The Joy of True Hearts
The Joy of True Hearts
Everything has become a mess. All necessary things are now floating in the cold tears from above. The lanterns, the Christmas of tree lights were floating together with some of the Christmas balls.
A deep sigh is now expressed by a young girl named Claudette while she saw their barangay devastated by the typhoon. Currently, there is no electricity for more than a week and it is still under maintenance.
Sa akala niyang masaya, masigla at maliwanag na pagdiriwang ng Pasko, ay nauwi sa masalimuot at madilim na pangyayari.
Ngunit sa kabila ng nangyari sa pamilya ni Claudette, kita niya sa kaniyang magulang ang tuwa dahil ang mahalaga ay kompleto sila.
“Ma, sana po magkaroon na ng kuryente. Malapit na po ang Pasko,“ malungkot na pahayag ng dalaga.
“Kaya nga anak, tatlong araw na lang. Hayaan mo na anak, may kandila naman tayo riyan. Mahalaga okay tayo at sama-sama,” wika ng kanyang ina at tinapik ang balikat nito.
Pilit na ngiti na lamang ang naging tugon ng dalaga sa kanyang ina. Iniisip niya na lang na malalampasan din nila ang kakulangan at lungkot ng kanilang Disyembre.
Sa kabila ng dilim, naroon pa rin ang pag-asa ni Claudette na magiging masaya sila pati ang mga ka-barangay niya. Kaya’t heto siya sa kanyang kwarto, taimtim na nagdadasal at hinihiling na protektahan silang lahat.
Nagdaan pa ang ilang araw, unti-unti na rin humupa ang baha sa lugar nila Claudette. Ngunit, ang kanilang daanan ay tila naging isang sementeryo sa dilim.
Maraming dahon ang nagkalat sa labas at iba’t ibang klase ng mga basura na galing sa anod ng baha.
Tahimik ang kanilang kapaligiran, at naroon pa rin ang samo’t saring mga kalat na may bahid ng galit ng kalikasan. Hindi rin mawawala ang nakakahilong amoy dulot ng bagyong nagdaan.
Until one morning, Claudette woke up early to clean their house first, she saved her 10% battery in her phone to clean the mess outside. Mamaya na ang salo-salo, kaya mas nanaisin niya na lang na maging malinis ang kanilang kapaligiran, kahit na ang inaabangan nilang Pasko ay malabong ipagdiwang ng maaliwalas.
Natunghayan ng dalaga ang lamig, at kalungkutan dahil kahit ni isa ay walang kulay ang paligid.
“Ang lungkot noh? Magpapasko na pero ito ang natanggap natin,” wika ng dalaga sa kawalan.
“Kaya nga eh, pero mahalaga okay tayo. Wala naman nasaktan.” biglang tugon ng lalaki sa likuran ng dalaga. Mabilis na napalingon ito at napahawak sa kanyang dibdib sa pagkabigla sa nagsalita.
“Nagulat ba kita? I’m sorry. I was just walking around and I thought you are a ghost handling that walis tambo.”
Napataas ng kilay ang dalaga sa narinig niya.
“Mukha na ba akong aswang?” inis na tanong ng dalaga sa matangkad na lalaki.
“Sorry miss, bakit kasi naglilinis ka kung kailan sobrang dilim na.”
“Malamang, makalat oh. Tsaka ngayon lang humupa ang baha rito.”
“Chill, nagtatanong lang naman ako miss. But anyway, I’m Jake. Ikaw, ano’ng pangalan mo?” tanong ng lalaki nasa harapan niya.
“I’m Claudette, ayun lang ang bahay namin yung pangalawa.” Turo ng dalaga sa bahay nila at tumango naman sa kanya ang lalaki.
“I see. Halos magkasunod lang pala tayo. But anyway, you better stay in your house mapano ka pa rito.”
“Patapos na rin naman ako, sadyang ginamit ko na lang rin dito ang battery ng phone para makapaglinis talaga.”
“I see. Let me help you, cleaning. Don’t worry masaya ang magiging pasko natin.” Ngumiti si Jake sa dalaga na para bang alam niya na ang mangyayari kinabukasan.
“Sana nga, maging anghel ka sa sinabi mo.” Nagsimula na silang maglinis at ngiti lang ang naging tugon ni Jake sa dalaga. Kahit ngayon pa lang sila nagkakilala, pakiramdam ni Claudette na matagal na silang magkakilala kahit na pagtatalo ang naging simula ng pagkakakilala nila.
“Sa wakas natapos rin,” wika ni Claudette habang nagpupunas ng pawis sa noo.
“Yes finally! Thank you!”
“Huh?” takang tanong ng dalaga sa lalaking kaharap nito.
“Salamat kasi pinayagan mo akong samahan ka maglinis.”
“Ahh! Wala ‘yon. Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo, kasi hindi na ako magtatagal dito sa labas. Natapos natin nang maaga.” Paliwanag ng dalaga habang nakangiti sa kaharap nito na nakatingin sa kanya.
“It’s okay, no worries.” Napatingin ang binata sa kanyang relo.
“It’s too late. You need to go home and rest.” Paalala ng lalaki sa dalaga.
“Yes, Jake. Thank you. Ingat ka.”
Lumipas ang ilang minuto at napagdesisyunan ng dalawa na umuwi dahil gumagabi na rin. Hindi na rin sapat ang baterya ni Claudette sa kanyang telepono, mahirap na at madilim din ang kanyang dadaanan.
Habang naglalakad ang dalaga, hawak ang kanyang telepono na nagsisilbing ilaw sa kanyang nilalakaran ay hindi mawala ang ngiti niya sa kanyang labi.
Mayroon pa rin pa lang nagmamalasakit sa kalikasan. Mayroon din pa lang gwapo na hindi maarte.
Napailing ang dalaga sa binulong niya sa hangin. Nagmadali na lamang siyang maglakad dahil mamaya ay nasa likuran niya pa pala ang lalaki.
***
Kinabukasan, maagang nagising ang dalaga buhat ng masarap na pagkakatulog sa malambot na kama.
“Good morning!” sambit nito sa kawalan. Mag-isa lamang ang dalaga sa kanyang kwarto, dahil nag-iisang anak ito ngunit pinalaki siyang simple at magalang na anak.
Mabilis niyang pinindot ang switch ng kanyang ilaw, nagbabakasakali na makikita niyang magkaroon ng magandang liwanag ang kanyang kwarto.
Ngunit ang masaya at masigla nitong awra ay napalitan ng isang emosyon nagbibigay bigat sa karamihan. Pakiramdam na lumamon sa kanya simula ng dumating ang bagyo, ang kalungkutan.
“Wala pa rin. Mukhang magpapasko kami rito ng walang kuryente.”
Huminga na lamang siya nang malalim. Pumikit at nanalangin sa Poong Maykapal. Magkakaloob siya ng isang pasasalamat na sa kabila ng nangyari, heto ang kanyang pamilya sasalubong sa panibagong taon ng buhay nila.
Matapos ng ilang sandali, inayos niya na ang higaan niya at piniling magsaya kahit na ang buong lugar nila ay wala pa ring kuryente.
Kasalukuyan ng nasa baba ang dalaga, pinagmasdan niya ang kanilang malaking Christmas tree sa kanila sala. “Sayang, itong taon ang wala tayong magiging picture,” usisa ng dalaga habang nakamasid sa kanyang paligid.
Saktong dumaan ang kanyang ina na nakasuot ng black apron at may hawak na sandok.
“Ayos lang ‘yan nak, mahalaga kumpleto tayo ng papa mo. Maiba ako, maaga na pala tayo mag noche buena para kahit papaano hindi sobrang dilim.” Pahayag ng kanyang ina.
Napatango na lamang ang dalaga at inisip na tama ang sinabi ng kanyang ina. Dahil nanaiisin pa rin nila magsalo-salo kahit papaano.
Napatingin si Claudette sa orasan.
Ilang oras na lang pala, magpapasko na rin.
Ngiting pilit ang kumurba sa kanyang labi.
Lumapit ang kanyang ama at nagsabing, “Alam kong malungkot ang Pasko mo ngayon anak, pero para sa akin ito ang pinakamasaya sa lahat.” Napataas ng kilay ang dalaga.
“H-huh? Bakit naman po?” takang tanong niya.
“Simple lang anak, buo tayo at magkasama pa ngayong sasapit ang Pasko.” Masayang tugon ng kanyang Ama, kaya’t napangiti ang dalaga sa turan ng kanyang Ama.Isa pa ring biyaya ang makaligtas mula sa matinding bagyo.
“Sige na mag-asikaso ka na, para mamaya bago mag gabi makapaghanda na tayo.” Utos ng kanyang Ina.
Ilang oras pa ang lumipas, at umaasa ang dalaga na mababalik sa mismong araw ng Pasko ang kuryente sa kanilang barangay.
Kasalukuyan nag-aayos ang dalaga sa kanyang kwarto. Nakasuot ito ng simpleng pulang bestida na ang mga disenyo ay mga laso.
Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.
“Ang ganda ko!” Papuri ng dalaga sa sarili. Hanggang sa may naisip siya.
“Kung hindi pa man bumalik ang kuryente, maging payapa at masaya saglitan at munti naming pagsasalo.”
Maya maya pa ay bumababa na rin siya para tumulong sa kanyang Ina. The time is so fast. Para bang nagmamadali ng sumapit ang Pasko.
Her mom cooked their favorite food. Delicious spaghetti, biko, sinigang na hipon at ang shanghai na hindi dapat mawala sa hapagkainan.
“Wow! Ang dami naman, ma!” Manghang sabi ng dalaga habang pinagmamasdan ang mga pagkain nasa kanilang lamesa.
“Kaunti lang ‘yan anak, nagtitipid din kasi tayo, hindi na rin ako nakagawa ng dessert dahil wala tayong kuryente, baka masira lang,” malungkot na aniya ng kanyang ina habang naglalagay ng pinggan sa kanilang lamesa.
Lumapit si Claudette at niyakap ang kanyang ina.
“Okay lang ma, mahalaga sama-sama po tayo ni papa. Tsaka, madami pa rin naman ‘yan.” Ngumiti ng kay tamis ang dalaga.
“Salamat anak, sige na. Maupo na tayo at dumidilim na rin. Unahan na natin ang pagsapit ng Pasko.
Tumango ang dalaga at tinawag niya na ang kanyang ama sa kanilang sala.
Ngunit napahinto ang dalaga ng makita niya ang kanyang ama na may kausap na lalaki, batid niyang nakasama at nakausap niya na kailan lang.
“Sana po makadala kayo mamaya sa simpleng salo-salo ng ating barangay, Sir. Franco. I know our electricity isn’t okay and still under maintenance but don’t worry po, we have a source that we can use.”
“Talaga ba? Sige, pupunta kami Jake. Salamat sa pag-iimbita.”
Imbes na lumayo ako, hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa kanila.
Ngunit natuwa ang puso ko sa narinig ko.
Solar panel kaya ang gagamitin, nila?
“Hi po, sorry sa abala. Pa, kakain na raw tayo.” Nahihiya man akong umeksena ngunit heto na, kusa ng nagsalita ang labi ko.
Biglang napatingin sa akin si Jake. Nakangiti ito at kumaway. “Hi, Claud!”
Napatingin si papa sa kanya.
“Magkakilala kayo?”
“H-hindi po!” mabilis na pagdadahilan ko.
Ngunit biglang nagsalita si Jake. “Yes po, nitong isang araw lang nagkita at usap kami.”
Napalunok ang dalaga at bumulong sa isipan.
Bakit niya pa sinabi? Epal naman nito ni Jake!
“Oh I see. Nakita ko nga pala kayong naglilinis.Ang bilis mong makalimot, anak ha?” Biro at pang-aasar ng Ama sa dalaga.
“Oh siya, kumain ka na rin dito, Jake. Maaga kasi kami kakain para sa pagsalubong ng Pasko dahil wala pa rin kasing kuryente sa barangay natin.” Paliwanag ng ama ni Claudette ngunit nakangiti pa rin ang binata.
“Talaga ho? Kung okay lang po kay Claudette?” takang tanong ng binata na siyang ikinataas ng kilay ng dalaga.
“Huh? B-bakit a-ako?” utal na wika ng dalaga.
Biglang sumagot ang ama ni Claudette. “Oo naman papayag ‘yang anak ko.” Kumindat ang kanyang ama na tila alam na ang ibig sabihin.
“‘Di ba, anak?”
“Opo pa!” mabilis na wika ng dalaga.
Dumiretso na nga sila sa kusina at kumain nang sabay.
Masaya sila nagkwentuhan sa kabila ng kanilang sinapit. Sa kabila ng kanilang kalagayan, nagsalusalo sila kahit na ang nasa harapan nila ay isang malaking kandila na nagsisilbing liwanag sa kanilang hapag. Bukod dito, saktong apat ang kanilang upuan sa lamesa.
Mabilis na naglakad ang oras.Tumayo na ang binata at nagpaalam.
“Mag-ingat ka, iho. Salamat rin at nakisalo ka sa amin.”
“No worries po, tita. I am so glad to join. All of the foods prepared po ay masarap.” Ngumiti ito ng kay tamis at bahagyang tumingin kay Claudette.
“Thank you, Claud. I hope later you can join. Isama mo na sila tita at tito.”
Napalunok na lang ng laway ang dalaga at walang atubili na tumango. Tila umurong ang kanyang dila at walang salita ang kumawala sa bibig nito.
“Yes iho! Pupunta kami!” Sumingit ang ama ng dalaga na tila siya na ang sumagot sa imbitasyon ng binata.
“Asahan ko po! Anyway po, I have to go. Don’t worry later, you will enjoy din po.”
Tumungo na nga palabas ang binata, hinatid ito ng ama ng dalaga. Nakahinga nang maayos si Claudette at piniling mag-ayos na rin sa kanilang hapagkainan.
***
Dumating na ang oras, isang mahalagang okasyon ang ipinagdiriwang ng buong mundo, ang Pasko.
Napagdesisyunan ng pamilya ni Claudette na tumungo na sa mismong place kung saan gaganapin ang munting salusalo.
Nagdala sila ng pagkain na sumobra sa kanilang advanced Christmas dinner.
Kasalukuyan na silang naglalakad, dala-dala ni Mr. Salvador, ang ama ni Claudette ang flashlight. Samantala si Mrs. Salvador, ang ina ng dalaga ang isang bilao ng samu't saring pritong manok at mga hipon.
Hindi naman kalayuan ang kanilang pupuntahan, kaunting lakad lang ito mula sa kanilang bahay.
Sa ‘di kalayuan, rinig nila ang kakaibang awitin ng iilang tao na batid nilang kanilang mga kapitbahay. Hanggang sa nagliwanag ang kanilang mga mata, namangha ang dalaga sa nakita. Isang malaking Christmas tree ang bumungad sa kanila na taglay ang magandang pagkinang.
“Wow!Ang ganda!” manghang sabi ng dalaga.
“Hi po tita and tito. Welcome po!”Pagbati ng Jake na kasalukuyang nasa harapan nila. “Hi Cladette!” dagdag nito.
“Ginamit po talaga namin ni Daddy ang natitira naming solar, para sa ipagdiwang po nating lahat ang Pasko.”
“As in lahat ng tao rito sa barangay natin, nandito?” tanong ni Claudette.
“Oo! Masaya na marami tayo at higit sa lahat, mahirap naman kumain talaga at magsaya ng walang kuryente.”
Napangiti na lamang ang dalaga sa narinig at nakita niya. Sa isip nito, Iba rin talaga kapag may kaya at busilak ang puso.
Inalalayan ni Jake ang magulang ni Claudette na makisalo na sa kanilang mahabang lamesa. Nagkamayan at kwentuhan nila ang mga tao roon. Habang si Claudette ay nagmamasid lang sa paligid at nilalantakan ang ice cream sa gilid.
“Merry Christmas, Claudette!” nagulat ang dalaga sa lalaking nagsalita at bumati sa kanya, kaya napatigil siya sa pagkain ng ice cream at lumingon.
Napangiti ang dalaga at nagsalita. “Thank you, Jake.Thank you for having this kind of action. Hindi lang ako ang sumaya at nabuhayan ng pag-asa, lahat kami.”
“No worries, Claudette! I am glad that you are happy, too.”
“Tara, kumain na tayo sa loob.” paanyaya ng binata.
Pumasok na nga sila sa loob ng bahay ni Jake.
Kanya-kanyang pagpapakilala at nagsimula na rin ang mga kwentuhan at tawanan.
Habang ang dalaga na si Claudette ay nagmamasid sa kanyang paligid, kung saan mayroon siyang nagpagtanto. Kailanman ay hindi niya malilimutan.
Ang taong tumulong at nagbahagi ng liwanag sa buong barangay nila.
Ang taong, may malasakit at pagmamahal sa bawat isa.
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro