Di tayo ang para sa isa't-isa
Di tayo ang para sa isa't-isa
“I always see my future with you. I love you so much, Samantha.
Will you spend your lifetime with me? Will you marry me?” tanong sa'kin ni Tyrron na nagpahinto ng mundo ko. Tila naglaho ang lahat ng nasa paligid at tanging siya na lang ang nakikita ng mga mata ko.
He kneeled in front of me as he show a diamond ring.
Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko mawari ang dapat kong gawin.
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at bakas doon ang pagmamahal.
“Y-yes!” maluha-luha kong tugon sa'kanya.
Tumayo na man ito saka nagsisigaw, may pasuntok sa hangin gestures pa itong ginawa kaya napatawa ako.
Agad na isinuot nito sa'kin ang singsing saka masuyong humalik sa'king noo.
“I love you, Sam. I promise that you won't regret this.” sabi nito sabay yakap, yumakap na man ako pabalik sa kanya.
Ang saya ng pakiramdam ko. After 8 years of being boyfriend-girlfriend, finally he asked me for a lifetime commitment. Sa loob ng walong taon na iyun ang dami na naming pinagdaanan at ngayon ang katuparan ng lahat ng mga pangarap ko, makakasama ko na sa habang buhay ang taong mahal ko at higit sa lahat mahal din ako...
I love him and I'm willing to spend my whole life kasama siya.
*After 8 months*
“I love you!” sabi nito na may nakapasking magandang ngiti sa mukha.
He was wearing a white tux, standing tall and handsome as always.
Di ko maiwasang titigan siya sa kanyang mukha... parang walang nagbago, ganon padin ito. Ito parin yung taong nangako sa'kin ng panghabang buhay na pagsasama, ang taong minahal ko ng sobra-sobra.
My eyes began to water as he said another promise. The same promise he said 8 months ago.
Hinayaan kong dumaloy ang aking mga luha habang pinapakinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Ito yung araw na hinihintay ko pero—
“I pronounce you husband and wife.” ang mga katagang iyon ang nagpabalik sa'kin sa sarili. I wiped my tears then I moved my feet to walk away from that place.
I glance at him one more time, he was smiling happily with his wife.
Yes, hindi ako ang pinakasalan niya...
5 months after he proposed to me, we broke up. He found another woman and everything falls apart.
Mahal ko siya pero hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko dahil alam kong hindi na siya sasaya sa piling ko.
I hurriedly went out cause the pain is killing me. Masakit pala kung yung pangakong para sa'yo tinupad para sa ibang tao.
Napadpad ako sa isang garden, nagpalinga-linga ako sa paligid.
Ang bobo ko talaga kahit kaylan, imbes na daan palabas kung saan pa ako napadpad.
Umupo na lang ako sa damuhan saka tumitig sa kawalan.
“Sam” ani ng isang napaka pamilyar na boses.
Lumingon ako sa pinang-galingan nito and there he is, standing few centimeter from me.
Nagtagpo ang aming mga tingin at muling nanubig ang aking mga mata. Tila kinakapos na rin ako sa paghinga. Gusto kong umiyak pero para saan pa? May mahal na siyang iba.
“Sam.” muling sambit nito sa pangalan ko. Ang sarap pakinggan kung sana ako parin yung laman ng kanyang puso't isipan.
Ngumiti ako saka tumayo.
“Bakit nandito kapa? You're not supposed to be here, nasa reception na dapat kayo.” umiling lang ito saka lumapit sa'kin.
He hold my hands and he wrapped his arms around me like he used to do katulad nong kami pa...
pero kasi ngayon hindi na.
“Sorry and thank you for everything. I'm really sorry, Samantha. Believe me I loved you pero seguro hindi lang talaga tayo yung naka tadhana.” I could no longer sustain my tears, kaya umiyak na lang ako habang nakayakap sa kanya.
Loved daw. Past tense, ibig sabihin tapos na.
8 years and 5 months ganun katagal pero pinagpalit lang sa 3 months.
“Naiintindihan ko.” sambit ko kasama ang mga hikbi. Ang sakit-sakit pero wala na man akong magagawa. “Don't worry about me, I will be fine.” sabi ko saka ko hinaplos ang likod niya. Ito na ang huling yakap ko sa taong mahal ko at maybe this will be the last time na makikita at mahawakan ko siya dahil pagkatapos ng araw na ito, kusa na akong lalayo.
Humigpit yung yakap niya na nagpadagdag sa bigat ng kalooban ko. Mahal na mahal ko talaga itong taong 'to.
Seguro hindi na ako muling magmamahal katulad ng pagmamahal ko kay Tyrron, o mas tamang sabihin na hindi na ako muling magmamahal maliban sa kanya. Siya lang, wala ng iba.
Ibinigay ko yung buong puso ko sa kanya at hindi ko na kaylan man babawiin pa.
Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako bumitaw sa yakap niya. Muli akong ngumiti at tumingin sa kanyang mga mata.
Naglakad ako paalis pero iilang hakbang huminto din ako ngunit hindi na ako tumingin pa...
“Thank you sa lahat, Tyrron. Di ko makakalimutan ang lahat.
Salamat sa mga ala-ala na binuo natin pareho, sa mga panahong pinasaya mo ako. Maging masaya ka at ingatan mo siya pati ang sarili mo. Mahal na mahal kita pero baka tama ka, hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa.” at tuluyan na akong umalis.
I know that this would be very hard for me, pero susubukan kong tanggapin ang lahat. Ganito na man sa pagmamahal, diba? Sa huli, laging may taong masasaktan at maiiwang luhaan.
Wala akong pinagsisihan kahit hindi kami ang nagkatuluyan, sapagkat ang mga panahong kasama ko siya ay isang napakagandang ala-ala na babaunin ko saan man akong magpunta.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro