Pag-ibig ni Renso
Pag-ibig ni Renso
Ang problema ay hindi nawawala. Ang sakit sa lahat ng bagay ay nariyan kahit nasaan ka man. Hindi rin makakaalis kung sa nakaraan, hinahayaan ang sarili na manatili. Higit sa lahat, kahit anong gawin nasusubok at masusubok sa larangan ng pag-ibig.
Masarap isipin ang salitang pagmamahal, pero sa kabila nito may iba’t ibang klase rin ang dulot nito—sarap sa bawat bahagi at pighati sa mga alaala na parte na ng nakaraan. Pilit man tinutuldukan ngunit patuloy sinasariwa at inuungkat.
Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang mga sumasayaw na halaman at bulaklak sa aking harapan. Ang maingay na tunog ng kalsada. Nagniningning ang mga mata ko ngunit kalaunan ay binawi rin ito ng makita kong blangko pa rin ang laman ng aking messenger.
“Ano ba kasing problema niya? Kainis naman oh! Siya na nga itong mali ganyan pa siya umasta sa akin.” Hindi ko mapigilan ang sarili ko maglakad sa kawalan at damhin ang bigat ng kalawakan. Hindi naman kasi aabot sa ganito kung talagang naniniwala siya sa mga sinasabi ko.
Hindi naman kasi ito patungkol sa past ko. Patungkol na iyon sa amin, pero ang mga paratang niya ay palagi niya akong kinukulong sa nakaraan. Palagi niya akong dinadala sa dilim na minsan ko ng nilayuan at winala ang susi sa malayong lugar upang hindi na mabuksan pa.
Nakakapagod na. Nakakapanghina na.
Tila para akong matamlay na gulay na humarap sa aking laptop.Kailangan ko ng magtrabaho pero ang isip kong naglalakbay na naman at ang kaliwang talukap ng mata ko ay bumibigat na.
“Kalma self, kalma ka.” Pilit kong pinapagaan ang bawat paghinga ko. Pilit ko rin nilalabanan ang mga bulong sa isipan ko Tama na. Unawain mo na lang. Hayaan mo na lang.
Ngunit kahit anong gawin ko, nararamdaman ko ang kirot at kung ano-anong agam-agam. Ganito nga siguro ang pag-ibig masaya at mahirap dahil masasaktan o makakasamit.
Kinuha ko ang cellphone ko pero wala akong nakita kahit anong mensahe na naligaw mula sa kanya. Hanggang kailan ba kami ganito? Palagi na lang ba na ganito? Nakagat ko ang ibabang labi ko at naramdaman kong bumigat ang balikat ko. Napabutong-hininga at napadaan sa gallery ng cellphone ko.
“Kailan kaya mararanasan ang saya namin? Kailan kaya mauulit na anuman ang pagtalunan ay pipiliin namin maging mapagkumbaba at hanapin ang isa’t isa. Mauulit pa nga ba?” Para akong sira na kinakausap ang aking sarili. Tinabi ko na lamang ang cellphone ko at binali ang sarili ko sa aking mini library. Iba’t iba ang klase na librong doon at higit sa lahat makakaramdam ka ng kapayapaan.
Kumuha ako ng isang romance book, nagbabakasakali na magiging magaan ang pakiramdam ko. Mababawasan man lang ang mga iniisip at sakit sa puso ko.
Sa unang buklat pa lang, patama agad ng awtor ang bumungad sa akin.
Hindi ito saya lang, masakit din kaya maghanda ka.
Pero may kakaibang isip agad na po pumasok sa utak ko na para bang may iba pang ibig sabihin. Pumikit ako at pilit binura sa aking isipan bago tuluyang magkaroon ng susunod na inahinasyon.
“Focus Lyna! Focus.”
At sa aking pagbuklat ng unang kabanata ay may nakaipit pa lang papel na may sulat kamay.
“Ano ‘to?”
Nagulat ako sa nakita ko. Hindi man kahabaan ang mga nakasulat pero kilala ko na ang gumawa no’n. Siya yung taong lagi man nagpapasama ng loob ko ay dahilan din ng mga ngiti ko.
Hindi lang iyon basta sulat kundi isang tula.
Napangiti ako sa pamagat nito, Pulang Rosas.
Nakasulat man sa malalaking letra ang mga iyon, iba pa rin ang dating. Hindi lang kasi basta tula iyon. Kundi isang sulat na mula sa taong mahalaga sa buhay ko— sa puso ko.
Ngunit hindi ko pa man tapos ang basahin ang sulat niya. Kumawala agad ang puso ko at tumibok ito nang kay bilis.
Pabilis nang po pabilis ang tibok nito lalo na ng makita ko ang salitang paalam. Hindi ko alam kung negatibo ba ito o positibo ngunit nanginig ang magkabilaang kamay ko ng basahin ko na.
Pulang Rosas
Hindi ko alam paano ko sisimulan
Pero hayaan mo akong isulat ang aking nararamdaman.
Miss na kita, miss ko na ang dating tayo.
Hindi naman tayo nawala pero alam kong nagbago ako.
Hindi mo man sabihin pero nakikita at naipaparamdam mo;
Kaya mo pa ba? Kaya pa ba natin?
Pasensiya na hindi ko magawang harapin ka.
Mas pinili kong isuksok ang salita ko sa bawat pahina.
Hindi dahil ayokong makita ang malamlam mong mata, kundi ayokong mangatwiran o sabihin mong tama na.
Ito ang naging paraan ko para sabihin kong paalam.
Paalam sa sakit na dinulot ko,
Pero hindi ko sinabing aalis ako buhay mo.
Dahil nais kong malaman mong mahalaga ka at
Mas lalo kitang minamahal sinta.
Hanggang dito muna,
pero walang bibitaw.
-Renso
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, halo halo na para bang mas nangingibabaw ang kasabikan na makita siya. Magkita kaya kami? Napangiti ako sa naisip ko at nang ibalik ko ang pirasong papel sa unang papel ay may nakasulat sa likod ng libro.
Alam kong gusto mo itong libro, kahapon ko pala ‘yan binili at pinasuyo ko sa kapatid mo na ilagay ‘yan sa mini library mo.
Pakiramdam ko nalutang ako sa alapaap, ako pa rin pala ang iniisip niya kahit na sa ganitong punto na may hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa.
Pinagmasdan ko ang libro, ito nga ang gusto ko. Ito na rin ang regalong hindi ko inaasahan mula sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro