Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Huling El Bimbo

Kay sarap at gandang balikan ang mga alaala noong mga bata pa tayo. Pagtapos ng klase, didiretso tayo sa bahay ninyo upang maglaro at turuan ako. Sayaw rito, sayaw roon. Uuwing basang-basa ng pawis ngunit hindi iyon alintana dahil masaya ako kapag kasama ka. May kung anong kuryente ang aking nararamdaman sa tuwing mahahawakan ko ang iyong mga palad at sa tuwing mahahaplos ko ang makikinis mong braso. Kumusta ka na kaya aking paraluman, sana makita at makasama kitang muli.

Isang umaga, may nakapagbalita sa akin kung saan kita matatagpuan. Kung saan ka nagtratrabaho at doon ko rin nalaman na hiwalay ka pala sa asawa mo. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngunit isa lang ang aking alam, eksayted na akong makita at makasama ka.

Noong gabing iyon, naisipan kitang puntahan ngunit ako ay nabigo na makita ka.

Kinabukasan, nagulantang na lamang ako sa isang balita tungkol sa iyo. Ikaw pala ay pinatay sa isang iskinita at walang habas at awang sinagasaan dahil sa ikaw ay nanlaban.

Ngayon, nandirito ako sa isang silid at ipinagdarasal ang iyong katahimikan. Sana ay mapatawad mo ako. Sumuko ako ng kusa sa pulisya upang pagbayaran sa loob ng bilangguan ang nagawa ko sa iyong kasalanan.

Wakas

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro