Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

OSS#5: Last Kiss

OSS #5: Last Kiss

Nicolo's POV

7 years ago, I met a girl named Shana Shantal. She has brown, short hair and has bangs covering her cute and adorable face. She's shorter than me and thin.

We've been friends for 5 about years already. Yung tipong close talaga kami sa isa't-isa at hindi mapaghiwalay. Gala kami ng gala kahit saan. Kung saan siya, andun din ako. Mas lalo pang tumatag ang aming pagkakaibigan as years pass by. Unti-unti akong nahulog sa kaniya at alam ko rin na ganoon din nararamdaman niya para sa akin. But everything changed because of an event I never expected to happen 2 years ago.

**

"Shana! Dalian mo jan, uwing uwi na ako!" sigaw ko.

"Teka lang, samahan mo kaya akong magligpit ng mga gamit dito!" pikon na saad niya. Andun kasi siya sa kwarto nagliligpit ng gamit namin.

"Eto na, eto na," agad naman na tugon niya. Halatang-halata sa boses niya na napipikon na siya dahil siya ang nagligpit ng gamit namin. Natalo ko kasi siya sa chess kaya ayun yung dare.

Alas sais na kami umalis, nagdate lang naman kami. Pinanood namin ang paglubog ng araw. Favorite kasi naming gawain ang manood ng sunset kaya tuwing weekend ay pumupunta kami sa taas ng bundok na malayo sa siyudad kaya dapat pag nagpupunta kami dito ay maaga na kaming babiyahe.

Bago ako bumaba ng kotse niya ay hinalikan niya ako. Hindi na bago ang paghahalik niya sa akin dahil normal lang na gawain namin 'yon. We know we like each other but hindi pwedeng mangyari ang gusto namin because we don't want to ruin our friendship.

"See you tomorrow! Maaga ka ha? 8am!" bilin niya sa akin. Magkikita kami sa church bukas. Ewan ko bakit maaga niya ako pinapapunta eh 9 naman start ng mass dito sa amin. Sa aming dalawa, siya talaga yung mas gustong magpunta sa simbahan. Napakamabuti niyang tao at malaki yung faith niya kay God at yun ang nagustuhan ko sa kaniya.

***

"Hi Shana! Kanina pa ba dito?" bati ko. Kakarating ko lang sa church at napansin kong nababagot na ata si Shana sa pag-aantay sa akin.

"Hindi naman, sakto lang. Ano, tara na?" palusot na sabi niya. Alam ko naman na kanina pa yang nabwibwisit sa pag-aantay sa akin HAHAHAHA.

"Pasok na tayo sa church," pag-aya ko at pumasok na nga kami sa church. Hindi pa naman nagsisimula ang mass kaya sakto lang ang dating ko.

"Hey, gusto mo ba kumain after natin magsimba?" pag-aya ko kay Shana. Aba't di ako narinig ha? Tinapik ko yung balikat niya at napatingin siya sa akin.

"Ha? May sinasabi ka?" sabi niya. Ewan ko lang, medyo bingi din tong si Shana minsan.

"Hays, ang sabi ko gusto mo ba kumain after ng mass?" pag-uulit ko.

"Ay hahahah sige," sabi niya. Nagsimula na ang misa kaya natigil na yung pag-uusap naming dalawa.

"Saan mo gusto kumain?" pagtatanong ko sa kaniya. Alam ko namang iisa lang na restaurant ang sasabihin niya pero baka malay ko iba pala sambitin niya this time.

"Same place as always," sabi niya at ibinalik ang kaniyang atensyon sa harap.

After naming magsimba ay pumunta kami sa restaurant kung saan kami unang nagkita. Ito na ang naging signature restaurant naming dalawa. Bukod sa dito kami unang nagkita ay masasarap talaga ang hinahain na mga pagkain dito.

"Anong order mo?" tanong ko kay Shana. She gave me a bored look. Okay I get it. Pft.

"Syempre, may bago pa ba? Dati parin," sabi niya. As always, paborito na niya ring i-order yung nakasanayan niyang kainin kapag dito kami kumakain.

Pagkatapos na kumain ay nagkwentuhan muna kami saglit at umalis na kami para manood ng sunset.

"Anong oras na?" I asked her while driving.

"Uhmmmm-," napansin kong iniangat niya ang wristwatch niya. "3:50 na," she continued.

"Kailangan nating magmadali," I said.

"Teka, hindi ba't ang aga nating dumating dun kung dadalawin natin yung place?" she asked me. Oo nga no? Pero yun nga yung point. Dapat maaga, I have no less time left already.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makabonding don? Yung tayo lang naguusap at walang maingay kundi ang mga ibon at dahon lang?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman, sige kung jan ka masaya," She kissed me on my cheek. Sa tuwing hinahalikan niya ako ay nag-iinit yung sistema ko.

***

"HAHAHA grabe, ba't parang ngayon ka lang naging ganiyan? Yung hindi seryoso?" tawang tawa na tanong ko kay Shana.

"Bakit? Bawal ba? Anong oras na ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Hindi naman bawal. Uhmmm 5:10 na. Tayo na para mas matanaw natin ang paglubog ng araw," masiglang pag-aaya ko sa kaniya.

Tumayo kami at pinagmasdan ang araw na lumubog, tahimik lang kami. Grabe ang ganda naman nito.

Nang kokonti na lang ang nakikitang bahagi ng araw ay may naisip akong sasabihin. Ito na ang tamang oras.

"Uhmm, Shana may sasabihin sana ako," nauutal na sambit ko. Napansin kong hindi siya tumingin sa akin. Siguro ay nakafocus siya sa pagtatanaw ng sunset.

"Ano yon Nicolo?" tanong niya sa akin. Hinatak ko si Shana papunta sa akin at niyakap siya nang mahigpit.

"Gusto kita, gusto kitang maging akin at mahal kita higit pa sa pagiging kaibigan. Alam mo naman 'yon diba? At alam kong ganun din ang nararamdaman mo pero mas pinili nating kalimutan ang nararamdaman natin para sa isa't isa," pagpapaliwanag ko sa kaniya. Ewan ko, hindi ko na maiwasan ang feelings ko para sa kaniya. Mahal na mahal ko talaga siya.

"Mahal din kita. Tsaka teka! Ba't ang drama mo naman ata ngayon?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa mukha niya at naluluha na din ako.

"Bago ako umalis, nais kong yakapin mo ko at halikan muli," sabi ko na ikinagulat niya. I know shocked din siya sa sinabi ko kasi lumaki yung mga mata niya.

"Anong nang-," hindi na naituloy ni Shana ang kaniyang sasabihin nang bigla ko siyang hinalikan. Isang halik na malalim na tila wala nang bukas, mas humigpit ang yakap niya sa akin at ganun din ang ginawa ko. Matapos ko siyang halikan ay lumayo siya nang konti.

"Paalam, Shana. Mag-iingat ka palagi. Magkikita din tayo, pero hindi pa ngayon," sambit ko bago unti unting nawala kasabay ng pagdilim ng kapaligiran. Mahirap ipaliwanag sa kaniya ang mga nangyayari ngunit mas pinili kong wag sabihin sa kaniya.

"Nico! Nico! Asan ka na? Nico! Nico!" paulit-ulit at umiiyak na sigaw ni Shana. Tanaw na tanaw ko siya mula sa malayo.

"Shana!" I whispered.

"Nico? Nico?" maiyak-iyak niyang sambit.

***

3rd Person POV

"Liza, bumangon ka nga jan. Alas syete na, sasamba pa tayo, tsaka pupunta ka pa sa sementeryo," bungad ng pinsan ni Shana sa kaniya. Punong puno ng pawis ang buong katawan ni Shana.

"Asan si Nico?" tanong ng binibini sa kaniyang pinsan. Hindi mapakali ang dalaga. Binigayan siya ng pinsan niya ng bimpo upang ipamunas sa tumatagal na mga pawis.

"Matagal nang patay si Nico," sambit ng pinsan.

"Hindi! Hindi siya patay. Pumunta kami kahapon sa bundok. Tapos kanina, sumamba kami, kumain kami sa restaurant at kumain ng paborito namin pagkain tsaka kami nanood ng paglubog ng araw," pagpapaliwanag ng babae sa kaniyang pinsan.

"Patay na nga si Nicolo, matagal na. Tsaka ikaw lang mag-isa ang pumunta sa bundok kahapon. Pagdating mo dito kagabi, hindi ka na makausap nang maayos. Akala nga namin lasing ka eh," paliwanag naman sa kaniya ng pinsan.

Ilang minutong natahimik si Shana. Hindi niya namalayang umaagos na pala ang mga likidong galing sa kaniyang mga mata. Dalawang taon na ang lumipas pero hindi niya pa din makalimutan si Nicolo. Namatay siya dahil sa Brain Cancer, two years ago. Pero sa mismong araw bago siya mamatay ay nagpunta silang dalawa nina Shana at Nicolo sa bundok. Umamin ang binata sa dalaga at nagpaalam.

"Ingatan mo ang sarili mo, mag-aral kang mabuti para maging doctor ka na. Sayang at hindi ko maabutan, gusto ko sana na ako ang una mong pasyente kaso hindi ko na kaya," ito ang huling sinabi ni Nicolo kay Shana pagkatapos niya itong halikan at bago siya maputulan ng hininga.

Napagtanto ng dalaga na wala na nga talaga ang kaniyang pinakamamahal na kaibigan at mahal sa buhay. Tanging mga larawan, damit at mga natitirang pag-aari ni Nicolo ang naiwang ala-ala. Tanging pagbabalik-tanaw nalang ang magagawa ng dalaga sa mga masasayng ala-ala na nagawa nila ni Nico. Kahit na mahirap ay pinipilit ni Shana na kalimutan ang lahat ng mga nangyari at sinusubukang magpatuloy sa buhay nang hindi na kasama si Nicolo.

-----------------------------------------------------------

[A/N]: Kamusta na mga readers? Orayt walang nagbabasa HAHAHAHA anyways, keep voting and reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro