DEBATE
Debate
–🍂Solwp
“Magsitahimik and lahat!” naiinis na sabi ng guro namin dahil sobrang ingay ng klase.
Inaabangan kasi kung sino ang huling pares na maglalaban para sa debate activity namin ngayong araw.
“Okay, the last debator of the day are...”
Nanginginig na napahawak ako sa dulo ng damit ko.
“Parang awa niyo na, wag ako please,” mahinang usal ko sa sarili. Hindi ako mahilig sa mga debate kaya sana hindi ako ang mapili.
Paano ko na lang didepensahan and sarili ko pagnagkataon?
“Cedrick and Selene!” Ang malakas na anunsiyo ng guro namin ang nag nagpaguho ng mundo ko.
Selene, as in SELENE talaga!?
Naging maingay ang buong klase pero wala na akong halos maintindihan. Ang lakas din ng tibok ng puso ko.
“Sana bigla na lang bumagyo at tangayin ako ng ipo-ipo,” mahinang panalangin ko. Pero syempre hindi iyon nangyari.
“Pumunta kayo dito sa harap!” utos ni ma'am kaya kahit hindi ko gusto ay napilitan akong tumayo.
Terror ang teacher naming ito at ayaw kong bumagsak sa klase niya.
Mangiyak-ngiyak akong naglakad papunta sa harap halos hindi ko na din maihakbang ang mga paa ko sa sobrang nerbiyos.
“Magiging madali lang 'tong debate niyo. Walang timer basta magsalita lang kayo, salitan syempre. Depensahan niyo lang yung mabubunot nitong topic, okay!?” pagpapaliwanag ni ma'am pero hindi ako makapag-concentrate.
Ramdam ko kasi yung titig ng mga classmates ko and I really hate it. I don't like attentions and being one of the debator makes me wanna pass out.
Tumingin ako kay Cedrick, naka tingin din pala ito sa'kin. Nag-iwas na lang ako ng tingin saka pilit na kino-kontrol ang kaba sa dibdib ko. Sa dami ng tao, ba't siya pa kasi ang makaka debate ko!?
Aside that he is smart, kasi running for valedictorian siya, may personal issues din ako sa kanya.
Hayst! Kinarer ko at ang pagiging malas ngayong araw.
“Bumunot na kayo dito.” nanginginig ang kamay ko habang kumukuha ng topic. Sana this time, favor na sa'kin ang lahat, at sana kaya kong i-depend ang topic.
Pagkatapos ding bumunot no Cedrick, sabay namin binuksan ang papel.
"ɪs ʟᴏᴠᴇ ᴛʜᴇ ᴏɴʟʏ ғᴀᴄᴛᴏʀ ᴛᴏ ᴍᴀᴋᴇ ʀᴇʟᴀᴛɪᴏɴsʜᴘ wᴏʀᴋ?"
𝗗𝗲𝗽𝗲𝗻𝗱: ʏᴇs
Yan and nakasulat sa papel na nakuha ko, gusto ko tuloy umiyak dahil sa topic namin.
“So, ang nabunot mo Cedrick ay ang NO side” Tumango lang ito sa sinabi ni ma'am habang nakatingin sa'kin. Nadagdagan tuloy ang kaba ko samantalang sobrang relax lang niyang tingnan.
“So, ikaw ang mauuna Selene. Is love the only factor to make relationship works? You may start now.”
“F-for me it is a y-yes!” nauutal na panimula ko.
“Love is enough to make relationship works cause as long as you both love each other you can conquer everything and anything. Hindi magiging mahirap ang lahat hanggat may pagmamahal.”
Yun lang and nasabi ko pero yung puso ko nagwawala na lalo pa't titig na titig si Cedrick sa'kin habang nagsasalita ako.
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.
“But sometimes love is not enough,” panimula niya. Napa 'owww' na man ang iba kong kaklase.
Napatingin lang ako sa mukha nito. Seryoso lang siya at hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nasa mata niya.
“Hindi sapat na mahal niyo lang yung isa't-isa. For relationship to work, kaylangan may tiwala. Trust will make your relationship grow stronger. Kasi yung tiwala na yun ang magbibigkis ng pagmamahal niyo para hindi masira kapag dumating yung pagsubok. No perfect relationship pero as long as you trust each other you can both make it until the end. ” Mahabang pahayag niya, na alam kong pinapatama niya sa'kin.
Nagsisigawan na ang mga kaklase ko. Tumalim ang tingin ko sa kanya. Yung kabang naramdaman ko napalitan ng galit.
“Aanhin mo naman ang tiwala kung walang pagmamahal? Sa relasyon hindi porket nagtiwala ka, you can make it until the end.” naiinis na wika ko.
Nagwawala na yung iba kung kaklase sa likuran, alam na man kasi nila ang stado namin ni Cedrick.
“Just like what I said earlier, love is enough... kahit ilang milyong tiwala pa ang ibibigay mo sa isang tao magiging baliwala lang ito kung walang pagmamahal. Once love fades relationship won't work out kahit gaano pa kalaki ang tiwala niyo sa isa't-isa.” ani ko na wala sa sarili. Dahil sa inis ko sa kanya hindi na ako makapag-isip pa.
“Are you saying that it's okay to be in a relationship without trust as long as there is love?” kunot noong sabi nito. “Yeah!” matabang na sabi ko.
“Tsk! Walang ganon, Selene. For a relationship to work hindi lang dapat pagmamahal o tiwala lang ang meyron, there should be both– love and trust. Walang masisirang relasyon kung mahal at pinagkakatiwalaan niyo yung isa't-isa.” Sabi niya na alam kong para talaga sa'kin. Pinigilan ko and sarili ko na lumuha.
“I once fall in love, I give him both– the trust and the love. But see, it didn't work out. Why? Simply because he fall out of love. Tinalikuran niya ako. Pinagkatiwalaan ko siya, naniwala ako pero anong napala ko? I end up broken.” Sabi ko habang nangigilid ang luha sa mata.
My classmates went quite.
The whole room was filled w/ silence.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Sobrang bigat ng puso ko.
“I once fall in love too. I love her and trusted her. Naniwala ako na yung pagmamahal namin ay sapat na para malampasan namin ang lahat ng problem.
But see, it didn't work out, too. Kasi nawala yung tiwala niya na mahal ko siya at siya lang ang tanging babaeng mamahalin ko. Instead of trusting me, mas pinaniwalaan niya pa yung ibang tao. She believed that I fall out of love without hearing my side, ang dali niyang bitawan ang samin kasi wala siyang tiwala.”
Sabi niya at ng tingnan ko siya namumula na yung mukha pati mata niya. Paluha na rin siya.
“Love, mahal kita hanggang ngayon please kahit ngayon lang ibigay mo naman yung tiwala mo sa'kin.” Sabi nito saka tuluyan ng tumulo yung luha niya.
Humagulhol na din ako ng iyak.
“Sorry, sorry, sorry” yun lang ang tanging naisatinig ko.
Kasalanan ko ang lahat kasi ako ang unang bumitaw.
Agad naman niya akong niyakap. He embrace me tightly as we both cried.
“Sorry sa lahat, Love. Sorry kasi nauna akong bumitaw, I didn't trust you. Sorry, mahal kita.” mahinang sabi ko pero alam kong sapat na iyon upang marinig niya.
“It's okay love, it's okay. This time sana makaya na natin. See, may maganda na mang naidulot ang nangyari. We become more strong individual. Natoto tayo sa nangyari. Wala nang iwanan love. Mahal na Mahal kita.” he said as I feel him kiss my head.
“AWWWWW!” hiyawan ng mga kaklase namin. Nahihiyang kumalas ako sa yakap ni Cedrick pero hindi ako lumayo.
He held my waist at medyo naka sandig ako sa dibdib niya.
“CONGRATS! AT SA WAKAS NAGKABATI DIN KAYO!” masayang sigaw nong isa naming kaklase. Napangiti na lang ako.
Hindi na man pala malas ang araw na ito. Dahil sa debate tuluyan naming naayos ni Cedrick ang problema namin.
“Wow! I didn't know that this debate would be this awesome. Congrats to the both of you, Selene and Cedrick. Tandaan niyo lang, relationship is not just about love or trust, it's both kung wala ang isa it won't turn out right. No perfect relationship, as you said earlier Cedrick. Marami kayong pagdadaanan pero kung tunay niyong mahal ang isa't-isa at may tiwala kayo, lahat malalampasan niyo. Try to understand each other, learn to trust and love will work. That's all for today. See you next meeting.” yun lang at umalis na ang aming guro.
Nakangiti akong lumabas ng classroom kasama ang taong mahal ko. Sometimes, love is not enough. It should be balance– love, trust, understanding, it will make your relationship work.🖤
***END***
🥀P.S: No proofread. Not edited. Wrong grammar and typical errors are present. I accept constructive criticism.
Salamat sa pagbasa😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro