Butterfly
Butterfly
"Please don't forget me"
-------------------------------------
Napabuntong hininga na lang ako matapos umalis ng huling bus na dumaan. Kanina pa ako naghihintay dito sa bus stop sa taong mukhang hindi na pupunta.
Umayos ako ng pagkaka-upo at tumingin sa bandang kaliwa ko, nagbabaka sakaling darating sya mula sa direksyon na iyon. Naghintay ako ng ilang minuto at sa bandang kanan naman ako tumingin.
Muli akong napabuntong hininga nung makitang iilan na lang yung mga taong naglalakad doon. Hindi ba talaga sya pupunta?
Itinaas ko ang sleeve ng blouse ko at tinignan yung orasan sa kaliwang kamay ko.
9:00
Apat na oras na akong naghihintay pero mukhang hindi na talaga sya darating. Hindi ko maiwasang mag-alala, baka mamaya ay may nangyari na sa kanya.
Inilabas ko mula sa bulsa ng coat ko yung cellphone ko at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mukha naming dalawa. Masayang nakangiti at walang problema.
Wala man lang nagtext. Ano bang nagyayari sa kanya?
Nagcompose ako ng message para sa kanya at sinend iyon.
Ibinalik ko yung cellphone ko sa bulsa ko at tumayo. Parating na ang huling bus na papunta sa bahay namin kaya uuwi na ako.Isinabit sa likod ko yung back pack at nagsimula ng maglakad papalapit kung saan nahinto yung bus.
Muli kong inilabas yung cellphone ko, nagbabakasakaling sumagot na sya sa mga mensaheng pinadala ko sa kanya pero kagaya kanina ay wala pa rin.
Walang ganang ibinalik ko yung cellphone ko sa bulsa ng coat ko. Ayan na yung bus, natatanaw ko na yung mga ilaw nya.
"Boo!" biglang may bumulong sa tenga ko dahilan para mapaatras ako at mawalan ng balanse. Mabuti at agad nya akong nasalo kundi ay mahuhulog ako.
"Ayos ka lang Dem?" rinig kong tanong nya. Iminulat ko yung mga mata ko at nasa harapan ko sya ngayon at sobrang lapit nya. Itinaas ko yung kanang kamay ko at pinaghahampas sya, nabitawan nya ako kaya tuluyan na akong napahiga sa may gilid ng kalsada. Agad akong tumayo at tumingin sa kanya ng masama.
"Anong ayos ka lang Dem? Matapos mong hindi magpakita sa akin ng ilang linggo, ni hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko tapos ngayong susulpot ka at bigla bigla kang mangugulat sabay tanong ayos lang ako? Ayos ka rin Min Yoongi eh no?" lintaya ko pero parang wala lang sa kanya, imbes na suyuin ako eh tinatawan-tawanan lang nya ako.
"Gustong-gusto mo talagang nag-aalala ako sayo no! Ganyan ka kasama, mas gusto mong nakikita na may nag-aalala sayo!" dagdag ko at pinaghahampas ko sya sa braso nya, hindi naman sya umiwas bagkus ay hinawakan nya ang mga kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya.
"Kahit kelan ayokong nakikitang nag-aalala ang Demise ko" bulong nya. Inangat ko yung tingin ko at nakita ko syang nakangiti na kita yung gilagid nya.
"Eh bakit hindi ka nagpakita sa akin netong mga nakaraang linggo?" tanong ko. Nakita ko kung paano mag-iba yung expression ng mukha nya dahil sa tanong ko na yon, pati ang paghaplos nya sa buhok ko at natigil din.
"Bakit?" dagdag na tanong ko agad. Baka mamaya may problema sya at hindi nya sinasabi sa akin. Yumuko sya pero maya-maya at tumingin ulit sa akin.
"Bakit miss mo ako?" sagot nya sabay taas- baba ng kilay nya, agad naman syang nakatikim ng palo sa akin dahil sa sinabi nya. Kinabahan kaya ako dahil sa inaasal nya tapos ganon lang yon?
"Tinatanong kita ng maayos ha!"iritableng sabi ko pero mas lumakas lang yung pagtawa nya.
Ilang linggo akong walang balita sa kanya kaya sobra akong nag-aalala, maski ang mga kaibigan nya ay hindi alam kung nasaan sya tapos ngayong nagpakita sya eh pagtitripan pa ako? Nasan ang hustisya??
Kumunot ang noo lo at nagcross-arm ako" Sana kabagin sa ka kakatawa mo"
Pinigilan nya yung pagtawa nya at hinawakan yung braso ko."Halika nga dito, namiss ko ang Demise ko ng sobra-sobra" muli ay niyakap nya ako at hinaplos na naman yung buhok ko.
"Bakit ka nga hindi nagpakita sa akin ng ilang linggo?" ulit na tanong ko.
"May kailangan lang akong puntahan" sagot nya.
"At saan naman?"
"Basta, sa malayo" mas humigpit yung pagkakayakap nya sa akin at ibinaon nya yung ulo nya sa leeg ko.
"Basta palagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita" tinulak ko sya ng bahagya dahilan para mapatingin sya sa akin. Kinapa ko ang noo at leeg nya para pakiramdaman kung nilalagnat sya.
"Wala akong sakit at hindi masama ang pakiramdam ko, gusto ko lang talagang sabihin sayo na Mahal na Mahal kita higit pa sa buhay ko." depensa nya, kinuha nya yung kamay kong nakapatong sa leeg nya at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Ang weird mo ata ngayon?" bakit ganito ang inaasal nya?
"Sayo lang naman ako weird eh" masyado syang sweet.
"Pero nasobrahan naman ata ngayon, parang hindi na tayo magkikita bukas" biglang nawala yung ngiti sa labi nya matapos kong sabihin yon.
"Syempre, hindi ko naman hahayaan na hindi tayo magkikita bukas" mahina ang pagkakabigkas nya ng mga salitang iyon pero sapat na para marinig ko ng malinaw.
Nakatingin sya sa mga mata ko kaya ganun din ang ginawa ko. Parang may kakaiba sa kanya ngayon. Parang ...malungkot ang mga mata nya.
"Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" tanong nya habang iniilipit yung nililipad na buhok ko sa tenga ko. Tumango ako bilang sagot, kinuha nya yung dalawang kamay ko at inilagay sa mga balikat nya habang sya ay inilagay yung mga kamay nya sa bewang ko.
"Pwede ba kitang maisayaw?" nagsimula syang gumawa ng tunog.
Yeah, beautiful girl
Yeah, beautiful girl
Geunyoneun naege jonggyo, so I can call you she-sus
Niga namchini obtneungeol mirwo
Bwasseulddae mame dureun cheolbyeok
Nagateun pyeongbeomnameun niga mandeun gijune gyeolgyeok
So, sseotji chinguran gamyeon
Niyeopeseo nae bonshimeul sumgyeogamyeo
Pyeonghan saiui beobjuro seullaiding
Dabdabhame maeilbwa ibule nallineun high kick
Damn neon maeil nal yuhokhaeni
Ni pyojeongdeul hanahana ddaeme nan jajereul mothae
Bogoitjani meoriga bing bing
Pool full beauty and I dive in it
Girl I'm so K.O
Soonshikgane nareul jeomryeonghan napulle-ong
Nan gyesok barabogiman hagetji
Chinguran dugeulja-e nal gamchoonchaero
Hindi ko mapigilan na hindi pumikit habang nakikinig sa kanta nya. Isa si Yoongi sa mga gustong-gusto kong nakanta dahil napakaganda ng boses nya.
You're beautiful
Cham gwenchanji anhni uri dul
Maennal ireokke ddo sangsangeul hae
You be with me with me
You're beautiful
Hamggemeyon eoddeolji uri dul
Maennal ireokke ddo sangsangeul hae
You be with me with me
Nung matapos yung kinakanta nya ay hinalikan nya ako sa noo. "I love you Demise, please don't forget me"
Dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko ng maramdaman ko ang isang malamig na hangin na humampas sa balat ko. Wala na si Yoongi sa harapan ko bagkus ang mukha ni Jimin ang bumungad sa akin.
Ramdam ko ang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak ang mga ito. Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko alam kung nasaan ako.
May sinasabi si Jimin pero hindi ko sya maintindihan. "Nasan ako?" tanong ko. Nagtangka akong umupo mag-isa pero mahina pa ang mga kamay ko.
"Wag ka munang gumalaw" sabi ni Jimin pero umiling ako, tinulungan nya ako na maka-upo ng maayos.
"Si Yoongi?" tanong ko ulit pero hindi ako sinagot ni Jimin. Lumingon ako sa kanya at nakatingin lang sya sa akin na para bang isa akong kaawa-awang bata.
"Bakit?" sunod na tanong ko, ibinuka ni Jimin ang bibig nya pero hindi sya nagsalita. Parang may pumipigil sa kanya na magsalita.
Napatingin ako sa puting kumot na nakapatong sa katawan ko, pati na rin sa isang tubo na nakakabit sa kamay ko. Teka anong ginagawa ko sa lugar na to?
"Dem, may naaalala ka ba sa mga nangyari?" mahinang tanong ni Jimin kaya napa-isip ako. Nangyari? Ano bang nangyari sa akin kahapon.
"Anong sinasabi mo?" Ang naalala ko lang ay nag-aabang ako ng bus at nandoon din si Yoongi.
"Yung sa bus stop at yung aksidente" sagot nya. Aksidente? Kaya ba ako nandito sa ospital dahil naaksidente ako?
"One month kang comatose Dem, inararo ng isang bus yung waiting shed na kinatatayuan mo noon at napuruhan ka" paliwanag nya. Napailing naman ako. Anong sinasabi ni Jimin na aksidente samantalang nasa may bus stop ako kagabi at dumating doon si Yoongi.
"Pero magkasama kami kahapon ni Yoongi" isinayaw pa nya ako eh.
"Imposible yun Dem, paano kayo magkakasama ni Hyung kung Comatose din sya" napatingin ako kay Jimin dahil sa sinabi nya. Naguguluhan ako sa mga nagyayari.
"Hinihintay mo si Hyung nung gabing yon sa waiting shed, malapit na sya sayo ng makita nya yung bus na dirediretso sa direksyon mo kaya dali-dali ka nyang niyakap para protektahan ka pero nahagip pa rin kayo. Kung napuruhan ka, mas lalo na si Hyung dahil tumama pa sa bato ang ulo nya" hindi ko mapigilan ang mga luha ko na pumatak habang nakikinig sa sinasabi ni Jimin at jabang nakatingin sa isang lalaking nakahiga sa kama ngayon. Puno ng kung ano-anong tubo ang katawan nya at maputla sya.
"Makina na lang ang bumubuhay kay hyung Dem, pero alam ko nalaban sya"
Nanginginig ang kamay ko ng hawakan ko ang sendura ng pinto ng kwarto ng lalaking mahal ko. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at habang nakikita ko sya sa ganoong kalagayan ay dinudurog ang puso ko.
"Yoongi" tawag ko sa pangalan nya. Hinawakan ko ang kamay nya at inilapit iyon sa pisngi ko. "Anong-- bakit-- bakit" hindi ko matapos yunh sasabihin ko dahil ang bigat ng dibdib ko ngayon na parang gusto nyang sumabog.
"Yoongi-ah, gumising ka na dyan oh" sabi ko sa kanya na para bang naririnig nya ako. "Huy marami pa tayong gagawin di ba? Nakalimutan mo na ba?" patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko.
"Marami pa tayong hindi nagagawa sa bucket list natin. Huy! Ayokong gawin mag-isa lahat ng natira. Gusto ko kasama ka, Yoongi. Gumising ka na oh" iyak ko. Ayoko syang mawala, ayoko.
Napatigil ako ng makitang may isang puting paru-paro ang dumapo sa balikat ni Yoongi. Para bang may ginagawa syang kung ano doon. Maya-maya ay naramdaman kong humihigpit ang pagkakahawak ni Yoongi sa kamay ko na nakahawak din sa kanya.
"Yoongi?" unti-unti nyang iminulat yung mata nya at ngumiti.
"Dem" mahinang sabi nya pero sapat lang para marinig ko yon.
"Aishiteru Dem" dagdag nya pa.
"Mahal din kita Yoongi"
"Don't forget me" matapos nyang sabihin ang mga salitang iyon ay narinig ko ang tunog ng makina, makina na syang bumubuhay sa kanya. Unti-unti na ring lumuluwag ang pagkakahawak nya sa akin.
"Yoongi! Yoongi-ah!!" may humawak sa balikat ko at pilit akong inilalayo kay Yoongi.
"Yoongi-ah!" kasabay ng pagpasok ng mga doctor at nurse ay ang pag-alis nung paru-paro sa ibabaw ng balikat ni Yoongi hanggang sa lumabas ito ng bintana.
At kasabay din ng paglabas ng paru-parong iyon ay ang pagbagsak ng kamay ni Yoongi.
--------------------
Idol bahala ka ng humusga T-T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro