Ending Page (EXO's Baekhyun)
Ending Page (One Shot)
"This is Our Story."
-----------------------------
Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ng magvibrate ang cellphone ko.
From: Bradley
Babe punta ka dito sa Plaza may ipapakita ako sayo.
Napangiti ako ng mabasa ko ang text ni Bradley, Boyfriend ko.
Ano na naman kayang pakulo ang gagawin ng lalaking yun?
Agad akong nagbihis dahil ayaw na ayaw nun na pinaghihintay sya ng matagal. Simpleng damit lang ang kinuha ko, ganun lang naman ako manamit eh. Hindi Bongga, hindi rin naman kami mayaman eh sakto lang.
Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay. Wala akong kasama dahil nasa trabaho si Nanay at Tatay. May practice naman ng Play nila yung bunso kong kapatid.
Nagulat ako dahil paglabas ko ng pinto ay maraming Rose Petal na nakakalat sa daanan at may pulang sobre na nakaipit sa may gate namin. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.
#1
Follow the trails of Roses Babe.
Yan yung nakasulat kaya sinundan ko kung hanggang saan nakakalat yung mga Rose Petals. Natapos ang mga Rose Petals sa isang malaking puno at doon may may nakadikit ulit na pulang sobre. Kinuha ko iyon at binasa habang nakangiti. Kahit kailan talaga ang daming pakulo ni Bradley.
#2
Look up Babe.
Tumingala ako at nakita kong may nakasabit na isang Puting rosas doon at may isang arrow na nakaturo sa kanan. Kinuha ko muna yung rosas at tsaka sinundan yung arrow. Sa isang puno sa kanan ay may isa pang arrow na nakaturo naman sa harapan kaya sinundan ko.
Pagdating ko sa puno na may arrow ay nakaturo sya sa taas at doon ko nakita ang isang sobreng pula. Kinuha ko yun at binasa.
#3
Look at your right Babe.
Napalingon ako sa kanan at nakakita ulit ako ng isang puting rosas. Nakadikit iyon sa puno. Kinuha ko iyon at may kasama pala syang isang pang pulang sobre.
#4
Look down Babe.
Tumingin ako sa baba at nakakita ulit ako ng isa pang puting rosas. Pinulot ko iyon at inamoy. May hawak na akong 3 puting rosas.
Nakangiti ako habang pinagmamasadan ang nga rosas. Alam talaga niya kung anong gusto ko. Naramdaman kong may nahila sa laylayan ng damit ko kaya tinignan ko kung sino iyon.
Nakita ko ang pinsan ni Bradley na si Vin. Nakasuit sya kaya ang cute cute nya. May inabot siya sa akin na pulang sobre.
#5
Look at your left.
Lumingin ako sa kaliwa ko at may nakita akong dalawang puting rosas sa isa pang puno.
Pumunta ako doon at kinuha ang mga iyon. May kasama muli itong pulang sobre.
#6
Smile Babe.
Awtomatiko akong napangiti matapos kong mabasa ang nakasulat.
*Click*
Napalingon kung saan nang galing ang tunog at nakita ko si Clyde na kinuhihanan ako ng litrato. Nginitian nya ako at inabot sa akin yung picture na kinunan nya kanina. Polariod kasi yung Camera nya.
Kinuha ko yun litrato at napangiti ng makita ko iyon. Ang galing talagang kumuha ng litrato ni Clyde.
Inilipat ko sa likod yung litrato at may nakasulat doon.
#7
Who's that behind you Babe.
Natakot ako sa nabasa ko. Ayoko sa mga ganyang salita eh.
"Boo" nagulat ako ng may bumulong sa tenga ko. Napalingon ako sa likod at nakita ko si Bradley na nakangiti sa akin.
"Ano na namang kalokohan to?" tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot, niyakap nya ako.
"I miss you Babe" bulong nya ulit sa akin kaya napangiti ako.
"I miss you too Brad" sagot ko sa kanya. Naramdaman kong mas humigpit yung yakap nya sa akin.
Matapos ang ilang minuto ay humiwalay sya at hinawakan ang mga pisngi ko.
"Happy Anniversary Babe" sabi nya sa akin kaya nagtaka ako. Anniversary ba namin?
"Wag mong sabihing nakalimutan mo?" tanong nya. Mukhang nabasa nya ang nasa isip ko. Nahihiyang tumango ako.
"Ikaw talaga, makakalimutin" asar nya sa akin at muli akong niyakap.
Muli syang humiwalay at doon ko lang napansin na nasa plaza na pala ako.
Nakita kong lumapit sa kanya si Darren at inabutan sya ng gitara.
Lumapit sa akin si Sieth at pinaupo ako sa isang upuan.
Nakaupo ako sa harapan ni Bradley at nagsimula syang magstrum ng gitara.
If I told you I was perfect I’d be lying
If there's something I’m not doing but I’m trying
I know I’m not angel
But I’m not so bad (no no no)
Alam kong hindi marunong mag-gitara si Bradley kaya nakakatuwang kaya na nya ngayon.
If you see me at the party conversating
that doesn't mean telephone number are exchanging
I know I’m not angel girl
But I’m not so bad (no no no)
Tumingin sya sa akin at ngumiti. Yung ngiting gusto ko.
Just you know these
Beautiful girl all over the world
I could be chasing but my time would be wasted
Cause they got nothing on you baby
Nothing on you baby
Feel na feel nya yung pagkanta kaya nagkamali na sya ng pagstrum sa gitara.
They might say hi (hi~)
And they might say hey (hey~)
And you shouldn't worry
About what they say
Cause they got nothing on you baby
Nothing on you baby-ey heeey~
Lumapit sya sa akin at may inabot na pulang sobre.
#8
Say I LOVE YOU, Babe.
"I Love you" sabi ko kaya napangiti sya.
"I Love You Too Eunice" sabi nya at hinalikan ako sa Noo, pababa sa Ilong at isang mabilis na halik sa labi tsaka ngumiti.
"Ok Cut!" sigaw ni Miguel. Humiwalay ako sa kanya. Alam kong naiilang din sya kasi hundi naman kami close pero dahil sa pesteng Project namin sa Music eh kailangan naming gawin yung nga kaek-ekan na yan.
"For sure tayo ang pinakamataas neto, ang galing nyong dalawa. Parang totoo eh" sabi nya sa amin habang nirereview yung video na kinuhan nya kanina.
"Ang ganda talaga ng Chemistry nyo ni Bradley, Eunice bagay pa kayo." asar sa akin ni Darren pero inarapan ko lang sya.
Inaamin ko gusto ko si Bradley kaya nagustuhan ko yung nga ginawa namin pero alam ko rin na wala syang gusto sa akin.
Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ng lumapit sa akin si Clyde.
"Bagay talaga kayo ni Brad, sana totoo na lang yung kanina no?" tanong nya sa akin. Alam nyang may gusto ako sa kaibigan nya.
"Sana nga" mahinang sagot ko.
Maybe our story was not like the Music Videos that we know.
-----------------------------
Ok pangit Hahaha XD
Napost to mag-isa kaso ang dami ng Publish Works ko kaya nilgay ko na lang sya dito..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro