Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

OSS#2: Switched

OOS #2: Switched

Xavier's POV

"Xavier! Maghugas ka na ng mga labahan," my stepmom shouted. Kakahiga ko pa lang sa bed ko ay may utos na naman siya. Of course, hindi ako makakatanggi kasi nga stepson lang niya ako at pinapalamon lang niya ako.

"Opo, maglalaba na," pasigaw kong sabi sa kaniya.

"Aba't sinisigawan mo na ako?" galit na tanong niya sa akin. Minsan nakakalito siya, kapag sumasagot ako ng mahina, sasabihin niyang pipi ba daw ako, tapos ngayon na sinigaw ko na, sasabihin niyang sumasagot na ako.

"Hindi po, gagawin ko na inuutos niyo," sabi ko in a sweet tone. Syempre ayaw ko siyang magalit.

"Ok, good," sabi niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Xian, yung REAL na anak ng stepmom ko. As expected, nakahiga lang sa sofa habang naglalaro ng PlayStation. Tsk, swerte. Well, ako lang naman ang utusan dito sa bahay. Hindi naman ako nagrereklamo eh, nakakainis lang kasi wala siyang ginawa buong araw kundi maglaro nang maglaro.

"Sagot pa, loser," Pang-iinis sa akin ni Xian. Kung wala lang dito si mom, kanina ko pa nasapak to. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

***

Ayun, naglaba na ako. Ang sakit na nga ng kamay ko. Matapos kong maglaba ay bumalik na ako sa kwarto ko para magpahinga muna.

At saktong tanghali na nung matapos ako. Naabutan ko silang dalawa na kumakain sa kusina ng tanghalian. Amoy na amoy ko yung lechon manok na ulam.

"Pwede makisalo ma?" tanong ko kay mama. Oo mama tawag ko sa kaniya, di ako sanay sa stepmom eh. Ang problema lang, ayaw niya na tinatawag ko siyang mama pero matigas ulo ko eh.

"Mama ka diyan? Mamaya ka na kumain pagkatapos namin," as always, ako lang palagi mag-isa ang kakain. At ang worst, tira tirang pagkain nalang palagi binibigay sa'kin na para bang isa akong aso.

Bumalik na ako sa kwarto ko kahit na gutom na gutom na ako. Siguro matutulog nalang muna ako dahil Alam kong matagal-tagal din yun kumain sila. Pagkapatong ko sa bed ko ay agad akong dinapuan ng antok.

***

Nagising ako dahil ang ingay nilang nag-uusap sa labas. Di ko kasi sinarado ang pinto kaya dinig na dinig yung usapan nila. Nagpretend lang ako na tulog kasi nasa tapat sila ng kwarto ko nag-uusap.

"Ano ba yang si Xavier, ang tamad. Palaging natutulog, wala namang ginagawa," inis na sabi ni mama. Ha? Ako? Walang ginagawa? Baka si Xian? Minsan nakakainggit talaga siya. Ako nalang palagi pinag-iinitan ng ulo ni mama.

"Oo nga ma, ba't di mo siya palayasin? Tutal wala naman po siyang silbe dito," nagsalita ang may silbe sa bahay, si Xian -_-

"Sige, sa susunod nalang anak," sambit ni mama. Ano? Papalayasin talaga niya ako?

Pagkatapos ng usapan nila ay umalis na sila. Di ko mapigilang mapaluha sa mga marinig ko. Sino bang hindi? Papalayasin ka knowing na 19 years palang ako. Wala akong mapupuntahan. Ginawa ko naman lahat eh. Bakit parang kulang pa rin sa kanila? Minsan nga nababatuhan pa ako ni mama ng mga masasamang salita gaya nung nakaraang alitan namin.

*Throwback*

"Xavier, kunin mo yung juice sa ref, Yung nasa glass na lalagyan," Utos sakin ni mama.

"Opo," kinuha ko na yung pinauutos niya at ibinigay sa kanila. Alam ko namang di ako makakainom nito dahil hanggang tubig lang talaga ako kapag andito ako sa bahay. Sa school nga lang ako makakatikim ng iba pang inumin at pagkain.

Sa di inaasahang pagkakataon, nadulas yung hinahawakan kong lalagyan na may juice at nabasag. Shit!

"Hala! Sorry ma!" sabi ko kay mama. Nabasag yung paborito niyang lalagyan ng juice! Mabasag na lahat wag lang yung mga paborito niyang mga gamit. Patay ako nito.

"XAVIER! YUNG LALAGYAN! Ang tanga tanga mo naman!" Inis na sigaw ni mama sa akin.

"Walang kwenta ka talaga! Simpleng pag-abot lang ng juice di mo magawa!" Dagdag pa niya.

"Wala ka ngang silbe dito tapos yan pa ipapakita mo sakin? Yung paborito kong lalagyan! Binasag mo!" walang humpay yung pagsesermon niya sa akin.

Bakit kapag ako yung nagkakamali kahit once lang, todong todo yung galit at pagsesermon. Pero kapag si Xian nagkamali or may nagawa, di niya pinapagalitan. Ako nalang palagi. Unti-unting tumulo yung luha ko. Oo kasalanan ko, pero kahit na once lang ako nagkamali, ganun na kasakit ang mga binibitawang mga salita ni mama.

"Oh! Iiyak-iyak ka pa diyan? Maayos ba yan? Nako! Isa nalang talaga at mapapalayas na kita sa pamamahay ko," sabi niya. Kinabahan ako sa sinabi ni mama. Okay nalang na makarining ng mga masasakit na salita wag lang yung word na "layas" kasi alam kong wala akong puntahan.

"Bumalik ka na nga sa kwarto mo! Walang silbe!" utos niya sakin. Bumalik nalang ako sa kwarto ko.

*End of throwback*

Bigla nalang bumuhos yung luha ko habang iniisip yung mga pangyayaring iyon. Minsan naiisip ko na bakit pa ako nabuhay. Ano ba talagang silbe ko dito sa mundo. Nag-attempt na akong kitilin ang buhay ko pero failed pa rin. May mga peklat na nga ako dulot ng paglalaslas pero di naman yun napansin nila mama. Buong buhay ko, ako lang mag-isa. Para bang wala akong kakampi. Nakakaawa no? Pft.

Bumangon na ako para kumain. Gutom na gutom na talaga ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso na ako sa kusina. As always, tira tira lang ang nandito. Kahit na nakakasukang kainin, pipilitin ko nalang kesa sa walang makain. Bawal din akong mag-open ng fridge or magluto. No choice.

Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong manghingi ng pera kay mama.

"Ma, can I ask for some money?" paalam ko sa kaniya.

"For what?" tanong niya habang masamang nakatitig sa akin.

"Bibili lang ng notebook at pen. Naubos na ink na pen ko at wala narin akong notebook," paliwanag ko sa kaniya. Siguro naman papayagan na ako niyang bumili.

"How much?" tanong niya. Kahit na kinakawawa niya ako, marunong naman siyang magbigay ng pera sakin kahit papaano, pero dapat importanteng bagay lang ang papupuntahan ng perang ibibigay niya.

"100 ma," sabi ko.

"Oh eto, bumalik ka kaagad dahil may ipapagawa ako. Dali-an mo," sabi niya. Kaya 100 hiningi ko kasi bibili na din ako ng pagkain, unti lang kinain ko kanina kasi nga di kaya ng sikmura ko.

Umalis na ako ng bahay at tumungo sa supermarket para bumili ng pagkain at dumiretso na ako sa bookstore. Malapit lang naman bahay namin dito sa supermarket at bookstore. Kinain ko na muna mga binili kong pagkain sa labas bago bumalik sa bahay. Alam ko namang bawal ako magdala ng pagkain sa bahay.

***

"Oh nakabalik ka na pala. Hugasan mo yung pinggan," utos sa akin ni mama.

"Opo," sabi ko. Nilagay ko muna yung nabili kong notebook at pen sa kwarto ko at naghugas na ng pinggan.

Sa kalagitnaan ng paghuhugas ko ay di ko sinasadyang mabasag yung plato. Ang lakas ng ingay na ginawa ng pagkabasag. Sure akong narinig iyon ni mama dahil nagtanong siya kung ani yun. Patay na naman ako.

"Anong nangyari?!" Tanong sakin ni mama. Unti-unti kong pinakita yung nabasag kong plato. Sure akong nanginginig kamay ko sa takot.

"Nakabasag ka na naman?! Wala ka ng ginawang tamang bata ka! Inutil!" sabi niya. Sinampal niya ako. It hurts! Sorba. Napakapa naman ako sa mukha ko.

"Yan! Wala ka ng ginawang tama! Tapusin mo na yan! Pinapainit mo ulo ko Xavier! Stepson lang kita kaya pwede kitang palayasin!" sabi niya. Kinabahan na talaga ako.

"Sorry ma. Di na po mauulit," paghingi ko ng patawad sa kaniya. Hahawakan ko na sana siya sa kamay pero tinulak niya ako.

"Dun ka nga! Tapusin mo na yan," sabi niya at nagwalk-out. Kundi ko lang talaga siya mahal, nako.

Tinapos ko na yung paghuhugas habang umiiyak. Wala akong magagawa. Bumalik na ako sa kwarto pagkatapos nung paghuhugas ko.

Mahilig akong magsulat sa diary ko. Ang bakla man pakinggan pero nagsusulat ako ng messages ko sa diary ko. Oo, diary. Wala naman akong makausap eh, at wala din akong mga kaibigan na makakausap sa facebook. Kaya through writing ko nalang sinusulat mga nararamdaman ko.

Binuksan ko yung bago kong biking notebook. Nagsimula na akong magsulat ng kahit ano tungkol sa mga nararamdaman ko this day. At everyday akong nagsusulat.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako habang nagsusulat.

***

Nagising ako sa ingay ng pag-uusap. Di ko nanaman sinarado yung pinto. Palagi ko kasing naiiwang bukas at nakakalimutan kong isara.

I accidentally overheard their conversation. Si mama at Xian. I know palagi nila akong pinagsasabihan ng masasamang salita sa likod ko pero di ko na yun pinapansin. Pero iba ngayon.

"Ma, ang bobo ni Xavier oh look. Yung grades niya ambaba compared to mine. Halatang bobo," pang-aasar ni Xian at sabay silang tumatawang dalawa.

"Shh, hinaan mo boses mo anak, baka marinig ka nung inutil na yun," dagdag pa na pang-aasar ni mama.

"Palayasin ko nalang kaya siya? Tutal he's irresponsible, ang tamad at wala nang ginawa kundi matulog nalang. Tapos hingi pa ng hingi ng pera. Palamunin pa naman," sabi ni mama at tumawa sila ulit. Nawala na yung mga boses. Alam kong umalis na sila.

Ang sakit. Literally, ang sakit talaga. What have I done to deserve this life? Lahat na ginawa ko para mahalin ako pero bakit parang kulang pa rin? Limot na ba nila? Sinarado ko yung pinto. Di ko na napigilan mapaluha ng sobra. Ang sakit lang talaga sa pakiramdaman. Tinuring ko silang pamilya tapos ganiyan pakikitungo nila? Kinakawawa pa nila ako. May inorder akong poisonous substance dati. Tinago ko baka makita nila mama. Yun sana iinumin ko dati pero naglaslas nalang ako. Pero mukhang magkakasilbe yun ngayong araw.

Di ko na talaga alam gagawin ko. Siguro kapag nawala ako, baka sasaya pa sila diba? Gusto ko na matapos lahat ng paghihirap ko. Di ko na talaga kaya. Kinuha ko yung poison at ininom ito. Unti-unti akong nakaramdam ng pananakit ng ulo at tiyan. At unti-unting nawalan ako ng malay.

3rd person POV

Matapos na ininom ni Xavier ang poison ay agad siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo at tiyan. Unti unti siyang napaupo at nakayanan niya pang magsulat sa notebook niya. Iyon na ang last message niya para sa mahal niyang mama at stepbrother. Ilang minuto pa ang itinigal niya habang nagsusulat at parang di na kakayanin ng katawan niya ang nainom niyang poison. Unti-unti siyang nanghina at nawawalan ng malay. May likidong lumabas sa bibig ni Xavier at nalagutan na siya ng buhay.

Walang kamalay malay ang dalawa sa ginawa ni Xavier. Isang araw ang lumipas at napansin ng mama ni Xavier na di lumalabas ng kwarto niya ito.

"Xian, tignan mo nga sa kwarto niya si Xavier," utos nito sa kaniyang anak na si Xian.

Agad na pinuntahan ni Xian ang kwarto ni Xavier. Pagkabukas niya ng pinto ay nakahandusay na ang malamig na katawan ni Xavier sa sahig.

"Maaaaa! Si Xavier!" napasigaw si Xian. Tinawag niya ang kaniyang mama upang papuntahin sa kwarto ni Xavier.

"Ano ba anak?" tanong ng mama niya. Pagkarating niya sa kwarto ay nagulat siya sa nadatnan niya. Ang walang buhay na si Xavier ay nakahandusay sa sahig.

"ANONG NAGYARI!" naprapraning na tanong ng mama.

"Hindi ko a-alam m-ma. Pagdating ko, nakaganiyan na siya," nanginginig na sagot ni Xian. Napansin nila Ang isang bote na may nakalagay na "Poisoning Substance" dito. Alam na nila kung ano ang nangyari. Uminom ng lason si Xavier.

Napaluha si Xian maging ang mama niya.

"Ma may sasabihin ako. Hindi ako si Xian. Siya po si Xian. Ako po si Xavier," sambit ng binata habang nanginginig na umiiyak.Simugo pa siya mamatay.

Kinuha niya ito at tumambad sa kaniya ang maraming mensahe.

04/22/20 (Friday)

Dear Diary,

Nakabasag nanaman ako. Patay ako kay mama. Hehehe.

04/23/20 (Saturday)

Dear Diary,

Ang lungkot ko ngayon alam mo ba? Yung feeling na binibitawan ka ng masasakit na salita ng mama mo? Miss ko na si mama.

Napaluha ng sobra ang mama sa nabasa niya. Di niya akalaing ganun pala kahirap ang pinagdaanan ng anak Niya.

04/29/20

Dear Diary,

I'm sure di na ako makakaabot sa birthday ni mama. Bukas na yun. Ewan ko. Di ko na kaya HAHAHAHA. Masakit lang talaga. I miss my old mom. The mom I used to have. Yung palaging nag-aalala sa akin. Yung palaging caring sa akin. Yung palaging nangangamusta kung okay lang ba ako. Hindi man ako showy sa feelings ko, pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko si mama. Kahit na di na niya ako maalala. Masaya na akong makitang masaya siya. If makikita mo ito mama, sorry ha kung di ako makakaabot sa birthday mo. Yung gift ko nakatago sa drawer ko mama. I wish you a Happy Birthday. It's better if mawala na ako kasi nga wala akong silbe hehehehe I hope na maging masaya ka mama. I will always be with you, babantayan ka. Sorry sa lahat. I love you Mama.

Dito na bumuhos ang lakas ng pag-iyak ng mama. Di niya alam na naging napakasama na niya palang ina. Ngayon ay sinisisi niya sa kaniyang sarili ang mga nangyari. Napakalaki ng pagsisisi ng ina sa nagawa niya. Naalala niya yung sinabi ng anak niya tungkol sa birthday niya. Binuksan niya ang drawer at tumambad ang isang picture frame na may picture ng kanilang pamilya.

Kitang-kita sa picture na masayang masaya sila. Umiyak ng umiyak ng todo ang ina at niyakap ang litrato. Nag-sisisi talaga siya sa ginawa nila pero di na iyon mababalik ang buhay ng munti niyang anak.

-----------------------------------------------------------

[A/N]: Babalik na talaga ako sa pagsusulat. Sana may babasa ng mga gawa ko kahit na hindi maganda HAHAHAHA. Pagtiyagaan niyo nalang. Vote na din kayo HAHAHAHA. Salamat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro