Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CRUSH


CRUSH
—🍂Solwp

Pinunasan ko ang iilang butil ng pawis na tumulo mula sa noo ko tsaka ko tiningnan ang cellphone ko para i-check ang oras.
8:49 am - Napangiwi na lang ako.
Late na naman ako sa klase tapos ang init pa dito sa pwesto kung saan ako nakatayo. Bat ba kasi ang tagal niyang dumating?

Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang maliit na parte ng gate... napangiti ako ng sobrang lapad. Finally!
“HI!” masiglang bati ko kay Kurt, ang nag-iisang lalaki na bumihag sa puso ko. Ayt! Corny.
Tumingin ito sa'kin saka ako nilampasan. Napasimangot na lang ako.
“Yun na yun? Wala man lang reaction? Hmh~ carry na, atleast tumingin siya saka sobrang gwapo na man niya e”, sa isip ko.

Lakad takbo ang ginawa ko para makahabol sa unang klase ko- namin ngayong umaga. Mag kaklase kami ni Kurt sa lahat ng subject. At ganito lagi ang ginagawa ko araw-araw. Hihintayin siya sa may gate ng school kapag wala pa siya sa classroom tapos babatiin o kakamustahin.

Pagpasok ko sermon agad ni maam ang bumungad. Nakalimutan kong may quiz pala kami ngayon. Kaya, pagkatapos ng klase deretso detention ako. Actually, dalawa kami ni Kurt. Oh idi may naidulot ding mabuti ang detention, dahil makakasama ko siya ng dalawang oras.

Sobrang tahimik namin sa loob. Hindi man lang siya nagsasalita. “Ito na yung chance mo self”, pagkakausap ko sa sarili ko.
“Ah K-Kurt” nauutal na tawag ko sa pansin niya.
Nag-angat ito ng tingin saka tumayo ng maayos. He folded his arms near his chest and with his bored expression, he look at me.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hihimatayin na ata ako nito.

“K-kasi, ano, ah gu-gusto k-kong... gusto kita. Matagal na.” Napapikit ako sa kahihiyan. Juicemeee ang hirap palang mag confess.
Wala akong narinig na salita sa kanya kaya iminulat ko ang mga mata ko.
I saw him walking out, napatingin ako sa oras tapos na pala ang detention. Ano ba yan!? Pinahiya ko lang yung sarili ko. Mangiyak-ngiyak ako na lumabas din doon saka nag punta sa rooftop ng school. Kaylangan ko ng matinding hangin.

The next day, naka recover na ako sa kahihiyang inabot ko.
Pagkapasok ko sa room naabotan ko siya na nakaupo sa bandang bintana.
“Hi Kurt! Good morning.” tiningnan ko siya pero hindi man lang siya nag abalang tumingin sa'kin.
Nagsitawanan yung mga kaklase ko na nasa room na. Aware kasi sila na crush ko si Kurt pero yun nga lang sobrang ilap nito sa'kin.

“Good morning din, Kianna.” they said teasing me. Nagkibit balikat na lang ako saka umupo na sa upuan ko.
“Kianna ako na lang kasi yung i crush mo pramis crush back agad.” sabi nong isa kong kaklase kaya sobrang ingay ng room.
“Oo ba! Basta promise mo crush back agad.” natatawa kong sabi.
“I crush you, Kianna!” sumigaw ito kaya nagtawanan kami. Nag wink ito sa'kin saka itinaas ang mga daliri na naka form ng finger heart.
Napuno ng kantsawan ang klase, napatawa na lang din ako sa kabaliwan nila.
Nong nilingon ko si Kurt sa may bandang bintana, nakatingin ito sa'kin ng masama. Tumayo ito saka padabog na umalis ng classroom. Ibinagsak pa nito ang pinto. Napatahimik kaming lahat.
“Hala ka Troy.” halos sabay na sabi ng mga kaklase ko sa isang classmate ko na nagsabing crush niya ako.
Tatayo na sana ako para sundan si Kurt pero pumasok na yung teacher namin. Umupo na lang uli ako pero hindi na bumalik pa si Kurt.
Napano kaya yun? tanong ko sa isip ko. Biglang walkout lang.
Natapos ang klase na wala akong maintindihan. Nag-alala ako kay Kurt.

Lunch break pero hindi pa ako kumain, hinahanap ko kasi si Kurt sa campus.
“Kianna! Di ka pa kakain?” tanong ni Lia, kaklase ko din.
“Mauna na kayo, may gagawin pa kasi ako.” pagdadahilan ko. Saka ako nagpunta sa may likod ng school baka nandon siya.
Sheyms~ gutom na ako, nasaan kana ba Kurt?
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Paalis na sana ako ng makita ko yung taong hinahanap ko. Nakangiti habang nakatingin sa...
sa isang babaeng taga nursing department ata dahil sa uniform. Tiningnan ko itong mabuti. Ouch! Sakit sa mata, nakakaliit ng pagkatao. Ang ganda nong babae shems~ kaya ba hindi niya ako gusto kasi itong babaeng toh ang gusto niya.
Ang saya na man. Nag-alala lang pala ako sa wala. I smiled bitterly. Yan kasi ang hilig mong mag-assume na umalis siya kasi nagselos... naingayan lang pala.
Tiningnan ko uli si Kurt, bat ang saya niya? Ang swerte ni girl, napapangiti niya ng ganyan si Kurt samantalang ako. Hayst! Stop comparing yourself to that girl Kianna kasi talo ka talaga.

Naglakad ako pabalik sa classroom na walang laman ang tiyan. Ang sama ng pakiramdam ko. May mga iilang tao ang tumawag sakin pero diko na pinansin. Deretso classroom ako. Yumokyok ako sa mesa saka ipinikit ang mga mata.

“Okay lang ba talaga siya, nurse?”
“Oo nga sabi kaylangan lang niyang magpahinga.”
“E bakit tulog parin hanggang ngayon?”
“Gigising din yan mayamaya.” Napadilat ang mata ko, bat ba ang ingay ng mga tao? Nagtataka akong tumimgin sa paligid. Nasaan ba ako? Pagkaka-alala ko nasa classroom ako.
“Oy! Okay ka lang Kianna? Ito oh kain ka. Bat kaba kasi hindi nagtanghalian?” lecture na sabi ni Lia sa'kin. Ang sakit nang-ulo ko.
“Ano bang nangyari, Lia?” tanong ko. Wala talaga akong maalala.
“Kain ka muna. Saka ko sasabihin.”
Yun pala yung dahilan. Yung gutom at yung pagkapuyat ko kagabi, dagdag pa yung init kaninang tanghali habang hinahanap ko si Kurt. Nagpasalamat ako kay Lia bago umuwi. May klase pa kami pero ang sabi ng nurse kaylangan kong magpahinga muna.

Isang linggo akong hindi pumasok sa school. Pagkauwi ko kasi mas lumalala yung nararamdaman ko. Ilang beses akong nagsuka at nilagnat din. Nong pina hospital ako, na dengue pala. Pero ngayon medyo okay na ang pakiramdam ko.
Namiss ko na din si Kurt.

“OYY! WELCOME BACK, KIANNA” masiglang bati ng mga kaklase ko. Inilibot ko ang tingin ko classroom pero wala pa si Kurt.
“Kianna, alam mo bang may girlfriend na si Kurt!” pagbabalita ni Lia sa'kin.
“Huh!?” wala sa sariling tugon ko. Kaylan pa siya nagka girlfriend? At sino naman? Yung babae kayang kausap niya don sa likod ng school?

“Naku girl! Ako nga din e, diko mapaniwalaan pero nitong mga nakaraang araw madalas silang magkasama nong babae sa nursing department, yung mukhang anghel ba!” lutang na tumitig lang ako sa harapan. So, sila na pala.
OUCH! Kakabalik ko lang at kakarecover lang sa sakit, may bago na namang sakit. Ang tindi na man nito.
Nong uwian, ako ang pinaka huling lumabas ng classroom. Patungo nakong gate ng may na mataan akong tao. Masaya itong naglakad palabas ng eskwelahan kasama ang isang anghel. Argh~ can I get enough!? Binilisan ko na lang yung lakad ko para makaalis na, sakit kasi sa mata.

On the next day, sinubukan ko nang iwasan si Kurt. Wala na, ano pang silbi ng pagpapapansin ko sa kanya kung may gusto na siyang iba.
Pero kung mamalasin ka, mamalasin ka talaga. Imbes na magmo-move on na ako, naging partner ko pa siya sa isang activity.Argh~ ang mas malalapa, kaylangan kong pumunta sa bahay niya para gawin namin ang activity.
Uwian na kaya nagmamadali akong umalis.
“Kianna” nasa bandang pinto ako ng classroom ng tawagin ako ni... Kurt. Oo, siya ang tumawag sakin, first time nga eh. Huminto ako saka tumingin sa kanya.
“Huh!?” pinatunog inosente ko pa yung boses ko para mas convencing, ayaw ko talagang pumunta sa bahay niya. Baka mag abot pa kami ng girlfriend niya idi double killed ako pagnagkata-on.
“Saan ka pupunta? Diba gagawin na natin yung act?” sagot nito na naka kunot noo. Actually, kami na lang yung tao sa classroom. Excited kasi yung iba na gawin yung activity.
“Ah k-kasi ano Kurt... kuan, kasi m-masama, oo masama yung... yung ano, pakiramdam ko, kaya next time na lang natin gawin.” pagsisinungaling ko. Kung kaylan kasi magmomoveon saka naman may pa ganito.
He walk towards my direction saka ako hinawakan sa kamay at hinila palapit sa kanya. Kinapa niya ang leeg ko. ˝Shems~ Kianna hingang malalim. Juicemeee kaya ka nasasaktan kasi ang bikis mong kiligin”, pagkakausap ko sa sarili ko.
“Okay ka naman ah. Hindi ka na man mainit. Tara na, don kana lang sa bahay ko magpahinga.” hindi ko na alam kung paano ako mag re-react. Ang bilis ng tibok ng puso ko tila ba gusto na nitong kuwala sa rib cage ko.
Nasa may kotse niya na kami ng mapansin ko na hawak niya parin yung kamay ko. Oh my goshhhh! Oxygen please. Is this for real!?
Binitawan niya lang yung kamay ko nong nasa sasakyan kami. “Sayang! Ano kaba self umaayos ka nga! Kaya tayo napapahamak eh.” - pagkakausap ko parin sa sarili ko.

Pagdating namin sa bahay niya, diko maiwasang mapahanga. Ang ganda kasi nito. At nang sinabi kong bahay niya, bahay niya lang talaga. Nakabukod kasi siya sa parents niya.
“Come here Kianna.” napasimangot ako. Ano ba yan parang bata lang yung tinawag eh, pwede namang ‘Come here babe’ or kaya ‘Come here Hon’.
“Dito ka nga.” malumanay yung pagsasalita niya, and it's first time. First time niyang maging ganito sakin.
Hinila niya ako paupo sa sofa bed. Shems~
“Kurt naman, bata pa ako eh. Saka na please pagnaka graduate na tayo.” sabi ko sakanya. Napayuko ako dipa talaga ako ready.
“What are you talking about? Pagpapahingahin lang kita kasi sabi mo masama ang pakiramdam mo? Ano bang iniisip mong gawin ko sa'yo?” natatawang ani nito. Pahiya na naman ako. Bat ba kasi ang dumi ng isip ko. Argh!
“Huh? Wala!” nag-init sobra ang pisngi ko. Sure akong pulang-pula na ako ngayon sa kahihiyan. “Assuming kasi. Ang ganda nga nong girlfriend papatulan ka pa”, sabi ng isang bahagi ng utak ko.
Tumawa ito ng mahina. Saka tumayo, hinila nito ang kamay ko pataas kaya napatayo din ako.
He softly hold my face habang nakangiti itong tumingin sa mata ko.
“Shit! Parang gusto ko nang gawun yung inisip mo kanina, love. Pero di pa ngayon. Tama ka! Hihintayin ko munang maka graduate tayo pareho at maikasal tayo saka na talaga.” he said as he embrace me tightly. Napatanga lang ako. What did he just say?
Hinalik-halikan nito ang buhok ko pati na din ang sintido ko.
“Hmh~ Kianna naman, nakinig kaba sakin, love!?” he said habang medyo inilayo ako sa yakap. Tumango lang ako, wala akong maintindihan. He called me 'love' pero may girlfriend siya.
“Nabigla ba kita?” he softly asked tapos niyakap uli ako.
“Makinig ka sakin ng mabuti. I like you a lot Kianna, nong una palang kitang nakita. Remember nong first year pa tayo nong nahuli mo akong nakatitig sa'yo, gusto na kita non. Hanggang ngayon, mas lumala pa nga eh. Nitong mga nakaraang linggo ko lang na realize na hindi lang pala simpleng atraction, paghanga o pagkagusto yung nararamdaman ko para sayo. I'm falling in love with you Kianna, that it's so hard ang painful for me na hindi ka malapitan o may ibang lalaki na nagkakagusto sa'yo. Kianna, gusto mo naman ako diba!? Kahit konti lang?” may lungkot at kaba sa boses nito. Napangiti na lang din ako. Sheyms~ everything seemsl surreal pero ito na yun eh. Ito yung matagal kong hinihintay na sa panaginip ko lang dati.
I hug him back.
“Kurt, diba may girlfriend ka?” mahina kong sabi.
Kumalas ito sa yakap at saka ako tinitigan.
“Who told you that!? Yan ba ang dahilan kaya ka umiiwas sakin?” napatango ako. Yun naman talaga ang dahilan kasi akala ko wala na akong pag-asa sa kanya.
“Wala akong girlfriend. Pero pagsinagot mo ako, idi meyron na. Wag kang makinig sa rumors, love hindi yun maganda.” sabi nito saka dahan dahan na lumapat yung labi niya sa labi ko. Smack lang pero nagpawala ito ng puso ko.
“Bhe!” isang boses ng babae ang nagpalingon samin sa may pinto.
Nanlaki yung mga mata ko, ito yung babae sa nursing deoartment, iyong girlfriend daw ni Kurt. So, ano to? Kala ko ba walang girlfriend at ako ang mahal? Bakit toh nakapasok dito?
“Oh my gosh! Sister in law!” sigaw nito saka ako dinamba ng yakap. Muntik pa akong matumba buti na lang nahawakan ako ni Kurt.
“Ate naman! Dahan-dahan na man baka masaktan mo si Kianna.”
“OA nito! My my. Ang ganda mo talaga sa personal sister in law. Magkamukha tayo oh” sabi nito habang tinusok-tusok yung pisnge ko.
Nakatulala parin ako. Sister in law? Ate? Oh my goshh! Ibigsabihin...
Waaaaahhhh ang saya ko!
“Ate tigilan mo nga yan! Love, are you okay!?” sabi ni Kurt habang inilayo ako sa babaeng mukhang anghel na akala ko girlfriend niya pero ate pala.
“Ah, oo okay lang ako.” nahihiyang sagot ko. Tinawag na naman niya kasi akong love.
“Ako pala si Kendra, sisteret. Wag mo ng iwasan itong bunso namin ha. Kawawa eh, umiiyak kaya yan pagka hindi mo pinapansin. Nagwawala pa nga yan nong may kaklase niyo daw na crush ka. Buti na lang nakita ko sa likod ng school baka magui-”
“Ate stop it! Pinapahiya mo na ko kay love.” pagpuputol naman ni Kurt sa sinabi ng ate niya.
Yung ngiti ko abot-abot na sa mata ko. Ang tindi pala magselos ni Kurt ang dami pang kwenento yung ate niya habang si Kurt nakayukyok lang sa gilid ko pulang pula ang mukha.

Nong bandang seven, hinatid niya ako pauwi. He even talk to my parents. Sabi niya kasi liligawan niya daw ako kahit sinabi kong wag na. Sasagutin ko parin naman siya bat papatagalin pa. Kaya napagkasunduan namin na kami na as in boyfriend-girlfriend na kami pero manliligaw parin siya. He even said na magpapakasal kami after graduation. Natutuwa na man sa kanya yung parents ko excited pa nga sila na ipakasal ako kay Kurt.
Pero sabi niya papainlove-in daw muna niya ako kasi yung alam niya crush ko lang siya. He doesn't know that I feel more than that.

I never thought magiging kami pa ni Kurt pero ito nangyari na. Masaya ako sobrang saya. Sana lang makayanan namin ang lahat ng mga pagsubok na darating pero focus muna ako sa kung anong mayron kami ngayon.

*bzzz* 1 message from LOVE
Binuksan ko ito...
“Goodnight love, matulog ka na. I miss you and I love you😘”
Kahit sa simpleng mesaage napapakilig niya ako. Itong araw na ito ang isa sa hindi ko makakalimutang araw ng buhay ko.
I type my reply.
“Goodnight Kurt and I love you too. See you bukas, miss na din kita❤” kinikilig na inilapag ko ang cellphone ko saka ipinikit ang mga mata.

***END***

P.S: 𝒟ℯ𝒹𝒾𝒸𝒶𝓉ℯ𝒹 𝓉ℴ 𝒥ℳ 𝒫𝒶𝓇𝓀. ℳℯ𝒹𝓎ℴ 𝓃𝒶𝓉𝒶ℊ𝒶𝓁𝒶𝓃𝓃𝓈𝒾𝓎𝒶 𝓅ℯ𝓇ℴ 𝓈𝒶𝓃𝒶 𝓃𝒶ℊ𝓊𝓈𝓉𝓊𝒽𝒶𝓃 𝓂ℴ. 𝒮𝒶𝓁𝒶𝓂𝒶𝓉 𝓈𝒶 𝓈𝓊𝓅𝓅ℴ𝓇𝓉.
P.P.S: 𝒞ℴ𝓃𝓉𝒶𝒾𝓃𝓈 𝓉𝓎𝓅ℴ𝓈 𝒶𝓃𝒹 ℊ𝓇𝒶𝓂𝒶𝓉𝒾𝓋𝒶𝓁 ℯ𝓇𝓇ℴ𝓇. 𝒩ℴ 𝓅𝓇ℴ𝒻𝓇ℯ𝒶𝒹 𝒶𝓃𝒹 𝓃ℴ𝓉 ℯ𝒹𝒾𝓉ℯ𝒹.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro