OSS#7: Unknown Caller
OSS#7: Unknown Caller
3rd Person POV
Si Sandy ay isang napaka-famous na dalaga sa kaniyang pinapasukan na paaralan dahil sa taglay nitong kakabibang ganada. Sa unang tingin pa lang ay mapapanganga ka talaga. Bagama't sikat ay hindi ito ang nagiging dahilan upang magkaroon siya ng maraming kaibigan. Napakabait niya kung kaya't mas lalo siyang nagustuhan ng nakakararami. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakakarami na may tinatago pala itong mapait na sikreto.
Isa sa mga matatalik na kaibigan ni Sandy ay si Rachel na mas kilala bilang "Nerd" sa paaralan sapagkat ang atensiyon lamang nito ay nakabaling sa mga libro. Hindi gaanong kaganda ang anyo niya kung kaya't palagi siyang nabubulas ngunit si Sandy naman ang siyang nagliligtas sa kaniya sa mga mapanglait na mga estudyante. Silang dalawa ang tunay na depenisyon ng pagiging magkasalungat. "Beauty meets the Brainy."
"Rachel, tara sa canteen. Let's eat," sabi ni Sandy.
"Eh alam mo namang hindi ako mahilig pumunta sa canteen kasi alam mo na ang dahilan," Nagdadalawang-isip na sambit ni Rachel.
"Ano ka ba be, hello? Kasama mo 'ko so don't worry." Bored na sambit ni Sandy habang nililigpit ang kaniyang gamit.
"Eh k-kasi eh. Baka ma—" Hindi na natapos ni Rachel ang kaniyang sasabihin dahil sumabat agad si Sandy.
"No buts, let's go." Nakangiting sabi ni Sandy.
Hindi na nakapalag pa si Rachel sa sinabi ng kaniyang kaibigan at nagpakawala na lamang ng isang malalim at mahabang buntong hininga. Inilagay ni Rachel ang mga librong kaniyang binabasa sa kaniyang bag.
"Dali, gutom na ako be." Medyo annoyed na pagkakasabi ni Sandy.
"Okay t-tara." Nanginginig na sabi ni Rachel.
Napangiti naman nang palihim si Sandy nang tuluyan ng tumayo si Rachel. Sila na ay naglakad papunta sa canteen ng paaralan.
***
Pagkarating nila sa canteen ay agad na pumili si Sandy ng puwesto nila.
"Doon tayo." Nakangusong pagturo ni Sandy sa isang table na nakapuwesto sa pinakagilid na parte ng canteen.
Hindi gaanong karami ang mga estudyanteng nasa canteen ngayon dahil hindi pa naman recess time; nauna lang silang kumain.
"Bakit doon? Ando'n sila F-farrah at ang kaniyang mga kasama malapit sa sinasabi mong p-puwesto." Nauutal at takot na sambit ni Rachel.
"Don't worry, kasama mo naman ako be," sabi ni Sandy.
Agad silang naglakad papunta sa puwesto malapit sa kina-uupuang lugar nina Farrah.
Si Sandy na ang nagpresintang kumuha ng order ng snack nilang dalawa. Naiwan namang mag-isa si Rachel sa puwesto nila.
"Look who's here girls. The one and only, Rachel the nerd." Pagmamalditang sambit ni Farrah.
Tumayo ang tatlong babae at lumipat sa may puwesto nila Rachel. Hinampas ni Farrah ng dalawa niyang kamay ang lamesa na naging dahilan ng pagkabigla ni Rachel.
"A-ano kailangan niyo sa a-akin?" Na-uutal na tanong ni Rachel. Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ni Farrah dahil sa takot na nararamdaman niya.
"Nothing, gusto lang namin maglaro nang kakaunti," Nakabikit-balikat at mataray na sambit ni Farrah. "Okay girls, go."
Sa utos na iyon ni Farrah ay agad na nilapitan ng dalawang kasama ni Farrah si Rachel at hinawakan ang dalawa niyang kamay upang hindi ito makagalaw. Isa sa mga babae ay tinakpan ang bibig ni Rachel upang hindi siya makapagsisigaw.
"Now, pineapple juice for you bitch." Agad na dinampot ni Farrah ang tirang juice sa katabi niyang lamesa at ibinuhos ang lahat ng ito sa pagmukukha ni Rachel.
Basang-basa at nangangamoy na ngayon si Rachel ng pinaligong pineapple juice sa kaniya ni Farrah. Napukaw ng atensiyon nila ang mga estudyante na nasa canteen. May iilang mga estudyanteng naglabas ng kani-kanilang mga cellphone upang kuhanan ng footage ang nagaganap sa canteen.
Hindi pa nakontento si Farrah sa kaniyang ginawa kung kaya't dinampot niya ang natirang spaghetti na kinakain nila kanina mula sa lamesa nila.
"This serves you right bitch," she said. Agad na inihagis ni Farrah kay Rachel ang paper plate na naglalaman ng tirang spaghetti.
Agad na kumalat ang spaghetti sa uniporme ni Rachel na ngayon ay pulang-pula na. Nakaramdam na rin ng pagkalagkit si Rachel dahil sa mga pagkaing ibinato sa kaniya ni Farrah.
Hindi naman magkamayaw sa pagtawa sina Farrah at ang kaniyang mga kaibigan dahil sa kaawa-awang istura ngayon ni Rachel.
Nang dumating na si Sandy galing sa counter dahil siya ang nag-order ng kanilang snacks ay agad siyang dumiretso sa kinaroroonan ni Rachel.
"What is going on?!" Nanggagalaiting sambit ni Sandy at itinulak ang dalawang babaeng nakahawak sa magkabilang braso ni Rachel.
"Ah, S-sandy, we're just h-having fun." Nanginginig at gulat na sambit ni Farrah. Binigyan ni Sandy si Farrah ng isang napakamasamang titig na para bang papatayin na niya ito sa galit.
"Get out!" Malakas na sigaw ni Sandy na agad namang sinunod ng tatlong babae. Para silang tuta na pinagalitan at pinapaalis ng amo nila.
Nang mawala na sa paningin ni Sandy sina Farrah ay agad niyang inalalayan si Rachel sa pagtanggal ng mga butil ng spaghetti na natirang nakadikit sa uniporme ni Rachel.
"Nakaka-inis 'yong mga babaneg iyon!" sabi ni Sandy. "Okay ka lang ba be?"
"Do you think I'm fine?!" Inis na sambit ni Rachel na siyang ikinagulat ni Sandy dahil hindi pa niya ito nakitang magalit kahit isang beses lamang.
"U-uh s-sorry." she pleaded and is about to touch Rachel's shoulder to comfort her but Rachel stopped her from doing it.
"Sa susunod na mag-aaya kang pumunta dito sa canteen, huwag ako," mangiyak-ngiyak na sambit ni Rachel. "Can't you see kung ano ang pinaggagawa nila sa akin? At hindi mo man lang ako tinulungan dahil nakatitig ka kang kanina mula sa counter."
Hindi na napigilang maluha ni Rachel sa nasapit niyang pambubulas. Nang matapos magpagpag ni Rachel sa kaniyang uniporme ay niligpit na niya ang kaniyang mga gamit.
"Sorry Rachel," sambit ni Sandy.
Batid ni Rachel na hindi iyon sincere na paghihingi ng tawad. Ilang beses na rin siyang nabulas at wala man lang nagawa si Sandy para sa kaniya upang matigil na ang pambubulas nina Farrah sa kaniya.
Pinagtitinginan na si Rachel ng mga estudyanteng nasa canteen kung kaya't nakaramdam siya ng hiya at naisipanh umalis na sa canteen na hindi kasama si Sandy.
"Rachel! Be!" Sigaw ni Sandy ngunit hindi na siya pinansin pa ni Rachel at tuluyan na siyang iniwanang mag-isa sa canteen.
Namuo naman ang nakakatindig-balahibo na ngiti sa mga labi ni Sandy.
Rachel's POV
Agad akong tumakbo papunta sa comfort room.
Pagkarating ko sa cr ay agad akong dumiretso sa isang stall. Bumuhos na ang lahat ng luha ko dahil sa lungkot na nadarama ko. Kailan ko pa maiiwasan ang lahat ng mga ito?
Sa paggitan ng pag-iiyak ko ay tumunog ang ringtone ng aking cellphone. I immediately pulled out the cellphone from my pocket at tinignan kung sino ang tumatawag.
Unknown Number
Sino ba naman ngayon ang tatawag sa akin? Kung kailan mag-isa ako saka pa sisingit itong tumatawag. Gusto ko lang naman mapag-isa.
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko at ni-relax ko ang aking sarili upang hindi na ako ulit maiyak.
I picked up the call.
"H-hello?" I said. Hindi ito sumagot kaya't nagsalita ako muli. "H-hello? Sino 'to?"
"Hello Rachel, gusto mo bang gumanti?" pagtatanong nito sa kabilang linya. It's voice is distorted kung kaya't hindi ko mawari kung babae ba ang nagsasalita o lalaki.
"W-what are you t-talking about?" Nanginginig na sambit ko.
"Come on, don't play around. I know how much grudge you have in there for Farrah and her friends right?" the caller said at bahagya pang napatawa.
"H-how did you know? At a-ano ba p-point mo?" I asked.
A small amount of silence occured before the caller spoke up again.
"I can kill them for you if you want," the caller said.
Agad akong kinabahan sa kaniyang sinambit at biglang tumayo ang mga balahibo ko. Oo galit ako sa kanila pero hindi ko naman naisip na ipapatay sila.
"W-what? K-kill them?" Nanginginig na sambit ko.
"Yes, but in return you need to kill someone too," sambit ng caller.
"What?! W-why do I need to kill somebody at s-sino naman iyon?" I asked. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko.
"Your friend, Sandy." The caller said at napatawa naman siya nang malakas na para bang nasasapian na.
"What the heck! A-are you crazy? I'll call the police!" I panickly said. Ibababa ko na sana ang linya nang may sinabi siya.
"Do it or else somebody will die today," the caller said. Agad na tumahimik sa kabilang linya at unti-unti akong nakarinig ng pagsisisigaw.
I recognized who is shouting for help.
"Mom! Fuck! What did you do to her? Sino ka ba?! I'll really call the police!" I shouted. I need to get the police! My mom is in danger right now! I'm about to lose my mind!
"Subukan mo kung hindi malalagutan ng hininga itong mama mo!" the caller said. Rinig na rinig ko sa kabilang linya ang pagsisisigaw ni mama ng tulong.
Napatabon ako ng aking bibig dahil sa nangyayari. How did they got my mom?! Anong kasalanan niya?!
"Don't! I'll do it!" Hindi ko na napigilang mapa-oo sa utos ng caller. I couldn't afford to lose my mom!
"Good, kill her now!" Utos ng caller sa akin.
Kahit na labag man sa aking isipan at loob ay kailangan ko itong gawin para sa mailigtas ang aking mama.
3rd Person POV
Agad na ibinaba ni Rachel ang linya at lumabas na sa stall na pinasukan niya. Naisip niyang may dala-dala pala siyang swiss knife sa kaniyang bag dahil ito ay ipinabaon ng kaniyang mga magulang kung saka-sakaling may nangyaring masama sa kaniya. Ito'y kaniyang kinuha mula sa bag.
Sinendan niya ng text message si Sandy na papuntahin siya sa cr dahil kailangan ni Rachel ng tulong niya. Nagtago na si Sandy sa isang stall upang hintayin na makarating si Sandy. Maiging naghintay si Rachel kay Sandy.
Ilang minuto pa ang nagdaan at nakarinig na siya ng mga hakbang na paparating sa cr. Inihanda niya ang kaniyang swiff knife.
"Sorry Sandy," sabi ni Rachel sa kaniyang utak.
Nang saktong pagpasok ni Sandy sa cr ay agad na lumabas si Rachel mula sa stall at nagpakita kay Sandy.
"Be ayos ka la—" Hindi na natapos ni Sandy ang kaniyang sasabihin nang tumakbo papalapit sa kaniya si Rachel dala-dala ang swiss knife. Agad na sinaksak ni Rachel sa dibdib si Sandy. Ibinaon niya pa ang pagkakasaksak at tsaka hinugot ito mula sa katawa ni Sandy. Biglang bumuhos ang dugong galing sa katawan ni Sandy. Nanghina ang katawan nito at bumagsak sa sahig.
"S-sorry S-sandy." Nanginginig na sambit ni Rachel. Bakas sa kaniyang uniporme ang mga dugo. Hanggang ngayon ay nanginginig pa ang mga kamay ni Rachel sa nagawa niya.
Nanginginig na kinuha ni Rachel ang kaniyang cellphone at tinawagan ang unknown caller.
"T-tapos n-na," Rachel said while shaking. Malakas na tumawa ang caller nang sinabi iyon ni Rachel.
"Idiot, thanks for doing my work silly. Now, let's kill your mother," sabi ng killer at tumawa pa ng napakalakas.
"W-why?" Rachel said. Hindi sumagot ang caller bagkus ay ang narinig ni Rachel ay ang pagsisisigaw ng kaniyang ina nang dahil sa sakit.
"Mom!" Malakas na sigaw ni Rachel. Nanlumo si Rachel dahil naloko siya ng unknown caller. Dinig sa kabilang linya ang mga tunog ng paghampas kasabay ng pagsigaw ng ina ni Rachel. Huli na dahil nalagutan na ng hininga ang kaniyang ina.
Agad nitong ibinaba ang linya at napahagulgol nalang sa galit at puot. Tinignan muli niya ang patay na katawan ni Sandy at nakaramdam siya ng guilt.
Napagdesisyunan niyang kunin na rin ang kaniyang buhay. Dinampot niya ang swiss knife na nasa sahig at isinaksak ito sa kaniyang tiyan.
Unti-unti siyang nalagutan ng hininga at bumagsak sa sahig habang dumadaloy ang napakaraming dugo galing sa kaniyang katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro