Aba parehas tayong mangangapa dong.
"That's your job Ms. Alcantara"sagot ni mam. Punyeta gera ito!!
Pagkatapos ng ilang diskusyon ay lumabas na ako ng faculty room at sinabay ko sya.
"Yeong-eo halsu isseoyo?" tanong ko sa kanya. Yang tanong na yan ay talagang tinandaan ko para itanong kay Kim Soo Hyun kapag nakita ko na na sya sa personal.
*Can you speak English?
Tumingin sya sa akin "Neh, basics" sagot nya. Tumango naman ako. Pero natatakot ako na baka hindi ko sya maturuan ng maayos eh.
Pagkatapos ng klase ko ng araw na rin na iyon at dumiretso ako ng book store para bumili ng english-korean dictionary. Para hindi ako nangangapa sa pakikipag-usap sa kanya. Nanood din ako ng mga korean tutorials sa youtube at nagbasa sa internet.
***
"Yah jugolae?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nakain ng tanghalian tapos bigla nya akong inasar.
"Don't want" sagot nya. Nagimprove na sya sa english ngayon, kaya na nyang magkipag-usap sa english pero minsan nalilito pa rin sya.
"Ang sama mo!" sabi ko. Tumayo sya mula sa pagkakaupo at ginulo yung buhok ko.
"Di kaya" sagot naman nya. Di lang sya sa english natuto, may pailan-ilan din syang alam na tagalog.
Simula nung turuan ko syang mag english ay palagi na kaming magkasama. Minsan nga napagkakamalang kami pero hindi kami. Inaamin ko, may gusto na ako sa kanya sa mga oras na iyon pero ayokong sabihin dahil maganda na yung pagkakaibigan namin eh at ayoko yung sirain.
"I really need to go" kagaya ng isang typical na exchange student, darating yung time na kailangan na nya bumalik sa bansa nya.
Tumulo ang mga luha ko. Nasanay na ako sa presensya na at tinuring ko na syang bestfriend tapos ganto.
"Wae?' tanong ko. Tanga ko lang diba, tatanong pa ako alam ko naman yung dahilan.
Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Mamimiss ko yung mga yakap nya, yung pagkurot nya sa pisngi ko at yung mga ngiti nya.
"Shh don't cry. I'll write you a letter ok, so that we will be still connected" alo nya sa akin. Humiwalay sya ng yakap at tinignan ako sa mata. Pinunasan nya yung mga luha ko.
"I will never forget you Kim, thank you for everything" sabi nya sa akin tapos hinalikan nya yung noo ko.
"Saranghaeyo Kim" sabi nya sa akin bago tuluyang umalis yung van na sinasakyan nya.
Isa yun sa pinaka pangit na araw sa buhay ko. Yung araw na umalis sya pero hindi ko nasabi sa kanya yung nararamdaman ko.
Lumipas ang buwan at taon hindi ako nakatanggap kahit isang sulat galing sa kanya pero naghintay parin ako.
"Whaaaa EXO! Punyeta KyungSoo, Chanyeol !!!" sigaw nung pinsan ko habang naghyhysterikal sa tapat ng computer namin.
"Hoy George, ano ba yan ang ingay-ingay mo!' saway ko sa kanya pero hindi ako pinansin nagpatuloy sya sa pangingisay doon. Wag kayong mag-alala babae yang si George, ewan ko ba sa nanay nyan kung bakit George ang ipinangalan sa kanya.Lumapit ako sa kanya at hinampas sa kanya yung maliit na unan na dala ko.
"Manahimik ka nga, nanonood ako eh!" sabi ko sa kanya.
"Eh kasi ate sorry naman, comeback ng EXO eh, ang gugwapo nilang lahat!" sagot nya.
Tumayo ako sa may likod nya at nakinood sa pinapanood nya. Infairness tama sya gwapo tong malaki ang matang kumakanta.
A/n: Syempre BIAS ko yan eh! Mata palang ulam na!! Though wala syang ABS, sad story -_-
E X O
Para akong nakakita ng multo ng makita ko kung sino yung sumunod na kumanta. Siya yun di ba? Si Sehun yun!
"Oh ate bakit ka naiyak dyan? Nagwapuhan ka no?" tanong sa akin ni George. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Miss ko na sya.
"Si-sino yung kumanta ng EXO?"nauutal na tanong ko sa kanya habang tinuturo yung screen ng computer namin.
"Yun ba? Si Oh Sehun,ang Evil Maknae ng EXO. Pinanganak noong April 14, 1994 sa Seoul--"
"Tinanong ko lang yung pangalan hindi Biography" sabi ko sa kanya. Nagpeace sign naman sya sa akin.
"Sorry naman" sabi nya. Bumalik ako sa inuupuan ko ng tulala. Sikat na sya? Kaya ba hindi sya sumulat sa akin? Kaya ba kinalimutan na nya ako?
"Ate bakit ka ba naiyak? Ganun ba kagwapo si Sehun para umiyak ka ng ganan?" tanong nya sa akin. Umupo sya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay.
Tumingin ako sa kanya at muling tumulo ang mga luha ko. Ganun na lang ba yun?
"Ate para kang tanga dyan, bigla bigla ka na lang naiiyak nakakita ka lang ng gwapo" ulit nya tapos hinaplos nya yung likod ko.
"Naalala mo ba yung kinukwento ko sayo? Yung kaklase kong koreano dati?" tanong ko sa kanya. Naikwento ko na sa kanya yun, malilimutin lang talaga tong batang to. Tumango naman sya.
"Sya yun" sabi ko. Tumawa naman sya ng malakas.
"Ate anong sya yun minsan may --- si Sehun yun?" kanina tinatawanan ako ngayon seryoso na sya. Tumango ako.
"Pengeng Pre-debut photo!!" sigaw nya.
Sinikap kong mahagilap si Sehun nun. Gusto kong malaman yung dahilan nya kung bakit di nya tinupad yung pangako nya sa akin. Nagpunta kami ng Korea ni George, tuwang-tuwa pa nga sya nun eh. Sa wakas daw na nakapunta na sya sa paraiso.
Pumunta kami sa SM Building, nakipagsiksikan sa mga sasaeng nila, nakipila sa mga fansigning event nila pero palagi kaming huli.
Malapit na akong mag give up non. Baka nga hindi kami para sa isa't-isa.
Nagheld sila ng concert sa Seoul at pumunta kami doon. Sabi ko kapag hindi nya parin ako napansin susuko na ako. Last na talaga yun. Maswerte kaming napili na magkaroon ng backstage pass.
"Nuguya?" tanong nya sa akin noong makapasok kami sa dressing room nila.
Napangiti ako ng maalala ko yung araw na yun. Naramdaman kong mas humigpit yung pagkakayakap nya sa akin.
"Why are you smiling Jagi?". Tanong nya sa akin. Tumingin ako sa kanya at hinaplos yung buhok nya.
"I just remember the day we met again in your concert" sagot ko. Minulat nya yung mata nya at tumingin sa akin.
"Ohh that day" sabi nya.
"Yeah that day, the day you confess on me with in front of your fans."sagot ko. Ngumiti naman sya at umupo sa tabi ko.
"Saranghaeyo Oh Kimberly . To Infinity and Beyond" bulong nya sa akin.
"Nado saranghaeyo Oh Sehun" sabi ko tapos hinalikan nya ako sa labi.
"Nuguya?" tanong nya sa akin.
"It's me, Kimberly" sagot ko. Tumulo na rin ang mga luha ko.
"Kimberly what?" tanong nya ulit.
"Alcantara" sagot ko habang nahikbi.
"Alcantara? Oh I didn't know any Kimberly Alcantara. All I know is Kimberly Alcantara-Oh" sabi nya tapos ngumiti. Kala ko nakalimutan na nga talaga ako.
----------------------
Oww ang pangit XD.
Pagtyagaan mo na lang....
Hehe XD
Salamat sa pagrerequest...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro