Sa Ngalan ng Pag-ibig
Sa Ngalan ng Pag-Ibig
Tila walang hiningang nakahiga ang dalaga dahil sa himbing nitong pagkakatulog, hinayaan naman ng lalaki ang nobya na magpahinga sa kanilang malambot na kama.
"Magpahinga ka lang Dianna, nandito lang ako palagi para sa'yo.Babantayan kita." Hinawi ng binata ang buhok ng dalaga at kinumutan ito. Tumabi na rin siya, bahagyang gumilid paharap sa dalaga at malayang pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang magiging kabiyak.
Ilang saglit pa ay ngumiti ang dalaga, hinawakan ang kamay ng kanyang nobyo at dahan-dahang dumilat.
"Nagising ba kita, mahal ko? Pasensya na," malungkot na saad ng binata sa babaeng kaharap nito.
"Hindi mahal. Okay lang, mahal na mahal kita. Mangako ka na anuman ang mangyari, habambuhay tayong magsasama." Nakadapa ang dalaga at sinagawa ang isang bagay na gawain ng mga bata kapag nangangako- ang Pinky Swear.
"Pangako mahal ko, hanggang sa magkapamilya tayo. Ikaw at ikaw lang. Hanggang kamatayan ang aking pagmamahal sa'yo." Matapos sabihin ng binata sa kanyang minamahal na si Dianna ay pinaunlakan niya ito ng matamis na halik sa labi at sinuklian din ang pinky swear na ginawa ng kanyang nobya.
Kasabay ng pagkidlat at pagbuhos ng malakas na ulan ay niyakap nila ang pangakong hanggang dulo at walang iwanan.
***
Si Reynaldo Velasquez ay isang matipuno, moreno at mapagmahal na nobyo ni Dianna Queen Cruz. Ang kanilang pagsasama ay malapit ng maging anim na taon na at nagbabalak na silang magpakasal sa lalong madaling panahon. Naging inspirasyon ni Renaldo ang lahat lalo na ang pangako at pag-ibig ng kanyang kasintahan kaya't lahat ay gagawin nito para ibigay ang kasiyahang nararapat para sa kanyang magiging kapareha.
Hindi pa sila nagsasama ni Dianna, dahil gusto niyang pakasalan muna ito para mapatunayan na totoo ang kanyang intensyon. Patutunayan nito na purong pagmamahal at katotohanan ang hatid ang dala niya.
Isang gabi, naglalakad pauwi si Renaldo at balak niyang dalawin si Dianna.
"Matutuwa iyon sa mga pasalubong ko. Libro, tsokolate at bulaklak."Ngumiti ang binata at inayos ang sarili.
Habang naglalakad ito papunta sa tinitirahan ng kanyang nobya, may napansin siyang kakaiba. Napansin niya ang ngiti at ang magandang boses ng dalaga sa ilang milya ang layo sa kanya. May kasama itong matangkad at maputing lalaki. Magkahawak kamay sila habang naglalakad.
Nakagat ng binata ang labi at pinipilit kumalma, ngunit nabitawan niya ang bulaklak at isang supot na hawak niya. Nang halikan sa labi ang babaeng pinakamamahal niya.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman halo halo pero nangingibabaw ang galit. Sinundan niya ang dalaga at binatang mukhang magkasintahan pero may mali, dahil kasintahan niya ang dalaga.
Nabaliwala ang regalo niya para sa dalaga, ang nais niyang malaman bakit siya niloko ng kanyang kasintahan. Kung bakit pinili niyang saktan ang damdamin nito na alam naman nila pareho na malapit na silang ikasal.
Sinubukan niyang puntahan ang kanyang sinisinta ngunit para siyang estatwa na hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan, at tila tinahi ang bibig dahil walang mabigkas na kahit ano o isang salita. At ang laman ng isipan niya ngayon, totoo ba ang lahat? Siya ba talaga ang nakita ko at may kasamang iba?
Wala sa katinuan, ngunit minabuti niyang umuwi na lang sa kanilang bahay.
Walang kabuhay-buhay na pumasok sa kwarto ang binata. Siya na lang mag-isa lalo na ang kanyang Ina ay mayroon ng ibang pamilya at ang tatay niya naman ay pumanaw ng bata pa lamang siya.
"P-paano at bakit niya nagawa iyon?"
Bumutonghininga siya, pilit na hinubad ang polo at pantalon. Mayamaya pa ay nakatanggap siya ng isang mensahe na mas nagpakabog sa dibdib niya.
Isang mensahe may halong kasinungalingan.
Love Dianna
Hi love! Sorry ngayon lang busy kasi sa work, nakauwi ka na ba? Pahinga na. Next week na tayo magkita may aasikasuhin pa ako. Lovelots!
Received 11:11 PM
Halos mabitawan niya ang hawak niyang cellphone dahil hindi naman ganito ang kanyang nobya, ngunit ngayon para bang may nagbago. Humiga na lamang ang binata tumingin sa taas ng kisame at namasa-masa ang kanyang pisngi.
"Ano ang gagawin ko? May problema ba na dapat ayusin o namalikmata lang ako?" bulong niya sa kanyang sarili.
Kinabukasan, mabigat ang pakiramdam ng binata. Ngunit minabuti niyang bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos. Daig niya pa ang uminom at may hangover dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman niya ngayon, pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ng puso niya.
Matapos ang mabilisang paghihilamos at pagtotoothbrush ng lalaki, napatingin siya sa kalendaryo at naalala niyang day off niya pala ngayon.
Imbes na dumiretso na siya sa ibaba para mag umagahan, cellphone agad ang tiningnan niya. Saktong alas otso na ngunit wala man lang mensahe mula sa babaeng pinakamamahal niya.Nadismaya ang lalaki, kaya't mabilis siyang nag-ayos upang puntahan ang kanyang nobya sa tahanan nito.
Hindi niya gusto ang mga nangyayari at iba rin ang pakiramdam niya ngayon. Ibang-iba simula ng makita niya ang nangyari kagabi at kahit ni isa wala man lang siyang nagawa. Ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.
Nakabihis na ang lalaki, simpleng black t-shirt at black pants lang ito na nakasuot ng simpleng puting tsinelas.
Hindi rin kalayuan ang bahay ng dalaga kaya naman kayang lakarin ng binata. Ramdam niya man ang iba't ibang klaseng emosyon ngayon, isa lang ang nais ng lalaki. Katotohanan at kasagutan sa nakita niya. Hindi na nakapag-ayos ang binata, lumabas na siya at gumamit na lang ng bike upang mapabilis sa pagpunta kay Dianna.
"Dianna, sana hindi totoo ang mga nakita ko. Sana mali ako, sana."
Nagdiretso lamang siya magmaneho, hanggang sa may kotse siyang naaninag sa may parking lot ng dalaga. Naninirahan pa rin kasi ang kanyang nobya sa magulang nito at nag-iisang anak lang din gaya niya, ngunit siya iniwan na kanyang Ina.
Sa pagliko niya, nakita niya ang lalaki na nakita niya kagabi. Nagdahan-dahan siyang magmaneho hanggang sa malapit na ito, nakita niya ang isang dalaga na nakangiti sa lalaki. Ang babaeng pupuntahan at kakausapin niya sana ngayon.
Bumababa siya at sandaling pinagmasdan ang dalawa na para bang magkasintahan.
Nangati ang kanyang kamao, ngunit pinili niya munang manahimik sandali, at biglang lumabas ang dalawa at gumilid siya.
"Ang aga mo naman kasi dumating Matthew, porket wala akong pasok ngayon," pangungusap ng dalaga. Nakatitig lamang si Reynaldo wa gilid ng poste.
"Namiss kita babe eh, mabuti naman hindi mo na pupuntahan 'yon."
"Sinabi ko sa kanya na next week kami magkita para magkasama tayo, Matthew."
Halos mabiyak ang puso ng binata na hinang-hina kanina at nagtitimpi, ngunit mabilis siyang lumabas at hinarap sila. Wala siyang sinabi na kahit ano, kundi binungad niya sa lalaki ang matinding galit gamit ang kamao.
"Mang-aagaw ka! Dahil sa'yo niloloko ako ni Dianna!"
"Wala kang alam, bro. Wala!"
"R-Reynaldo," usisa ng dalaga at nanlaki ang kanyang mga mata ng makaharap ang lalaking galit na galit ngayon.
"Ito pala ang dahilan kaya ka busy, kaya naman pala. Bagay kayo! Bagay na bagay!"
"Let me explain love, kaibigan ko lang siya." pagdadahilan ni Dianna at gumawa ng mga senyales gamit ang mga mata sa lalaking nasa kanan nito.
"Hindi mo na ako maloloko! Mahal kita Dianne, mahal na mahal alam mo 'yan. Pero ang sakit marinig at malaman at lalong makita na may iba ka." Unti-unting bumagsak ang luha ni Reynaldo, para bang binuhusan ito ng tubig dahil sunod-sunod ang pagbagsak nito sa kanyang pisngi.
"Matthew,leave now! Mag-uusap kami." utos ni Dianna sa lalaking nakahawak sa ilong niyang dumudugo na.
Sumunod naman ang lalaki, hindi na rin siya pinansin ni Reynaldo, pakiramdam ng binata na durog na durog ngayon ay nakaganti siya kahit papaano.
"Paano mo nagawa sa akin 'to, paano at bakit?"
Hinila siya ng babae sa loob at dinala sa kanilang hardin.
Ngunit mabilis na bumitaw ang lalaki. "Alam ba nila tita at tito ang ginagawa mo?"
"We're already engaged, Reynaldo. Kaya please, huwag kang maingay at hindi ka pwede makita nila Mommy at Daddy."
"Huh?"
"Sorry, alam nila kaibigan lang kita. Hindi nila alam na magpapakasal ako sa taong mahal ko. Pero alam ni Matthew 'to. Pagpapanggap lang naman lahat, aayusin din namin 'to." Hinawakan niya ang kamay ng binata ngunit bumitaw ito.
"Wala akong maintindihan. Kaya pala bawal ako makita at tumagal dito, ang tagal na natin, Dianne. Pero bakit hindi mo sinabi?"
"Natakot ako, hindi ko alam ang gagawin kaya tinago ko sa'yo." Tumulo ang basang likido sa magkabilaang mata ng dalaga habang ang lalaki naman ay tila namanhid at natulala.
Pilit na lumapit ang dalaga at hinawakan ang kamay ng binata.
"Mahal kita Reynaldo, pero sana maintindihan mo ako. Sana huwag kang bumitaw," maluha-luhang turan ng dalaga.
"Nagawa ko lang 'yon dahil kailangan, dahil para masalba ang business namin. Pero parehas kami ni Matthew na may ibang mahal. Sumunod lang talaga kami.Kung nakita mo ang paghalik niya sa akin, plano lang namin magpakita ng sweetness sa pamilya ko. Iyon lang, wala ng ibang dahilan pa." dagdag na sabi ng babae.
Mabuti na lang wala ang magulang ng babae, dahil kung hindi, malalaman nila na plano lang ang lahat na may iba siyang mahal. Hinawakan ng babae ang kamay ng lalaki, ngunit kumalas ito.
"Sana sinabi mo, kung mahal mo talaga ako Dianna, magsasabi ka ng totoo kahit na mahirap."
"Maniwala ka man, o hindi sinubukan ko naman pero patawad natakot ako na baka kapag sinabi ko maghiwalay tayo." malungkot na sagot ng babae.
"Mahal kita, mahal na mahal Dianna. Ikaw lang ang mayroon ako kaya kahit mabigat sa akin na ganito ang set-up, okay lang basta ako ang mahal mo. Ako lang."
Niyakap ng dalaga ang lalaki. "Ikaw lang ang mahal ko, Reynaldo. Maraming salamat! Aayusin lang namin."
Mabilis na humiwalay ang dalaga ng biglang narinig niya ang pamilyar na boses.
"Dianna, nasaan ka?" dumating na ang kanyang Ina at hinahanap siya. Nasa likuran sila ng kanilang bahay kaya't naging alerto agad ang dalaga ng marinig ito.
"Nandito na sila, dito ka muna, mahal. Babalikan kita agad." Humalik sa pisngi ang dalaga at wala naman nagawa ang lalaki kundi sumang-ayon at maghintay rito.
Napaupo ang dalaga sa lupa, at bumulong sa sarili.
"Sana tama ang pagsugal, sana tama ang magmahal nang sobra. Sana tama rin ang desisyon ko."
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro