Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ALA-ALA

ALA-ALA

“What makes you happy, Xy?”
biglang tanong niya sabay tingin sa'kin.

“It's not what, but who...
At ikaw yung taong tinutukoy ko na nagbibigay saya sa buhay ko.”
tiningnan ko siya sa kanyang mga mata tsaka ko siya binigyan ng isang tunay na ngiti.
Bata pa lang ako non nong ipinangako ko sa sarili ko na siya lang yung taong mamahalin ko.

“And what's your biggest dream?”
tanong niya uli kasabay ang pag-iwas ng tingin.
Nanatili akong nakatitig sa mukha niya.

“Hmh~ ang makasama ka habang buhay.” sagot ko sa kanya sa mahinang boses.

Hindi naman siya nagsalita pa o lumingon man lang.
Nanatili lang siyang nakatanaw sa malayo.

Akmang hahawakan ko siya, ng ang kanyang imahe ay unti-unting nawala.

Oo nga pala, isa na lang siyang ala-ala...
Ala-ala ng isang taong minahal ko ng sobra pero mas piniling magmahal ng iba.

Isang mapait at malungkot na ngiti ang sumilay sa'king labi...
Napatingin na lang ako sa mga bituin sa langit.

“Kung nasaan ka man, alam kong masaya kana. Kasama mo na kasi
yung taong mahal mo ng sobra. At salamat nga pala sa mga ala-alang iniwan mo...
babaunin ko ito hanggang sa huling sandali ng buhay ko.”

-Binibining Llesa (01/08/20)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro