AYAW MO NA
AYAW MO NA
“Let's end this” napatanga ako sa sinabi niya.
“Ha hakdog” tumatawa kong sabi. Grabe lakas talaga nito mag joke.
“No Mikka, I'm serious. I want to end everything. Look, it's not even working, lagi nalang tayong nag-aaway.” seryosong sambit niya. Hindi ko tuloy alam kung anong ire-react ko, kung tatawa ba ako o iiyak.
“Haha seryoso ba yan? Iiyak na ba ako?” tanong ko pero yung totoo nanunubig na talaga yung mata ko. Gustong-gusto ko nang umiiyak pero pinigil ko kasi hinihintay kong sabihin niyang “hahaha joke, naniwala ka naman?” pero hindi eh.
Malungkot na tingin ang ibinigay niya sa'kin.
Para akong binagsakan ng malaking bato... so, talagang seryoso siya. Pero bakit?
“B-bakit?” yun lang ang katagang lumabas sa bibig ko. Hindi na nga ako segurado kung narinig niya pa kasi halos bulong na lang ito.
Pero, mukhang narinig naman niya kasi sumagot siya...
“Hindi ka pa ba napapagod Mikka? Hindi na tayo nagkakasundo, halos lahat na lang pinag-aawayan natin.” so, yun pala iyon.
“Ako ba talaga, Mark? O baka mas tamang sabihin na napagod kana!?” umiyak na talaga ako. Diko na mapigil yung samot-saring emosyon sa puso ko.
“I'm sorry” yun lang yung sinabi niya.
Tumango-tango ako. 8 years, 8 years ko siyang minahal at nakasama pero dahil lang sa maliit naming problema bumitaw na siya.
Seguro ngang hindi ang tagal ng panahon ang basihan kung magtatagal ba ang isang relasyon... nasa sa kung paano kayo lumaban sa mga pagsubok na inyong mararanasan.
Sa'min napagod na siyang mahalin ako kaya sumuko na siya.
Mapait akong ngumiti sa kanya.
“Pagod kana... kaya AYAW MO NA.”
-Binibining Llesa (01/07/20)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro