Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Requested-If Only (EXO's Baekhyun)

If Only (EXO's Baekhyun)
One-Shot

What if??
----------------------------

"Please Oppa, kahit saglit lang please" pagmamaka-awa sa akin ni Thea. Kanina pa sya nangungulit na puntahan ko sya sa ospital ngayon dahil miss na nya ako. Kahit ako gustong-gusto ko na syang makita pero hindi pwede. Busy ako sa trabaho ko ngayon dahil maraming nakatambak na reports na kailangang tapusin.

"Sorry Thea. As much as I want too but I really can't. Sorry" hingi ko ng tawad sa kanya. Pang-ilang beses ko na ba syang tinanggihan? Isa? Dalawa? Pang lima na ata ito at alam kong hindi na iyon maganda.

"But Oppa, please just time then after this I will not bother you anymore" hirit nya. Ewan ko pero bigla akong kinilabutan sa sinabi nya. Bakit ganun parang nagpapa-alam na sya?

Hindi ko iyon pinansin at itinuon ko ang tingin sa tambak na mga papeles sa lamesa ko. Noong isang araw ko pa ito tinatrabaho pero hanggang ngayon di ko pa rin nakakalahati. Bawat araw kasi nadadagdagan ng nadadagdagan. Hinilot ako ang sintido ko dahil masakit na rin ang ulo ko.

"I'm really sorry Thea. I'm really sorry" sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.

"Sorry Babe,sorry" hingi ko ng tawad. Kung alam nya lang kung gaano ko kagusto na makita sya at makapasyal kasama sya pero hindi talaga pwede ngayon.

"It's the first time you call me Babe and you know what? It feels so good to hear." komento nya. Halata sa boses nya ang pagkamangha kaya napangiti ako. Kahit kailan talaga She never fails to make me smile.

"Sorry Babe" ulit ko. Kahit araw-araw ko syang tawagun na ganun Ok lang basta mapasaya ko sya. Hindi kasi talaga ako sweet na tao. Minsan nga inaasar kami nung mga kabarkada ko kung sino daw ba talaga yung lalaki sa aming dalawa. Sya or ako? Madalas kasi sya ang nagbibigay sa akin ng kung ano-anong regalo pero ako madalang pa sa patak ng ulan. Ok lang sa kanya, hindi naman kasi Materialistic na tao si Thea.

"Op-pha please, just this time?" ulit nya. Nakita kong pumasok ng opisina ko yung Secretary ni Papa. Marami na naman syang dalang mga papel at folders.

Inilapag nya iyon sa mesa ko kaya ibinaba ko muna yung cellphoneko.

"Sir, kailangan daw po ni Mr.Byun lahat ng iyan mamaya sa meeting kaya paki-ayos na daw po." sabi nya sa akin tsaka sya lumabas. Muli akong napahilot sa sintido ko at napabuntong hininga. Ibinalik ko ang cellphone ko sa tenga ko.

"Hello babe? Are you still there? Sorry, Joanna added my works and --" hindi ko natapos yung sasabihin ko ng pangunahan nya ako sa pagsasalita.

"Shhh, it's ok. I understand Oppa. Finish your works so that you can visit me here and sing my favorite song. Take care Oppa. I Love You, I Love You, I Love You!" sabi nya kaya napangiti ako.

"Yeah I Love You too" sagot ko.

"I'll be hanging Up. Finish everything. I'll wait for you!" masigla na ang tono ng boses nya ngayon.

"Alway remember that I Love you Byun Baekhyun" dagdag nya bago matapos yung tawag.

Inilagay ko yung cellphone ko sa lamesa at sininulan ko na ulit ang pagtatrabaho.

Thea is my Girlfriend for 6 years. Magkasama kami sa isang Organization noong college which is related sa music. She can play a lot of musical instruments and she also have a good voice thats why they always pair us. Masayahin din syang tao kaya nagustuhan ko sya. Yung tipong hindi mo mapapansin na may nangyayari sa kanya kaya nga nagalit ako sa kanya nung nalaman kong mahina pala ang puso nya. Kahit lagi kaming magkasama noon ay hindi nya iyon sinabi sa akin, kung hindi pa sya inatake sa harapan ko hindi ko pa malalaman. And now she's in the hospital para maobserbahan sya. Posible naman ang operation pero 50-50 ang chances na mabuhay pa sya. Ayaw nyang magpa-opera kasi lahat naman daw doon pupunta pero ako gusto. Gusto ko pa syang makasama habang-buhay.

Madaling araw na ng naisipan kong ipagpabukas na yung natitira sa mga gawain ko. Buti naman at konti na lang sila. Sumadal ako sa swivel chair ko at ipinikit ang mga mata ko. Biglang lumabas yung mukha ni Thea na nakangiti sya. Ang ganda nya talaga.

Tumunog ang cellphone ko kaya idinilat ko ang mga mata ko. Wala ito sa ibabaw ng lamesa ko kaya hinanap ko ito. Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi ko talaga makita at patuloy parin ito sa pagtunog. Paulit-ulit yung paboritong kanta ni Thea na sya mismo ang kumanta. Binuksan ko yung isang drawer sa lamesa ko at doon ko nakita yung cellphone ko kaya nagtaka ako. Sa pagkaka-alam ko nasa ibabaw lang yung ng lamesa ko kanina.

Nalagay sa caller I.D ay si Thea, gabi na bakit gising pa sya?

"Hello Babe madaling-araw na ha, bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya. Muli ako sumandal sa upuan ko at pumikit.

"I just want to tell you that no matter what happen, I love you Baek, I really do" hindi ko alam kung sa sa pagod lang ba kaya parang nasa malayong lugar si Thea ngayon. Yung parang kaka-iba yung boses nya.

Hindi ko iyon pinansin, baka nga pagod lang ako.
"I know Thea,I love you too" sagot ko.

"Thank you for everything and sorry" pagkatapos nyang sabihin yon ay namatay na yung tawag.
Ibinalik ko yung cellphone ko sa lamesa pero tinignan ko muna yung oras. It's 2:14 AM.

Maya-maya konti ay muling nagring ang cellphone ko. Sobrang inaantok na ako kaya inabot ko yung cellphone ko ng nakapikit. Dahil kabisado ko naman kung paano sumagot ng tawag kahit nakapikit ako ay sinagot ko yung natawag.

"Hello?" bungad ko. Agad akong nakarinig ng mga hikbi. Napadilat ako dahil doon.

"Ba-aek!, si.. Si Thea! Baek!" sagot ni Tita at nagaralgal yung boses nya. Napabagon ang ng wala sa oras. Anong meron kay Thea? Magka-usap lang kami kanina ha?

"Bakit Tita? Anong nagyari kay Thea?" natatarantang tanong ko sa kanya.

"Wala na sya Baek, wala na si Thea" sagot nya. Para naman tumigil ang mundo ko sa narinig. Si Thea wala na?

Agad akong tumayo at kinuha yung susi ng kotse ko. Nagmadali akong magmaneho para makapunta sa ospital.

Pagkarating ko doon ay nakita kong lahat sila ay naiyak at si Tita ay nahimatay, si Tito naman maraming dugo sa damit nya.

"Kuya Baek!" tawag sa akin ni Tania, nakabatang kapatid ni Thea tsak tumakbo papalapit sa akin. Dahan dahan kaming naglakad papunta kung nasaan si Thea.

Nandoon sya sa isang kama. Wala ng buhay at punong-puno ng dugo ang buong katawan nya.

Biglang naghina ang mga tuhod ko. Bakit?

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga pisngi nya. Ang laki na ng pinagbago nya, mas lalo syang pumayat.

"The-thea!" sigaw ko tsaka ko sya niyakap. "Bakit Thea? Bakit?" tanong ko sa kanya na para bang sasagot sya.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pilt akong inaalis sa pagkakayakap lo kay Thea.

"Sir kailangan na po syang dalhin sa morgue" sabi nung nurse pero hindi ko sya pinakinggan.

"Sir!" ulit nila at sapilitan akong inalis.

Patuloy pa rin yung pagpatak ng mg luha ko at marami ring tanong sa isip ko. Bakit? Bakit sya namatay? Bakit ngayon pa?

"Baek" tawag sa akin ni Tito. Tinignan ko sya, namumula rin ang mga mata nya at ganun pa rin ang damit nya. Puro dugo.

"Mahal na mahal ka ng anak ko, alam mo ba yun?" tanong nya sa akin kaya tumango ako.

"Mahal na mahal ka nya kaya kahit bawal, tumakas sya makita ka lang" dagdag nya. Naguluhan naman ako sa sinabi nya.

"Tumakas sya Baek, kaninang alas dose. Naglakad sya hanggang makarating sya sa tapat ng kompanya nyo pero bago sya makatawid ay nahagip sya ng 10 wheeler truck" mas lalo akong napa-iyak.

"Gusto ka nyang makita alam mo kung bakit? Kasi anniversary nyo daw ngayon pero sobrang busy ka kaya kaninang 11 nagpapa-alam sya kung pwede namin sya dalhin sa iyo pero hindi pwede kasi inatake sya kanina. Pero yung batang yun matigas ang ulo kaya tumakas sya kanina."

Ang tanga mo Baekhyun! Kaya pala kanina ka pa nya kinukulit na magkita kayo sa Anniversary nyo. Damn Baekhyun! Damn!

"Gusto ka lang nyang makita Baekhyun" hindi ko alam ang isasagot kay Tito. Alam kong kasalanan ko. Dapat pala nakipagkita na ako sa kanya kanina.

"I'm not blaming you. We all know that the cause of her death was and accident but I just want you to know that she really miss you"

"I also miss her Tito" yun lang ang nasabi ko sa dinami-dami nung sinabi ni Tito.

"And I love her that why it fucking hurts!"dagdag ko. Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nya sa likod ko.

"Matapang pa rin ang anak ko kasi lumaban pa sya pero hindi na sya naisalba. She died at exactly 2:14 AM. Isn't it ironic?  Today is 2/14/20** and 2/14 was your anniversary right?" bigla kong naalala nung tumawag sya sa akin. Saktong 2:14 AM namatay yung tawag nya. Hanggang sa huli ako pa rin ang iniisip nya.

"Gusto nya itong ibigay sayo" sabi ni Tito at inabot sa akun ang isang papel na hindi na kulay Puti dahil sa dugo.

I miss you Baek.

Those four words break my heart. If only I visit her. If only.

Today is Feb. 14, our 7th Anniversary.

------------------
Hey Sorry kung natagalan!

Sorry kung pangit.. Haha XD

Uhmmm I don't know kung sino Bias mo Sa EXO or BTS kaya si Baek na lang yung ginamit ko. Sya kasi yung feel ko ngayon eh...
Pati pangalan kaya ayun nag-isip na lang din ako.

P.S: Inspired sa MV remake ni Lay!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro