OSS#4: Shattered Memory
OSS #4: Shattered Memory
Raea's POV
"Babe, anjan ka na sa place?"
"Di pa ako ready."
"Babe, asan kana?"
"Di ka nagrereply."
Pagtext ko kay Kiefer ng sunod-sunod. Eh ayaw ba naman ako sagutin sa text at mga tawag ko. Sabi niya kasi sa akin kanina na magkikita kaming dalawa sa isang restaurant. Ewan ko ba kung para saan at siyempre magbibihis ako ng maganda, malay mo date na pala yun. Di pa nga ako nakakaalis sa bahay, kinikilig na ako.
"Basta punta kana dito asap," message ni Kiefer sa akin. Ay? Demanding? Dejok, kung di ko lang talaga mahal to eh namura ko na to ng de oras.
"Okay coming," pagreply ko sa kaniya.
***
Nakasakay na pala ako ng taxi. Papunta ako ngayon sa restaurant na pagkikitahan namin ni Kiefer. Ewan ko kung bakit halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi na may hindi magandang mangyayari eh pero bahala na nga. Basta magiging masaya 'to, sana nga lang.
"Kuya, dito nalang po," utos ko sa driver ng taxi. Ibinaba na niya ako sa harap ng restaurant na sinabi ni Kiefer. Agad ko naman siyang nakita na naghihintay sa loob. Binayaran ko na ang taxi driver at nagpasalamat bago ako pumasok sa resto.
"Eto po, salamat po," pagbibigay ko ng bayad sa driver. Pumasok na ako at baka naiinip na siya sa pag-iintay. Nakakadismaya kasi alam nyo? Bihis na bihis ako. Nagdress pa ako ng bonga tapos nakashorts lang siya at nakapolo? Masyado lang ata akong assuming na magiging date to.
"Babe, kanina ka pa?" pagbati ko kay Kiefer at humalik sa kaniyang cheeks. Hays kahit kailan ang bango niya talaga.
"Ganda mo ngayon ah?" pambobola niya sa akin.
"Sus, kahit kailan di ka parin nagbabago, mambobola," feeling ko namumula mukha ko sa sinabi niya. Eh ano magagawa ko, madali kaya ako kiligin.
"Oh umorder ka muna," pag-aya niya sa akin sabay abot sa menu.
"Eto nalang sa akin," pagturo ko.
"Sige. Waiter!" Pagtawag niya sa waiter at inorder na ang mga napili naming kakainin.
"Oh bakit mo naisipang magkita ngayon? Miss mo ako no?" sabi ko. Nakita kong umiling siya kaya nagtaka ako. Hindi naman siya makikipagkita sakin sa isang restaurant kung hindi kami magdadate eh.
"Oh ano pala babe?" sabi ko habang hinahawakan ang kamay niya. Agad niya naman itong kinalas sa pagkakahawak ko.
"Oh, bakit ka nagkakaganiyan? May problema ba babe?" pag-aalalang sabi ko. Hindi rin siya makatitig nang diretso sa mga mata ko.
"May sasabihin sana ako," malungkot na sabi niya sa akin. Heto na nga ba sinasabi ko.
"Ano naman? Alam mo, pinapakaba mo ako," kinakabang sambit ko at itinawa nalang Ito.
"Eh k-kasi. Seryoso nga kasi," nauutal na sabi niya. Halatang kinakabahan, pero bakit ako pa yata ang mas kinakabahan. Alam kong hindi maganda ang mangyayari ngayon.
"Ano?"
"Huwag kang mabibigla ha?" sabi niya. Paanong di ako magugulat eh parang masama namang balita ang matatanggap ko ngayon.
"Oh sige sabihin mo na kasi."
"Oh sige basta wag ka magagalit," paninigurado niya.
"Oo nga," seryosong sabi ko.
"Eh kasi b-bakla ako," nahihiyang sambit niya. Ha?
"Ha?" Wala na akong ideya kung bakit ko nabigkas yun.
"Sabi ko bakla ako. Ok lang ba?" sabi niya sakin. Shet. Bakla siya. Hind ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon.
"Ah ganun ba. Pero mahal mo ako?" sabi ko sa kaniya. Sayang, perfect na sana siyang boyfriend eh. Hindi ko alam kung maiinis ba ako or matatawa sa sinabi niya.
"Oo, noon."
"Anong noon? Ngayon hindi na?"
"O-oo," nauutal niyang sagot. Sakto namang dumating yung inorder namin na pagkain.
"Siya nga pala, si Dean, boyfriend ko," pagpapakilala niya sakin.
"Ha?!" napasigaw nalang ako sa nalaman ko. Yung waiter? Boyfriend ng boyfriend ko? Amp hindi na nakakatuwa to.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Nakakainis lang. Ayos lang sana kung bakla basta akin ka parin eh may boyfriend ka narin naman pala!" hindi ko na maiwasang magalit sa kaniya at napasigaw nalang ako.
"Raea, sorry talaga. Hindi ko masabi sayo noon kasi di kita kayang saktan," pagdadahilan niya. Sus, akala niya hindi ako nasasaktan ngayon.
"Oh bakit? Mas hindi na ba ako nasasaktan ngayon? Mismong sa restaurant pa na'to? Kaya pala palaging dito tayo nagdedate. Alam ko na ang dahilan," sambit ko at napairap sa waiter na nakatayo ngayon sa gilid naming dalawa. Ewan, gusto ko talaga sumabog ngayon pero dahil nasa public kami kaya nagawa ko pang makapagpigil.
"Sorry na babe," pagpapaumanhin niya sa akin.
"Sorry? Babe? Di ka ba nahihiya? Babe? Mandiri ka nga, kala ko ba may boyfriend kana?! Dun kana! Alis na ako, there's no point of staying here. And lastly, let's officially break up. Thank you," inis na sabi ko. Agad akong napatayo at lumabas sa restaurant. Nakita kong humahabol si Kiefer sa'kin kaya binilisan ko nalang ang pagtakbo ko. Lumabas akong luhaan. Hindi ko talaga mapigilang mapaluha. Eh ang tagal na naming magjowa tapos ngayon lang niya sinabi?
"Sabi niya walang lihim at sikreto sa isa't-isa," mahina kong sambit habang tumatakbo parin papalayo sa restaurant.
Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang sakit ng ulo ko, mas makirot naman sa dibdib ko. Ang sakit lang. Yung taong minahal mo nung una palang, biglaan nalang nagladlad. Eh sana umamin na siya nung una para makaiwas na ako sa sakit mararamdaman ko gaya ngayon.
"Fuckkk!" napamura nalang ako nang naramdaman kong sumakit yung katawan ko. Natapilok ako, hindi ko namalayang may bato pala eh nakatakong pa naman ako ngayon.
"Sh*t! Ang sakit!" pag-daing ko sa sakit. Nakita ko nalang na may dugong tumutulo galing sa tuhod ko. Sh*t, takot pa naman ako sa dugo. Feeling ko mahihimatay nanaman ako neto.
Inikot-ikot ko ang mga paningin ko sa paligid. Baka sakaling may matanaw ako. I need help. Nakadress pa naman ako. Sayang yung porma ko ngayon tsk.
"Hoyyyy! Lalaki! Patulong naman ako oh!" pagturo ko sa lalaking nakatayo malapit sa akin.
"Ako ba?" pagtatanong niya.
"Malamang ikaw, sino ba pa? Meron bang ibang tao dito?!" pamimilosopo ko. Kaasar! Napatingin naman siya sa kaniyang palagid at napansing kami lang ang nandito sa liblib at madilim na iskinita.
"Ay, ako nga. Teka. Demanding mo naman masyado," sabi niya at lumapit sa akin.
"Oh ano. Titignan mo lang ako? Di mo ko tutulungan?" pagtatanong ko sa kaniya. Mumurahin ko na sana to kung di lang to gwapo. Duh! Marupok kaya ako. HAHAHAHAHA
"Ah eh sorry, namangha lang ako sa kagandahan mo hehehe," nahihiyang sabi niya. Inalalayan niya akong tumayo at pinaupo sa may gilid.
"Ayos ka lang?" mukha ba tong maayos? Tss. Kung hindi lang talaga to gwapo, kanina ko pa to sinapak.
"Hindi," maikli kong sagot. Syempre dapat tayong magpakamarikit.
"Ay, okay. Ay shit daming dugo! Napano kaba?" pagtatanong niya sa akin. Wow, caring? Sana ol diba?
"Ha? Anong dugo? W-wala nam-," tatapusin ko na sana ang sasabihin ko nang makita kong madami nang dugo ang tumutulo galing sa tuhod ko. Sh*t dugo?! Di ko na namalayang nahimatay na pala ako.
***
Nagising ako sa ingay na nangagaling sa isang tv.
"Hmmm? S-san ako?" mahina kong sambit.
"Oh, gising ka na pala?" he asked. Siya nga pala yung kanina. Teka? Asan ako? Pinagmasdan ko ang kwarto at napansin kong hindiakin ito.
"Obviously? Pero teka? Nasaan ako!?" inis na sabi ko sa kaniya. Tsk mukha ngang wala siyang pake at hindi ako nilingon.
"Wow!" sabi niya. Naglalaro siya ng videogame ngayon. Tsk! Kinakausap tapos di tumitingin sa kausap. Bastos talaga. Pero hindi sa akin itong kwarto, or di kaya?
"Hoy! Kindapper ka ba?! Shit!" I cursed. Napasigaw ako dahil nga kinapping na ito. Baka mapano pa ako dito.
"Help! Tulong! May kidnapper! Tulong!" sigaw ko habang nagpulumulit na tumayo. Hindi ako nakatayo dahil sa sakit ng katawan ko.
"Shh! May natutulog na mga kapitbahay," he said calmly. Nagawa niya pang kumalma?
"And second, di ako kidnapper kaya stop shouting," he said while still focused in his game.
"Eh ano? Bat nandito ako? Nasaan nga ako? Baka nag-aalala na mga parents ko dahil nawawala yung maganda nilang anak," sabi ko. Napahairflip naman ako ng de oras. Duh.
"Hangin ah. Sabagay maganda ka nga naman talaga." sabi niya at pinatay yung tv. Mukhang tapos na siyang maglaro.
"I'm stating a fact duh!" napairap nalang ako sa ere at humiga nalang ulit. Ano pa bang magagawa ko eh hindi ako makatayo. Edi dito nalang muna ako.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Umupo siya sa side ng bed na kinahihigaan ko.
"Are you feeling okay already?" he asked. Wow, may pake din naman pala to sa akin.
"Sort of?" sagot ko. Okay na naman talaga ako, masakit nga lang katawan ko. Ha? Ang gulo ko no? Ewan basta okay na ako.
"Nahimatay ka kanina habang nag-uusap tayo sa street," sabi niya. Ahhhh. So?
"Tapos?" pagmamalditang tanong ko. With matching irap pa yan ha.
"Maldita talaga. Tinulungan lang naman kita kasi nahimatay ka kanina nang dahil lang sa dugo," natatawang pagkwekwento niya. At nagawa niya pa akong laitin dahil lang nahimatay ako sa dugo?
"Nakakatawa ba yun? Tsk. Kung di ka lang talaga gwapo nako!" syempre mahina lang yung last part. To be honest, gwapo nga siya. Maputi siya tapos ang tangos ng ilong. Tsaka bulky din, yummy mga mamshie.
"Ha?" takang tanong niya.
"W-wala. Sabi ko ang p-pangit mo," nauutal kong palusot. Iniwasan ko siya ng tingin. Tae, nakakatunaw siya tumingin.
"Pft. By the way, I'm Vlad," pagpapakilala niya sabay ngumiti. Shit! Nakakafall yung ngiti niya. Ang bango niya talaga, abot hanggang dito yung amoy.
"R-raea," pagpapakilala ko habang umiiwas parin ng tingin sa kaniya. Nakipagshake hands siya sa akin. Ang lambot ng kamay. Di ko na namalayang nakangiti na pala ako habang nakatingin sa kaniya.
"U-uhm, pwede mo ng bitawan kamay ko," sabi niya at nabalik naman ako sa senses ko. Agad kong tinanggal sa pagkakahawak ang kamay ko.
"S-sorry hehe," sabi ko sabay iwas ng tingin. Humiga nalang ulit ako. Tae, bakit ba kasi ang pogi nito. Nawawala tuloy ako sa sarili ko.
"Hoy landi mo Raea," mahinang bulong ko sa sarili ko. Okay, kalma lang yung puso! Broken ka diba? Lakas pa ng guts na lumandi ha?
***
Vlad's POV
Habang hawak hawak ko ang kamay ni Raea ay di ko maiwasang kiligin. Ang lambot pa ng kamay at maliit. Ang cute lang ng kamay niya. Napansin ko siyang nakangiting tumititig sa akin.
"U-uhm, pwede mo ng bitawan kamay ko," nauutal kong sabi. Shit! Wag kang kabahan Vlad! Umayos ka. Orayt.
Kumalas na siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Napansin kong namumula yung mga pisngi niya. Cute niya. Single pa ba kaya to?
"S-sorry hehe," sambit niya sabay iwas ng tingin sa akin. Humiga nalang siya ulit at hindi ako pinansin.
"Nagugutom ka ba?" pagtatanong ko sa kaniya.
"Medyo," pagsagot niya habang di pa rin tumitingin sa akin. Pft.
"Ano gusto mo kainin?"
"Kahit ano nalang," sabi niya. May pagkain bang kahit ano nalang? Napailing nalang ako at dumiretso sa kitchen.
Tinignan ko ang fridge kung anong meron. Siguro mahilig naman siya sa ice cream diba? Ubos na kasi yung mga chocolates. Eto nalang.
Bumalik na ako sa bed na kinahihigaan niya dala-dala ang isang lalagyan ng ice cream at spoon.
"Hey, ice cream lang ang nandun sa ref eh," Sabi ko. Bumangon siya sa pagkakahiga at tinitignan ang dala kong ice cream.
"Wahhhh! Ice cream? Talaga? Omo! Favorite ko yung ice cream. Tsaka chocolate flavor? Fav ko din. Wahhh!" Napatakip ako sa tenga dahil sa sobrang lakas niya sumigaw. Takte.
"Shhh, may mga natutulog na. Hinaan mo boses mo," pagsuway ko sa kaniya. Agad naman siyang huminahon. Hinablot niya sa mga kamay ko yung ice cream at nagsimulang kumain.
"Hehehe kain na ako. Salamat," sabi niya at ngumiti. Shit. Nakakakilig yung mga ngiti niya.
Tinitignan ko lang siyang kumain. Mukhang paborito nga niya yung ice cream. Nakakakalahati na siya ng lalagyan eh. Bilis umubos ng ice cream. HAHAHAHA.
"Oh? Gusto mo?" pagtatanong niya sa akin. Sasagot na sana ako ng oo pero inunahan na niya ako.
"Bawal. Akin lang to," sabi niya at nagpout pa. Pft. Bahala na nga siya.
"Oh sige. Mukhang kulang pa yang isang lalagyan ah?" pang-iinis ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng masama.
"What?" takang tanong ko.
"Wala!" sabi niya at inirapan ako. Nagpatuloy naman siya sa pagkain ng ice cream.
Nag-usap lang kami ng magdamag pagkatapos niyang kumain ng ice cream. Ang daldal nga eh. Ako naman? Panay tango nalang ako at sabi ng
"Ahhh," Ewan ko. Ang daldal niya pero mas maganda na din yun kaysa sa maging awkward kami sa isa't isa dahil sa tahimik.
Napahinto siya sa pagkukwento niya at tumingin sa akin.
"What?" I asked.
"Wala ka bang ibang sasabihin kundi 'Ahhh'?" pagtatanong niya sabay cross arms.
"Eh sa wala nga talaga akong masabi," sabi ko. Totoo naman, di rin ako madaldal.
"Nauubos na laway ko sa kakasalita tapos panay ahhh ka lang diyan," inis na sabi niya. Napailing-iling nalang siya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"You know what? You remind me of someone." sabi niya sa akin.
"Sino naman?" takang tanong ko sa kaniya. Napaisip naman siya dahil natagalan siya sa pagsagot.
"Ewan ko. Basta I think I met you already dati. Di ko lang talaga maalala," sabi niya at ginuoo yung buhok niya. Napabuntong-hininga nalang ako at tinignan lang siya.
***
Ayun nakatulog na siya dahil sa kadaldalan niya. Nandito lang ako sa tabi niya, minamasdan yung maganda niyang mukha. Ang ganda niya parin kahit natutulog.
"Ang ganda mo parin talaga Rey," sambit ko habang hinahawakan yung mukha niya. I guess hindi niya talaga ako naaalala after ng accident. I sighed at inayos yung kumot niya.
"Rest well, love," mahinang bulong ko sa sarili ko. Di ko maiwasang mapaluha. Pumunta na ako sa sofa para matulog.
------------------
[A/N]: Thank you sa mga nagbabasa kahit kaunti palang kayo. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa mga bumabasa ng walang kwenta kong mga story HAHAHAHAH. ANYWAYS. Keep reading and please vote narin hohoho.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro