Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Melody Voice

Melody Voice

Lahat tayo ay may angking galing, may tinatagong talento at higit sa lahat may hinahangaan na tao. Pero, para kay Louisiana malabong magkatotoo ang gusto niyang mangyari. Ngunit determinado siyang makapasok sa Singing Club. Hindi dahil para masanay at maging mahusay na mang-aawit. Kundi, makita at mas makilala pa si John, ang idolo niya sa larangan ng pagkanta.

Si Louisiana Fuentes ay kasalukuyang nag-aaral sa private senior high school, nagkaroon siya ng pagkakataon dahil na rin sa voucher na natanggap nila mula sa pamahalaan. Wala siyang sinayang na pagkakataon at oras, dahil para sa kanya minsan lang ito at gusto niyang makakilala ng bagong kaibigan, bagong karanasan at mas matuto pa. 

Siya ay matangkad, morena, mahaba ang buhok at mabait na dalaga. Ngunit ang kanyang mga mata ay akala mo tatapusin ka ng buhay, ngunit wala itong kapangyarihan sadyang matanglawin lamang  at nagpapasindak sa mga tumitingin sa kanya nang matagal.

Isang araw, lumabas ang dalaga at sa kabilang banda ay may narinig siyang kumakanta, hindi siya nagkamali sa naisip niya at nakita niya si John sa labas ng kanilang classroom na may hawak na gitara at kumakanta. Section A si John, samantalang si Louisiana naman ay Section B. Gumilid ang dalaga at pinagmasdan at pinakinggan niyang umawit ang binata. 

“Ang galing niya talaga kumanta, ang gwapo pa!” Bulong sa sarili at gumilid ang dalaga upang hindi siya makita ng binata. 

“Hoy bestie, tinitingala mo na naman si John! Ikaw ha!” asar ng matalik niyang kaibigan na si Dianna. Classmate niya ito at alam rin ng kabigan niya na gusto niya si John. 

Mabilis na lumapit ang dalaga sa kaibigan at tinakpan ang bibig nito. “Ang ingay mo! Shh ka lang!” 

Humarap ito sa kaibigan at inalis ang kamay sa bibig nito. 

“Kasali ka na sa singing club 'diba? Kumusta naman? E ‘di Happy ka na palagi niyan, makakasama mo crush mo eh.”

“Alam mo bes, napakadaldal mo. Bukas ko pa malalaman ang resulta, dahil bukas din mismo audition at isa siya sa magju-judge.”

“Wow! Kaya naman pala, ano’ng sinisilip mo?” 

“Wala bestie, pasok ka na sa loob.”

“Sige bestie, mamaya nandito na si Ma’am Casper, kaya tama na kakasulyap mo riyan!” 

“Oo na bes!” 

Pumasok na nga ang kaibigan niya, ngunit sumilip muna ulit ang dalaga at nakita niyang nagbabasa naman ang binata. Nasa dulo kasi ito kaya madaling matanaw. 

Napangiti ang dalaga at kalaunan pumasok na sa loob ng kanilang classroom. Makikita niya nang malapitan ang binata mamaya, dahil mag a-audition siya. 

Pitong taong gulang pa lang noon si Louisiana at lahat ng mahawakan niya ay ginagawa niyang mic, at kahit nasaan man siya mapadpad hilig niya ang pagkanta kahit mali na ang lyrics. Kaya’t hindi kataka-taka na ito ang nais niyang sanayin at paghusayin. Masayahin at palakaibigan ang dalaga, ngunit sa pagdating ng kanyang tamang edad, siya ay nasubok sa damdamin na wala siyang kasiguraduhan kung totoo ba o paghanga lamang. 

After ng klase ang oras ng audition para sa singing club, kaya heto si Louisiana sandaling nag eensayo sa gilid habang inaayos ang kanyang sarili. Sakto naman na ang last subject nila ay wala ang kanilang guri dahil sa emergency, kaya puro sulat lang ang ginagawa nila ngayon. 

“Bes, ready ka na ba mamaya?” tanong ng kaibigan nito habang nakatingin sa pisara at sinusulat sa kwaderno nito ang sinulat ng kanilang sekretarya. 

Magkatabi lamang sila, kaya hindi sila nahihirapan mag-usap. 

“Oo naman bes! Nandito si alamuna!” Ngumiti pa ito na para bang nasa kanya na agad ang korona. 

“Oo bes alam ko! Halatang pinaghandaan mo na eh, buti na lang wala si Sir. Franco, kasi kung nandito ‘yon, nako wala kang praktis,” matawa-tawa sabi ng kanyang kaibigan. 

“Baliw ‘to! Bago ako magdesisyon na sumali sa singing club, handa naman na ako. Saka ‘wag kang maingay mamaya may makarinig na natutuwa ka pa na absent si sir. Lagot ka talaga!” pang-aasar ni Louisiana sa kaibigan. 

“Tapusin na natin ang pagsusulat, baka mamaya magcheck bukas si sir wala tayong gawa,” wika ng dalaga sa kaibigan. 

“Sige bes, galingan mo mamaya!” Ngumiti ito at nagsulat na nga silang dalawa. 

****

K

asalukuyan na nga nasa likod ng stage si Louisiana kasama ang kaibigan. Naghihintay ang dalaga na siya na ang tawagin para kumanta. 

“Focus ka lang bes mamaya, focus sa kanta h’wag sa kanya!” paalala ng kanyang kaibigan para hindi ito madistract at makapagpresenta nang maayos. 

“Oo bes, focus sa kanya!” 

“Ang harot bes!” 

Hanggang sa tinawag na ang pangalan niya. 

“For next candidate, let’s called Louisiana Fuentes from Section B.” Nagpalakpakan ang lahat at lumabas na rin ang dalaga. 

Bumungad sa kanya ang maraming tao, bumilis ang tibok ng puso niya ngunit tila may kakaibang liwanag sa gitna ng makita niya si John, ang crush nito. 

Nagsimula ng patugtugin ang napili niyang musika. Pero ito ay mixed dahil ang kantang inihanda niya ay siya mismo ang gumawa. 

Nasa gitna na ang dalaga at sisimulan nang umawit, ngunit dahil sa kaba nanginginig ito. 

Kaya mo ‘to self. Paalala niya sa sarili niya. Ngumiti pa ang lalaking hinahangaan niya at alam niyang nakatingin ito sa kanya. 

Nilakasan niya ang loob niya, hinawakan nang mahigpit ang mic, inisip niya na para kay crush at sinimulan niya ng kantahin ang stanza 1.

Ikaw ay nakita 🎶

Nakilala sa ‘di inaasahan na panahon, oh, oh

Bakit ba ang ngiti mo’y kakaiba? 

Para bang nakakatunaw kapag ika’y kasama. 🎵

Dinamdam ng dalaga ang pagkanta, ramdam niya pa rin ang bilis ng tibok ng puso niya. Ngunit hindi siya nagpatinag, inisip niya na ang lalaking nasa harapan niya ang inspirasyon niya kaya kailangan niyang mapabilang sa singing club na ito. 

At nang kantahin niya ang chorus, sumasabay na rin ang mga taong nanonood sa kanya. 

Ikaw ay natatangi. 🎵

Nais kang makilala pa. 

Malaman iyong pag-uugali, sinta. 

Sapagkat, payapa ako sa’yong presensiya. 

Oh, oh, oh, ikaw na nga ang hanap ko… 🎵

Sa puntong ito, nadagdagan pa ang lyrics pero pinakita niya na kasama ito. At ramdam niya naman na seryoso at natutuwa ang mga judges sa kinakanta niya. Hanggang sa matapos niya ang kanta, tinutok niya talaga at inalay ang kanta para kay John. Nakangiti naman ito sa kanya at sa huling pagkanta niya may nabuo siya na hindi niya inaasahan. 

Sana’y ikaw at ako ay magtapo🎵

At walang sasayangin kung magkataon🎶

Natapos na ang pagkanta ng dalaga at nagpalakpakan na ang lahat. Nakahinga rin siya nang maayos dahil sa pamamagitan ng pagkanta, nasabi niya rin ang nararamdaman niya sa taong malabong magkagusto sa kanya. 

Bago siya tuluyang bumababa sa stage, laking gulat niya ng magsalita ang lalaking nasa gitna. 

“Ang ganda ng kanta mo, gawa mo?” tanong nito na siyang ikinagulat ng dalaga.

“Opo, ako mismo ang sumulat ng lyrics,”matapang na tugon ng dalaga. 

“Wow! Congratulations!” Ngumiti ang lalaking judge sa kanya. Bumati rin ang dalawang babae na judge sa kanya. Ngumuti at nagpasalamat ang dalaga at umaasang pasado siya. 

“Thank you po!” masayang tugon ng dalaga. 

Natapos ang araw niya at masaya ang dalaga dahil kahit papaano ay naikanta niya ito nang maayos. Iniisip niya na lang din na matalo man siya, mahalaga nagawa niya ang gusto niya— ang pangarap niya. 

Bumababa na nga si Louisiana at nakita niya ang bestie niya na si Bea na sinalubong siya ng matamis na ngiti. 

“Grabe bes, ang galing mo talaga! For me, winner ka na!” 

“Salamat bes, kinabahan pa nga ako no’n,” pagpapaliwanag ng dalaga. 

“Seryoso ka? Feel na feel mo nga, tara na treat kita dali! Punta tayo sa malapit na store.” yaya ng kanyang matalik na kaibigan. 

“Tara!” 

Lumabas na nga ang dalawa para kumain sa malapit na food store sa kanila at kinabukasan pa naman malalaman ang mismong resulta. 

***

Kinabukasan, masiglang pumasok si Louisiana dahil malalanan niya na ang resulta mamayang break time nila. Maaga rin siyang pumasok na para bang sabik na sabik matuto. 

Nakaupo na ang dalaga at inaayos ang gamit sa kanyang desk, ng may kumatok sa pinto. Wala pang ang iba niyang classmate. 

Tumayo ang dalaga, at tiningnan ito. Ngunit nakagat niya ang labi niya ng makita kung sino ito. 

“Nandito ba si Louisiana Fuentes?” 

Napalunok ang dalaga at tinaas ang kamay. 

“N-andito p-po a-ako,” utal na sabi ng dalaga at dahan-dahan na lumapit sa lalaking gusto niya. 

“Oh hi, magkatabi lang pala tayo ng classroom. I am glad to say na pasok ka, sorry it’s too early pero kailangan kita mamaya.”

“K-kailangan mo ako?” takang pag-uulit ng dalaga. 

“Yes, I need you later at gusto-gusto kong marinig ulit yung gawa mo.”

Hindi alam ni Louisiana ang dapat maramdaman dahil nagustuhan ng crush niya ang gawa niyang kanta. 

“Sige John, salamat!”

“No worries, see you. Sunduin nalang kita dito mamaya after break time of ayos lang sayo?” 

Hindi alam ng dalaga ang gagawin ng biglang dumating ang bestfriend niyang si Bea. 

“Yes, pupunta siya mamaya! Ako nga pala si Bea, bestie niya. Ang galing niya ‘diba?” 

Napakamot ulo na lang si John at mabilis na hinila ang kamay ng kanyang bestfriend. 

“Sige, see you. Salamat, John. Sige pasok na kami, bye!” 

Mabilis na pumasok ang dalaga at pati ang kanyang bestfriend na hawak niya pa rin ang kaliwang kamay.

“Kahit kailan talaga bes, pala desisyon ka. H’wag kang maingay, mahalaga pasok ako!” 

Bumitaw na ang kaibigan niya habang nakasimangot. “Sakit ha? Higpit ng hawak mo. Sorry na, talaga mo sumagot kasi buti nga ako na sumagot para sayo, so thank me later.”

Tinaasan lang ng kilay ang kanyang kaibigan at saktong dumating na rin ang teacher nila. 

Nagklase na nga sila, at lumipas ang apat na oras bago pumatak ang breaktime ng dalaga. 

Pasado alas diyes ng umaga at nagbell na senyales na breaktime nila. 

Masiglang nagligpit ang dalaga dahil gusto niyang mauna sa labas bago siya sunduin dahil nahihiya naman siya na tawagin pa siya nito. 

“Nagmamadali ah?” asar ng kaibigan niya na nasa harapan habang nakangisi. 

“Bes naman, shh ka lang. Sige na chikahin kita after break.” 

“Ingat bes!” Ngumiti si Louisiana sa kaibigan at lumabas ng pinto. 

Ngunit hindi niya inasahan ang nakita niya. 

“Mamaya kausapin natin siya, at sabihin natin gagamitin natin sa mini concert ang ginawa niyang kanta.”

Napako sa kinatatayuan ang dalaga, kinagat ang ibabang labi niya dahil sa kanyang narinig.

Huminga muna siya nang malalim, hinayaan muna niya umalis ang babaeng kausap ni John. Ilang saglit ay umalis na ito at nakita agad siya ng binata. 

“Nandiyan ka na pala, tara doon tayo sa canteen.”

Ngumiti lang ang dalaga, nagpatay malisya siya at inisip niya na baka hindi naman ganoon si John. 

Nasa canteen na nga sila, nadaan nila ang maraming estudyante. Maingat at masikip na daan at iba’t ibang klase ng amoy sa paligid dahil bukod sa pagkain, may mga amoy na halo halo. 

“Louisiana, pwede bang makita mamaya yung lyrics na gawa mo?” tanong ni John habang nakapila sila sa bilihan ng footlong. 

“Pwede naman,”mabilis niyang sagot. 

“Dalawang footlong po ate, ito po bayad oh.” Binigay ni John ang pera sa ale at inabot sa kanya ang footlong. 

“Ako na bibili ng maiinom natin.” presenta ni Louisiana sa binatang katabi nito. 

“Sige lang, doon na tayo maupo sa may bakante.”

Hindi mapigilan ni Louisiana na mapangiti nang kaunti, dahil hindi niya inaasahan na makakasama niya ang crush niya sa ganitong sitwasyon. Binaliwala niya na lang din ang narinig kanina, dahil para sa kanya mahalaga naman ay makasama at makita palagi si John. 

Nakaupo na nga ang dalawa, habang kumakain sila sinimulan na ni John magsalita. 

“Sorry if ngayong breaktime kita kinausap, may gig kasi kami bukas iimbitahan sana kita.” Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga sa narinig, dahil parang ang bilis ng pangyayari. 

“Ito pala ang ticket, isama mo na rin yung kaibigan mo.Hingiin ko na rin number mo para matext kita.” Halos mapipi ang dalaga dahil nambibigla ang crush niya. 

Pilit naman nilakasan ng dalaga ang kanyang kalooban kahit na pakiramdam niya anumang oras ay magiging kamatis siya. 

Inabot na nga sa kanya ang cellphone ni John, gamit nito ay iphone 11. Tinipa niya na ang numero at ngumiti. 

“Salamat pala rito, asahan mo pupunta kami ni bestie.”

“Aasahan ko ‘yan!” masayang sambit ng binata sa dalaga. 

Hanggang sa tumunog na ang bell, pero sabay naman din silang naglakad papunta sa kanilang mga classroom. 

Nakarating na sila sa kanilang classroom at nagpaalam na, nakaabang naman ang bestie nito habang nakangiti sa kanya. 

“Te, ano na? Grabe ngiti ha, teka ano ‘yang hawak mo? Omg! Ticket ba ‘yan?” Tumili ang kaibigan nito ngunit mabilis naman tinakpan ni Louisiana dahil mamaya sino pang makarinig sa ingay nito. 

“Kalma ka bes, kalma. Oo tig-isa tayo rito, grabe kinilig talaga ako kanina. Para kaming nag date sa canteen.” Tinaasan naman siya ng kilay na para bang sinasabi nito ng itigil niya na ang kahibangan. 

“Akin na nga ‘yan, mamaya mo na i-chika ang ganap ninyo ni papsi.” Naupo na sila dahil saktong dumating na ang teacher nila, 30 minutes lang kasi ang breaktime nila. 

Natapos ang buong araw at hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa nangyari kanina kasama ang crush nito. Ngunit ng dumaan siya sa singing club, para tingnan ang listahan ng pumasa, nadismaya siya. Wala roon ang pangalan niya. 

Hanggang sa dumaan ang crush niya ang nagkita sila. 

“Hi Louisiana, sorry kinulang pala ang grado mo. Hindi ako nainform na hindi ka pasado.” 

“Hi John, okay lang. Hindi naman ako umasa.” Pilit pinipigilan ng dalaga ang mga basang likido na malapit ng bumagsak. 

Lumapit naman ang crush niya at sinabing, “Basta tuloy ka lang, malayo ang mararating mo.” Nagkaroon ng lakas ng loob ang dalaga dahil natalo man siya sa singing contest, nanalo naman siya sa puso nito, pumasa ang boses at  liriko nito sa kanyang crush. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro