10.10
10.10
(Online become a reality)
I was broken and every piece of me is useless. I am still creating fate pieces to drop all the hurt memories in my mind. Until this coming Monday, I decided to be part of an online writing contest wherein I will be handling one of the categories. I want to take away my struggles for a moment and surround myself with positivity and enjoyment.
On the next day, the writing competition was started. Many of my co-writers registered and choosing their desire category and medium.I enjoy every moment because I will become busy.
Finally, I can forget him. I can finally focus on the better things.
Until our foundress chatted me.
Her: Hi Belia. Your task is to be a handler of Pagsulat ng Tula (Filipino Medium).
Me: Sure! My pleasure how many participant, founder?
Her: Thank you! I think we can go with 30-50 participant for all category and medium that we have.
Me: I see. This is noted, I will check my account later maybe there are lot participant and also I will
create a group chat.
Her: Go ahead. I need to talk to our judges and layout artist for now.
After chatting with her, I do my task and take note of all of the writers that registered in my category Pagsulat ng Tula. This is not my first time since I have already done this for about 3 years. As our online writing competition begins, I meet many writers who are interested in their choses category. I got 45/50 participants, almost in the target.
When the announcement was posted, I announced it to the group chat. They have three days to write their masterpiece while I am still moving on from my hurtful relationship.
I take a deep breath. Hiniling ko sana matapos na, na sana hindi na rin mangulit ang ex-boyfriend ko. Hindi ko lang talaga maintindihan, pumayag naman na siya pero nagpaparamdam pa rin at nangungulit. Pero pinili kong manahimik at baliwalain siya hanggang sa mapagod na lang siya nang kusa.
Kasalukuyan akong nagpapahinga sa aking kwarto, when I received a random message. I open that chat head at napataas ng kilay. Sino naman ’to? Familiar yung pangalan niya. Napaisip tuloy ako at hindi ko namalayan ang sarili ko na napunta na pala ako sa View Profile.
Hindi ko pa siya nireplyan at may kasunod agad siyang reply.
Him: Kasali ako sa Pagsulat ng Tula. Ikaw yung handler ’non, sorry pala naistorbo yata kita.
Hanggang sa naalala ko na nga na kasali nga pala siya sa listahan ko. Kaya I open his chat head and reply to him.
Me: Yes! Kilala na kita, I mean kasali ka pala sa Pagsulat ng Tula. Hindi ka naman istorbo, hindi ko lang agad napansin dahil wala naman tayong recent conversation. Hello pala.
Doon nagsimula ang usapan naming dalawa. Malakas ang sense of humor niya at nabanggit niya na isa rin siyang writer. Hindi ko namamalayan na napapangiti ako sa korny niyang banat.
Enough self. Napahinto ako sa pag-ty-type at in-off ang cellphone ko.
“Ano ba Belia! What are you doing? Are you stupid? Oh hinahayaan mo na naman mahulog sa taong hindi mo kilala. May lamat pa ang puso mo, may gumugulo pa sa isipan mo. Move on muna!“ Para akong ewan na kinakausap ang sarili ko.
Nagsalita muli ako sa hangin. “Hindi ko naman siya agad papasukin sa buhay ko. I just want to heal with the process naman. Hindi ko mamadaliin. Hindi pa ako handa, hindi pa ako magmamahal.“
Huminga muna ako nang malalim. Pinili na mahiga sa kama at bahagya akong napatingin sa kisame. Do I get attracted to him already? Gusto ko lang naman maaliw at nang makakausap.
Isang malalim na buntong-hininga ulit at marahan kong pinikit ang mga mata ko.
****
Sunod-sunod na akong nakatanggap ng mga piyesa nila. May iilan na binasa ko pero dahil marami-rami sila. Pinili ko na lang pagsamahin at ilipat sa word.doc para kapag kumpleto na ay ipasa ko sa mga judges.
Isang linggo rin kasi ang nakalaan na panahon para husgahan ang kanilang mga ginawang tula. Mukhang mahihirapan nga sila dahil lahat sila ay magagaling talaga. Ngunit nakakalungkot isipin na hindi lahat ay nakapagpasa. Mukhang 34 lang ang tumuloy mula sa 45/50 participants.
Bukod dito ay madalas na rin siyang magparamdam— si Leo. Hindi ko alam kung anong trip niya pero kakaiba na ang palagi niyang pagpaparamdam. Lagi tuloy buhay at makulay ang messenger ko dahil sa ginagawa niya.
What does he need from me?
Hinayaan ko na lang siya at sinabayan ang tama niya, bawat tanong ay naging totoo lang din ako sa mga sagot sa kanya. Pero hindi detalyado, sakto lang para maingat at walang sakitan na mangyayari.
Hanggang sa matapos husgahan ang piyesa nila, wala pa rin nagbabago. Palagi siyang nangangamusta at may oras na kausapin ako.
Wala ba siyang ibang alam na gawin kundi kulitin ako? Wala ba siyang ginagawa na iba?
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, magulo at halo halo. Lamang ang pagkainis ko, pero aminin ko na kakaiba siya sa lahat ng kausap ko. Kahit na hindi ko pa siya nakikita personal, mukha naman siyang mabait. Sana totoo.
Lumipas ang ilang araw at natapos din ang online writing competition. Nagkaroon na rin ako ng pinagkakaabalahan— trabaho, pero mas napapapadalas na ang usapan naming dalawa.
Hanggang sa umabot na ito ng ilang buwan at napansin ko na lamang na gumagaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman kasi siya mahirap kausapin, matured siya sa lahat ng bagay at higit sa lahat family oriented.
Isang gabi, nag-usap kaming dalawa sa messenger pero chat lang naman.
Siya: Kumusta ka na? Sorry hindi ako masyadong makapag-chat mahina signal dito sa amin eh.
Ako: Okay lang ako, salamat sa pagtatanong. Okay lang naman, hindi mo naman kailangan gawin na maya't maya ako i-chat eh, naiintindihan ko na mahirap sumagip ng signal diyan.
Habang hinihintay ko ang reply niya, pumwesto na ako sa kama at nahiga para makapagpahinga. Rest day ko ngayon at ayokong magpakapagod sa kung anumang bagay, tutal tapos na rin akong magsulat ng novel ko kaninang umaga. Nakapag update na rin.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang reply niya.
Siya: Belia, may gusto akong aminin sayo at sana huwag kang magalit.
Matapos kong mabasa iyon, bumilis ang tibok ng puso ko parang may mga kabayong nagtatakbuhan sa loob nito. Mas lalo itong bumilis ng dugtungan niya ang reply niya.
Siya: Gusto kita este mahal na nga kita. Pwede ba akong manligaw?
Sa puntong ito, halo halong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko na rin magalaw ang kamay ko para tumipa. This is not normal, is he crazy?
Hindi niya naman ako nakikita at nakakasama para sabihin niya na mahal niya na ako. Halos apat na buwan na rin ang lumipas. Pero konektado pa rin kami sa isa't isa— nag-uusap palagi.
Ilang minuto ang pinalampas ko bago tumipa. I gain a deep breath and relax my mind. I think wisely before I press the send button.
Ako: Ang bilis naman yata. By the way, sorry late reply, hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon. Pero alam mo naman na hindi pa ako totally naghihilom, sa totoo lang hindi pa talaga ako handa magmahal. Sorry, Leo sana maintindihan mo ako. Ayoko rin ligawan lang ako rito sa chat, personal din dapat pero hindi pa ngayon. ’Wag na muna ngayon.
Huminga ako nang malalim at tsaka pinindot ang send button. Alam kong tama ang mga sinabi ko at naging totoo lang ako sa kanya. Alam niya naman ang mga pinagdaanan ko dahil madalas kaming nagkakausap.
Ilang segundo ang lumipas at nagreply siya agad.
Siya: Alam ko na sasabihin mo ’yan, hindi naman ako nagmamadali at handa kitang hintayin kahit na matagal ka. Handa ako maghintay para sayo at sa matamis mong OO.
Napalunok ako kahit wala namang laway na nabuo sa bibig ko. Ano ba ’tong pinagsasabi niya?
Kahit na maayos na pahinga sana ang hangad ko, pinili kong replyan siya para alam niya talaga ang mga chat niya sa akin ngayon.
Ako: Seryoso ka man o hindi, basta hindi ako handa. Ayokong pumasok sa relasyon na hindi ako buo. Alam mo ’yan at ayoko na may sisihan na mangyari.
Siya: Naiintindihan naman kita. Hindi ako nagmamadali, at sa susunod na linggo luluwas na kami ng Maynila. Maghahanap na ako ng trabaho at magkikita tayo kung pwede ka.
Ako: Sige, sabi mo eh. Basta Leo nagsabi na ako sayo. Aalamin ko muna yung schedule ko. By the way I need to rest now, may pasok pa ako bukas. Thank you sa time.
Hindi ko na hinintay ang magiging reply niya, pinili kong itabi ang cellphone ko at magpahinga.
Nagdaan ang ilang araw at nakaluwas na nga sila ng Maynila. Sa Pasay sila tumira at sabi niya sa MOA ang lugar kung saan kami magkikita. Sabado iyon at sakto na wala akong pasok. Pero napapaisip ako kung pupunta ba ako o hindi.
Lord give me sign kung will mo magkikita talaga kami.
I always ask God every time I don’t know what to do. Hindi naman kasi madali magdesisyon at ayoko naman maging mali na naman ang hakbang ko.
Until Saturday came, a sudden situation happened. I need to go to MOA for some reason. Malapit kasi roon ang kukunin kong papeles for my requirements for my work.
I also inform him ewan ba, parang deep inside of me I want to know him more. Hindi para maging boyfriend agad, kundi gusto kong maging mas malapit muna kami bilang magkaibigan.
I get my phone inside of my bag and chat with him.
Ako: See you later. I will be there by the seaside at 1 P.M.
Itatabi ko na sana ang cellphone ko ng mag reply siya agad. Ang bilis ha!
Siya: Hi Belia! Sure, see you if mapaaga ka kain muna tayo. Maaga kasi akong makakapunta riyan.
Hindi na ako nakapag reply pa, I prepare and keep my mind that I need to be careful as well.Lumipas ang ilang oras at nagkita na nga kami. He is a tall and dark guy. Hindi naman sobrang itim, sakto lang. Siguro nga dahil babad siya sa araw dahil sa trabaho niya.
“Hi!” Bati niya at kumaway naman ako. Wala akong nararamdaman na hiya kundi para bang kaming matagal na magkaibigan na hindi nagkita ng ilang taon.
“Ang tagal mo bang naghintay? Sorry medyo traffic kasi eh,” paliwanag ko kahit hindi naman siya nagtatanong.
“Hindi naman, ayos lang. Halos ilang minuto lang naman ang hinintay ko. Maupo ka muna.“ Pagyaya nito at tinuro ang left side niya kung saan doon niya ako pinapaupo. Umupo naman ako, nagsimula kaming magkwentuhan at napansin ko ang maganda niyang ngiti kapag natatawa siya.
Bakit ang pogi niya? Ang ganda rin ng talukap ng mga mata niya.
Sumabay pa ang magandang simoy ng hangin at ang mataas na tirik ng araw.
“Gusto mo bang kumain muna tayo? Mainit na rin tumambay rito. Mamayang hapon na lang tayo bumalik,” tanong nito.
“Sure! Sa Mcdo na lang tayo kumain kung ayos lang sayo,” yaya ko rito dahil isa talaga ito sa paborito kong fast food.
“Oo naman! Ayos lang sa akin kahit saan.” Naglakad na nga kami at hinanap ang Mcdo para kumain.
Pagkatapos kumain, nag-ikot-ikot muna kami kung saan-saan. Nakakapagod pero sulit naman dahil makuwento siyang tao. Kahit lalaki siya, ang daldal niya. Hindi ako sigurado kung sa akin lang ba siya ganito o sa lahat.
Buong maghapon kami nag-ikot, tumambay at nagkuwentuhan. Ito na ba yung sign na baka pwede akong sumubok?
Habang naglalakad kami dahil para umuwi na, naging tahimik ako. Gabi na rin kasi at ayokong umuwi ng late dahil baka abutan kami ng matinding traffic.
“Ayos ka lang?” Ang tahimik mo kasi o napagod ka?“ Nasa kanan ko ito habang nagsasalita.
“Pagod lang ako, salamat pala sa libre,“ wika ko at ngumiti ako sa kanya hanggang makarating kami sa sakayan.
Magkaiba ang ruta namin, siya ay papuntang Pasay samantala ako, papuntang Sucat ang sasakyan.
Tumigil na kami ng marating ang mismong sasakyan ko at nagsalita siya. “Salamat, Belia sa pagpunta mo at kahit hindi mo sabihin alam ko naman. Wala ’yon, ako rin naman ang nagyaya.Pahinga ka mamaya pagdating sa inyo.”
“Salamat din Leo, sakay na ako ha? Chat na lang kita.”
Ngumiti lang ako at umandar na rin ang sinasakyan ko. Kumaway na rin ako bilang pagpapaalam sa kanya. Habang tuluyan kaming nagkakalayo, nakita ko sa mukha niya ang saya at panghihinayang. Saya na makita at makasama ako at panghihinayang dahil hanggang dito na lang talaga ang pwedeng mangyari sa amin.
Hindi man ngayon Leo pero sa susunod na pagkikita natin buo at handa na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro