Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Bakunawa sa Mansyon


Sandaling napalinga-linga, hinahanap ang katahimikan ngunit tila mapaglaro ang tadhana. At muling  iritable na naman sa aking  nasisilayan, wala sa sarili na tinapon ang mga pagkaing nasa harapan ko.

"Ano ba ang sabi ko sa inyo? Bakit ganito ang lasa ha! Hindi ba kayo makaunawa na ayoko ng ganitong klase ng putahe! Masyadong mapait!" Alisin!" sigaw ko sa aking mga utusan.

"Akala mo hindi mapait ang ugali," bulong ng isang babae na akala niya hindi ko narinig.

"Ano Belinda, may sinasabi ka?" mataray kong turan.

"W-wala po mahal na Sentanya. Uulitin na lang po namin," pagpapaliwanag nito.

Tinaasan ko na lamang ito ng kilay at tumayo  kaysa tuluyang mainis. Simpleng pagluluto na lang hindi pa nila maisagawa ng tama. Palagi na lamang mga palpak.

Lumabas na lamang ako ng bahay at pilit dinama ang sariwang hangin, sana nga sariwa pa itong nalalanghap ko.

At habang nagmumuni-muni, may napansin ako hindi ka-aya-aya sa'king paralumang hardin. "Sino ka!" sigaw ko rito dahil ako ay nasa taas samantala ang isang ginoo naman ay nasa ibaba at kumukuha ng mapupula kong mansanas.

Imbes na mangusap ito at magpaliwanag ay ngumiti lamang ito at kumaway pa.
Sa sobrang inis ko, halos magbuga na naman ako ng mainit na apoy sa lakas ng aking pagkakasigaw. "B-belindaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko sa'king utusan.

"BAKIT NAPAKATAGAL MO HA? ABA! BUMABABA KA 'RON, PAGKATAPOS PAALISIN MO YUNG LALAKI NA IYON!" Sabay turo ko sa ginoong kumuha ng mga paborito kong prutas—ang mansanas.

Tila ako'y nagkimi  dahil sa galit ko ngayong araw. Hindi na maipinta ang aking itsura. Bukod doon,   higit pa sa kulay ng dugo ang kabuoan ko dahil sa mga pasaway kong mga katulong at sa magnanakaw na lalaking iyon.

Dali-dali namang bumaba ang utusan kong si Belinda, pinagmasdan ko ang ginawa niya. Mabuti naman at sumunod agad ang lalaking iyon at umalis na rin.

Pinakalma ko na lamang ang aking sarili sapagkat ayokong humimlay nang maaga.  Kaya't huminga muna ako nang malalim.

Ilang sandali pa ay nawala na rin naman ang inis at galit ko. Masasayang ang ganda kung palagi na lamang akong ganito, pero ayoko lang talaga na mga hangal sa trabaho at higit sa lahat mangmang sa mga pinapagawa ko.

Nagdaan pa ang mga araw at tila nagiging bakunawa ako sa sarili kong mansyon, pawang mga inutil dahil sa kapalpakan, makukupad pa ang kanilang mga kilos. Pinatawag ko na lamang sila para magkaroon ng sandaling pagtitipon.

Ilang saglit pa ay dumating naman ang lahat. Inayos ko ang sarili at humarap sa kanila. "Alam kong kailangan ninyo itong trabaho, kaya sana ayusin ninyo palagi ang mga responsibilidad ninyo! Araw-araw na lang ba dapat kayong pumalpak o baka  hindi kayo interesado? Pasalamat nga kayo ganito lang ako,  hindi ako masamang amo sa inyo! Ayoko nang magalit pa ha? Kaya sana ayusin ninyo talaga ang mga serbisyo ninyo sa akin!" malakas kong winika at kasabay din 'non ay pinabalik ko na rin sila sa kanilang mga trabaho.

Ako na lang naman ang mag isa sa buhay, simula ng pumanaw si Mama at Papa lahat ng kayamanan at mga negosyo sa akin ay naipamana. Dahil mag-isa lang naman akong anak nila. Kaya madalas mainit ang aking ulo,  dahil sanay akong perpekto ang lahat ng bagay. Hindi ko hinahayaan na may  masayang akong oras o magkamali sa mga desisyon at aksyon ko.

Isang gabi, matiwasay akong natutulog sa malambot kong higaan. Hanggang sa....
May isang lalaki ang pilit na lumalapit sa akin, madumi ang kabuoan nito at tila taon nang hindi naliligo. At ang amoy nito ay nakakabaliw na tila hindi mo maunawaan.

"A-ate—" pinutol ko kaagad at tumakbo ako palayo.
Nang biglang.....

"Good morning, Ma'am Sentanya!" magiliw na bati ng aking mga katulong.
Panaginip lang pala lahat, nakahinga rin ako nang maayos dahil hindi ko talaga kayang makakita ng ganoong tao. Pinilit ko na lamang burahin sa aking alaala na tila bangungot para sa akin.

Hindi na ako nakatugon pa sa mga utusan ko, dahil umalis din naman ang mga ito. Iniwan na lamang ang mga pagkain sa'king harapan.

Nagdaan muli ang isang buong araw at nakakapagod. Pinili ko na lamang ang magpahinga,  hanggang sa......

"Waaaaaah! Tulungan ninyo ko! T-tulong....." nanginginig na sambit ko hanggang may isang madungis na lalaki. Gwapo naman ito ngunit madumi nga lang siya.

Tumalikod ito at niyakap ako nang mahigpit, napapikit na lamang ako at napasigaw nang napakalakas.

"Ma'am ayos lang po kayo? takang tanong ni Belinda.

Napaupo ako at napatango sa kaniya subalit may bahid ng pagkapawis dahil masamang panaginip.

Iniligtas ako ng lalaking iyon mula sa halimaw. Ang lalaking pulubi na labis kong sinusungitan. Kaya't napagtanto ko na magbago, maging kalmado at tumulong sa kapwa.

Simula 'non, palagi na akong payapang nakakatulog,  malakas man kung ako'y umalulong ngunit hudyat lamang ito ng kaseryosuhan sa aking trabaho.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro