Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Panlaban sa Nakaraan

Ang Panlaban sa Nakaraan

Mula araw hanggang gabi akong nag-iisip ng magandang ideya para sa aking sulatin. Dahil alam kong malaking bagay ang nilalaman nito pagdating ng panahon.

Ako si Jose Manalo Alonso, ang pagsusulat ang naging libangan ko upang ipahayag ang totoong saloobin ko. Sumulat ng mga pangyayari patungkol sa aking bayan na alam kong dito ay may kalayaan.

Bumutonghininga ako at napatitig sa aking papel, mahaba na rin ang nasulat ko at tanging hiling ko; sana bago ang wakas nito ay makamit namin ang kalayaan na matagal ng pinagkait sa amin.

Hindi ko makayanan na maraming naaapi, naalisputa sa sarili kong bayan dahil sa mga dayuhang sumakop sa amin.

“Anak, kumain ka na. Mamaya na ‘yan.” Tawag sa akin ni Ina. Sa totoo lang mapalad kami dahil kahit papaano ay marangya ang buhay namin. Pero, kahit na ganito nais kong gawin ang makatao, makalikasan at makabayan.

Pang-apat ako sa magkakapatid, ang huling anak ng aking mga magulang. Kailanman din hindi sila nagkulang sa aming pangangailangan, pero dahil sa lakaran at kahirapan dumadanas din kami ng unos.

Kasalukuyan na nga kaming kumakain sa hapag, kumpleto kami rito kasama ang aming Ama na si Juan Alonso. Kahit na kita na sa kanya ang katandaan, malakas pa rin at malaki ang hubog ng kanyang katawan.

“Mag-aral ka nang mabuti, Jose. Dahil ang tanging mapapamana namin sa iyo ay ang Edukasyon. Tularan mo ang mga ate at kuya mo na nakapagtapos sa kolehiyo.” Parangal ng aming Ama. Tumango naman ako “Opo naman Ama, magtatapos ako at bibigyan kayo ng karangalan.”

Ngumiti na lamang ang aming Ama at nagpatuloy na kaming kumain. Ilang saglit pa ay natapos na rin. Nagpresenta na rin ako na maghugas upang makapagpahinga ang aming Ina.

“Sige anak, ikaw na ang bahala at magpapahinga na ako,” wika nito. “Sige ma pahinga na kayo.” dagdag na sabi ng aking Ina. Nilagay sa ko na sa lababo ang mga hugasin hanggang sa may biglang pagputok dahilan upang may isang plato akong nabasag.

“Yuko!” utos ni Ama sa aming lahat. Sumunod naman kami, walang oras ang putukan ng baril sa aming labasan. Ang mga mananakop ay walang pinipiling pagkakataon o estado, kaya’t kapag bandang hapon ay saradong-sarado na kami. 

Habang nakayuko kaming lahat, taimtim akong nanalangin na sana ay walang masaktan sa amin kahit sino man.

Sunod-sunod pa rin ang putukan na para bang walang katapusan. Rinig na rinig ko rin ang hiyawan, tawanan at mga hagulgol ng mga batang nadamay at inosenteng nagmamakaawa.

Napalunok ako sa mga masamang iniisip ko, makatapos ang isang oras na gano’n ang mga naririnig namin. Kumalma na at dahan-dahan akong tumayo upang linisin ang sahig dahil sa bubog.

Lahat na rin ng tao sa ibaba ay pumasok na rin sa kanilang kwarto. Tatlong palapag ang tahanan namin at talagang selyado ito upang anuman ang mga mangyari sa labas ay walang masaktan sa amin. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko dahil nais kong isulat agad ang mga naiisip ko. Walang may alam na marunong akong kumatha ng mga salita. Dahil kung sakaling malaman nila, hindi ako alam kung tutol sila o susuportahan nila ako.

Sa ngayon, ito ang paraan ko upang ipahayag ang lahat ay sa pamamagitan ng pagsulat.

***

Isang gabi habang abala ang lahat, kasalukuyan akong nasa aking silid. Kumakatha muli at pilit hinahabi ang damdamin hanggang maging magandang talata.

Maya maya pa ay may kumatok. Mabilis kong isinarado ang kwaderno na pinagsusulatan ko.

“A-anak…”

Lumingon ako at ang aking Ina pala.

“Batid ko ang pinagkakaabalahan mo. Huwag kang mangamba, hindi ako tutol dyan. Pero pakaingatan mo lahat. Dahil sa ating sitwasyon, pagiging suwail at kasuklam-suklam iyan sa kataasan kapag nalaman nila.”

Ang kaninang magaan ay tila bumigat. Halo-halo na rin itong nararamdaman ko dahil tunay ang mga sinasabi ng aking Ina.

“Alam ko naman po iyan Ina, hindi nawawaglit sa aking isipan at puso na kailangan kong itago ito. Pero masaya po ako na susuportahan ninyo ako sa aking ginagawa— sa aking kakayahan.” Ngumiti ako nang buong inam, dahil masarap pa rin sa pakiramdam na alam ng aking Ina ang kagustuhan ko. Alam kong sa panahon namin, malabo itong matanggap  dahil ang mga nilalaman ay patungkol sa aking bayan, sa kasamaan ng mga nasa katungkulan at ang kakulangan na ginawa ng may kapangyarihan.

“Sige na anak, tapusin mo na ‘yan at magpahinga ka na rin. Pero tandaan mo ito, hindi ko masasabi na ang Ama mo ay pabor sa ginagawa mo. Ngunit ako, kung saan ka masaya naroon ako.”Ngumiti siya nang kay tamis at pinaunlakan ako ng halik sa noo.

“Salamat Ina,“ malambing kong winika.

Naglakad na ito palabas ng aking kwarto. At tinuon ang aking sarili sa lamesa. Hinawakan kong mabuti ang panulat at sumilay sa akin ang matamis na ngiti sa labi. Hindi ko man maipaliwanag pero isa itong dahilan para makapagpursige ako, higit sa lahat madagdagan ang aking inspirasyon.

Bumalik ako sa pagsusulat. Ngayon, iisa lang ang motibo ng isip at puso ko. Matapos ko itong mga sulatin.

Lumipas pa ang ilang araw, maraming pagbabago ang nangyari at ang kawalan ng kalayaan ay inaalis na rin. Ngunit sa aming tahanan, payapa pero limitado ang pagkakataon na makapagsulat dahil natatakot akong malaman ito ni Ama.

Wala pa siyang alam sa aking pagsusulat. Maingat ako palagi. Lihim ang lahat pwera sa nalalaman ni Ina. Dahil kahit may kaya, kailangan pa rin kumayod. Kailangan magpatuloy kahit nakakapanlumo itong mga pangyayari sa amin, sa aming bayan.

Putukan na naman ang nangyayari sa labas. Nandito na naman kami at nagkukulong. Mabuti na lamang walang nagtatangkang pumasok sa aming tahanan.

“Anuman ang mangyari, hindi kayo lalabas. Dito lamang kayo, kaya’t ikaw Jose tumigil ka muna sa’yong pagtatatrabaho. Mamalagi ka muna rito.” Paalala ni Ama sa amin. Tila napablangko ako ng saglit, ngunit ilang minuto ay sunagot din.

“Opo pa, pero paano ang ating mga pangangailangan?”tanong ko.

Hindi nakasagot si Ama. Batid ko napapaisip siya, dahil sa ngayon ako lang ang nagtatrabaho sa amin.

“Basta ako ng bahala, mahalaga ang kaligtasan mo Jose. Kaya huwag ka munang aalis sa pamamahay na ‘to.” maawtoridad na sambit ni Ama.

Tumango na lamang ako at umalis na siya. Pinili ko na lamang ang dumiretso sa kwarto at ang Ina naman ay nagtungo sa kusina upang maghanap ng mailuluto. Habang ang dalawa kong kapatid minabuting dumiretso sa kanilang kwarto.

Binigyan pansin ko na lamang ang aking kwaderno at panulat. Doon inihain ko muli ang aking sarili. Nilayag ko ang bawat ako, kung saan maibubuhos ko lahat ng mga alahanin at nararamdaman ko.

Nagsimula na akong sumulat.

Para sa aking bayan,

O munti kong piling tahanan, nawa’y kayong nasa mabuting kalagayan. Subalit, batid ko ang takot at kalabisan ng inyong pag-aalala. Hanggang kailan ba tayo magiging alipin ng mga taong mananakop sa atin? Lahat ng ating nakagawian ay limitado, ngiti sa labi na rin ay unti-unting nabubura. Walang pagbabago, walang katapusan. Palaging dehado ang ating mga kapwa. Nakakapanlumo. Subalit, nawa’y huwag tayong maubusan ng pag-asa, piliin natin mabuhay at gawin ang dapat. Manalig lamang tayo sa itaas, at ipaglaban ang ating karapatan. Hiling ko rin na maaabot natin ang nawalang saya at kulay sa ating bayan. Sa ngayon, magtiis at gampanan pa rin natin ang kailangan. Kaya natin ito, laban lang!

-Nagmamahal
Jose

Nang matapos ko itong isulat, tinago ko na ito sa ilalim ng aking lamesa at humiga sa aking kama. Sumilip ako sandali sa aming labas.

“Matiwasay, maganda. Sana magbalik din ang lahat sa dati na walang ganitong kawalan at pahirap sa aming buhay.”

Huminga ako nang malalim. Batid ko na kinabukasan ay panibagong laban na naman.

Humiga na ako ulit, tumingin sa itaas at sinabing, “Hindi ako mapapagod magsulat, anuman ang mangyari. Ilalaban ko ito.”

WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro