Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MR. PRESIDENT

MR. PRESIDENT
–🍂Solwp


Lakad takbo ang ginawa ko. 10 minutes late na kasi ako sa first subject.
4th quarter examination pa man din naming ngayon.

“Ms. Lauren!” Automatic na tumigil ang mga paa ko sa pagtakbo.

“Patay na,” mahinang sabi ko. Juicemee naman po, sa lahat ng pwedeng makakita sa'kin si Mr. Perfect pa.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

“No running in the hallway policy Ms. Lauren, do you even know that?” he coldly said.

Naramdaman ko yung presence niya sa may likuran.

Napairap na lang ako sa hangin habang dahan-dahan na humarap sa kanya.

Sira ulo din 'tong taong toh.

Syempre alam ko yung policy na yun.

“Kasi Mr. Perfect este Mr. President, late na ako.” mahinang sabi ko with matching puppy eyes. I even pouted my lips.

Sana gumana ang pagpapacute ko.

Ayaw kong ma detention saka sobrang late na din ako.

Sobrang strict pa man din nitong si Mark– Student Council President.

“Stop doing that! Mukha kang timang. Proceed to the classroom and see me after all your exams today.” he said before he walk out.

Naiwan akong nakanganga.

Anong sabi niya?

Timang?

Mukha ba akong timang!?

“Gago!” I almost shouted. No one dares to insult me, kapal talaga ng mukha niya.

“Akala mo gwapo. Yabang!” I said with so much anger.

“I can hear you Lauren, ide-dention talaga kita!” Sabi nito.

“Argh~” wala talaga akong laban sa kahambogan ng lalaking yan.

Tumakbo uli ako. 21 minutes late tuloy ako, napagalitan pa tuloy ako ng professor namin.

Natapos ang buong araw na may pagkalutang ako, buti nga't may naisagot pa ako sa exam namin kanina.

Naiinis ako kay Mark, baka kasi i-detention talaga niya ako.

After ng last exam ko, pinuntahan ko agad si Mark sa Student Council office.

“Kung umalis na lang kaya ako dito, tapos kunwari nakalimutan ko,” pagkakausap ko sa sarili ko.

“Pano kung mas magalit siya sayo tapos i-detention ka nga!?” sabat na man ng isang bahagi ng utak ko.

Nakatayo lang ako sa may pinto at di mawari ang gagawin, kung kakatok ako o tatakbo na lang palayo.

Nang akmang kakatok ako sa pinto, bumukas naman Ito. Nabitin ang kamay ko sa ere.

Kunot nuong tumingin ito sakin.

Napagmasdan kong mabuti ang mukha niya, makinis at pantay ang kutis nito, hindi ka kapalang kilay, mahabang pilik mata, maiitim na mata na tila hinihigop ka papunta sa ibang mundo, at ang mapupula nitong labi.

He is indeed a perfection.

He snap his hand in front of me. Nakatulala na pala ako sa mukha niya.

Kinorot ko ang kamay ko, jusko nakakahiya ka self.

“Bat ngayon ka lang!?” he asked rising his eye brow.
“Kanina pa tapos ang exam mo ah.” pagpapatuloy nito.

Classmate ko si Mark kaya di nakakapagtaka kung alam niya ang oras ng exam pero dahil Student Council President siya, advance silang nag e-exam samin.

Kaya tambay na lang siya dito sa opisina nila.

“Ako kayang pinakahuling natapos sa exam.” mahinang sabi ko.
“Tsk!” Yun lang ang sinabi niya saka ako kinaladkad paalis.

He was dragging me to somewhere. Pakasuhan ko kaya toh ng kidnapping.

“Teka nga, saan mo ba ako dadalhin, huh!?” muntik pa akong sumubsob sa lupa dahil sa bilis niyang maglakad.

Hindi ito umimik na tila ba walang siyang narinig na sinabi ko.

“Aba lalaki, kidnapping toh!” Sabi ko uli pero wala talaga siyang reaction.

“Mark, saan mo ba ako dadalhin?” pangungulit ko.

“Stop asking, Lauren. Sumasakit ang tainga ko sayo.” he answered.

“Eh, saan ba kasi tayo pupunta?”

“Date” he said. At ano daw?

Anong date ang pinagsasabi mo!?” singhal ko sa kanya. Kahit gwapo siya at crush ko ng slight hindi pwedeng basta na lang niya akong hilain para sa date.

“Shut up, Lauren baka nakalimutan mong may nilabag kang school policy.” he coldly said.

“Ano ka ba? Para yun lang!” Sabi ko uli that made him stop from dragging me.

“Anong yun lang!? Lahat ng lumalabag ng school policy dini-detention para magtanda. But you see, I put an exception. You should be thankful that instead of spending hours cleaning restroom, ma ide-date mo ako.” Sabi niya na ikinatawa ko. May yabang din pala sa katawan itong Mr. Perfect na Ito.

“Ang yabang ah!” natatawa ko paring sabi.
“Ano, Tara na?” he asked extending his hands para hawakan ko.
Napaisip naman ako. This is indeed a dream come true ito... Ang daming may gustong maka date itong taong to pero dahil snobbish siya walang nagtangka. Ang swerte ko dahil Ito mismo ang nagyaya.
Inabot ko yung kamay niya na nakalahad. Pero hindi siya kumilos.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Akala ko ba mag de-date kami?
“Bakit? May problema ba?” tanong kong may pagtataka. Tumingin Ito sakin at hinigpitan ang pagkapit sa kamay ko.
“Once you date me, you're mine” Sabi niya nagpatanga sakin. Ano daw?
“Haha seryoso? Nagpapatawa ka ba?” I ask while laughing, nag j-joke din pala siya.
“Lauren, kaylan ba ako nag joke? Seryoso ako... Pagpumayag ka ibig sabihin akin kana. Ano payag ka?”
Nakatulala lang ako sa kanya. Ngumiti ito ng bahagya, mga ngiting nagpalakas ng tibok ng puso ko.
“Abnormal na ata ako, naakit ako sa Mr. Perfect na to. Sabagay perfect eh,” napahagik-ik ako sa naisip ko.
Syems~ does it mean magiging boyfriend ko siya?
“Tsk! In love ka ba sakin? Sabagay no one can  resist my charm!” mahabang na sabi ko na ikinatawa niya at ginulo ang buhok ko. Hindi ko alam na may sweet side pala siya.
“ Ligawan mo ko sa date nato!” demanding na sabi ko. Lumakas ang tawa nito saka pinisil ang pisngi ko.
Namumuro na to sakin ah.

“Kaya ako na in love sayo eh. Promise liliwagan kita.” he said while smiling from ear to ear.
“Tara na!” sabay hila uli sakin. Tiningnan ko siya habang naglalakad kami na mag ka hawak ang kamay.
“Seryoso ka talaga.” I asked, everything seems surreal
“Yes and I'm gonna prove it to you!” Sabi nito na may malawak na ngiti sa labi.

***END***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro