MR. WRITE
MR. WRITE
“Ikaw na ba si Mr. Write?
- your future wife”
Comment ko sa latest post ng aking favorite writer.
Grabe famous talaga si koya, uploaded 5 seconds ago pero 1k na agad ang reacts, 800+ comments and 500 shares. Sumasali seguro toh sa active likers hehe. Sabagay gwapo talaga siya at sobrang galing niyang writer.
“Hay boring naman, wala man lang naligaw na chat” nag scroll-scroll na lang muna ako sa timeline niya, grabe talaga ang ga-ganda ng mga sinusulat niya. “Bat kaya yung gawa ko di kasing perfect nito?”
Nakakaiyak yung gawa niya... laging may hugot.
Feeling ko broken hearted si crush, gusto ko tuloy siyang kantahan ng...
🎶kung ako na lang sana ang yung minahal, di ka na muling mag-iisa~ Kung ako na lang sana ang yung minahal, dika na muling luluha~ pa🎶
Oh huh! Bakit kasi nagmahal pa ng iba, kung pwede namang ako, diba? Available naman ako. Ayan tuloy gusto kong magpost ng “Oy jowain niyo ko... jowang-jowa na po ako.”
Kaloka. Magla-log out na sana ako ng may isang notif ang nag pop-up bigla.
*XiojunWP reply to your comment on his post*
“waaaahhhh goshhhhh napansin din” agad kong binuksan yung notif.
“Mr. Write? Future wife?”
yun lang yung nakasulat sa reply, ayt loading much ang future ko. Pero okay lang bawing bawi naman sa gandang lalaki nito. Medyo na disappoint ako don ah, medyo lang din naman.
Tsaka sa dami nong nag comment buti na notice niya pa yung sakin, this must be destiny haha.
“Yes hubby ko. Ikaw ang ‘Mr. Write’ ng buhay ko at ako naman ang ‘future wife’ mo, ang taong nakasulat at itinakdang makasa mo😘”
kinikilig kung reply sa kanya. Ayan nararamdaman ko na talaga ang katuparan ng pangarap ko. Goshhhhh magiging kami na ni crushhh, tapos magpapakasal kami, magkaka-anak and boom! we will live happily ever after, the end.
Pero syempre joke lang. Ang ka diyosahan ko hindi nababagay sa gwapo lang haha chour joke uli.
“Yun ba ‘yon? Akala ko ‘Mr. Write’ kasi pangalan ko yung nakasulat sa ‘puso mo’? At ‘future wife’ kasi ikaw ang magiging ina ng mga anak ko😉”
“Ayt pinapakilig mo ba ako, crush?” parang naloka naman ako don sa reply niya. Kaya ang daming umaasa eh.
“Akala ko ba future hubby? Bakit naging crush?
Pero depende na rin sayo kung kinilig ka sa sinabi ko, future wife❤”
grabe 'di na ko makahinga habang binabasa yung reply niya. With heart pa gusto ko tuloy wasakin.
“Hehe😂” pa demure lang yung replyan ko wala eh yung totoo wala lang talaga akong masabi. Yung puso ko nalaglag na sa lupa.
“Bakit natahimik ka na ata diyan future wifey?” sinapak-sapak ko yung puso ko— ay dibdib pala. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, yung utak ko iwan kung nagpa function pa. Kaloka.
Di pa nga ako nakaka recover may reply uli siya. Ayaw ko na sanang basahin baka ang laman “joke lang asa ka naman”
“May tanong nga pala ako... can you be mine?”
“Ano?” speechless ako. Kung panaginip toh paki sapok nga ako- ay wag na pala😂. Waaahhhhh sabi na ngang walang hindi nahuhumaling sa ka diyosahan ko.
“Bakit ayaw mo? Ikaw nagsimula nito, kaya panindigan mo. Oh, ano payag ka? Para official nang tayo at tuluyan ng maisusulat ang ating kwento...
ako ang Mr. Write mo at ikaw naman ang Ms. Write ng buhay ko, ikaw at ako lang sa dulo nito.” reply niya.
“Ehh~ sige na nga, kasi wala naman akong magagawa pinilit mo na ako. Xoshm awet, my Mr. Write.”
-Binibining Llesa (01/06/20)
A/N: hahaha yun lang, may topak ako nong sinulat ko toh eh... alam na malapit nang exam kaya pasensya na😉😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro